Speech

Remarks by President Ferdinand Romualdez Marcos Jr. at the Flag-Raising Ceremony in Malacañang


Event Flag-Raising Ceremony in Malacañang
Location Kalayaan Grounds in Malacañan Palace, Manila

Thank you, ES Vic, at magandang umaga sa inyong lahat.

It is so nice to be able to finally sa wakas ay nakapagkita na tayo kasi ang dami nating ginagawang seremonya. Kaya’t noong sinabi sa akin ni Sec. Naids na ito pala first Monday nga pala sabi niya mayroon tayong flag raising. So I made sure na makapunta ako para naman ay mag-start tayo — we start out on the right foot with all of us.

Alam ko naman lahat itong OSAP, CabSec, OPS, kilala ko lahat ‘yan, SOSEC, PCC. I know naman I know how hard that you work at ginagawa ninyo bilang serbisyo at hindi kayo namimili, kung hindi kayo ay sumusunod kung sinuman ang naipili ng ating mga mamamayan na umupo dito sa Palasyong ito.

Kaya’t sana naman ay ito ay simula ng isang napakagandang working relationship sa atin. For sure na hindi siguro — hindi naman siguro kayo magtataka maraming — may mga bago. Alam niyo naman kani-kanilang style ‘yan. So may magbabago pero huwag ninyong aalalahanin. We are always — we consider you. Hindi ko — hindi kayo ang empleyado namin. You are our partners. Hindi namin magagawa iyong gagawin namin kung hindi sa inyo. [applause]

Marami kasi tayo — hindi naman kasi simpleng bagay ang trabahong ibinigay sa atin. Kaya naman kailangan natin at siguro naging tama talaga ang mensahe noong kampanya na magkaisa. Kaya’t pagkaisahan natin ito at kakayanin natin ito.

And I’m very happy to see you all. Mukhang ready to go, very enthusiastic for this next administration. We need that, kailangan natin ‘yan. Keep it going. Keep up the good work that you have been doing for the years previous.

And gawin lang natin ang ating mga trabaho. And siguro one or two steps beyond kung ano lang ‘yung trabaho natin dahil ‘yan ang inaasahan sa atin ng ating mga kababayan.

So I am very, very happy to have attended today’s flag ceremony to at least be with you a little bit and to start to know kung who is occupying the offices around in the Palace, and to know that the passion and enthusiasm that we saw in the campaign remains especially with the Malacañang staff at napakaimportante niyan.

Iyong multiplier effect ng trabaho ninyo ay hindi ninyo — baka hindi ninyo alam. Pero ‘yung trabaho niyo when you sit at your desk and you do something and you make a decision or you push something or you expedite something that affects not only you, not only me, that affects millions of people. Kaya’t napakaimportante na itama natin ‘yang ating gagawing trabaho.

So I think medyo redundant na siguro ‘yun because kaya kayo nandito dahil nauunawaan ninyo kung gaano kahalaga ang inyong ginagawa. Kaya’t sasabihin ko na lang maraming, maraming salamat. I hope I meet all of you individually at some point — I’m sure I will — and in that way ay mapagtibay natin ang ating working relationship.

Thank you very much for a very, very kind reception. [applause] Parang ang pakiramdam ko I really I’m in friendly territory. Maraming salamat. Magandang umaga sa inyo. [applause]

 

 

— END —

 

SOURCE: PCOO-PND (Presidential News Desk)

 

 

Resource