Photos


Kasalukuyang nasa Estados Unidos ngayon si Presidential Communications Office Undersecretary Cherbett Maralit bilang bahagi ng delegasyon ng Pilipinas sa ika-67 na session ng Commission on the Status of Women (CSW67) sa United Nations (UN) Headquarters sa New York City. Kasama ni Usec. Maralit sina Department of Information and Communications Technology - DICT Usec. Anna Mae Lamentillo, Commission on Human Rights of the Philippines Commissioner Faydah Dumarpa, Bb. Anette Baleda ng Philippine Commission on Women, at Bb. Roseny Fangco ng Philippine Permanent Mission to the UN.
Nagbigay inspirasyon si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa Civil Service Commission's Awards Rites para sa 2022 Outstanding Government Workers ngayong Miyerkules. Sa kanyang talumpati, ipinahayag niya ang kanyang karangalan na maging kasama at kilalanin ang mga huwarang indibidwal na nagpapakita ng higit sa kanilang tungkulin upang magkaroon ng pangmatagalang epekto sa pamahalaan at lipunan. Pinasalamatan ng Pangulo ang Philippine Civil Service Commission para sa pagdaraos ng taunang event na ito at pagkilala sa mga huwarang indibidwal na nagpakita ng tunay na pagkalinga at kagandahang-loob sa kanilang paglilingkod.
Tinupad ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang pangako nitong maglulunsad ang pamahalaan ng Kadiwa ng Pangulo (KNP) na nakalaan para sa mga manggagawang Pilipino kung saan mabibili nila na may diskuwento ang mga sariwang gulay, karne, prutas, bigas, at mga produktong mula sa iba't ibang bahagi ng bansa. Pinangunahan ng Pangulo ang paglulunsad ng KNP para sa mga Manggagawa ngayong araw, Marso 8, sa Quezon City kasama ang mga opisyal ng DTI Philippines, Department of Labor and Employment - DOLE, at iba pa. Sa kaniyang mensahe, binigyang-diin ng Pangulo na isa lang ang KNP sa mga programa ng pamahalaan para sa mga manggagawa bilang bahagi ng pag-unlad ng ekonomiya ng bansa. Dagdag pa niya, marami pang KNP ang bubuksan para na rin tugunan ang pangangailangan ng mga Pilipino sa komunidad.
Sa isang pulong kasama si Presidential Communications Office Secretary Cheloy Garafil at Office of the Executive Secretary Undersecretary Roy Cervantes, inihayag ni PISTON President Mody Florada at Manibela Transport Group Chairman Mar Valbuena ang kanilang hinaing ukol sa implementasyon ng modernization program para sa mga pampublikong sasakyan.
Dumalo si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa ceremonial turnover ng mga bagong C295 Medium Lift Aircraft at Capability Demonstration Flight ng FA-50PH sa Villamor Air Base sa Pasay City ngayong Martes. Sa kanyang talumpati, nagpahayag si PBBM ng kanyang pasasalamat sa bansang Espanya sa kanilang tulong sa pagbili ng bagong C295 at sa pagpapalakas ng posisyon ng bansa sa larangan ng depensa. Binigyang-pansin din ng Pangulo ang kahalagahan ng pagtiyak sa kaligtasan ng mga assets ng Air Force at ang kaugnay na pagsasanay ng mga crew at kawani upang mapanatiling ligtas ang lahat. Inulit ng Pangulo ang pangako ng administrasyon na pagpapatuloy sa pagpapalakas ng kakayahang pangdepensa ng bansa.
Nagkaroon ng pagpupulong si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. kasama ang Department of Finance (DOF) at ang iba't ibang ahensiya tulad ng Department of Agriculture - Philippines (DA), Department of Energy Philippines (DOE), DTI Philippines, National Economic and Development Authority (NEDA), at DILG Philippines kung saan kanilang tinalakay ang mga hakbang na magpapagaan ng pagtaas ng inflation sa bansa. Bilang pangulo ng Economic Team, nagpresenta ang DOF kay PBBM ng panukalang whole-of-government strategy na makatutulong ibsan ang epekto ng inflation sa ekonomiya at sa mga Pilipino. Kabilang sa tinalakay ang mga main driver ng inflation noong Enero, partikular na ang kuryente, krudo at pagtaas ng presyo ng pagkain at iba pang pangunahing bilihin. Kasama rin sa pinagusapan ang ang pagtaas ng policy rate ng BSP para sa price stability, pagpapatupad ng non-monetary policy, at targeted cash transfer program.
Pinapakita ng pamahalaan ang 'whole-of-government' approach upang matugunan ang isyu ng inflation o ang pagtaas ng bilihin at serbisyo sa bansa, ayon kay Department of Finance Secretary Benjamin Diokno. Sa isang press briefing ng Presidential Communications Office ngayong araw, Marso 7, ipinaliwanag ng DOF chief ang short-term, medium-term, at long-term measures ng pamahalaan sa pagtugon sa inflation kasunod ng 8.6% inflation rate na naitala nitong Pebrero 2023. Ayon kay Secretary Diokno, patuloy na pinapatupad ng pamahalaan ang mga plano upang pababain ang inflation ngayong kwarter katulad ng pagpapalawig ng produksiyon ng mga produktong pang-agrikultura, pagpaplano sa pagbibigay ng ayuda at subsidiya sa iba't ibang sektor, paglalatag ng energy conservation plan, at iba pa.
Pinangunahan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang ceremonial signing ng Memorandum of Agreement (MOA) sa pagpapatupad ng Kapatid Angat Lahat Agri Program (KALAP) nitong Lunes. Inaasahang mas paiigtingin ng KALAP ang kooperasyon sa pagitan ng pribadong sektor at mga kaugnay na ahensiya ng pamahalaan, kabilang ang Department of Agriculture (DA), Department of Interior and Local Government (DILG), Department of Trade and Industry (DTI), Department of Environment and Natural Resources (DENR) at National ICT Confederation of the Philippines (NICP). Ang KALAP ay isang public-private partnership na may layuning isulong ang value chain integration ng lokal na micro, small and medium enterprises (MSME), small-holder farmers, at fisherfolk.
Pinangunahan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang ceremonial signing ng Memorandum of Agreement (MOA) sa pagpapatupad ng Kapatid Angat Lahat Agri Program (KALAP) nitong Lunes. Inaasahang mas paiigtingin ng KALAP ang kooperasyon sa pagitan ng pribadong sektor at mga kaugnay na ahensiya ng pamahalaan, kabilang ang Department of Agriculture (DA), Department of Interior and Local Government (DILG), Department of Trade and Industry (DTI), Department of Environment and Natural Resources (DENR) at National ICT Confederation of the Philippines (NICP). Ang KALAP ay isang public-private partnership na may layuning isulong ang value chain integration ng lokal na micro, small and medium enterprises (MSME), small-holder farmers, at fisherfolk.
Nakipagpulong si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. kay Presidential Adviser on Creative Communications (OPACC) Paul Soriano upang magbigay ng update sa mga proyekto at plano ng opisina para sa creative industry. Kasama sa miting ay sina Department of Migrant Workers (DMW) Secretary Susan Ople, Presidential Communications Office Secretary, Atty. Cheloy Velicaria-Garafil, at Presidential Adviser on Investment and Economic Affairs Frederick Go.