Magandang umaga, lalong-lalo na itong unang araw ng pasukan ng ating mga bata.
Sana naman naging maayos lahat. At nandito kami para mag-inspection. Nandito kami sa Epifanio Delos Santos School. At tinitingnan namin ang kondisyon kung ano ang pangangailangan pa.
Kailangan kung ano pa ang nakita ninyo na kulang kahit sa gamit o sa sistema, dapat masabihan niyo kaagad kami. Nandito si Sec. Sonny Angara na namamahala sa ating DepEd.
[DEPED SECRETARY SONNY ANGARA: You want to greet Ma’am Melanie sa Ilocano, sir, sa La Union?]
Galing lang ako doon.
[DEPED SECRETARY SONNY ANGARA: Batiin niyo lang, sir. I’m sure they’ll be happy to hear from you sa Ilocano. Solano, ‘yan. Kaway-kaway diyan. Narinig niyo kami?]
Ito. Galing lang ako diyan. Nasa San Fernando ako kanina.
[DEPED SECRETARY SONNY ANGARA: Ay, thank you, sir. Sa Mindanao naman, sir. Sarangani kasama ho natin.]
Koronadal. Candiisan. Concepcion National High School. Ayan, Bukidnon Candiisan. Bantayan National High. Lanao – ang layo nun, Cebu Province – Lanao Integrated School. Sarangani.
Kumusta na kayo? Mabuti naman? Sana naman ay naging… We muted them.
[DEPED SECRETARY SONNY ANGARA: Oo nga, naka-mute sila.]
Naka-mute sila.
O sige. Bumabati lang ako at ipapaalala ko sa inyo na ang buong pamahalaan, lalo na basta sa edukasyon, lahat ng ating departamento hanggang DOH, DSWD, DTI, DOTr – ‘yung DTI para tiyakin na maganda ang presyo ng mga gamit at bawasan ang gastos ng mga estudyante at saka ng mga magulang, DTI ‘yan at saka DOTr.
DOH, tiyakin na mayroon tayong mga clinic, mayroon tayong mga medical health facilities. Pati DSWD, lalong-lalo na kailangan nating bantayan ‘yung mga cyberbullying at ‘yung mga mental health ng ating mga kabataan.
[DEPED SECRETARY SONNY ANGARA: The PNP for the schools, sir.]
Oo. Iyong PNP para talaga nakabantay. At ang DICT, para tiyakin na magkaroon tayo ng connectivity. At bukod pa doon, tinitiyak natin na mayroon tayong CCTV, lalong-lalo na sa paligid ng eskwelahan para naman ang ating mga kabataan ay nababantayan nang mabuti.
Kaya lahat talaga ng departamento hanggang sa Office of the President ay nakabantay ngayon sa inyo dahil ito na ang pinakaimportante naming ginagawa.
Kaya patuloy ninyo. Magpapasalamat ako sa lahat ng mga teacher. Mayroon tayong mga… Oo, nadagdagan tayo.
Lahat-lahat kukuha tayo ng bagong guro, mga 20,000. As it is, mayroon na tayong bagong 16,000 na mga guro para mabawasan ang administrative duties ng bawat teacher.
All right. Tapos dadagdagan natin ‘yung administrative officer.
Kaya lahat ng mga teacher, naging teacher kayo para magturo, makakapagturo kayo nang mabuti. Kung ano pa ang inyong nakikita na puwedeng pagandahin pa, sabihan niyo kami. Sabihan ninyo ang DepEd na representative ninyo, kahit sa LGU, hanggang sa region, para malaman namin. Mga superintendent ninyo ay ibigay ninyo kung anuman ang sa inyong palagay ay maaari namin pang gawin para maging mas maganda ang takbo.
Anyway, first day pa lang pero nakabantay – nakabantay kami sa inyong lahat para tiyakin na lahat ng pangangailangan, lalong-lalo ng ating mga kabataan ay kahit papaano maipaabot namin.
Maraming salamat sa inyo. Congratulations sa maayos na first day of school!
[DEPED SECRETARY SONNY ANGARA: Maraming salamat, Mr. President. Thank you po. Ingat po sila.]
— END —