Magandang hapon po sa inyong lahat na mga kababayan kong Pilipino. Hindi ho ito scheduled meeting kaya lang with the present impasse ngayon sa Kongreso mapipilitan po ako.
Ang kuwento ko lang naman simple lang. Tayo nagpahalal sa tao kasi gusto nating magsilbi sa ating bayan. Iyong iba naniniwala sa hangarin natin. Iyong iba naman, the ever cynic, sabi nila gusto lang natin pera.
Pero whatever it is kung anong nasa isip ng lahat o isang tao ako po’y magsasabi ng aking nasa anong nasa loob ko. You know I ran for president with the heart in mind na gusto kong sumilbi. And of course in serving I would have wanted to give the best sa pagka kaya ko sa pagkatao ko. Sa limitadong pinag-aralan ko gusto kong na maalaala at hindi para sa inyo, para sa aking mga anak na lang at mga apo na minsan sa buhay ko tumakbo ako ng presidente nanalo ako dahil hinalal ako ng tao.
Ngayon, gusto kong makipag-usap sa inyo lahat tayong lahat ng opisyal, not necessarily with the congressmen and senators, lahat tayo na ang gusto naman natin talaga magsilbi nang husto.
Now, whether it is really the work of a few men in Congress or in the Cabinet or in the other agencies ng ating gobyerno, ang gusto natin ‘yung tama lang. Ano man ang ano natin ang gusto natin ‘yung tama.
Ako naman, ang gusto kong iiwan ‘yung tama kasi ‘yon nga ang sinasabi kong iiwan ko sa mga apo ko, mga anak ko, na ako po’y nagpakatotoo. Now, you would notice dito sa ating bayan na kung magkal****-l****, hindi ‘yan sila magtanong kung sino ang may kagagawan o responsable for the mess that we are in right now. Hindi sila magtatanong, wala silang pakialam.
Ang maalaala lang nila eh panahon ni Duterte napakabaho kita mo kung ganoon. Hindi… They do not mention “ah ‘yung si Alan noon ‘yung sa Congress o si Lord sa ano.” Wala. Ang sabihin “administrasyon ni Duterte”.
Ako naman hindi na masyado ako ambisyoso pero gusto kong maganda ‘yung administrasyon ko sana kung kaya ko rin, kung kaya kong pagandahin. Pero huwag na ninyo akong idamay sa away ninyo at tapos in the future people will be asking what happened to the administration of Duterte or the administration of Arroyo or of Aquino or of Ramos? Hindi man sila magtanong kung sino ‘yung mga tao doon responsible for the haywire administration of a certain period gaya ko sa panahon ko.
Ako gusto ko na maglingkod sa bayan na walang masabi sa akin. Kaya nakikiusap ako sa mga kasama ko sa gobyerno, ‘yung hinalal lalo na, na huwag naman ninyo akong idamay. Ako gusto ko, kayo hindi. Diyan tayo magkaroon ng problema.
Ang gobyerno natin maraming problema. Iyang COVID na ‘yan hindi ‘yan umaalis sa Pilipinas matagal na. Lumilipad lang ‘yang mikrobyo na ‘yan diyan sa — dito sa atin. Kung sino lang ang malas madapuan, iyon na ‘yon.
So people are dying, people are sick, people need medicines, at marami pang ibang — sabihin ko sa inyo, alam ninyo iyan. I will not enumerate because alam ninyo. Kayo ang nag-prepare ng budget nga diyan eh. Hindi na rin ako — I will not cite the Constitutional provisions that you have violated ever since. Hindi na ako diyan kasi hindi nito — hindi naman ito away ng legal eh.
Pero ang pakiusap ko, ayusin ninyo at isipin ninyo ang Pilipino na nasa ospital ngayon na kailangan ng medisina at iyong mga Pilipinong mamamatay ngayon, ganitong oras na walang gamot, wala lahat, kulang. At hindi ko talaga maintindihan isa pa ito na may mamatay sa ospital ng gobyerno dahil walang medisina.
Huwag na huwag akong makarinig nang ganoon, sa totoo lang. Ang Kongreso must be generous enough to give us the Bayanihan Act to Heal as One, lahat ng pera nandiyan.
Wala pa namang kalokohan akong nakita pero huwag naman sana ninyong sobrahan ang laro sa Congress na iyong budget mismo ang nalagay sa alanganin.
I am just, you know, appealing to you. Iyong upo nila dito, hindi sabihin na may balak ako. Gusto ko lang sabihin in one straight statement: Either you resolve the issue sa impasse ninyo diyan and pass the budget legally and constitutionally, ‘pag hindi ninyo ginawa, ako ang gagawa para sa inyo.
Hindi ako nananakot, wala akong ambisyon manakot, wala rin akong ambisyon na tatagal dito sa puwestong p****** i**** ‘to na puro problema. Wala akong ano — wala akong hangarin. Basta sinasabi ko lang, if you do not solve the problem, then I will solve the problem for you.
Mamili kayo, either we have a — the positive development na maligayahan iyong tao, iyong amo natin — iyong amo natin palagi naka sa huli iyan. Mamaya na iyang amo natin, mamamatay na muna iyan o mabubuhay iyan, medisina lang iyan, tapos nakakalimutan natin. We always forget that there is something more higher than just delaying or maneuvering in Congress because everybody wants to be Speaker.
I am not going to give a timeline. Hindi — mga diktador lang gumagawa ng ganoon. Gusto ko na ayusin ninyo, if and when I see that there will be a delay and it will result in the derailment of government service, I will, I said, solve the problem for you.
Iyan lang po. Sana maintindihan ninyo ako. I will not apologize for saying this because indeed we are all of the same dream and that is really by itself and alone, it is already an honor, it’s a dream fulfilled for any lawyer or any Filipino for that matter, to serve his country.
So let us keep that in mind and we will see in the next few days if there is really something that we can hope for. ‘Pag wala, then I will do my thing.
Maraming salamat sa inyong — I cannot pronounce it properly sometimes — thank you for listening to me and giving me the understanding. But I am not apologizing for anything. I’m just telling you.
Good day.
— END —
SOURCE: PCOO-PND (Presidential News Desk)