Photos


A Japanese power generation company on Thursday assured the Philippine government of stable supply of liquefied natural gas (LNG) to support the economic growth of the country.
President Ferdinand R. Marcos Jr. on Thursday underscored the importance of the support given by the Japanese government to the Philippines in undertaking the peace process, particularly in the Southern region of the country.
Japanese shipping companies assured President Ferdinand R. Marcos Jr. on Thursday that they will continue to hire Filipino seafarers to man their vessels as they thanked the Philippine government for supporting initiatives to improve the skills and expertise of the country’s sea-based laborers.
Nakipagpulong si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa Japanese tourism stakeholders ngayong Huwebes, kung saan napag-usapan nila ang pagpapatuloy ng kooperasyon na tutulong sa paglago ng turismo ng dalawang bansa. Ibinahagi ni PBBM ang plano ng pamahalaan na nakatuon sa pagkakaroon ng exchange program para sa sektor ng turismo. Aniya, hindi lamang pagsulong sa tourism destination ang gagawin ng Department of Tourism kundi pati na rin ang pangangalaga sa mga nagtatrabaho sa sektor.
Dumalo si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ngayong Huwebes sa isang meeting kasama ang mga executives ng ilang kumpanya sa Japan na may kinalaman sa semi-conductors, electronics, at wire harnesses. Hinikayat ni PBBM ang mga kumpanya na palawakin pa ang kanilang negosyo sa Pilipinas. Umaasa siya na sa paraang ito ay mas maraming trabaho at oportunidad ang malilikha para sa mga Pilipino.
Patungo na ng Japan si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ngayong araw, Pebrero 8, kasama si Unang Ginang Louise Araneta-Marcos at ang delegasyon ng Pilipinas para sa kaniyang limang araw na official visit sa imbitasyon din ni Japanese Prime Minister Kishida Fumio. Inihayag ni PBBM na isusulong niya ang interes ng bansa bilang magandang destinasyon ng pamumuhunan, pagpapatibay ng relasyong Pilipinas-Japan, at pagpirma ng iba't ibang kasunduan na sasaklaw sa mas malalim na ugnayan ng depensa, seguridad, pampulitika, ekonomiya at mga kooperasyon sa iba't ibang sektor.
Pinangunahan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang selebrasyon ng Philippine Constitution Day ngayong ika-8 ng Pebrero kung saan binigyan niya ng importansya ang saligang batas na nagpapakita sa sama-samang pagkilos ng bawat Pilipino at kakayahan na umangkop sa pagbabago ng panahon. Kinilala ni PBBM ang Philippine Constitution Association sa maigting na pagpapatupad ng konstitusyon at hinikayat ang patuloy na suporta para siguruhing umaayon sa batas ang mga programa ng pamahalaan.
Pinasinayaan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ngayong araw, Pebrero 7, ang pagsisimula ng 2023 National Tax Campaign sa pangunguna ng Bureau of Internal Revenue Philippines (BIR). Kinilala ni PBBM ang galing at sakripisyo ng mga kawani at opisyal ng BIR sa buong bansa lalo na't ginagawa ng pamahalaan ang lahat para sa patuloy na pagbangon ng bansa mula sa pandemya. Dagdag pa niya, ginampanan ng buong puwersa ng BIR ang kanilang tungkulin sa pagkolekta ng mga buwis na ginagamit ng gobyerno para sa iba't ibang proyekto at programa na nakalaan para sa mga Pilipino.
Oath-taking of Presidential Assistant I Mary Lyn Charisse A. Lagamon (Courtesy: Presidential Communications Office)