Photos

PBBM orders 24/7 deployment of BOC, DA teams for continuous PH shipment process
President Ferdinand R. Marcos Jr. ordered on Wednesday the round-the-clock deployment of teams from the Bureau of Customs (BOC) and the Department of Agriculture (DA) to ensure uninterrupted shipment process nationwide.
Read more here

Dumalo si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa ceremonial turnover ng mga bagong C295 Medium Lift Aircraft at Capability Demonstration Flight ng FA-50PH sa Villamor Air Base sa Pasay City ngayong Martes.
Sa kanyang talumpati, nagpahayag si PBBM ng kanyang pasasalamat sa bansang Espanya sa kanilang tulong sa pagbili ng bagong C295 at sa pagpapalakas ng posisyon ng bansa sa larangan ng depensa.
Binigyang-pansin din ng Pangulo ang kahalagahan ng pagtiyak sa kaligtasan ng mga assets ng Air Force at ang kaugnay na pagsasanay ng mga crew at kawani upang mapanatiling ligtas ang lahat. Inulit ng Pangulo ang pangako ng administrasyon na pagpapatuloy sa pagpapalakas ng kakayahang pangdepensa ng bansa.

Nagkaroon ng pagpupulong si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. kasama ang Department of Finance (DOF) at ang iba't ibang ahensiya tulad ng Department of Agriculture - Philippines (DA), Department of Energy Philippines (DOE), DTI Philippines, National Economic and Development Authority (NEDA), at DILG Philippines kung saan kanilang tinalakay ang mga hakbang na magpapagaan ng pagtaas ng inflation sa bansa. Bilang pangulo ng Economic Team, nagpresenta ang DOF kay PBBM ng panukalang whole-of-government strategy na makatutulong ibsan ang epekto ng inflation sa ekonomiya at sa mga Pilipino. Kabilang sa tinalakay ang mga main driver ng inflation noong Enero, partikular na ang kuryente, krudo at pagtaas ng presyo ng pagkain at iba pang pangunahing bilihin. Kasama rin sa pinagusapan ang ang pagtaas ng policy rate ng BSP para sa price stability, pagpapatupad ng non-monetary policy, at targeted cash transfer program.

Pinapakita ng pamahalaan ang 'whole-of-government' approach upang matugunan ang isyu ng inflation o ang pagtaas ng bilihin at serbisyo sa bansa, ayon kay Department of Finance Secretary Benjamin Diokno. Sa isang press briefing ng Presidential Communications Office ngayong araw, Marso 7, ipinaliwanag ng DOF chief ang short-term, medium-term, at long-term measures ng pamahalaan sa pagtugon sa inflation kasunod ng 8.6% inflation rate na naitala nitong Pebrero 2023. Ayon kay Secretary Diokno, patuloy na pinapatupad ng pamahalaan ang mga plano upang pababain ang inflation ngayong kwarter katulad ng pagpapalawig ng produksiyon ng mga produktong pang-agrikultura, pagpaplano sa pagbibigay ng ayuda at subsidiya sa iba't ibang sektor, paglalatag ng energy conservation plan, at iba pa.

Pinangunahan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang ceremonial signing ng Memorandum of Agreement (MOA) sa pagpapatupad ng Kapatid Angat Lahat Agri Program (KALAP) nitong Lunes.
Inaasahang mas paiigtingin ng KALAP ang kooperasyon sa pagitan ng pribadong sektor at mga kaugnay na ahensiya ng pamahalaan, kabilang ang Department of Agriculture (DA), Department of Interior and Local Government (DILG), Department of Trade and Industry (DTI), Department of Environment and Natural Resources (DENR) at National ICT Confederation of the Philippines (NICP).
Ang KALAP ay isang public-private partnership na may layuning isulong ang value chain integration ng lokal na micro, small and medium enterprises (MSME), small-holder farmers, at fisherfolk.

Nakipagpulong si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. kay Presidential Adviser on Creative Communications (OPACC) Paul Soriano upang magbigay ng update sa mga proyekto at plano ng opisina para sa creative industry.
Kasama sa miting ay sina Department of Migrant Workers (DMW) Secretary Susan Ople, Presidential Communications Office Secretary, Atty. Cheloy Velicaria-Garafil, at Presidential Adviser on Investment and Economic Affairs Frederick Go.

Dumalo si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa Tanyag: International Trade Partners Night na inorganisa ng DTI Philippines upang ipresenta ang bansa bilang isang maaasahang exporter ng kalidad na mga produkto.
Sa kanyang talumpati, isinulong ni PBBM ang mabilis na pagkumpleto ng Philippine Export Development Plan 2023-2028 na tumutugon sa pangangailangan ng mga kaugnay na kawani upang mapalawig pa ang kapasidad ng bansa sa pag-export.

Kinilala ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang kahalagahan ng serbisyo ng mahigit 300 cable at Wi-Fi providers sa bansa para maisakatuparan ang mga programa ng pamahalaan para sa digitalization sa naganap na ika-23 na International Cable and Telecommunications Congress at Exhibit ngayong ika-3 ng Marso sa Manila Hotel.

Sa pangunguna ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr., nanumpa sa panunungkulan si G. Maynard Ngu bilang Special Envoy sa bansang China para sa larangan ng kalakalan, pamumuhunan at turismo ngayong araw, Marso 3, sa Malacañan Palace.
Kaakibat ng tungkulin ni Special Envoy Ngu ang pagpapalago ng relasyon ng Pilipinas at Tsina sa mga nasabing usapin at pakikipag-ugnayan sa mga Chinese business leader upang makapaghikayat at magbukas pa ng mga oportunidad ng pamumuhunan sa bansa.

Nagkaroon ng pagkakataon ang mga pinarangalan sa The Outstanding Filipino (TOFIL) 2022 at mga dignitaryo ng Junior Chamber International Senate Philippines (JCISP) na makasama si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. para sa isang photo opportunity sa Malacañan Palace ngayong ika-3 ng Marso.
Kabilang sa mga nakatanggap ng parangal sa TOFIL ay sina Dr. Persida V. Rueda Acosta, Engr. Maria Catalina Estamo Cabral, Mr. Nemesio R. Miranda Jr., Mr. Hans T. Sy at Dr. Ruben I. Villareal.
Ang TOFIL ay isang taunang awarding ceremony para sa mga Pilipinong nasa edad 41 pataas na nagpamalas ng kagalingan sa kanilang mga larangan.