Photos

PBBM orders 24/7 deployment of BOC, DA teams for continuous PH shipment process
President Ferdinand R. Marcos Jr. ordered on Wednesday the round-the-clock deployment of teams from the Bureau of Customs (BOC) and the Department of Agriculture (DA) to ensure uninterrupted shipment process nationwide.
Read more here

Dalomabi Lao Bula, Mustapha C. Dimaampao, Moslemen T. Macarambon Sr., Nasser Macapado Tabao, Mabandes Sumndad Diron Jr., Jamaica Lamping Dimaporo,Sittie Aliyyah Lomondot Adiong, Romaisa Lomantong Mamutuk - Members

Nakibahagi si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa pagtitipon para sa pagpresenta ng Basic Education Report (BER) 2023 ng Department of Education ngayong Lunes ng hapon, Enero 30, 2023. Kinilala ng Pangulo ang mga naging hamon at isyu sa sistema ng edukasyon ng bansa. Tiwala si PBBM na mas mapapabuti pa ng pamahalaan ang paghahatid ng serbisyo lalo na sa mga eskwelahan, guro, at mga estudyante sa ilalim ng liderato ni VP Sara Duterte.

Dumalo si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa Philippine Development Plan 2023-2028 Forum ngayong Lunes, Enero 30, 2023, sa Philippine International Convention Center (PICC) sa Pasay City.
Inilahad ni PBBM ang magiging focus ng kanyang administrasyon sa social development and protection, disaster resilience, at digital transformation. Kumpiyansa siya na sa pamamagitan nito ay mabibigyan ng pamahalaan ng mas akmang mga programa ang mamamayan dahil sa data-driven na mga hakbang.

ROMULO VICTORIA ARUGAY
Chairman
(Oath of Office: 24 January 2023)

Naging produktibo ang kauna-unahang courtesy call ng U.S.-Philippines Society ngayong araw, Enero 30, kay Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. kung saan pinag-usapan ang mga mahahalaga na paksa na magpapaunlad sa ugnayan ng Pilipinas at Estados Unidos. Kabilang sa mga napag-usapan ay ang pagnenegosyo, istratehikong kooperasyon, ugnayan ng mga tao, mga banta at isyung transnasyonal at ang 2023 Philippines Domestic Outlook.

Pinangunahan ni Secretary Cheloy Velicaria-Garafil ang flag-raising ceremony ng Presidential Communications Office ngayong araw, Enero 30. Kasabay ng seremonya, binigyan ng pagkilala ang mga kawani ng PCO na matagal na sa serbisyo para sa kanilang ilang dekada na dedikasyon, kahusayan, at paglilingkod sa pamahalaan sa ilalim ng opisina. Pinasalamatan ng PCO Secretary ang loyalty awardees sa kanilang ilang taon na paglilingkod. Hinikayat din nya ang iba pang empleyado na magpatuloy sa pagseserbisyo at gawin ang tungkulin na sinumpaan para sa sambayanang Pilipino.

Masigasig na pinaunlakan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang pagbisita ng mga opisyal ng China Communications Construction Co. Ltd. sa pangunguna ng chairperson nito na si Wang Tongzhou ngayong araw, Enero 30 sa Malacañang. Naging pagkakataon ang pagbisita ng CCCC para pag-usapan ang mga proyektong pang-imprastraktura sa bansa at paglalatag ng mga plano sa iba pang proyektong pang-agrikultura. Ang CCCC ay nakabase sa Beijing, China na nasa ilalim ng pangangasiwa ng State-owned Assets Supervision and Administration Commission of the State Council (SASAC) ng pamahalaan ng People's Republic of China.

Malacañang warned the public not to entertain dubious individuals communicating with them online or through correspondence after eight “presidential appointees” rushed to the Palace for their supposed oath-taking on Friday.