Photos

Nagsagawa ng press briefing ngayong araw, Enero 10, ang Presidential Communications Office (PCO) kasama si Press Briefer Daphne Oseña-Paez para ibahagi ang unang cabinet meeting ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. at ang panunumpa ni Secretary Cheloy Velicaria-Garafil na pamumunuan ang PCO. Ibinahagi rin sa press briefing ang pagpipresenta ng DepEd Philippines ng revised K-12 curriculum for basic education sa Pangulo sa katapusan ng buwan na ito. Naging pagkakataon din ito kay Department of Migrant Workers (DMW) Secretary Susan "Toots" Ople para ipag-bigay alam ang mga bagong programa at kooperasyon na isinasagawa ng kagarawaran para sa migrant workers at land- and sea-based workers. Inihayag din ng DMW chief ang target nilang pagbubukas ng 16 regional offices sa buong bansa na magbubukas ng halos 1,000 na trabaho para sa mga kwalipikadong Pilipino.
Pinangunahan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang unang Cabinet meeting para sa taong 2023 ngayong Martes, Enero 10 sa Malacañang, kung saan ipinagpatuloy ang pagtalakay sa mga nagawa ng bawat ahensya ng pamahalaan noong nakaraang taon. Pinag-usapan din sa pulong ang plano at programa ng bawat ahensya ngayong 2023 na magpapatuloy sa nasimulang mga hakbang ng administrasyon ni PBBM tungo sa maunlad na ekonomiya.

Nanumpa na si Atty. Cheloy Velicaria-Garafil ngayong araw, Enero 10, kay Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. bilang bagong kalihim ng Presidential Communications Office matapos maging tagapangasiwa ng ahensya sa loob ng halos apat na buwan. Bago maging kalihim ng PCO, namuno si Secretary Garafil bilang unang hepe ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board - LTFRB sa ilalim ng PBBM administration at dating state solicitor ng Office of the Solicitor General. Unang nagsilbi ang PCO Secretary bilang Media Director at Public Relations Officer ng dating Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo. Siya rin ay isang mamamahayag sa loob ng halos sampung taon sa iba't ibang pahayagan at news wires tulad ng Malaya, The Philippine Daily Globe, Central News Agency, at Associated Press.

Pinagtibay ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang pangako ng kanyang administrasyon na pagbubutihin ang sistema ng transportasyon sa bansa at mas palalakasin pa ang proyektong "Build, Better, More" na ipinagpatuloy niya galing sa nakaraang administrasyon. Inihayag ito ng Pangulo sa kanyang pagdalo sa paglulunsad ng Metro Manila Subway Project Tunnel Boring Machine ngayong araw, ika-9 ng Enero sa Valenzuela City. Pinasalamatan din ni PBBM ang pamahalaan ng Japan at Japan International Cooperation Agency sa walang patid na pagtulong para maisakatuparan ang mga programang imprastruktura sa bansa. Sa paglulunsad ng tunnel boring machine, sisimulan na ang paggawa ng mga tunnel para sa kauna-unahang subway system sa bansa na inaasahang magseserbisyo sa 519,000 na pasahero araw-araw. Paiikliin din nito sa 35 na minuto ang biyahe mula Quezon City hanggang Ninoy Aquino International Airport (NAIA).

President Ferdinand R. Marcos Jr. has appointed Gen. Andres Centino as Chief of Staff of the Armed Forces of the Philippines. Centino replaces previous appointee, Lt. Gen. Bartolome Bacarro.

Nagsagawa ng site inspection si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa Ninoy Aquino International Airport nitong Biyernes para suriin ang kalagayan ng operasyon dito matapos magkaroon ng technical problem ang Air Traffic Management Center (ATMC) ng Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) noong Enero 1, 2023. Sinamahan nina Department of Transportation - Philippines Secretary Jaime Bautista, MIAA General Manager Cesar Chiong, and CAAP Director-General Manuel Antonio Tamayo ang Pangulo.
Bago bumalik ng bansa, humarap si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa mga miyembro ng Philippine media delegation ngayong araw, Enero 5, sa siyudad ng Beijing sa pagtatapos ng kanyang tatlong araw na official state visit sa People's Republic of China. Ibinahagi ng Pangulo na naging produktibo at matagumpay ang state visit na ito bilang pagkakataon na buksan muli ang bagong kabanata ng matibay na relasyon ng Pilipinas at China sa ilalim ng kanyang administrasyon. Napag-usapan din sa panayam ang pagpapalakas ng koordinasyon at komunikasyon sa West Philippine Sea sa pagitan ng dalawang bansa.

Dumalo si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa isang roundtable meeting kasama ang mga negosyante sa industriya ng nickel processing at e-vehicles. Hinikayat ng Pangulo ang mga ito na mamuhunan sa Pilipinas lalo na sa industriya ng pagmimina at manufacturing ng baterya at kagamitan para sa pagbuo ng e-vehicles. Inihayag din ng Pangulo ang suporta ng Pilipinas sa paggamit ng green technology.

Sa kanyang pagharap sa mga negosyante sa sektor ng renewable energy, binigyang-diin ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang hangarin ng Pilipinas tungo sa makakalikasan at tuloy-tuloy na pag-unlad sa mga darating na taon. Nagpasalamat ang Pangulo sa top officials ng mga kumpanyang naimbitahan sa pulong at inihayag ang buong suporta ng pamahalaan sa pamumuhunan nila sa Pilipinas kaagapay ang mga reporma na inilatag ng economic managers ng administrasyon ni PBBM sa unang anim na buwan.