Hinahanap ko – hanggang ngayon hinahanap ko kung saan ‘yung mga senior. Puro teenager itong nakikita ko. [cheers]
Kasi ‘pag naki – ‘pag hin – ako lang ang senior dito eh. Hanggang ngayon hindi pa ako umaamin. Hindi ko pa tinatanggap ‘yung senior citizen’s card ko hanggang ngayon dahil in denial pa rin ako.
Ngunit nandito po tayo ngayong umaga para i-highlight ‘yung ating bagong gagawin na nagbibigay tayo ng diskwento.
Noong nakaraan nakapagbigay tayo ng diskwento sa ating mga students basta’t magpakita ng student ID ay makakapag – makakapagkuha sila ng 50 percent na discount.
Ngayon naman ay idadagdag natin sa grupong ‘yun na mabibigyan ng 50 percent discount ang mga senior citizens at ang mga PWD. [cheers and applause]
Ang makikinabang dito sa programang ito ay siguro mga labintatlong milyong senior citizen at saka pitong milyon na PWD.
Kaya alam naman natin ang… Iyan, ‘yan ang mga grupong ‘yan: mga estudyante, ang PWD, mga senior citizens ay talaga naman eh kailangan ng tulong natin dahil very limited ang kanilang income. Kaya naisip namin ito’y maaari nating gawin upang tulungan ang ating mga commuter na PWD at ‘yung mga senior citizen na nandito kasama natin ngayong umaga.
Mayroon din po akong bagong announcement. Kung maaalala ninyo noong 2014? 2014, nakabili po tayo ng mga tren galing sa China, ang tawag ‘yung mga Dalian train dahil…
[DOTr Secretary Vince Dizon: Iyan po, Mr. President.]
Ha? Ito na ba ‘yun? Oh, ito na pala eh.
Nakabili po tayo sa China ng Dalian train. Tawag Dalian dahil ginawa po sa lungsod ng Dalian doon sa China. ‘Yun lamang, noong ininspeksyon, hindi daw kaya na paandarin at patakbuhin at gamitin itong mga tren na ito, itong mga karwahe na ito.
How many did we get? How many cars?
[Secretary Dizon: 48 cars.]
Nakabili tayo ng 48 na karwahe para sa tren. Mula ng 2014, hindi pa ‘to – nakatengga lang ito, hindi po nagamit.
Kaya ang ginawa natin ay binalikan natin itong mga ito at tiniyak natin na kung anuman ang kailangang gawin para magamit ang Dalian train na ito ay gawin na natin.
Kaya itong tren na nakikita natin sa harap natin ito, naayos na ito, puwede nang gamitin. Kaya mula ngayon, gagamit tayo – mayroon na tayong magamit na karagdagang… We will use three trains? So, makakapagbuo na tayo…
Ngayon pa lang, three trains na tatlong karwahe. So, nine nitong cars na ito. Doon sa 48, tuloy-tuloy natin na titingnan at gagawan ng paraan para naman magamit dahil sampung taon nakaparada ito eh, hindi nagamit.
Ngunit ngayon ay nagagamit na natin at iyan ang ite-testing natin ngayong araw.
[Secretary Dizon: First day na masasakyan ng mga kababayan natin.]
Oo, ngayon lang. Ngayon lang na in-service itong Dalian, first day. First time na masasakyan ito mula noong binili. Mula noong binili hindi pa nagamit ito. Kaya nakakatuwa naman. Hindi naman nasayang ang ating pondo. [applause]
Kaya maging maginhawa ang pagbiyahe ng ating mga kababayan, lalo na ang mga senior citizen, lalo na ang PWD, at saka ‘yung mga estudyante natin.
Maraming salamat po. Magandang umaga po sa inyo. [applause]
— END —