Photos

PBBM meets with National Assembly of Vietnam President Vuong Dinh Hue in a courtesy call
Sa isang courtesy call, nagkaroon ng isang talakayan si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. at National Assembly of the Socialist Republic of Vietnam President Honorable Vuong Dinh Hue sa Malacañan Palace ngayong araw. Kabilang sa napag-usapan ng dalawang lider ay ang pagpapatatag pa ng ugnayan ng dalawang bansa partikular na sa aspeto ng food security, climate change, defense, at food supply. Inihayag din ni Pangulong Marcos na handa ang ating bansa na makipagtulungan sa Viet Nam para patatagin pa ang ating relasyon. Kamakailan ay kinumpirma ni PBBM ang nakatakda niyang pagbisita sa naturang bansa sa imbitasyon ni Vietnam President Nguyen Xuan Phuc.

Sa town hall consultation na pinamunuan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa Occidental Mindoro, naipaabot ng mga magsasaka at mangingisda ang kanilang mga hinaing at pangangailangan sa pamahalaan. Siniguro ni PBBM ang sama-samang aksyon ng gobyerno sa mga idinulog ng agricultural community gaya ng maasahang storage facilities, sapat na livestock vaccines, at mas mataas na presyo para sa kanilang produkto.

President Ferdinand R. Marcos Jr. ordered closer coordination between the national government and the Local Government Units (LGUs) for the swift distribution of all forms of assistance to the residents affected by the El Niño phenomenon in Occidental Mindoro.

President Ferdinand R. Marcos Jr. extended financial assistance and other services to farmers and fishermen of Occidental Mindoro who were affected by the ongoing El Niño phenomenon in the Philippines, assuring them of the whole-of-government approach amid these trying times.

PBBM visits the Bagong Pilipinas Serbisyo Fair and Kadiwa ng Pangulo in San Jose, Occidental Mindoro
Binisita ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang Bagong Pilipinas Serbisyo Fair at Kadiwa ng Pangulo sa San Jose, Occidental Mindoro. Inilapit ng pamahalaan ang serbisyo gaya ng serbisyong medikal ng Department of Health, training at pinadaling business registration na hatid ng Department of Trade and Industry, birth certificate issuance mula sa Philippine Statistics Authority, Passport on Wheels ng Department of Foreign Affairs, at iba pa.

Ininspeksyon ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang isang palayan sa San Jose, Occidental Mindoro upang alamin ang pinsalang dulot ng tagtuyot dito. Kasama ni PBBM ang mga opisyal ng Department of Agriculture at National Irrigation Administration sa site inspection sa Occidental Mindoro na kasalukuyang nakapailalim sa state of calamity dahil sa El Niño.

The Philippines and Qatar signed at least nine agreements on Monday covering cooperation on combating human trafficking, seafarers’ welfare, tourism, sports and climate change during the state visit of Qatar’s Sheikh Tamim bin Hamad Al Thani in Manila.

The Amir of Qatar, Sheikh Tamim Bin Hamad Al Thani lauded on Monday the Filipino community in Qatar for their unwavering support and effective contribution to the development and progress of his country.

President Ferdinand R. Marcos Jr. is seeing a stronger collaboration between the governments of the Philippines and Qatar following the two day state visit of Qatari Amir, Sheikh Tamim Bin Hamad Al Thani in the country.

Tinutukan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang pagsulong sa internet connectivity sa bansa at pagbibigay ng isang milyong digital jobs sa kanyang pulong kasama ang Private Sector Advisory Council (PSAC) - Digital Sector Group ngayong araw, ika-19 ng Abril.