Photos


President Ferdinand R. Marcos Jr. on Monday vowed to repay the people’s full and unwavering support to his administration with sufficient government aid to improve their lives.
Sa kaniyang unang pagbisita sa Cebu bilang Pangulo, inihayag ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na magbibigay ang pamahalaan ng 30,000 housing units para sa mga residente ng Cebu City. Ngayong araw, pinangunahan ni PBBM ang groundbreaking ceremony ng Cebu City South Coastal Urban Development Housing Project sa Barangay Basak San Nicolas na handog para sa halos 8,000 na informal settler families (ISFs) at low-wage earners sa lungsod. Sa unang phase ng proyekto, magtatayo ang Department of Human Settlements and Urban Development ng 10 na 20-storey buildings sa loob ng 25 na hektarya ng lupa na inilaan ng pamahalaan. Layon na makapagpatayo ng anim na milyon na housing units ang gobyerno hanggang sa 2028.
Pinangunahan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ngayong araw, Pebrero 27, ang pagpapasinaya ng Cebu Bus Rapid Transit Project – Package 1 sa Fuente Osmeña Circle, isang proyekto ng pamahalaan para sa pagsasaayos ng transport system sa Cebu Province matapos ang halos 20 na taon. Sa kabuuan, ang proyekto ay mayroong 13.8-kilometer segregated lane na may 17 na bus stations, at tig-isang bus depot at terminal na magagamit ng higit 160,000 na pasahero araw-araw. Naglaan ng halos Php 16.3 bilyon na pondo ang pamahalaan para sa buong implementasyon ng proyekto. Inaasahan na sa huling kwarter ng 2023 ang partial operations ng CBRT project habang sa ikalawang yugto ng 2025 ilulunsad ang buong operasyon nito.
Personal na inilunsad ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang 'Kadiwa ng Pangulo' sa Cebu Province ngayong araw, Pebrero 27, bilang pagtupad sa kaniyang pangako na magbigay ng abot-kaya at dekalidad na pagkain at produkto sa bawat pamilyang Pilipino. Nakausap din ng Pangulo ang mga magsasaka at mga miyembro ng mga kooperatiba sa rehiyon at nangakong patuloy na susuportahan ng pamahalaan ang kanilang kabuhayan lalo na't maglulunsad din ng 'Kadiwa ng Manggagawa' sa iba't ibang dako ng bansa. Sa Kadiwa ng Pangulo, mabibili ang isang kilo ng NFA rice sa halagang Php 25 kada kilo, habang Php 200 kada kilo ng pulang sibuyas, bawang na Php 90/kilo, at mas murang karne, prutas, at gulay.
Sa pagdalo ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa Tan-ok Festival nitong Biyernes, Pebrero 24, tiniyak niya ang suporta ng gobyerno sa sektor ng turismo lalo ngayong nakakabawi na mula sa pandemya ang bansa. Pinasalamatan din ng Pangulo ang mga taong nasa likod ng pagsasaayos ng Ferdinand E. Marcos Sr. Memorial Stadium, kung saan gaganapin ang mga kapistahan at iba pang crowd-drawing event na malaking tulong sa kabuhayan ng mga taga-Ilocos at sa kabuuang ekonomiya ng Pilipinas.
Dumalo si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa selebrasyon ng ika-63 na kaarawan ni Japanese Emperor Naruhito ngayong araw, Pebrero 22. Ipinahayag ni PBBM ang kahilingang kasiyahan at marami pang biyaya para kay Emperor Naruhito sa kanyang pamumuno sa Japan at nagpasalamat sa mainit na pagtanggap ng bansa sa pagbisita ng Philippine delegation kamakailan.Pinagtibay din ni Pangulong Marcos ang patuloy na pagtutulungan ng Pilipinas at Japan. Pagkatapos nito ay pinangunahan ang toast para sa kaarawan ng Japanese Emperor.
Nakiisa si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa 2023 General Assembly ng League of Municipalities of the Philippines (LMP) ngayong ika-22 ng Pebrero kung saan kanyang ipinagtibay ang suporta ng administrasyon sa devolution ng mga lokal na pamahalaan. Binigyang-halaga ni PBBM sa kanyang talumpati ang tema ng pagtitipon na “Strengthening Municipal Capacities Around Autonomy & Fostering Resiliency,” gayundin ang pagtutulungan ng national at local government para matugunan ang mga problema ng mga Pilipino sa bawat komunidad.
Sa isang courtesy call, tinanggap ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. si Australian Deputy Prime Minister at Concurrent Defense Minister Richard Marles sa Malacañan nitong Miyerkules. Sa kanilang pag-uusap, pinagtuunan ng pansin ng dalawang lider ang pagpapalakas sa alyansa sa pagitan ng Pilipinas at Australia at mga usaping pangkaligtasan sa rehiyon kabilang na ang sitwasyon sa West Philippine Sea.
Pinasinayaan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang ika-15 na parangal ng Ani ng Dangal ng National Commission for Culture and the Arts ngayong araw, ika-22 ng Pebrero kasama ang Unang Ginang, Louise Araneta-Marcos.