Speech

Remarks by President Ferdinand R. Marcos Jr. at the Distribution of DSWD Cash Assistance (AKAP) Program


Event Distribution of DSWD Cash Assistance (AKAP) Program
Location Metro Gabu Covered Court, Brgy. 34-A, Gabu North, Laoag City|

[Ilocano] [applause]

We are here today dahil, of course, para maka… Galing lang kami doon sa Laoag River to look at the damage nung nasira na flood control at saka dike. At para hahanapan natin ng pondo para bagong — hindi pa tapos ‘yun, ginagawa pa lang ‘yun.

‘Di bale, titingnan natin, babalikan natin baka palitan natin. Nandito si — nandito lahat ng Cabinet secretary at isinama ko na. [applause]

Nandoon si — siyempre si DSWD, si Secretary Rex Gatchalian. Siyang namamahala sa pagbigay ng ayuda at saka sa mga ibang tulong; DILG Secretary, Secretary Benhur Abalos, pero take advantage na kayo dahil hanggang Monday lang DILG Secretary ‘yan dahil tatakbo ng senador. [applause] ‘Yan panalo ka na rito sa Ilocos Norte at sa Region I, dala ka na namin. Sa DA naman, ang ating secretary, Secretary Kiko Laurel; and anak ni Ilocos Norte at Kalihim ang Public Works, Secretary Manny Bonoan.

We are here because we wanted to look at the damage. Galing din kami sa Basco, malaki — malakas ‘yung hangin, malakas ‘yung bagyo ‘yung nangyari sa Basco. Pero dito mayroon din tayong damage pero usually — karamihan dahil sa malaking tubig. And that’s why — ‘yun ang ating ginagawan ng paraan.

Ngayon, in the meantime, habang wala pang — hindi pa kayo makalabas ay siyempre mayroon tayong dala rito na relief goods para sa mga displaced na hindi maka — walang mabiling — walang kakainin, walang — hindi makapag — hindi makalabas.

So, ilan ang ating relief goods dito sa province?

‘Di magwa-100,000 dito sa Ilocos Norte ‘yung ganyang klaseng relief goods. So, naka-dalawang round na tayo ‘di ba? So, hanggang pangatlong — hanggang — hangga’t kailangan, nandito kami. We are not — we will continue to give assistance sa lahat ng ating mga kasama. [applause]

Kaya’t nandito naman si Congressman Sandro, [applause and cheers] nandiyan si Governor Matt. [applause and cheers]

Wala kayong problema direct line kayo sa national government. At hindi lang sa mga secretary, itong anak ko at saka itong pamangkin ko ginigising ako ng umagang ito pagka may kailangan. Okay lang, Ilocos Norte naman. [applause and cheers]

Anyway, ‘yun lang. Dumaan lang kami para tingnan kung maayos ang processing ng mga beneficiary at mukha namang maayos. And we will… Sige, kagaya ng sabi ko, we will continue to give assistance as long as it is needed. Hindi naman tayo nagkukulang sa gamit, sa relief goods. And then we will be providing cash assistance already na tig-sampung libo. When will we start?

Oh, ano ngayon Biyernes? Monday, Monday ‘yung cash assistance ibibigay na natin. Kasi ang experience namin ganoon. Kahit na may relief goods, bawat pamilya may sariling pangangailangan na hindi kasama sa relief goods. Halimbawa, ‘yung ipapakain sa bata o gamot doon sa — ‘yung mga gamot, ‘yang mga ganyang klaseng bagay.

So, we have naman — we have available all of that para lahat ng ating mga kasamahan ay kung ano ang pangangailangan nila, kayo mag-decide, nasa inyo ‘yung pera kung saan niyo gagamitin.

All right, good luck sa ating lahat. [applause]

At babalik… Binigyan ko ng instruction si Sec. Manny Bonoan na ito nga – itong — ‘yung Gabu na dike and slope protection, hindi na kaya nung design natin ngayon. Kailangan nating palitan. So, road dike ang iniisip namin.

Iyong kalsada doon na — doon dumadaan papunta sa mouth of the river — mouth of Laoag River are — imbis na slope protection lamang ay lalagyan namin ng kalsada. Kasi ang nangyari dito ‘yung tubig nanggaling sa loob, tinulak ‘yung dike na palabas — papunta — palubog sa ilog. Kaya ganoon nasira.

Kaya’t babaguhin natin ‘yung design gagawin natin — ang gagawin natin… Kalsada tapos may slope protection para kung — kahit malaki ang tubig dumadating, hindi na matutulak ‘yung slope protection ‘yung dike. Para lalabas na lang ‘yung tubig na walang sinisira. [applause and cheers]

So, ‘yun ang aming babaguhin.

Okay, so, anyway, sige, good luck.

You want to say something?

Okay. O sige. Dios ti agngina apo (Thank you).

—END—