Photos


Ibinahagi ni National Economic and Development Authority Secretary Arsenio Balisacan sa press briefing ngayong araw na inorganisa ng Presidential Communications Office ang pag-apruba ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa dalawang mahalagaang inisyatibo ng pamahalaan sa infrastructure sector ng bansa. Ito ay ang pagpapalawig ng listahan ng 194 na flagship infrastructure projects sa ilalim ng Build Better More program at ang pagbabago sa 2013 NEDA Joint Venture guidelines para sa mas madaling pagpoproseso ng mga kasunduan sa ilalim ng Public-Private-Partnership.
Nagkaroon ng National Economic and Development Authority (NEDA) Board meeting ngayong Huwebes para sa pagtalakay tungkol sa tentative na listahan ng mga Infrastructure Flagship Projects sa ilalim ng programang "Build, Better, More" ng pamahalaan. Ayon kay NEDA Secretary Arsenio Balisacan, nasa 194 na proyekto na aabot sa halagang P9-trillion ang ang nasa kanilang listahan. Ilan sa mga big-ticket projects ay ang Panay Railway Project, Mindanao Railway Project III, North Long Haul Railway, San Mateo Railway, UP-PGH Diliman Project, NAIA or Ninoy Aquino International Airport Rehabilitation Project, Ilocos Sur Transbasin Project, at Metro Cebu Expressway. Tinalakay din sa pagpupulong ang pag-amyenda sa 2013 NEDA Joint Venture (JV) Guidelines. Inaasahang mas mapapadali nito ang proseso ng Public-Private-Partnership at masiguro ang naaayon sa batasat pinansiyal na kapasidad ang mga proyekto.
Personal na nagpaabot ng kaniyang pakikiramay si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ngayong araw sa naulilang mga kaanak at kaibigan ng yumaong Negros Oriental Governor Roel Degamo. Sa isang media interview, ibinahagi ng Pangulo na sisiguruhin ng pamahalaan ang pagresolba sa kaso maging ang pagsagot sa pag-aaral ng mga anak ng mga nasawi sa trahedya at ang pagpapa-ospital ng mga sugatan.
Nagbigay si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ng direktiba sa Department of Environment and Natural Resources (DENR) na magpadala ng agarang tulong sa clean-up ng oil spill na dulot ng paglubog ng motor tanker (MT) Princess Empress sa Oriental Mindoro. Tinitingnan ng DENR ang paghingi ng suporta mula sa mga kalahok ng Balikatan, isang taunang aktibidad ng Armed Forces of the Philippines at United States Armed Forces, habang nagpaabot din ng intensyon ang Japan at South Korea sa pagkontrol ng pinsala. Nakikipagtulungan din ang DENR sa mga lokal na gobyerno, sa may-ari ng bapor, at Department of Social Welfare and Development upang makakalap ng dagdag pondo para sa cash-for-work program para sa mga residente.
Inatasan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) na palawigin ang mga benepisyong ibinibigay nito sa mga Pilipino.Sa isang pulong, inihain ng PhilHealth ang mga short-term nitong plano, kabilang ang pagbibigay ng higit na tulong sa mga nagpapa-dialysis, bagong mga benefit package, pati na rin ang paggawa ng mobile app at text message service. Kasama sa medium-term, na mag-uumpisa sa 2024, ang pagbigay ng amnestiya para sa mga hindi nabayarang serbisyo, pag-amyenda sa Universal Healthcare Law, at pagpataw ng multa sa mga nagkamaling mga doktor at ospital. Balak din ng Philhealth na gawing mas makabago ang paglilingkod nito at magtayo ng sarili nitong gusali at pasilidad.
Kasalukuyang nasa Estados Unidos ngayon si Presidential Communications Office Undersecretary Cherbett Maralit bilang bahagi ng delegasyon ng Pilipinas sa ika-67 na session ng Commission on the Status of Women (CSW67) sa United Nations (UN) Headquarters sa New York City. Kasama ni Usec. Maralit sina Department of Information and Communications Technology - DICT Usec. Anna Mae Lamentillo, Commission on Human Rights of the Philippines Commissioner Faydah Dumarpa, Bb. Anette Baleda ng Philippine Commission on Women, at Bb. Roseny Fangco ng Philippine Permanent Mission to the UN.
Nagbigay inspirasyon si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa Civil Service Commission's Awards Rites para sa 2022 Outstanding Government Workers ngayong Miyerkules. Sa kanyang talumpati, ipinahayag niya ang kanyang karangalan na maging kasama at kilalanin ang mga huwarang indibidwal na nagpapakita ng higit sa kanilang tungkulin upang magkaroon ng pangmatagalang epekto sa pamahalaan at lipunan. Pinasalamatan ng Pangulo ang Philippine Civil Service Commission para sa pagdaraos ng taunang event na ito at pagkilala sa mga huwarang indibidwal na nagpakita ng tunay na pagkalinga at kagandahang-loob sa kanilang paglilingkod.
Tinupad ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang pangako nitong maglulunsad ang pamahalaan ng Kadiwa ng Pangulo (KNP) na nakalaan para sa mga manggagawang Pilipino kung saan mabibili nila na may diskuwento ang mga sariwang gulay, karne, prutas, bigas, at mga produktong mula sa iba't ibang bahagi ng bansa. Pinangunahan ng Pangulo ang paglulunsad ng KNP para sa mga Manggagawa ngayong araw, Marso 8, sa Quezon City kasama ang mga opisyal ng DTI Philippines, Department of Labor and Employment - DOLE, at iba pa. Sa kaniyang mensahe, binigyang-diin ng Pangulo na isa lang ang KNP sa mga programa ng pamahalaan para sa mga manggagawa bilang bahagi ng pag-unlad ng ekonomiya ng bansa. Dagdag pa niya, marami pang KNP ang bubuksan para na rin tugunan ang pangangailangan ng mga Pilipino sa komunidad.
Sa isang pulong kasama si Presidential Communications Office Secretary Cheloy Garafil at Office of the Executive Secretary Undersecretary Roy Cervantes, inihayag ni PISTON President Mody Florada at Manibela Transport Group Chairman Mar Valbuena ang kanilang hinaing ukol sa implementasyon ng modernization program para sa mga pampublikong sasakyan.