Magandang araw po sa inyong lahat, mga kababayan ko, at sana nasa siguradong lugar kayo ngayon.
Ang gobyerno natin ay gumagawa ng mga patakaran na para matulungan makabangon ‘yung tinamaan ng epekto ng typhoon. Kaya sa madalian, gumawa ako ng hakbang — creation of a task force. Ito naman, I directed them to streamline para madali ang rehabilitation efforts affected by the typhoon.
Pangalawa, iyong isang itong task force itong different agencies will be given — ito lahat itong halos mga ahensiya sa gobyerno kasali dito. They have representatives there in that task force. Binibigyan ko sila ng timeline para gumawa ‘yang mga hakbang na ‘yan na walang delay at i-cut ‘yung red tape para mabilis ang takbo ng tulong sa tao.
Sa madaling sabi, gusto ‘yung task force na magbigay kaagad ng relief assistance sa affected — kayong mga tao. Ewan ko kung anong gawain ninyo, ang task force. But kung ano man ‘yan gawain ninyo at ako na ang bahala kung sakali man mayroon dito puwede, mayroon dito hindi. Puwede lahat, gawain na lang ninyo.
At itong lahat na ito masasabi natin sa isang salita, one word that the — ‘yung tulong will be coming, that may panahon sila ibigay para mapadali ‘yung tulong. Iyon lang naman.
Ang pinag-uusapan kasi dito ano ang ginagawa ng gobyerno, ang mga hakbang dapat malaman ninyo, at ang tulong paano makarating sa inyo sa madaling panahon.
At ‘yung mga tao ngayon nandiyan may mga Coast Guard, mayroong Army, may Navy na pupunta diyan nang madalian para makatulong sa inyo. Ito sila nagtatrabaho round-the-clock. Ibig sabihin walang hinto, relyebo-relyebo lang. At ang mga augmentation ‘yung mga iba-ibang mayroong mga maitulong nandiyan.
Ang Coast Guard naman may mga — may eroplano diyan sa area. Nakata — naka-standby lang ‘yan kung ano ang gawin, kung kailangan gamitin ang eroplano.
Iyong mga search and rescue, mayroon tayong mga support forces rin. Ang pinakamadali the Armed Forces of the Philippines, particularly the Luzon Command, has been deployed. Lahat ‘yan, Navy, Army, naka — Coast Guard, naka-deploy diyan sa Region II.
Dalawang helicopter na ibinigay ng — ipinahiram ng NOLCOM, at kung kailangan pa, ‘yung mga helicopter natin dito naiwan, ipapadala ko para sa pagtulong sa tao lalo na ‘yung nasa bubong. Kung nandiyan pa at madalian, ngayon pag-alis ko, tatawag ako sa Air Force kung mga ilang eroplanong mapadala nila — ‘yung helicopter para makatulong.
Iyon lang naman ang kailangan kong sabihin sa inyo, ang dapat ninyong marinig. Wala maraming istorya, salita. Kung hindi may mga tao na nangangailangan ng tulong, ‘yung iba namamatay.
Kaya ang gobyerno papasok sa madaling panahon gamit lahat ‘yung mga assets, ‘yung pag — ‘yung mga ari-arian ng gobyerno at gagamitin doon, and I will see to it na talagang dadating ‘yan.
Maghintay lang kayo nang kaunting panahon, minuto-minuto lang naman ‘yan eh. Iyong hindi pa nakuha sa bahay nila maybe this still early, 1 o’clock, makakarating ‘yung mga air assets natin.
Iyon lang naman siguro ang kailangan malaman ninyo na alam ko na naghihirap kayo, alam ko na kailangan ninyo ng tulong at alam ko na inaasahan ninyo na ‘yung tulong maabot sa madaling panahon sa lugar ninyo.
Iyon lang po at saka kaya natin ‘to. Ilang — ilang pahirap na ng panahon. Babangon rin tayo. Mahirap pero alam mo naman ang Pilipino — alam nilang tumindig ulit
Maraming salamat.
— END —
Source: PCOO-PND (Presidential News Desk)