Speech

PBBM VLOG 270: Mga Pagbabago


Event BBMVLOG 270

[Video: President Marcos: Tapos ensayo sa hapon. Minsan kulang pa sa gamit. Kulang pa sa gamit. Kulang pa sa gamit.]

[laughs]

Noong opening ceremony ng Palarong Pambansa ay may mga kabataang atleta sa likod ko habang ako’y nag-i-speech. Kung ano-anong mga mukha ang kanilang ginawa. ‘Yan yata ‘yung mga uso sa TikTok ngayon.

[Video: President Marcos: Nais kong pasalamatan ang lahat nang tumulong – nang tumulong, nang tumulong – na maisakatuparan ang Palarong ito.]

Cong. Sandro, baka puwede natin mahanap itong mga batang ito para makilala naman natin. Shout out naman diyan sa mga kabataan!

[laughs]

Nitong mga nakaraang linggo ay marami tayong mga pinagtuunan ng pansin sa mga serbisyo ng pamahalaan. Mga bagay na may dalang direktang ginhawa sa ating mga kababayan.

Iyan lang naman ang pangunahing direksyon na inilatag natin sa ating Gabinete. Paano ba natin pagiginhawain ang buhay ng bawat Pilipino?

‘Di man perpekto at marami pang kailangan ayusin, masaya naman ako sa mga feedback na natatanggap namin dito ng nakaraang mga linggo.

[Video: Student: Mas magiging comfy tayo to walk alone, knowing na may mga pulis na naka-surround sa iyo.

Woman: ‘Pag magtatanong kami sa mga pulis, alam namin na secure kami.]

Unahin na natin itong usapin sa kaligtasan. Security and safety sa ating mga lansangan.

Sinimulan natin ang pagde-deploy ng mas maraming pulis o ‘yung tinatawag nating Cops On the Beat.

Naging maganda naman ang feedback nito. Sabi ng mga tao ay malaki talaga ang naitutulong pagka sila ay maging panatag.

Ginagawa na rin itong emergency hotline natin at sigurado ako in just a few weeks, baka sa Hulyo puwede na, ay ma-launch na namin ito.

Ang bagong PNP Chief naman natin ay three minutes ang police response ang isinusulong sa kanyang mga hanay.

[Video: President Marcos: Iyong mga nagsasabi hindi ano lang ‘yan “unsustainable” is really what people are saying. Watch me sustain it.]

[Video: Woman 1: Napakalaking bagay po nito lalo na po sa mga mahihirap po nating mga kababayan. Ang PhP20 po ay malaking bagay. Kami ay sobra-sobra po talagang nagagalak.

Woman 2: Masyadong masaya ako kasi maraming nangarap niyan. Malaking bagay po ‘yan.

Woman 3: Pinaparating ko po ‘yung aking buong-pusong pasasalamat sa ganitong programa na inyo pong itinayo.]

Noong isang araw ay nag-inspect tayo ng isang warehouse ng NFA sa may Bulacan. Marami pa rin ang nagdududa kung paano masu-sustain o patatagalin itong 20-peso rice na ito.

May stock pa ba tayo na bigas? Kaya ba ito na bayaran ng ating gobyerno?

Masu-sustain po natin ‘yan basta nagtutulungan ang lahat.

Ang sisiguruhin natin ay hindi mawawalan ng abot- kayang bigas ang ating mga kababayan.

Dumalaw din tayo sa isang farm diyan sa Bulacan kung nasaan ang pinakamalaking greenhouse facility sa buong bansa. Ang agricultural innovation na ganito ay dapat talagang inaaral at sinusuportahan ng pamahalaan.

Ang pinag-uusapan natin dito ay hindi lamang ang food security o ‘yung food supply, kung hindi pati na ang nutritional value na binibigay natin sa taong-bayan.

Hindi lang tuyo ang kinakain nila. May gulay, may prutas, lahat ‘yan. Kaya ang mga facility na ganito ay ayan ang magpo-provide sa atin ng mga fresh na mga gulay, fresh fruits, et cetera.

Patuloy pa rin ang pamimigay natin ng mga makinarya sa National Irrigation Authority. Ito nga ‘yung pangatlong tranche natin, Re-Fleeting Program ang tawag.

Mahalaga sa agrikultura ang patubig. At itong mga makinaryang ito ay sisiguruhin ang irigasyon natin na laging well-maintained. Maganda ang daloy ng tubig. Bahagi ‘yan ng mandato ng National Irrigation Association na siguruhin ang major canals at irrigation infrastructure ay laging maayos.

[Video: Woman 1: Bale po apat na ticket po, isa lang po ‘yung binayaran namin. From Ortigas po to GMA Kamuning, PhP20 lang po.

Woman 2: I was so thankful kasi talagang nakabawas ‘yung babayaran namin ‘di ba? Malaki talaga ang advantages.]

Ang isa sa pinagtuunan din natin ng pansin nitong mga nakaraang linggo ay ang transportasyon. Inanunsyo ko ang pansamantalang paghihinto muna ng EDSA Rebuilding Program.

Ang sabi ko nga ay masyadong matagal naman ‘yung dalawang taon para maabala ang mga kababayan natin.

At hangga’t wala akong nakikitang solid ng mga rerouting plans at masiguro na handang-handa na ang mga LGUs, huwag muna nating gawin. Ayusin muna natin ang plano.

Nag-inspect din tayo ng MRT at nalunsad natin ang programang 1+3. Kung mapapansin niyo sa mga MRT station natin, bumilis na ang andar ng pila. Minsan nga ay wala ng pila.

‘Yan ang patuloy natin tinatrabaho kasama si Secretary Vince ng DOTr. Bubuti pa ‘yan in the coming months.

Pumunta rin kami sa NAIA 3 naman at marami ring ginagawang pagbabago. Bilang gateway ng ating bansa, itong mga airport natin kumbaga ay ang first and last experience nila sa ating bansa. Kaya’t hindi sapat na magaganda ang tourist spot natin. Kailangan ganoon din kaganda ang mga airport natin.

Hindi lamang ang Manila airport, dini-develop din natin ang mga tinatawag na regional airport para ang ating mga bisita ay hindi na kailangan dumaan pa sa Maynila para pupunta sa kanilang resort.

Pati na ‘yung mga umuuwing OFW, eh kung minsan napakalayo naman ang pinupuntahan nila. Puwede silang tumuloy na sa mas malapit na airport para hindi na kailangan dumaan sa Manila airport.

Napakaimportante ‘yan para maging mas maginhawa naman ang biyahe. Hindi lamang para sa ating mga bisita, kung hindi mas lalong-lalo na, para sa mga Pilipinong umuuwi at umaalis.

Ilan pa lamang ito sa mga pagbabagong nagaganap. Marami pa po ito.

Maraming salamat sa inyong mga mungkahi, suhestyon, komento. Lagi po kaming nakikinig at patuloy na isusulong ang anumang mga programang makakabuti sa kalagayan ng ating mga kababayan.

Mabuhay ang Bagong Pilipinas! Ingat po tayong lahat.

— END —