Photos


Masigasig na pinaunlakan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang pagbisita ng mga opisyal ng China Communications Construction Co. Ltd. sa pangunguna ng chairperson nito na si Wang Tongzhou ngayong araw, Enero 30 sa Malacañang. Naging pagkakataon ang pagbisita ng CCCC para pag-usapan ang mga proyektong pang-imprastraktura sa bansa at paglalatag ng mga plano sa iba pang proyektong pang-agrikultura. Ang CCCC ay nakabase sa Beijing, China na nasa ilalim ng pangangasiwa ng State-owned Assets Supervision and Administration Commission of the State Council (SASAC) ng pamahalaan ng People's Republic of China.
Malacañang warned the public not to entertain dubious individuals communicating with them online or through correspondence after eight “presidential appointees” rushed to the Palace for their supposed oath-taking on Friday.
President Ferdinand R. Marcos Jr. met with House Speaker Ferdinand Martin Romualdez and Senate President Juan Miguel Zubiri today, 27 January, to catch up on the Administration’s legislative agenda and plans for 2023.
Pinangunahan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ngayong araw, Enero 26, ang panunumpa ng 15 na opisyal ng Philippine Coast Guard (PCG) na na-promote dahil sa kanilang galing at kwalipikasyon na punan ang ilang mahahalagang posisyon sa PCG. Ipinangako ng Pangulo ang buong suporta ng kanyang administrasyon sa PCG lalo na sa misyong protektahan at bantayan ng mga karagatan na sakop ng Pilipinas at labanan ang mga krimen na mangyayari rito. Kumpiyansa rin ang Pangulo na gagampanan ng coast guard ang kanilang tungkulin sa pagprotekta ng bansa at para masiguro ang kaligtasan ng mga Pilipino.
Pinangunahan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ngayong araw, Enero 26, ang panunumpa ng 15 na opisyal ng Philippine Coast Guard (PCG) na na-promote dahil sa kanilang galing at kwalipikasyon na punan ang ilang mahahalagang posisyon sa PCG. Ipinangako ng Pangulo ang buong suporta ng kanyang administrasyon sa PCG lalo na sa misyong protektahan at bantayan ng mga karagatan na sakop ng Pilipinas at labanan ang mga krimen na mangyayari rito. Kumpiyansa rin ang Pangulo na gagampanan ng coast guard ang kanilang tungkulin sa pagprotekta ng bansa at para masiguro ang kaligtasan ng mga Pilipino.
Ipinag-utos ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa kanyang pakikipagpulong sa Private Sector Advisory Council (PSAC) Tourism Sector ngayong Huwebes ang pagpapalawig ng e-visa sa Chinese, Indian, South Korean, and Japanese nationals para mas ma-engganyo ang mga turista na magpunta sa bansa. Ipinahayag din ng PSAC ang kanilang rekomendasyon kay PBBM na isama ang Indian nationals sa visa-upon arrival program at sinegundahan ang direktiba ng Pangulo tungkol sa e-visa na kasalukuyan lang na ibinibigay sa Taiwanese citizens.
Kinilala ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa isang pagtitipon, kasama ang Barangay Health and Wellness (BHW) Partylist, ngayong Miyerkules ang kahalagahan ng trabaho at sakripisyo ng barangay health workers lalo na noong kasagsagan ng COVID-19 pandemic. Kinakatawan ng BHW Partylist sa Kongreso ang barangay health workers, barangay nutrition scholars, barangay sanitary inspectors at barangay service point officers. Isinusulong din ng partylist ang kanilang mga karapatan at kapakanan habang nagbibigay ng serbisyong pangkalusugan sa bawat komunidad na kanilang kinabibilangan.
Inalam ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ngayong araw, Enero 24, ang estado ng legislative priorities ng administrasyon sa isang pagpupulong kasama ang pamunuan ng Presidential Legislative Liaison Office.
Nagsagawa ng media briefing ang Presidential Communications Office (PCO) kasama si Press Briefer Daphne Oseña-Paez ngayong araw, Enero 24. Dito ibinahagi ang updates ng Department of Information and Communication Technology at Department of Transportation sa sectoral meeting kasama si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. Ipinaliwanag ni DOTr Secretary Jaime Bautista ang mga rekomendasyon sa Pangulo para sa mas maayos na 'communications, navigation, surveillance at air traffic management o CNS/ATM sa mga paliparan sa bansa. Pinabibilisan din ni PBBM ang pagsasapinal ng isang maintenance agreement sa Sumitomo na isang system provider sa Japan. Nagsagawa rin ng isang cybersecurity audit ang DICT ayon kay Secretary Ivan John Uy. Ito ay para masiguro na ligtas ang system mula sa anumang cybersecurity threats. Dagdag din niya na nasa 20 milyon na sim cards na ang rehistrado sa loob ng isang buwan.
Nakipagpulong ngayong araw, Enero 24, si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa Department of Transportation (DOTr), Department of Information and Technology (DICT), at Department of Agriculture (DA) bilang bahagi ng sectoral meetings matapos ang kanyang partisipasyon sa 2023 World Economic Forum sa Davos, Switzerland. Masusing nakinig at nagbigay ng kanyang ideya at tanong ang Pangulo sa iba't ibang nakalatag na programa at aksyon ng DOTr at DICT, partikular na ang problema sa navigation, surveillance at air traffic management sa mga airport sa bansa. Napag-usapan din ang mga updates at aksyon ng DA tungkol sa mga produktong pang-agrikultura.