Good morning, everyone.
We are here because we are launching the program that is really led by – that’s led by MMDA on what we call the Bayanihan Estero Program. And what that essentially means ay lilinisin natin itong mga estero natin.
Hangga’t makita na talaga ninyo kung gaano kakapal ‘yung water hyacinth at gaano karami ‘yung kailangan talagang kolektahin, gaano kababaw na ‘yung tubig dahil sa siltation, hindi mo talaga – kahit na mga picture lamang ang nakita mo ibang iba talaga ‘pag nakita mo gaano kakapal ito.
Sa dami ng water lily, ng water hyacinth pala, ng water hyacinth sa dami, kahit na sa – ‘yung mga nagtatrabaho doon nilalakad nila, nakakalakad – para silang Jesus Christ lumalakad sila sa tubig eh. [laughter] Oo, talagang ganoon kakapal ang nasa ilalim kaya pati tao kaya na maglakad.
That’s why we have encouraged this, kasama natin ang DOLE, of course, the DILG, all our local government officials, and all the political leaders. Kailangan natin magsama-sama, magkaisa, at pagtulungan ito. Dahil alam naman natin ang matinding usapan sa nakaraang ilang araw may ‘yung flood control projects.
O sige, tiningnan din natin ‘yan. Ngunit kahit magandang-maganda na lahat ng flood control projects natin, kapag ganito pa rin ang ating estero, eh wala rin mababaha pa rin tayo dahil walang madaanan ‘yung tubig. Mababaw na ‘yung tubig, kakaunti na lang ‘yung dumadaan na tubig. Pataas nang pataas ang level ng tubig. So, talagang kailangan bigyan natin ng pansin itong problemang ito.
And this is our response. At maganda naman dahil mula noong nasimulan natin, there were 23 esteros that we wanted to clear. Bago pa dumating ang Crising, bago dumating ang Crising, nakapag-clear na tayo ng isang dosena, labindalawang estero na nalinis na natin. Kaya kahit papaano nabawasan ang epekto. Wala tayong magagawa dahil sa dami ng bagsak ng tubig. Ngunit makikita natin kapag malinis ang mga estero, mabilis din mawala ang baha.
Kaya naiiwan ang baha dahil walang madaanan ng tubig at tatagal talaga na may tubig sa mga bahay-bahay nung ating mga – lalong-lalo na ‘yung mga nakatira dito sa tabi ng mga creek natin.
Kaya lahat ay kailangan natin makipagtulungan, local government, national government, MMDA, lahat ng mga volunteer groups ng civil society. Mayroon tayong grupo dito mga beterano ng RO at sila ay nag-adopt, in-adopt nila ang isang section. Ibig sabihin that’s their responsibility mula ngayon. Sila ang mamamahala para tiyakin na ayusin ‘yan. Kaya pasalamatan natin sila. [applause]
Tama ‘yan magandang halimbawa sa atin ‘yan bawal mag-retire. Bawal ang mag-retire dito. Sana naman ‘yung ibang grupo, other civil groups will do the same and adopt a certain section at sila ang mamamahala sa paglinis at pagtiyak na may dinadaanan ‘yung tubig.
Kasabay nitong paglinis mayroon ding desiltation dahil talagang tumataas ang ano – tumataas ang tubig. Mababaw na ‘yung tubig dahil sa siltation, at wala na rin tayong choice doon. Kaya hanggang sa watershed development kasama dito sa solusyon na ito dahil ‘yung watershed kung saan nanggagaling ‘yung tubig – pagka maraming puno, hindi nadadala ‘yung lupa. Hindi magsi-silt ng ganito kapagka maraming puno.
Kaya kasama sa watershed development na magtatanim tayo ng puno para hindi madala ng tubig ‘yung lupa na dinadala dito sa mga creek natin hangga’t maging mababaw na mababaw kaya nagkakabaha.
Kaya marami – malaking proyekto ito na sa flood control. Hindi lamang sa pagpatayo ng – ‘yung talagang slope protection, ‘yung mga dike, hindi lamang ‘yun.
Ito, kasama na ito ‘yung pagpalinis, pati watershed development sa taas kung saan nanggagaling ‘yung tubig. Kaya ‘yan ang aming ginagawa para – parang adjustment natin. Kailangan na talaga tayo mag-adjust sa climate change. At kahit anong gawin natin ay hindi natin mapipigilan ang tinatawag na climate change at ang pagbigat ng dating ng bagyo at pagdami ng pagbaba – ang dami ng pagbaba ng siltation at ang daming mga nagiging basura na hinaharang ‘yung creek natin, sinisira ‘yung mga pumping station natin.
At ‘yun ang isang malaking bahagi sa flood control na hindi pa natin naaayos. Ngayon ay inaayos na natin.
Okay, so, ‘yun lang, maraming salamat. [applause]
Salamat sa inyo lahat mga volunteer. Salamat sa MMDA.
Salamat sa lahat ng iba’t ibang mga departamento.
The local government, of course. The mayor is here, the congressman is here.
Nandito si – nandito tayong lahat eh kailangan talaga nating hanapan ng solusyon ito at hindi na maaari na basta’t pababayaan natin na every year na lang, ganito ang nangyayari sa ating mga kababayan na binabaha sila, kailangan i-evacuate.
Kaya gawan natin – gumawa tayo ng paraan, mayroon na tayong paraan, pagbutihan na lang natin ang ating paglinis sa ating mga estero.
Kaya ipagpatuloy natin itong ating project na tinawag natin na Bayanihan Estero.
So, maraming salamat. Magandang umaga sa inyong lahat. [applause]
— END —