Speech

Message by President Ferdinand R. Marcos at the Gift Giving for Residents of Marillac Hills and Haven for Women in Muntinlupa City


Event Ceremonial Gift-Giving for Residents of Marillac Hills and Haven for Women
Location Marillac Hills, Northgate Avenue in Muntinlupa City

Maraming salamat sa ating DSWD Sec [please] ang ating DSWD Secretary, Secretary Rex Gatchalian na sila ang namamahala dito sa ating Marillac Hills na Center na binabalik-balikan ko nang matagal pa. Senador pa ako at sibilyan pa ako pumupunta ako rito. At dahil pagpunta ko rito lagi ako napapangiti. [applause]

Nahalata ko yata…Bawat punta ko rito sumasayaw kayo. Gumagaling ‘yung sayaw ninyo ah. Parang panay ang practice ninyo nang mabuti at saka siguro panay ang panood ninyo ng TV para nakikita ninyo ang mga bagong sayaw.

At nakakatuwa naman na makita kayo at kahit papaano ay nase-celebrate natin ‘yung Pasko. Kaya’t Merry Christmas sa inyong lahat. [applause]

At ako’y natutuwa na… Kagabi lamang ang ginawa namin doon sa Malacañang ah sinindihan namin, in-on namin ‘yung malaking — mayroon kaming Christmas tree doon na napakalaki. At kasi December 1 na umpisa na talaga ng Christmas season ay in-on na namin. Nagbigay kami ng premyo doon sa mga gumawa nung mga parol. Pagandahan ng parol. Maraming panalo. Ang gagaling – ang gaganda ng mga ginawa nila. Kaya’t talagang simulang-simula na… Sabi ko noong nanood ako kagabi, sabi ko Pasko na nga at nagsin – nag-on na tayo, sinindihan na natin ‘yung Christmas tree.

Ngayon, pagdating ko rito ngayong araw, talagang naramdaman ko na ang Pasko. [applause]

Nakikita ko sa mukha ninyo eh. Alam niyo lalong-lalo na ‘yung mga — ‘pag pinapanood niyo. Ito tawa nang tawa ito eh. [laughter]

Anong grupo ka? Ba’t nung pagsayaw ng mga kasama mo, inaasar mo? [laughter] Huwag mo naman ginagawa ‘yun. Hirap na hirap na nga sumayaw ‘yung tao. Kayo talaga oh.

Pero laging masaya, laging masaya dito. At I am very happy that nakapunta uli ako at naramdaman ko ulit ang ating Pasko.

And kagaya ng lagi kong pagpunta rito, kilala naman natin – huwag nating kakalimutan ang ating benefactor ang Rotary na Bagumbayan… [applause]

Sila lagi. Lahat po ito dala nila. Lahat po ito dala nila. At lagi naman sila napaka-supportive dito. Every time na mapunta ako dito, nandito kayo at para tiyakin na ang ating mga kasama rito ay kahit papaano ay nakakaramdam ng Pasko.

At iyon ang aking sinabi, iyon ang naging mensahe ko kagabi noong pinagsalita ako. Pagkatapos nung programa eh sabi ko sana naman kahit na tinamaan tayo ng kung ano-anong bagyo, kahit na nasunugan ang mga iba’t ibang lugar, kahit papaano tiyakin natin tayong lahat, kaming lahat na – lahat ng Pilipino, lalo na itong mga maliliit, itong mga bata ay dapat ang mga bata kahit papaano makaramdam ng Pasko.

Kahit sila ay naging biktima ng bagyo, kahit sila ay naiwan pa sa mga evacuation center. Basta kami sa pamahalaan titiyakin namin lahat ng Pilipino ay may Merry Christmas ngayong 2024. [applause]

Kaya’t maraming, maraming salamat sa inyong performance dahil alam ko naman hindi biglang nangyari ‘yan. Kahit na mali na ‘yung music, sige pa rin ang sayaw ninyo. [laughter] At alam ko naman na pinaghirapan ninyo at nag-practice kayo nang mabuti, kitang-kita naman. Kagaya ng sabi ko gumagaling kayo nang gumagaling. At kayo…

Akala namin kami ay nandito para magdala nang kaunting regalo para matuwa kayo. Kami naman ang pinatuwa ninyo. Kaya’t maraming, maraming salamat. [applause]

At sa inyong lahat simpleng-simple lang, alam niyo naman sa kalendaryo ng Pilipino ang pinakamahalaga ay ang Pasko dahil iyan ang pagkakataon natin na medyo magpahinga nang kaunti at makasama ang ating mga kaibigan, mga mahal sa buhay.

Kaya’t Merry Christmas sa inyong lahat [applause] at Happy New Year pagdating ng New Year.

At maraming, maraming salamat sa inyong inihanda na mga kanta at mga sayaw. At nailagay na naman ninyo sa puso namin lahat na nanonood sa inyo na nandito na nga ang Pasko at kailangan ay alalayan natin lahat ng ating mga kababayan at ating mga kapwa Pilipino.

Merry Christmas. Happy New Year. [applause]

— END —