Photos

PBBM orders 24/7 deployment of BOC, DA teams for continuous PH shipment process
President Ferdinand R. Marcos Jr. ordered on Wednesday the round-the-clock deployment of teams from the Bureau of Customs (BOC) and the Department of Agriculture (DA) to ensure uninterrupted shipment process nationwide.
Read more here

President Ferdinand R. Marcos Jr. believes that the improvement of the public transport system in the country will create more jobs for Filipinos.

Nakipagpulong si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ngayong araw, Marso 2, sa ENDEC Development Corporation at Diode Ventures upang alamin ang estado ng planong Hyperscale Data Center Project sa Luzon.
Ikinatuwa ng Pangulo ang mga pahayag at planong gagawin ng mga naturang kumpanya mula sa Estados Unidos lalo na't magiging bahagi ito ng digitalisasyon ng pamahalaan.

Joint Press Statement of President Ferdinand Marcos Jr. and Prime Minister Anwar Ibrahim of Malaysia
Sa isang joint press statement, ibinahagi ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. at Prime Minister Dato’ Seri Anwar Ibrahim ang mga napag-usapan sa kanilang bilateral meeting, kabilang ang pagpapatibay ng ugnayan ng Pilipinas at Malaysia sa larangan ng kalakalan at pamumuhunan, agrikultura, at digital economy.
Hinikayat ni PBBM ang patuloy na suporta ng Malaysia sa peace-building efforts sa Mindanao at nagkasundo rin ang dalawang pinuno na isulong ang kaunlaran at kapayapaan sa Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) at Brunei-Indonesia-Malaysia-Philippines East ASEAN Growth Area (BIMP-EAGA), pati ang pagbibigay-resolusyon sa sitwasyon sa Myanmar.

Pinaigting nina Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. at Prime Minister Dato’ Seri Anwar Ibrahim ang ugnayan ng Pilipinas at Malaysia sa isang bilateral meeting kahapon, unang araw ng Marso.
Bukod sa kasunduang pagtutulungan sa kanilang mga prayoridad na sektor, tinalakay din ng dalawang lider ang mga usaping mahalaga sa magkaratig na bansa, kabilang ang mga hakbang upang palakasin ang kooperasyon ng mga miyembro ng Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) na itinatag ng dalawang bansa kasama ang Indonesia, Singapore at Thailand.

Dumating sa Pilipinas kahapon si Malaysian Prime Minister (PM) Anwar Ibrahim kasama ang kanyang maybahay na si Madame Wan Azizah Ismail.
Sa kanilang Arrival Honors sa Malacañan, sila’y sinalubong nina Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. at First Lady Liza Araneta-Marcos.
Sinaksihan ng First Couple ang Signing of the Guestbook ni PM Ibrahim, na siyang hudyat ng mas malalim na ugnayan sa pagitan ng Pilipinas at Malaysia.

Dumalo si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa pagpapasinaya ng Mega Manufacturing Plant sa Sto. Tomas City, Batangas, ngayong araw, ika-1 ng Marso.
Binati ng Pangulo ang Mega Prime Foods Inc. para sa kanilang tagumpay at ipinaabot ang kanyang pasasalamat sa kontribusyon ng lokal na kumpanya sa dagdag na kabuhayan para sa mga Pilipino at sa pagsulong ng food security sa bansa.

Nakauwi na ang Philippine Inter-Agency Humanitarian Contingent (PIAHC) matapos ang matagumpay nilang humanitarian mission sa Turkiye!
Sa Ninoy Aquino International Airport kahapon, nakatanggap ang pangkat ng mainit na pagsalubong mula sa mga opisyal ng Armed Forces of the Philippines (AFP), Department of National Defense - Philippines, Civil Defense PH, Department of Health (Philippines), MMDA, Philippine Army at Philippine Air Force.
Ipinaabot naman ni Turkish Ambassador H. E. Niyazi Evren Akyol ang lubos niyang pasasalamat kay Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. para sa mabilis na pagpapadala ng tulong sa kanyang bansa.
Kasalukuyang nasa mabuting kalagayan ang lahat ng miyembro ng PIAHC at sumasailalim sa medical check-up at stress debriefing. Sila’y bibigyan ng Welcome and Recognition Ceremony sa AFP Headquarters sa ika-6 ng Marso.

President Ferdinand R. Marcos Jr. vowed Wednesday to further increase the number of Kadiwa ng Pangulo outlets in the country to help small businesses and producers recover from the impact of the pandemic and at the same time provide the public with affordable basic products.

Sa pangunguna ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr., inilunsad ngayong araw ang Halina’t Magtanim ng Prutas at Gulay (HAPAG) Kadiwa’y Yaman (KAY) Plants for Bountiful Barangays Movement (PBBM) na proyekto ng DILG Philippines at Department of Agriculture - Philippines (DA).