
BATANES GOVERNOR MARILOU CAYCO: Sa aming minamahal na Pangulo, President Ferdinand Bongbong Marcos, kapian kapa nu Dius at malugod ka naming binabati sa iyong pagdating at pagbisita sa aming munting probinsya.
Welcome to the breathtaking paradise of the north. Ipagpaumanhin po ninyo ang kalagayan ng aming probinsya sa ngayon dahil sa pananalasa ng Bagyong Julian.
Gayundin ang aming lubos na pagbati sa mga kalihim at opisyal ng iba’t ibang ahensya ng gobyerno na iyong kasama sa pagbisita sa amin.
Sa aking Vice Governor, Ignacio Villa; sa aking mga mayors, magandang buhay.
Magtanim ng gulay, kumain ng gulay para humaba at tumatag ang buhay.
Ikinagagalak po namin ang inyong pagparito sa aming probinsya matapos kaming salantahin ng napakalakas na bagyo.
Sa inyong pagbisita sa amin, kahit papaano ay napawi ang aming mga lungkot at nabigyan kami ng pag-asa. Mahalaga sa amin ang iyong pagpunta sa aming probinsya dahil malinaw itong nangangahulugan na mayroong gobyerno na nakikinig at mayroong malasakit sa amin kahit na kami ay nasa pinakadulong bahagi ng ating bansa.
Tunay ngang sa Bagong Pilipinas walang malayo o malapit at walang maiiwanan.
Kaya naman, sa ngalan ng buong Batanes at ng lahat ng mga Ivatan, ang aking lubos at wagas na pasasalamat po, President Bongbong Marcos.
Sa kasaysayan ng Batanes maraming bagyo ang mas malakas pa sa Bagyong Julian kung tutuusin. Ngunit ito na marahil ang isa sa pinakamatagal na bagyong aming naranasan. Kung saan magdamag mula madaling araw hanggang gabi ay rumaragasa sa amin ang naturang bagyo.
Dahil sa lakas at tagal nito, napakalawak ng pinsalang naidulot nito sa aming probinsya.
Sa aming pag-ikot, makikita ang napakaraming bahay na nasira. Kung saan umabot sa 172 families at 2,864 individuals ang kinailangan naming ilikas. Ito na ang pinakamaraming nailikas o evacuees sa aming kasaysayan.
Sa aming pinakahuling assessment, nasa 276 ang bilang ng mga bahay na totally damaged. Ito ang mga bahay na talagang nasira ang kanilang main dwelling at hindi na ligtas na tirahan. Habang nasa 2,048 naman ang bilang ng mga bahay na partially damaged.
Malaki rin ang pinsalang naidulot nito sa aming sektor ng agrikultura. Kung saan lahat ng aming mga pananim ay nasira o naapektuhan. Sa crops pa lang – 24,490,655.90; sa livestock – 2,578,400; sa farm facilities – 7,950,000; sa fisheries -11,078,400. A total of 46,097,455.90.
Kaya mukhang matagal-tagal pa kami magkakaroon ng mga gulay at root crops sa aming mga pamilihan.
Gayundin ang pinsalang naidulot nito sa aming mga infrastructure, water sources, powerlines, communication lines, school building, mga tulay, main roads, at maging mga retaining walls na sa pinakahuling assessment namin ay mahigit 840,419,900.17 million na ang halaga.
Sana matulungan niyo po kami dito. Fifth class province lang po kami at kahit anong compute ko sa 10.3 million na QRF namin ay hindi kasya sa mga totally damaged at partially damaged. At kahit ‘yun lang ang ma-repair namin, hindi talaga siya magkakasya.
Salamat kay Usec. Ariel Nepomuceno at kahapon po nag-usap kami. Tutulungan kami sa mga yero, lumber, at GI pipe, at iba pang mga pangangailangan namin.
Maraming salamat din at nandito po ang mga taga-DHSUD at alam ko malaki ang maitutulong niyo sa amin.
Kaya mahal na Pangulo, sa inyong pagbisita sa amin, ako ay lubos na nagsusumamo po sa inyo at humihingi ng tulong para sa aming probinsya na talagang pinatumba ng Bagyong Julian. Kami po ay humihingi ng tulong lalo na para sa pagpapatayo o pag-repair ng mga nasirang bahay.
Nangangailangan po kami ngayon ng iba’t ibang shelter materials upang maipagawa kaagad ang mga bahay na totally damaged. Gayundin po ang aming pangangailangan ng malinis at mainom na tubig. Natutuwa po ako at may dala po kayo na water filtration at aalamin ko kung saan mabibili ‘yan para marami akong mabili at ipamimigay ko sa mga munisipyo at barangay dito ho sa Batanes ‘no. Dahil ‘yan po ang kulang sa ngayon. Dahil malaki ang pinsala sa aming mga water sources.
Salamat kay Rex Gatchalian at bago dumating ang Typhoon Julian ay nakapag-preposition na po siya ng family food packs. At naipamahagi na namin ‘yung kalahati niyan at ‘yung kalahati sa ngayon. Pangalawa na namin ‘yan na pagbibigay ng family food packs.
At siyempre sa dami ng mga nasirang imprastruktura, humihingi po kami ng tulong ng pondo para sa rehabilitasyon ng aming mga infrastructure, lalo na po sa mga eskwelahan at mga hospital.
Mahal naming Pangulo, noong araw kahit gaano kalakas ang bagyong tumatama sa amin, maipagmamalaki namin na walang mga bahay na nasisira. Kung mayroon man, iilan lamang o minor damages lamang sa aming mga tahanan.
Ito ay dahil noong araw ang aming mga bahay ay gawa sa matibay na bato at kahoy na akma sa aming probinsya na paboritong daanan ng bagyo.
Ngunit simula noong nadeklara kami na bilang protected area as a whole sa bisa ng batas, kami ay binawalan ng mag-quarry o kumuha ng local aggregates gaya ng buhangin at bato mula sa aming mga dalampasigan.
Dahil dito kung gusto naming magpatayo nang matibay na bahay, kailangan pa naming bumili ng imported aggregates o mga buhangin at graba na mula pa sa Manila at Ilocos.
Ang problema dito ay napakamahal at umaabot ng 7,000 to 8,000 kada cubic kung saan hindi ito kaya o ma-afford ng marami naming mga kababayan, lalo na ang mga mahihirap at kakarampot lamang ang kinikita. Kaya naman, karamihan sa aming mga mahihirap naming kababayan ay walang ibang paraan kundi magpatayo ng bahay na gawa sa light materials, gaya na lamang ng yero at buhangin.
At para sa inyong kaalaman, mahal na Pangulo, ito ngayon ang mga bahay na madaling masira tuwing may tumatamang bagyo sa aming probinsya. Bagama’t hindi kami nagkukulang sa paghahanda tuwing may papalapit na bagyo, basta gawa sa light materials na bahay ay talagang masisira pa rin. Kagayan na lamang ng mga nasirang bahay sa bagyong ito.
Alam niyo po, dahil sa batas na kami ay protected area as a whole, hirap na hirap kami sa pagpapatupad ng aming mga development projects sa probinsya dahil sa napakabigat na restrictions lalo na sa PAMB at sa pagkuha ng environmental compliance certificate.
Sa katunayan, lahat ng aming projects ay suspended at hindi napapatupad. Marami kaming ibabalik sa national agencies na hindi po namin magagamit dahil po dito. Dahil dito, apektado ang development ng aming probinsya. Dahil dito, maging ang dredging o clearing operation sa aming mga rivers at floodways ay hindi namin magawa.
Ito ang dahilan kung bakit nagkaroon ng matinding pagbaha sa mga munisipyo ng Ivana at Uyugan, hanggang leeg ang flood doon. At first time po sa history yata ng Batanes na nagkaroon kami ng flood dito sa Batanes dahil doon sa hindi kami pwedeng mag-dredge. Nandito si Mayor ng Uyugan na nakikiusap sa DENR na i-clear ‘yun.
Wala pa kaming balita sa bagyo noon pero mga one week before nitong typhoon, nakikiusap siya sa DENR na i-clear namin ‘yung creek na ‘yun. Pero ang sabi sa amin ay kumuha kami ng ECC para ma-dredge ‘yun. So, ‘yun ‘yung nangyari. Pumasok sa kabahayan ang tubig sa Uyugan.
Mahal na Pangulo, matagal na po namin itong iniinda at nakailang sulat at panawagan na rin kami sa DENR at mga sangay ng national government. Hanggang kailan pa po kaya kami magtitiis dahil sa napaka-restrictive na batas na ito.
Bagama’t maganda ang intensyon ng batas na ito, hindi naman umuusad ang development sa amin. Higit sa lahat, kawawa ang aming mga kababayan na hindi makakapagpatayo nang matibay na bahay dahil sa pagbabawal sa amin na kumuha ng local aggregates na higit na mas mura sa imported aggregates.
Tanging ito lamang ang paraan upang masiguro na pagdating ng bagyo, ligtas ang aming mga kababayan dahil sa kanilang matibay na tahanan. Kaya naman, mahal na Pangulo, pasensya na po kayo at very emotional po ako dahil ganoon ko kamahal ang aking mga constituents.
Ako po ay nagsusumamo sa inyong harapan na humihingi ng inyong tulong na magkaroon na ho sana ng moratorium ang pagbabawal sa amin na kumuha ng local aggregates. Mahal na Pangulo, payagan na ninyo sana kami upang ang aming mga kababayan na mahihirap na magpatayo ng kanilang mga bahay, lalo itong 2,324 na nasira ang bahay ngayong bagyo.
Matibay at masisiguro na ang kanilang mga pamilya ay ligtas tuwing mayroong malakas na bagyo. Mahal na Pangulo, hindi naman po kami abusado. Hindi abusado ang mga Ivatan.
Honest po kami dito. Well known po kami sa pagka-honest. Sumusunod naman po kami sa batas at mga panuntunan. Ang lagi po naming tanong, ano pa ba ang mas mahalaga: ang mga buhangin at bato na pinoprotektahan sa batas na ‘yan o ang buhay ng aming mga kababayan?
Mahal na Pangulo, hindi na po namin alam kung kanino o saan kami lalapit at hihingi ng tulong. Kayo na lamang po ang aming natitirang pag-asa. At malaki po ang aming tiwala na naiintindihan po ninyo ang aming hirap na pinagdaraanan.
Hangga’t hindi nababago o na-amend ang naturang batas na ito, walang usaping development sa Batanes. Higit sa lahat, mananatiling nakalagay sa peligro ang buhay ng mga Ivatan, lalo na tuwing mayroong bagyo.
Inumpisahan ko na po, kagaya ng sinasabi ko sa inyo kanina, ang consultative meetings sa bawat munisipyo para sa pag-amyenda ng batas na ito. Pipiliin na lamang ng bawat munisipyo ang protektahan — gaya ng water resources, mountain ranges, forest, tourist spot, heritage and culture sites — aalisin lang namin ang pagka-protected area namin as a whole.
Natutuwa ang mga tao sa hakbang na ito. Susuportahan daw nila ito. Tatlong munisipyo na po ang aking pinuntahan at may tatlo pa ho akong munisipyo. Mahal na Pangulo, kaming mga Ivatan ay kilalang matatag sa anumang hamon ng panahon ng sakuna. Napatunayan na namin na hindi basta-basta nababali ang aming kakayahan at katatagan . Likas sa amin ang humarap sa mga malalakas na bagyo.
Gayunpaman, hanggang saan ba ang aming katatagan kung mayroon ding humahadlang sa amin?
PRESIDENT MARCOS: Okay. Alam na namin. DENR ang gagawa niyan. Nabanggit mo nga sa amin kanina. Kailangan namin tingnan hindi pwedeng mag-assess ang
ang municipality. Ang kailangan mag-assess ang DENR kasi ang pag-assess sa municipality ang kailangan dahil ibang usapan pagka ‘yung kung saan dumadaan ‘yung tubig, kung saan kukuha ng aggregate kung sakali, saan ang magiging quarrying kailangan matingnan ‘yung buo. Hindi pwedeng isang bayan lamang, isang bayan lamang. Kailangan ‘yung buo para titingnan natin kung ano ‘yung mga area baka pwedeng gamitin.
Palagay ko mas madali ‘yung quarrying, mas mahirap ‘yung pagputol ng kahoy dahil bawal talaga magputol ng kahoy ngayon kasi nagiging sanhi ng bagyo.
Anyway, we understand already the problem that you are facing. You need for the rehabilitation but you have been made a reserve kaya’t hindi kayo makakuha ng gamit para gumawa ng matitibay na tahanan at tirahan.
Okay, can we move now to the actual — the statistics on what are the damages sa…? Ang nakita natin na mas malaking damage is infra and papaano, saan mga… At the present time, passable naman yata lahat ng daan. So far, as of today?
OFFICIAL: Opo.
DPWH SECRETARY MANUEL BONOAN: Yes, Mr. President. All the national roads wala naman damage po. Walang damage. So they were only… Although many sections were of course inundated at least for two days but nag-subside na.
PRESIDENT MARCOS: As soon as bumaba ‘yung tubig it was okay already.
How about itong nakita na itong bridges na malaking nakalagay na damage dito?
SEC. BONOAN: I suppose ‘yung mga bridges na… As far as our reports along the national roads wala hong na-damage na bridges. But these must be mga local bridges in the mga bara-barangays po.
PRESIDENT MARCOS: Oo, ah ‘yung maliliit, mga footbridge, mga ano…?
SEC. BONOAN: Yes, Mr. President.
PRESIDENT MARCOS: Pero malaki ang estimate eh 40 — halos 50 million. Iyong roads…?
SEC. BONOAN: We will continue to assess the local governments.
PRESIDENT MARCOS: Oo sige. Hindi lamang ‘yung buildings kasi ‘yung pinuntahan nating eskwelahan ‘yung ibang parte nun hindi tayo makapasok dahil hindi pa na-check.
So, anyway — alam niyo — ginagawa niyo naman talaga ‘yan. Iyong school buildings lalo malaking damage talaga. So anyway, that’s for the infrastructure.
I think doon sa pag-deliver, I think we are all right doon sa food packs dahil mayroon tayong 14,000 na inuna. We’ve distributed half of that.
DSWD SECRETARY REX GATCHALIAN: Yes, Mr. President. Yeah, Gov, that was the instruction of the President from Day 1. Preposition as far as you can, as many as you can.
So, before the storm hit, we already had 14,000. Iyon na ang mainstay natin for Batanes. So, if your total household is at around 7,000, that should sustain them for two rounds.
So, Mr. President, we have already done the first round. Now they are doing the second round. And by Monday, another 14,000 will be on the ground.PRESIDENT MARCOS: Another two rounds?
SEC. GATCHALIAN: Yes, sir. And then as your instruction the last time when we were in Agusan, iyon ho ‘yung sinasabi na water filtration na dala natin kanina.
PRESIDENT MARCOS: Yeah, those are the — always, una, ‘yung tubig ‘yung water supply at good clean water supply. Maraming tubig pero hindi naman mainom.
So, nagdadala kami una ng mga ‘yan itong mga bote-bote pero hindi naman pwedeng ‘yan na lang. Kaya’t nagdala kami ‘yung filtration system. Small scale, ‘yung balde-balde ‘yung pinakita natin kanina sa mga tao.
Anyway, all right so…
SEC. GATCHALIAN: Mr. President, and based on your instruction, as early as Monday, we can start the cash distribution already. Nag-start na ho ‘yun kanina but the additional cash from your instruction, Gov, Cong, we can release it as early as Monday.
PRESIDENT MARCOS: What do we do about the building materials because that’s the next part? Right now nag-uwian na ang mga tao but ang kailangan nila is to rebuild kahit papaano.
SEC. GATCHALIAN: Mr. President, the core shelter program was moved to DHSUD. I think they were talking to the Governor already. Pero kanina nag-uusap kami ni Cong also ni Gov, ‘yung 10,000 they can probably use to buy materials pauna para mayroon silang yero. So ‘yun ‘yung nasabi sa akin ng mga local officials.
DHSUD UNDERSECRETARY RANDY ESCOLANGO: Good morning po, Mr. President, at sa atin pong mga naririto. Kami po ay nautusan ni Secretary Jose Rizalino Acuzar na magpunta ho dito para ipaalam po itong aming programa. Ito pong Integrated Disaster Shelter Assistance Program na kung saan po nakita po namin na masyadong malaki po ‘yung tinamaan ng mga nasirang bahay po totally and partially damaged. Dito po sa aming programa na IDSAP ay 30,000 po pagka totally damaged house po ang tinamaan and 10,000 po ‘pag partially damaged.
Marami na po kaming naibigay po nito. Ito po ay nagco-cover man-made disaster and natural disaster katulad po nitong bagyo na ito. Nitong mga nakaraang Carina marami na rin ho kaming naibigay. At ‘yung first half po karaniwan po ‘yung mga sunog sa iba’t ibang lugar po nakapagbigay na rin ho kami. Dito po inutusan po kami na maibigay kaagad…
PRESIDENT MARCOS: I need numbers. How much ang naibigay ninyo, saan kayo nakapagbigay, ano ‘yung binibigay niyo bawat isang household?
USEC. ESCOLANGO: Opo. Kapag po totally damaged po na house ay P30,000 po, kapag po partially damaged po ay P10,000. Ngayon po ay nakapagbigay na po kami sa iba’t iba sa Iloilo, sa Cavite. Ito lang pong nakaraan nagkaroon ng sunog sa Cavite po sa Bacoor, nagbigay ho kami halos 500 po na mga pamilya ho ‘yun tigti-30,000. At mayroon po kaming inaayos ngayon sa Tondo dahil nagkaroon ho tayo ng sunog.
PRESIDENT MARCOS: Yes, pero ang problema kahit na may hawak na pera ‘yung tao kung walang mabili. Saan sila bibili ng yero, saan sila bibili ng dos por dos, saan sila bibili ng mga pako ng…
USEC. ESCOLANGO: Opo. Ito po ay financial assistance po para sa…
PRESIDENT MARCOS: Kaya nga ‘yung financial assistance wala namang mabili dito. Kung minsan may hawak na pera ‘yung tao pero walang mabili. Iyon ang problema. Kailangan magdadala… We have to allow people to buy. Kasi kahit may hawak nga na cash, saan sila bibili ng yero, saan sila bibili ng kahoy?
Magpapasok talaga — kailangan magpasok tayo.
DND SECRETARY GILBERTO TEODORO: Sir, we are making available an LD of the Philippine Navy. The largest utility vessel of the Philippine Navy and the C-130s will be continuously shuttling…
PRESIDENT MARCOS: Oo, bringing the materials?
SEC. TEODORO: Materials and potable water is the number one, sir, that is required. So Ariel will coordinate as he has been coordinating the logistical priorities of what has to be brought in. But for materials, for north is here with the Chief of Staff, they can prioritize with the Naval LD the construction materials just as long as there is a source to pick it up from.
PRESIDENT MARCOS: All right that’s what we need. Well, we are going to have to arrange that. The province cannot do that. Oo, yeah sige.
OFFICIAL: Mr. President, as requested po ni Governor Cayco — they requested for GI sheets, house repair kits, tarpaulins, ‘yung ropes nadala na natin dati, ma’am.
So, parating na po ‘yun, Mr. President. Dadalhin natin Secretary sa Subic. Ang usapan namin with the Philippine Navy. Ang target po, Governor and Mr. President, is by October 6 or earlier nandito na po.
PRESIDENT MARCOS: Okay. All right. Sa ano naman sa agri, ano ‘yung assessment natin sa damage?
DA SECRETARY FRANCISCO LAUREL JR.: Basically, Mr. President, tally kami sa figures of 45 million. And for rice we have already released 1,000 sacks from NFA. We have 2,700 sacks still available. We have 12,000 sacks now available in Batac to be shipped here, pangdagdag.
We have already the seeds in Batac already ready for transport through the Philippine Navy by the military. Sa animal dispersal naman natin I just found out about it this morning with the mayors and we will be sending the equivalent amount that was lost siguro na kambing at saka baka.
Then, so both for fishermen, the Bureau of Fisheries is now assessing kung ilan ‘yung nawala. I don’t still have the figure but we will be able to also give fuel assistance to the fisherman for P3,000 cash.
PRESIDENT MARCOS: Mayroon talagang — ang daming nasirang bangka.
SEC. LAUREL: Yes, sir. Plus mayroon pang request ‘yung LGUs of tunnel greenhouses na nasira which — mura lang ‘yun at we will be providing as soon as possible.
PRESIDENT MARCOS: Oo, makapag-provide man lang tayo ng ano — pinamimigay natin na…
All right, so, we’ve talked about dwellings. Anong situation sa power? Sa kung kailan babalik ang kuryente?
Can anybody tell — mayroon bang ano na makapag-assess? Anong…
GOV. CAYCO: Wala pong representative ‘yung NAPOCOR pero sinabi sa akin na — kasi ongoing po ‘yung repair… Sabi nila kahapon ‘yung Basco ay maiilawan na pero parang hindi pa po. Marami lang kasing lines na bumagsak po.
PRESIDENT MARCOS: Oo, kasi hindi maaaring basta’t i-on ‘yan, baka…
GOV. CAYCO: Opo, kasi maraming nabasa, mga ganoon.
PRESIDENT MARCOS: Baka makasunog, baka may masaktan, may makuryente.
So, supposed to be kahapon pero hindi natapos?
GOV. CAYCO: Iyong — ano, sir — ‘yung Sabtang Island at saka ‘yung Itbayat Island, okay na po.
PRESIDENT MARCOS: Ah yes, oo. Ah mayroon na?
GOV. CAYCO: Okay na po, mayroon na ho silang power. Dito lang talaga kasi sobrang daming kabahayan, maraming nabasa na mga ceiling kaya delikado po ‘pag i-on daw nila.
Chine-check lang nang maigi. Pero mayroon ho kaming mga supply ng fuel. Kumpleto po kami.
PRESIDENT MARCOS: Kaya natatagalan ‘yan kasi bawat — every foot kailangan tingnan nila na walang putol, walang mag-short, walang naiwan na puwedeng hawakan ng tao na makuryente.
So, anyway, all right. So, that’s — the next item is the water; the power; the relief goods are okay; ‘yung rebuilding materials is incoming, mayroon na silang pambili ng materials. Okay, so ‘yun na lang kuryente.
Hindi mo puwedeng madaliin ‘yan. Kung minsan ang nangyayari pati ‘pag minadali mo ‘yung pagbalik ng kuryente, ang ginagawa nila patse-patse lang. Naiiwan na lang na ganoon, hindi na binabalikan ‘yun. So, madalas masira, madalas pumutok ‘yung mga fuse. Kaya’t kailangan… Wala, hindi mo… Kailangan bawat isang kable tinitingnan nila ‘yan.
GOV. CAYCO: … linya, tinitingnan po.
PRESIDENT MARCOS: Sinusundan nila para makatiyak na pwede nang gamitin.
All right. I think… Is there anything else na ano pang kailangan ng province that we can provide?
GOV. CAYCO: Iyon na lang po, Mr. President.
PRESIDENT MARCOS: O sige.
GOV. CAYCO: Opo, parang nasagot na ho lahat ang aming pangangailangan po dito ho sa Batanes po. Maraming, maraming salamat po.
PRESIDENT MARCOS: O sige.
Okay, kausapin ko din si Secretary Loyzaga tungkol nga dito sa — ‘yung pag-amyenda nung batas para may makuha kayong aggregate.
Pati pala ‘yung sa dredging ano, hindi pala kayo pwedeng mag-dredge.
Pati dredging hindi puwede?
OFFICIAL: [inaudible]
PRESIDENT MARCOS: Oo, the same thing. Oo.
GOV. CAYCO: Actually tumulong sa amin para maiayos namin ang port namin, si Secretary Teodoro. Nakiusap siya kay Secretary Yulo para ma-dredge lang ‘yung port namin. For security po ang aking tinitingnan po dito.
PRESIDENT MARCOS: Basta’t makapag-adjust tayo. Para naman… Wala, bagong weather. We have to adjust.
GOV. CAYCO: Iba na po ang bagyo.
PRESIDENT MARCOS: Yes?
OFFICIAL: Mr. President, I just talked to the Batanelco- Batanes Electric Company this mor — ah last night — and her estimate would be in a week’s time power will be at least partially restored in Batan Island.
Of course, as the governor has said, Itbayat and Sabtang has already restored its power.
And I’d like to take this opportunity, Mr. President, to thank you for your visit to our province. Of course, our Cabinet secretaries, your presence here alone makes a lot of impact on our people. And we trust that you take care — you will take care of us, Mr. President.
PRESIDENT MARCOS: We just wanted to make sure that…
OFFICIAL: Maraming, maraming salamat, Mr. President.
PRESIDENT MARCOS: We wanted to make sure that we… Alam niyo it is — iba talaga ‘yung ganyang klaseng na binabasang report kaysa sa mapuntahan mo, makita mo talaga. That’s why we are all here — para matiyak namin na tama nga ‘yung mga report na ibinigay sa amin. Para makita talaga namin what the human condition is.
So, you don’t need to thank us, trabaho namin ‘yan. But I’m happy that we were able to come to highlight the problems that you are facing.
Okay, sige. Is there anything else na mga report galing sa national government o city?
OFFICIAL: If I may, Mr. President.
PRESIDENT MARCOS: Yeah.
OFFICIAL: Based on your instructions last year when we were in Ilocos na siguraduhin ‘yung emergency power supply ng — especially ‘yung class five municipal — ah province, nagpadala na po tayo rito noong November and January sa bawat munisipyo ng 50KB and 75KB gensets. So, ginagamit na po nila ‘yun.
PRESIDENT MARCOS: Paano ‘yung fuel?
GOV. CAYCO: Sa amin po. Pero okay lang basta mayroon po kaming genset.
PRESIDENT MARCOS: O sige. All right.
Hindi, naiintindihan namin. Lahat ng gamit ninyo hindi gumagana hangga’t may kuryente.
All right. O sige. So, at least we are remedying that situation.
Okay. Is there anything else? Maraming salamat. Thank you. Thank you, Gov, Vice.
— END —