Good morning. Magandang umaga sa inyong lahat. [Ilocano] [Upo tayo, please] [laughter]
Anyway, laging masaya itong mga event na ito dahil sa wakas ‘yung marami sa ating mga LGU at mga cities at saka municipalities na hanggang ngayon ay hindi pa nagkaroon ng ambulansiya, hindi pa nagkaroon ng ganitong Patient Transport Vehicle ay magkakaroon na. At ‘yun pang hindi pa nabigyan ay magkakaroon din. [cheers]
At asahan ninyo, ang pangako sa akin, ang instruction ko kay GM Mel Robles sabi ko sa kaniya kailangan by the end of the year, masabi na natin by the end of 2025, masabi natin na lahat na ng cities and municipalities ay nabigyan na natin nitong Patient Transport Vehicle. [applause]
Kung titingnan ninyo po ay talagang pinili namin nang mabuti itong ating ginagamit na model, na modelo para sa Patient Transport Vehicle. Marami tayong pinag-iisipan.
Naalala ko noong governor ako, marami kasi tayong mga – marami kaming mga kababayan, marami kaming kaibigan na nasa Amerika. So, humihingi kami ng tulong, pinadadalhan kami iyong magagandang ambulansiya na nakikita mo sa sine na malalaki.
Eh ‘di very grateful naman kami dahil napakaganda at napakamahal. Hindi kayang bilhin ng probinsiya.
Ngunit noong nagkaroon ng emergency, eh ‘yung mga malalaki na ‘yun ay hindi nababagay lalo na doon sa mga maliliit na bayan kung saan maliit lang ang daan.
Nag-usap nga kami ni Mayor Isko, sabi niya, lalo dito sa Maynila puro eskinita ‘yan, hindi makapasok.
Kaya pinili namin itong modelong ito na very appropriate na tamang-tama para sa Pilipinas. Hindi lamang dahil iyon na nga nakakapunta kahit saan kung saan nangangailangan ng Transport Vehicle, ngunit pati na iyong modelo na ito madaling i-maintain, laging may piyesa. Kahit sino na medyo marunong-runong na mekaniko, kaya nilang ayusin kung magkaproblema.
Kaya aasahan ko na ‘pag turn over namin sa ating mga LGU, kayo na munang bahala. Alagaan ninyo nang mabuti ito. Tatagal ito nang matagal basta alagaan natin nang mabuti. Kahit gamit na gamit ‘yan. Mayroon na kaming experience doon sa mga una naming naibigay. Basta inaalagaan nang mabuti, tama ang pag-service, tama ang paggamit, pagka nangangailangan ng piyesa palitan kaagad. Nakita naman namin na basta we look after the vehicles, ito ay tatagal nang matagal.
Kaya we are very happy now to be able to do this dahil dito sa administrasyong ito, karapatan ng bawat nating kababayan na Pilipino na magkaroon ng ganitong klaseng serbisyo.
Pinapatibay nga natin ang buong healthcare services. Nagmi-meeting lang kami tungkol sa budget sa DOH, tungkol sa budget ng PhilHealth, tungkol sa lahat ng mga serbisyong ibinibigay, tungkol sa mga insurance upang buoin namin ang magandang healthcare system.
At mayroon naman tayong maraming natutunan noong panahon ng COVID. Dahil noong panahon ng COVID, nakita natin ano ‘yung pagkukulang ng ating healthcare system. Saan ang kailangan ayusin? Sino ang puwede nating asahan? All of these things. In-apply namin dito sa aming programa, hindi lamang dito sa Transport Vehicles, kung hindi pati na sa ating buong healthcare system, pati ating mga hospital, pati nga ‘yung PhilHealth.
So, ito ay isang bahagi lamang sa pagpapatibay natin ng ating healthcare system.
Dinala ko ito, ang ating kaunting statistics. Ang na-distribute na ng mula noong June 2022 to 2025, nakapag-distribute na tayo ng 680 na ganito na PTV across the whole Philippines. [applause]
Ngayon, ang nandito sa harap ninyo 395? Is that correct? 397 na vehicles.
Hindi pa ako bumababa sa sasakyan, pinagmamalaki na ni Mel Robles na it is the biggest in the world na pagbigay ng ganito.
Well, nagulat din ako dahil hindi naman ‘yun ang habol natin. Ang habol ko talaga ay lahat ng ating LGU, lahat ng ating mga municipalities ay magkaroon. [applause]
Kaya sa 680 PTVs, tapos na ‘yan. Ngayong araw na ito, mayroon tayong [397] na ipamimigay but this is for Luzon.
Kasabay nito ay ipamimigay din natin, mayroon din tayong 123 para sa Eastern Visayas at 105 sa Mindanao. Kasama dito sa batch na ito, iyon ay maibibigay na natin.
Kung maalala ninyo, we have 149 cities, 1,493 municipalities, which makes 1,642 cities and municipalities in the Philippines.
Kaya ‘pag natapos natin lahat ito by the end of the year, masasabi na natin lahat ng city and municipality ay nabigyan na natin ng ating Patient Transport Vehicle. [applause]
Ang plano natin sa susunod dahil siyempre ‘yung ibang bayan mas malaki sa ibang bayan, ‘yung city mas malaki sa ibang city, titingnan ngayon natin kung ano ‘yung pangangailangan. We have to base it already on the population ng bawat lugar.
So, ‘yung malalaki talaga, kahit nabigyan ng isa, kailangan balikan natin dahil sa laki ng kanilang populasyon eh kailangan natin maserbisyuhan lahat. [applause] Kaya ‘yun ang babalik at babalikan natin.
We now have today in Luzon, sa Ilocos – 30; Cagayan Valley – 72; Central Luzon – 100; CALABARZON – 27; MIMAROPA – 59; Bicol Region – 64; at ang CAR – 35.
So, it is an ongoing program. Ito’y nagkataon lang na this is for – this is a release for most of Luzon. But we will continue to do this and hindi namin ititigil ito hangga’t lahat ng pangangailangan ng ating mga LGU ay nabigyan na natin, natugunan na natin ang kanilang requirement para dito sa mga Patient Transport Vehicle na ito.
Kaya ipagpapatuloy namin ang pagpapatibay hindi lamang sa paramihan nitong Transport Vehicle, kung hindi pati na ang buong health system natin, buong healthcare system natin.
Inaayos natin ang ating mga ospital. Nilagyan na natin ng mga specialty centers. Mayroon tayo ng bago, ‘yung tinatawag na BUCAS na center para sa mga karamdaman na hindi naman kailangan na maospital, na ma-confine.
Lahat po ‘yan. ‘Yung PhilHealth, pinaparami natin ang insurance coverage. Pinapalaki – pinaparami natin ang serbisyong ibinibigay ng PhilHealth.
Binababaan natin ang payment, ang bayad, kasi kahit papaano ‘yung pasyente pagka magpapatingin o magpapagaling ay mayroon pa ring kontribusyon. At dahan-dahan naming babawasan ‘yang kontribusyon ng pasyente.
At kung tayo’y magawa natin, ‘pag naayos natin ang ating ekonomiya nang mabuti at kaya na natin ay kaya naman siguro natin, wala ng kontribusyon ang pasyente. [applause] Bigyan na lang natin ng…
Siguro ‘yung kagaya sa ibang lugar na nakikita ko na nasubukan ko, administrative cost lang. Wala ‘yun mga isang daang piso ‘yun. Tama na ‘yun. Iyon lang siguro ang naibigay nila. That is the aspiration.
At the moment, iyong sistema natin is not sufficient para ating magawa ‘yun. Siyempre ‘yung pondo laging kulang. But minamaniobra natin, minamasahe natin ang budget nang mabuti para naman mapabilis ang pagpaganda ng health service para sa ating mga kababayan.
Maraming, maraming salamat.
Congratulations, sa mga LGUs! [applause]
— END —