Photos

PBBM orders 24/7 deployment of BOC, DA teams for continuous PH shipment process
President Ferdinand R. Marcos Jr. ordered on Wednesday the round-the-clock deployment of teams from the Bureau of Customs (BOC) and the Department of Agriculture (DA) to ensure uninterrupted shipment process nationwide.
Read more here

Dumalo si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ngayong Huwebes sa isang meeting kasama ang mga executives ng ilang kumpanya sa Japan na may kinalaman sa semi-conductors, electronics, at wire harnesses. Hinikayat ni PBBM ang mga kumpanya na palawakin pa ang kanilang negosyo sa Pilipinas. Umaasa siya na sa paraang ito ay mas maraming trabaho at oportunidad ang malilikha para sa mga Pilipino.

Patungo na ng Japan si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ngayong araw, Pebrero 8, kasama si Unang Ginang Louise Araneta-Marcos at ang delegasyon ng Pilipinas para sa kaniyang limang araw na official visit sa imbitasyon din ni Japanese Prime Minister Kishida Fumio. Inihayag ni PBBM na isusulong niya ang interes ng bansa bilang magandang destinasyon ng pamumuhunan, pagpapatibay ng relasyong Pilipinas-Japan, at pagpirma ng iba't ibang kasunduan na sasaklaw sa mas malalim na ugnayan ng depensa, seguridad, pampulitika, ekonomiya at mga kooperasyon sa iba't ibang sektor.

Pinangunahan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang selebrasyon ng Philippine Constitution Day ngayong ika-8 ng Pebrero kung saan binigyan niya ng importansya ang saligang batas na nagpapakita sa sama-samang pagkilos ng bawat Pilipino at kakayahan na umangkop sa pagbabago ng panahon. Kinilala ni PBBM ang Philippine Constitution Association sa maigting na pagpapatupad ng konstitusyon at hinikayat ang patuloy na suporta para siguruhing umaayon sa batas ang mga programa ng pamahalaan.

Pinasinayaan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ngayong araw, Pebrero 7, ang pagsisimula ng 2023 National Tax Campaign sa pangunguna ng Bureau of Internal Revenue Philippines (BIR).
Kinilala ni PBBM ang galing at sakripisyo ng mga kawani at opisyal ng BIR sa buong bansa lalo na't ginagawa ng pamahalaan ang lahat para sa patuloy na pagbangon ng bansa mula sa pandemya.
Dagdag pa niya, ginampanan ng buong puwersa ng BIR ang kanilang tungkulin sa pagkolekta ng mga buwis na ginagamit ng gobyerno para sa iba't ibang proyekto at programa na nakalaan para sa mga Pilipino.

Oath-taking of Presidential Assistant I Mary Lyn Charisse A. Lagamon (Courtesy: Presidential Communications Office)

Recognizing the importance of the National Kidney and Transplant Institute (NKTI) in the battle against kidney diseases, President Ferdinand R. Marcos Jr. on Monday promised continued support for the renal health facility for the benefit of Filipinos.

Nakiisa si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ngayong araw, Pebrero 6, sa paglulunsad ng operasyon ng Wholesale Electricity Spot Market o WESM sa linya ng buong Mindanao. Kinikilala ng Pangulo ang tagumpay ng WESM sa Mindanao bilang isang makabuluhang hakbang para makamit ang isang maaasahan, matatag, at tamang presyo ng suplay ng kuryente para sa mga konsyumer. Inihayag din ng Pangulo na backbone ng paglago ng ekonomiya ang enerhiya na siya ring elemento para sa mas matatag na kumpiyansa ng mga mamumuhunan sa bansa.

The National Economic and Development Authority (NEDA) Board, chaired by President Ferdinand R. Marcos Jr., approved seven high-impact projects during its third meeting Thursday in Malacañang, Socioeconomic planning Secretary Arsenio M. Balisacan announced on Friday.

President Ferdinand R. Marcos Jr. has secured an investment commitment from ride-hailing service Grab, which could translate into 500,000 jobs. The President met with officials of Grab Holdings Inc. on February 2, Thursday, in Malacañang Palace to discuss Grab’s recommendations on the possible ways to modernize transportation in the Philippines.