Speech

Remarks by President Ferdinand R. Marcos Jr. during the Distribution of Assistance in Batanes


Event Distribution of Assistance in the Province of Batanes
Location Basco, Batanes

Magandang umaga. Ngayon maganda na. Noong nakaraang dalawang araw hindi maganda pero ngayon at last… Kaya’t kami’y nandito para matignan kung ano ba talaga ‘yung inyong mga pangangailangan.

At mabuti na lang at bago dumating ‘yung bagyo ay nakapagdala na kami ng libo-libo na food pack. Kaya’t noong pagdaan nung bagyo nakapag-distribute kaagad.

Ngayon ang susunod second round na.

[DSWD Secretary Rex Gatchalian: Yes, sir.]

Oo. Second round na nung food pack. Tapos ngayon ginagawa na natin ‘yung mga intake na — ‘yung mga nangangailangan ng AKAP, ng tulong kung anuman ang tulong na… Kasi pagkatapos ng food pack eh ‘yung iba-ibang pangangailangan ng mga ibang pamilya, bawat bahay kaya’t kailangan magbigay na kami ng cash.

So, magre-release na tayo ng tigti-10,000.

[DSWD Secretary Rex Gatchalian: Yes, sir. Tigti-10,000.]

Tigti-10,000 bawat household. [applause]

Dinagdagan ng Speaker of the House ng 15 million ang release para sa tulong. Ang Office of the President naman ay magre-release kami ng 25 million para sa inyo. [applause]

Ang susunod na kailangan naming gawin ay ‘yung — pagkatapos nito ‘yung sa pag-rebuilding. Dahil nakita ko ‘yung nasira ‘yung mga ibang bahay lalo na ‘yung mga kahoy ‘yung mga — talagang natangay lahat. So, ‘yun ang susunod naming gawin. Nasimulan na ng province na magbigay ng yero at saka kahoy, at saka ito mga dos por dos para at least mayroon na tayong magawa.

Pero hangga’t may kailangan sabihan niyo lang kami at nandito rin si Governor nagrere — nagre-report sa akin pinapadalan kami ng video nakita namin kung gaano kalakas.

Hindi nga makalabas ng bahay ang Governor ninyo. Sabi niya inaantay namin na wala. Pero masyado kayong nagustuhan ng Julian ayaw kayong iwanan. [laughter]

Isang araw tapos bumalik pa. Talagang siguro maganda rito masyado sa Batanes kaya ayaw umalis ‘yung bagyo. Pero hindi bale.

Mayroon din kaming dala para sa tubig. Iyong nakikita po ninyo na mga balde-balde na ‘yan may filter po ‘yan. Kaya’t ‘yung balde lalagyan natin ng kahit na anong tubig huwag lang maalat. Basta’t ‘yung tubig kahit na hindi malinis paglabas po niyan sa filter pwede nang inumin.

Kaya’t sa isang balde na ganyan, kayang magpainom ng tubig ng mga isang daang tao sa isang araw. Kaya’t marami kaming ipamimigay na ganyan para mayroon naman kayong water supply. [applause]

Ito, ito. Ito ‘yung… Oo, mayroon dito, mayroong ikinakabit dito, dito lumala… May filter na kinakabit dito. Tuturuan kayo. Tuturuan kayo ng mga DSW… Ito, ito ‘yung buo. Ito ‘yan, paglabas ng tubig dito malinis na. Pwede nang inumin. [applause]

Para makasiguro kayo pwede niyo ring pakuluan pa muna para siguradong-sigurado. Pero iniinom namin ‘yung lumabas dito, buhay pa kami. Kaya okay, okay lang ‘yan. [laughs]

O sige, good luck sa inyo. Kung ano kagaya ng aking nasabi kung ano pa ‘yung pangangailangan ninyo patuloy naman ang aming pagdala, magdadala pa kami ng food pack ulit. Ilan?

[DSWD Secretary Rex Gatchalian: 14,000.]

Fourteen thousand. Iyong unang naipadala ay 14,000. Nai-release mga 7,000 na food pack. Magra-round two, ubusin na namin ‘yung unang 14,000, may parating na 14,000 pa. [applause]

Tapos susunod na doon — ang susunod na roon ay ‘yun na nga ‘yung cash assistance na para mayroon kayong pambili: ‘yung mga gamot, ‘yung mga para sa mga bata, ‘yung pagkain ‘yung kung may sanggol, kung mayroon kayong mga baby powder para — powdered milk para sa mga bata. Iyon lahat ‘yan para nasa sa inyo na, may hawak na kayong cash.

Okay good luck sa inyong lahat at kagaya… [applause]

Okay, sige. Sige. Mabuhay kayo. Maraming salamat.

[Batanes Governor Marilou Cayco: Okay. Uulitin ko lang, sa pagpunta ni President Bongbong Marcos dito mayroon siyang ibibigay sa atin na 25 million. [applause]

Kaya po pagdating ay ayusin natin ‘yun para lahat po ay mayroon kayong ayuda. So, maraming salamat, Mr. President.] [applause]

— END —