Photos


Sa pangunguna ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr., inilunsad ngayong araw ang Halina’t Magtanim ng Prutas at Gulay (HAPAG) Kadiwa’y Yaman (KAY) Plants for Bountiful Barangays Movement (PBBM) na proyekto ng DILG Philippines at Department of Agriculture - Philippines (DA).
Sa huling araw ng Pebrero, dumalo si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa Philippine Maritime Industry Summit 2023 sa The Manila Hotel kung saan kanyang isinulong ang 'whole-of-government' approach sa pagpapayabong ng bagong maritime industry program sa ilalim ng Maritime Industry Development Plan (MIDP) 2028.
Sa press briefing na inorganisa ng Presidential Communications Office, tinalakay ang mga detalye ng agriculture sectoral meeting na pinangunahan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.
PBBM presides the sectoral meeting with Department of Agriculture and National Irrigation Administration officials
President Ferdinand R.Marcos Jr.on Monday commended the Armed Forces of the Philippines for playing the main role in securing the territories of the country.
President Ferdinand R. Marcos Jr. on Monday vowed to repay the people’s full and unwavering support to his administration with sufficient government aid to improve their lives.
Sa kaniyang unang pagbisita sa Cebu bilang Pangulo, inihayag ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na magbibigay ang pamahalaan ng 30,000 housing units para sa mga residente ng Cebu City. Ngayong araw, pinangunahan ni PBBM ang groundbreaking ceremony ng Cebu City South Coastal Urban Development Housing Project sa Barangay Basak San Nicolas na handog para sa halos 8,000 na informal settler families (ISFs) at low-wage earners sa lungsod. Sa unang phase ng proyekto, magtatayo ang Department of Human Settlements and Urban Development ng 10 na 20-storey buildings sa loob ng 25 na hektarya ng lupa na inilaan ng pamahalaan. Layon na makapagpatayo ng anim na milyon na housing units ang gobyerno hanggang sa 2028.
Pinangunahan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ngayong araw, Pebrero 27, ang pagpapasinaya ng Cebu Bus Rapid Transit Project – Package 1 sa Fuente Osmeña Circle, isang proyekto ng pamahalaan para sa pagsasaayos ng transport system sa Cebu Province matapos ang halos 20 na taon. Sa kabuuan, ang proyekto ay mayroong 13.8-kilometer segregated lane na may 17 na bus stations, at tig-isang bus depot at terminal na magagamit ng higit 160,000 na pasahero araw-araw. Naglaan ng halos Php 16.3 bilyon na pondo ang pamahalaan para sa buong implementasyon ng proyekto. Inaasahan na sa huling kwarter ng 2023 ang partial operations ng CBRT project habang sa ikalawang yugto ng 2025 ilulunsad ang buong operasyon nito.
Personal na inilunsad ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang 'Kadiwa ng Pangulo' sa Cebu Province ngayong araw, Pebrero 27, bilang pagtupad sa kaniyang pangako na magbigay ng abot-kaya at dekalidad na pagkain at produkto sa bawat pamilyang Pilipino. Nakausap din ng Pangulo ang mga magsasaka at mga miyembro ng mga kooperatiba sa rehiyon at nangakong patuloy na susuportahan ng pamahalaan ang kanilang kabuhayan lalo na't maglulunsad din ng 'Kadiwa ng Manggagawa' sa iba't ibang dako ng bansa. Sa Kadiwa ng Pangulo, mabibili ang isang kilo ng NFA rice sa halagang Php 25 kada kilo, habang Php 200 kada kilo ng pulang sibuyas, bawang na Php 90/kilo, at mas murang karne, prutas, at gulay.