Speech

Speech by President Ferdinand R. Marcos Jr. at the Alyansa Para sa Bagong Pilipinas Rally in Iloilo City


Event Alyansa Para sa Bagong Pilipinas Rally
Location Vera Park, Gaisano Capital Iloilo City Center Mall, Benigno S. Aquino Avenue, Mandurriao, Iloilo City

Maayong gabii Iloilo!

Maraming, maraming salamat sa inyong lahat at kayo’y nakarating upang pakinggan ang ating mga pambato na mga senators para sa darating na halalan.

Iyon lang po – ay kahit na lahat ng atensyon po natin ay nakaharap dito sa ating mga magigiting na senatoriable ay huwag po natin kakalimutan may halos 18,200 na iba’t ibang kandidato na sa lokal, mula sa governor, sa congressman, hanggang sa Sangguniang Bayan.

At nabanggit ko po ‘yan dahil ipagmamalaki ko na ang Alyansa lamang ang samahan na kumpleto ang kandidato sa bawat puwesto na tinatakbuhan ngayong eleksyon na ito sa national hanggang sa pinakamaliit na bayan ng sanggunian member. Iyan po ay dahil – tinitingnan po natin ang mga ibang partido nagkakandarapa po sila at naghahanap sila ng kandidato, hirap na hirap silang kumuha ng miyembro.

At hindi nila maunawaan kung bakit ang Alyansa nakumpleto po natin ‘yung lineup. Madali lang po ang sagot diyan, dahil ang Alyansa lamang sa lahat ng mga grupong pulitiko na kasama sa halalan na ito ang Alyansa lamang ay may paninindigan. Hindi ito pagsasama para magtulungan lamang, para tulungan na sila ay mahalal. Sila po ay may paninindigan na sila’y kapit-bisig na tutulong at gagawin ang lahat para pagandahin ang buhay ng bawat Pilipino at pagandahin ang minamahal nating Pilipinas. [applause]

Eh kaya naman malakas ang loob ko na makipag – na magkampanya po sa inyo dahil pagka naman ay kinumpara naman ninyo itong ating mga kandidato ikumpara naman ninyo doon sa mga iba ay wala tayong masasabi na hindi mo masasabi na kahit isa sa kandidato sa kanila ay mas magaling sa kahit sino sa kandidato natin para sa Senado.

Kung kikilatisin natin napakating – ‘pag kikilatisin ang isa’t isa ang ating mga kandidato, napakatingkad po, napakaganda po, at napakatibay ang kanilang kakayahan.

Sila po ang mga pambato natin at sila ay magdadala ng pagbabago, sila ang magdadala ng kapayapaan dito sa Pilipinas.

Ngayon, pinagsama-sama natin ngayon lahat itong napakagaling na mga kandidato para sa Senado ay nakaka-impress talaga ang kanilang pinagsama-samang lakas.

Dahil po unang-una, tingnan po natin ang ating mga kandidato. Walo po sa kandidato natin ay naging senador na. Nandito po: Senator Cayetano, Senator Lacson, Senator Lapid, Senator Marcos, Senator Pacquiao, Senator Revilla, Senator Sotto, Senator Tolentino. [applause] Nako naman, napakaganda ang mga record nila at makikita naman ninyo pagka unang araw pa lang na sila’y uupo, ‘pag naluklok sila sa Senado, unang araw pa lang hindi na po sila mag-o-OJT. Alam na nila ang trabaho, alam na nila ang gagawin nila, alam na nila ang problema na hinaharap ng ating mga kababayan, at alam nila kung papaanong gawin para bigyan nang kaunting tulong ang lahat ng ating kababayan.

Pito naman ang galing sa mababang kapulungan sa House of Representatives na naging congressman. Nandiyan po naging congressman po si Abby Binay; naging congressman din po si Benhur Abalos; si Pia Cayetano; si – ang kapatid ko si Imee Marcos, congressman din ‘yan; Manny Pacquiao, congressman din ‘yan; Erwin Tulfo, congressman din; Congressman Villar, si Camille nag-congressman – nasa Kongreso ngayon. Kaya’t makita po – kumbaga po sa basketball napakalalim po ng bangko namin. Hindi na po sila bagito at hindi na sila mag-aaral-aral pa.

At ang iba, apat naman dito sa ating kandidato ay umupo sa Cabinet position. Nandiyan po si Benhur Abalos na naging MMDA, tapos naging DILG secretary; nandiyan po si Erwin Tulfo na naging kalihim ng DSWD; si Senator Ping Lacson ay na – siya naman ang  nilagay sa Yolanda Rehabilitation Commission na tumulong pagkatapos na dinaanan po kami sa Region VIII, dinaanan po kami nang kalakas-lakas na bagyo.

At si Senator Tolentino ay siya naman ay dumaan din, nag-MMDA po at masasabi ko, nabanggit na po natin ang Yolanda, alam niyo po, ‘yan ang record po ni Senator Tolentino sa MMDA. Noong nasa Leyte kami, nasa Tacloban kami, walang dumadating po na tulong. Ang unang dumating na tulong ay galing kay Senator Tolentino ng MMDA. Kaya’t makita mo talagang malalim ang pagmamahal niya sa taumbayan. [applause]

Alam nila ang trabaho sa bawat lebel, mula sa Gabinete hanggang sa lokal, hanggang sa pinakababa. Hindi sila nagdadada; marami silang ginagawa.

Hindi sila — they are not here to oppose; they are here to propose. Ibig sabihin po, hindi sila nandito upang makipagdebate lamang, upang paninira lamang. Sila ay nandito upang maghanap ng mga bagong paraan para tulungan ang ating mga kababayan.

Tatlo naman ang naging gobernador sa malalaking probinsya: ang kapatid ko si Imee Marcos, naging governor sa amin sa Ilocos Norte; [applause] si Pareng Lito, Lito Lapid, naging gobernador sa Pampanga; [applause] o naging governor, sino ‘yung naging governor ng Cavite? Kalaki-laki na probinsya? Governor Bong Revilla. [applause] O ‘yan ang mga governor.

Mayroon din po kami mga city mayor, malalaking siyudad. Mauuna na diyan ‘yung pinakamayaman na lungsod sa buong Pilipinas. ‘Yan nakangiti si Mayor Abby dahil siya ang namamahala – siya ang namahala ng Makati. Kaya’t naman kung pupunta po kayo sa Makati ay nako maraming mga pinamimigay at ang tulong na binibigay ng pamahalaan sa kanila — libre lahat sa Makati. ‘Yan po ang ginawa ni Mayor Abby Binay. [applause]

Si Benhur Abalos naging mayor din ng Mandaluyong. Narinig niyo naman po, marami siyang natanggap na award, marami siyang natanggap na pagkikilala dahil sa kanyang performance bilang mayor ng Mandaluyong. At ang ating butihing Senador Tolentino  ay naging mayor naman ng Tagaytay.

Kaya’t makita po ninyo ay… At isa pa na nadaan din sa LGU, ‘wag po natin nakakalimutan, kung minsan hindi po natin naaalala ito, ngunit si Senator Tito Sotto, naging vice mayor ‘yan ng Quezon City. [applause]

Kaya naman po talagang madaling masabi na handang-handa na itong grupo na ito. At hindi lamang – at kung pag-uusapan naman ang mga issue ng ating mga kababaihan, hindi po tayo maiiwanan dahil apat ang mga – apat ang babae dito sa ating lineup.

At hindi ito – alam n’yo po, kilala ko silang lahat nang matagal. Eh palagay ko itong ating mga babae na senador, palagay ko mas matapang pa sa sundalo itong mga ito. Kaya’t makakatiyak po kayo, mga kababaihan, maririnig ang boses ninyo at ipagtatanggol ang mga karapatan ninyo ng ating mga lady senators.

At dahil ang ating pinag-usapan dito ay legislation, lehislatura – ang pagsulat ng mga batas. Dito po sa ating lineup, apat po ang abogado: si Atty. Benhur Abalos, Atty. Abby Binay, Atty. Pia Cayetano, Atty. Tol Tolentino. Iyan po ay sila ay sanay na sanay po at nakakaunawa sa mga pangangailangan para pagandahin ang mga batas na lumalabas sa Kongreso.

Pagdating naman sa mga pinanggalingan, baka akala po ninyo ay silang lahat ay tiga-Maynila lamang. Baka akala ninyo ay isa lang ang pinanggalingan nila, sa lungsod lang nanggaling. Hindi po ganoon.

Pagdating sa geographical representation, dalawa po ang taga-Mindanao. Alam niyo, kilala niyo naman ang ating kampyon, si Senator Manny Pacquiao ay galing [cheers] – si Senator Manny Pacquiao ay galing Bukidnon, Sarangani, at saka GenSan. Si Erwin naman lumaki sa Davao, Davao Oriental, sa Sulu — mga probinsya kung saan nadestino ang kanyang bayaning ama. At isa pa, ang una pong Vicente Sotto ay naging senador na galing naman sa Cebu. At alam naman siguro ninyo, ang nanay namin ni Imee, ang aming ina ay mga 100 percent Waray. [cheers]

Wala sa kanila ang may bahid ng problema. Wala sa kanila – wala kayong maririnig na masamang balita tungkol dito sa ating mga kandidato. Ito ay hindi lamang sila ay magaling. Sila ay mabubuting tao. Sila ay mabubuting nagseserbisyo sa publiko.

Wala sa kanila ang may bahid ng dugo dahil sa tokhang. Wala sa kanila ang kasabwat sa pag-aabuso na binulsa ang sako-sakong pera, pinagsamantalahan ang pandemya, binayaan na magkasakit at mamatay ang ating mga kababayan noon panahon ng COVID.

Wala sa kanila ang nagsisipsip po sa Tsina. ‘Yung iba pumapalakpak pa na tuwang-tuwa na pagkabinobomba po ng tubig ang ating mga Coast Guard, kapag hinaharang ang ating mangingisda at ninanakaw sa kanila ang kanilang huli.

Kaya po makikita po natin na malinis po ang record nila. Malinis po ang kanilang ginagawa. Malinis po ang kanilang naging trabaho. Kaya po ay napakadali po ikampanya ang ating lineup.

Marami pong nagsasabi na ang mid-term election daw ay hindi masyadong mahalaga, hindi masyadong importante dahil hindi naman na magbabago ang pangulo. At iyong naiwang isang dosena pa na senador ay hindi naman mapapalitan.

Well, siguro naman sa ibang halalan baka totoo iyon. Ngunit hindi totoo po ito sa halalan na ito sa mid-term election dahil ang pagpili ninyo, ang iboboto ninyo ay ang magsisilbi ng gabay kung ano ang tutunguhan ng ating bansa.

Babalik ba tayo sa nakaraan na ibinubugaw ang ating bayan bilang isang sugalan ng mga dayuhan? [Crowd: Hindi!] Babalik ba tayo sa landas na umaapaw sa dugo ng mga inosenteng mga bata na inakyat sa bahay, inagaw sa kanilang mga ina at kinuha ang kanilang kinabukasan? [Crowd: Hindi!]

Alam niyo po, dalawa po ang pagpipilian na ngayon natin. Mamimili ba tayo na babalik tayo sa panahon ng lagim o tayo ba ay tutungo patuloy sa ating kinabukasan na maliwanag, na mapayapa, at maganda para sa lahat ng Pilipino?

Hindi po namimili kung sino ang uunahin; hindi po namimili kung sino ang sikat, kung sino ang mayaman; basta’t Pilipino tinutulungan ang Pilipino. ‘Yan po ang paninindigan po ng Alyansa! [applause]

Kaya’t po pagdating ng Mayo, isipin po ninyo na ang bawat boto ninyo ang magbibigay sa atin ng magandang kinabukasan. Ang kinabukasan na ating lahat, na layunin natin na mapaganda ang buhay ng bawat Pilipino, mapaganda ang ating minamahal na bansang Pilipinas. At ang pag-asa lang po natin ay ang ating mga kandidato.

Kaya’t mabuhay ang Alyansa! [cheers]

Mabuhay po kayo!

Maraming, maraming salamat po!

Maayong gabii. [applause]

 

— END —