Photos


Inaprubahan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang paggamit ng produksyon ng hybrid rice bilang alternatibo sa mas mataas na pag-aani ng bigas kahapon sa pulong niya sa pamunuan ng SL Agritech Corporation (SLAC). Napag-usapan din ang mga hakbang sa pagpapaunlad ng industriya ng pagsasaka ng bigas sa bansa. Inihain ng SLAC sa Pangulo ang mga rekomendasyon at hinaing ng mga nagtatrabaho sa industriya lalo na ang mga magsasaka mula sa Gitnang Luzon. Inilatag din ng Pangulo ang mga paraan at inisyatibo sa pagtugon sa mga suliranin na kinakaharap ng pagsasaka sa kasalukuyang panahon kabilang ang pagbibigay ng ayuda at paglalaan ng pondo sa pagpapautang sa mga magsasaka.
The President summoned Chinese Ambassador Huang Xilian this afternoon to express his serious concern over the increasing frequency and intensity of actions by China against the Philippine Coast Guard and our Filipino fishermen in their bancas, the latest of which was the deployment of a military grade laser against our Coast Guard vessels.
Ngayong araw, nagkaroon ng kauna-unahang pagpupulong ang executive committee ng Legislative-Executive Development Advisory Council (LEDAC) na nagsisilbing consultative at advisory body sa Pangulo sa mga programa at polisiya na mahalaga para sa pagsasakatuparan ng mga layunin ng national development agenda. Kasama sa mga natalakay ang pagpasa sa kongreso ng sampung (10) prayoridad na panukalang-batas ng administrasyon at ang pagsulong sa pag-apruba ng Regional Comprehensive Economic Partnership (RCEP), isang trade agreement na may layuning padaliin ang kalakalan sa pagitan ng Pilipinas, mga bansa sa Asia-Pacific region, at ASEAN member states.
Nakipagpulong si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa mga opisyal ng Sumitomo Group sa huling araw ng kanyang opisyal na pagbisita sa Japan. Tinalakay sa pagtitipon ang pagbuo ng green finance ecosystem sa Pilipinas, kabilang ang tungkulin ng gobyerno, mga pinansyal na institusyon, at iba pang kaugnay na kinatawan. Ito ay bahagi ng dedikasyon ng administrasyon na siguruhin ang sustainability ng pang-ekonomiyang paglago ng Pilipinas.
President Ferdinand R. Marcos Jr. arrived back home on Sunday evening after a “fruitful” working trip to Japan, sealing $13 billion worth of agreements set to yield thousands of jobs for Filipinos.
President Ferdinand R. Marcos Jr. on Sunday praised overseas Filipino workers (OFWs) in Japan for their hard work, diligence and for putting the Philippine image in the global spotlight.
Sa pulong ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa mga opisyal ng Mitsubishi Motors Corporation, ibinahagi nito na pinag-aaralan ng gobyerno ang planong extension ng programang Comprehensive Automotive Resurgence Strategy (CARS) sa bansa. Nagpahayag naman ng suporta ang Mitsubishi Motors Corporation sa layunin ng pamahalaan para sa isang green energy factory gamit ang kanilang solar rooftop project.
Ikinalugod ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang plano ng Toyota Motors Corporation na muling ibalik ang Tamaraw model sa merkado ng bansa. Ibinahagi din ng Pangulo na ang Tamaraw ay isa sa pinakakilalang modelo ng sasakyan sa Pilipinas. Nagpahayag naman ng suporta ang Toyota sa mga plano ng administrasyon sa pagpapaluwag ng pagnenegosyo para sa mga kumpanyang nais magnegosyo sa bansa.
Sa miting ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. at ng mga opisyal ng Marubeni Corporation, inihayag ng kumpanya na patuloy ang pagsuporta nito sa layunin ng pamahalaan sa renewable energy, pagbibigay ng malinis na tubig sa mga komunidad, at transportasyon.