Mga kababayan, kasalukuyan nakakaranas ng pag-aalburoto ang Kanlaon volcano sa Negros.
Itinaas na natin ang Alert Level 2 upang masiguro ang kaligtasan ng lahat.
Sa kasalukuyan, may 170 pamilya o 796 na katao ang naapektuhan.
Agad naman natin sila inilikas sa mga evacuation center.
Patuloy ang ating mga ahensya tulad ng PHIVOLCS, NDRRMC, at ang DSWD sa kanilang masusing pagsusubaybay at pagbibigay ng suporta.
Namigay na tayo ng mga sleeping kits sa La Castellana at may 13,000 family food packs na ang naka-preposition sa Negros Island at may karagdagang 40,000 food packs at iba pang non-food items na paparating.
Naka-standby din ang ating mga air asset para sa mas mabilis na pag-responde.
Tinitiyak ko na ang ating pamahalaan ay handa at patuloy na nagbibigay ng suporta hanggang makabalik nang ligtas ang lahat sa kanilang mga tahanan.
Ako rin ay nananawagan sa lahat, lalo na sa mga nakatira malapit sa lugar na maging mapagmatiyag at iwasan ang four-kilometer radius permanent danger zone.
Mangayaring sumunod sa mga payo at tagubilin mula sa mga lokal na awtoridad.
Maraming salamat at ingat po tayong lahat.
— END —