Speech

Speech by President Ferdinand R. Marcos Jr. at the Bagong Pilipinas Town Hall Meeting on Traffic Concerns

Event Bagong Pilipinas Town Hall Meeting on Traffic Concerns
Location FilOil EcoOil Centre, City of San Juan

Maraming salamat sa ating kalihim ng DILG, Secretary Benhur Abalos.

[Please, magsiupo po kayo.]

Andito rin po ang ating DPWH Secretary, Secretary Manny Bonoan; ang Transport Secretary, Secretary Jimmy Bautista; ang NEDA Secretary, nandito rin para planuhin ang long-term plan ng ekonomiya na napakalaki ng impact ng trapiko sa ating pagpaunlad at pagpalaki ng ating ekonomiya, kaya’t siya ang gumagawa ng plano para sa next 5 years, next 10 years, next 20 years, ito po ang ating NEDA Secretary, Secretary Arse Balisacan; ang Metropolitan Manila Development Authority Chairman Romando Artes; nandito ang host city natin, ang Mayor ng San Juan, Mayor Francisco Javier Zamora.

Andito rin po lahat ng ibang mga alkalde sa iba’t ibang bayan at lungsod ng Metro Manila na ating partner dito sa problemang itong hinaharap natin tungkol sa trapiko. Alam ko naman na sila’y ninanais din nila na maging mas maayos ang sitwasyon ng trapiko kaya’t nagpapasalamat ako na sila ay laging very supportive at very involved. At kung talagang mayroon silang naiisip ay sinasabi naman talaga sa amin at kami naman ay hinahanap namin ng paraan upang matugunan ang mga problemang dinadala ninyo sa amin. At tinitignan din namin dahil magdadala naman sila ng solusyon. Ang solusyon tungkol— na paano puwedeng gawin doon sa kanilang bawat lugar. So, maraming salamat sa inyong tulong.

The other members of government that are here today; we even have here the Department of Tourism, Secretary Christina is here because traffic affects even the tourism department— kaya’t napaka-lalim talaga ng problema nitong ating hinaharap. Dahil lahat halos ng ating ginagawa ay naaapektuhan ng trapiko.

Ang ekonomiya ng Pilipinas ay 60% ay nanggagaling–from and around Metro Manila. Kaya’t pag sinasabi 3.5 billion ang nawawala sa atin araw-araw, hindi maliit na numero ‘yan dahil hindi lamang dito sa Metro Manila, kung hindi sa lahat ng mga karatig na probinsya ay nararamdaman din nila ‘yan problem na ‘yan.

But that is the problem of Metro Manila, you have a population of 14 million during the night and it increases to 17 million, 18 million during the day. Kaya’t talagang napakalaki, we have to take care, we have to attend to not only the locals, hindi lamang ‘yung mga tiga rito, hindi lamang tiga Metro Manila, kung di ‘yung mga commuter na nanggagaling sa iba’t ibang lugar na pumapasok sa Metro Manila upang magtrabaho.

So, that is the problem that we are facing and kagaya ng aking— marami po tayong napag-usapan na mga iba’t ibang stratehiya upang pagandahin ang sitwasyon. At kagaya ng aking nabanggit kanina, sa aking pananaw, sa aming pananaw ay talaga naman na ang solusyon diyan ay pagandahin natin ang ating public transport system. Dahil kung wala tayong gagawin, dadagdag nang dadagdag ang sasakyan sa Maynila.

Habang may kaya na ang ating mga workers ay bibili ng sasakyan ‘yan at dadami at dadami ‘yan. At kahit gaano karaming kalsada ang ilalagay natin, kahit gaano karaming flyover, kahit gaano karaming bypass road ang gawin natin, hindi makakahabol yan. Kaya’t talagang kailangan tignan natin ang public transport para ito nga ay maging very efficient, mabilis hindi— public transport hindi— pagka tren, subway hindi tinatamaan ng traffic, ‘di makakauwi kayo sa magandang oras, dadating kayo sa trabaho sa tamang oras.

All of these issues come together when we talk about traffic.

In fact, noong unang briefing na binigay sa akin tungkol dito, nagulat nga ako na pati ‘yung basura kasama sa issue ng traffic. Dahil oo nga naman, kung tayo ay dumadaan ay nakikita natin kung saan-saan na lang tinatambak ang basura.

Ngunit, huwag nating sisisihin lamang ‘yung mga nagtatambak ng basura. Kung wala silang ibang paglalagyan ng basura, wala tayong ibinigay sa kanilang basurahan, wala talaga silang gagawin kundii magtambak, basta itatapon na lang kung saan-saan.

Kaya’t it’s really, it has to be a very close cooperation between National Government, the different agency, enforcement agencies, the local governments, local government is the most important.

I have to say, the National Government can plan everything that we want, but we have to have the cooperation of the local governments to understand the— what the problems are in your place, what the possible solutions are, and how we bring it all together into one complete system which we are— which we can monitor and which we can regulate.

Dahil ang traffic hindi ganoon kasimple. Sasabihin, ay dito maraming traffic maglagay tayo ng kalsada diyan. Pagka ala-sais hanggang alas-otso, ma-traffic ‘yan pero iba, pagka alas-kuwatro hanggang alas-siete ma-traffic ‘yan, pero sa ibang oras ng araw ay hindi naman ma-traffic.

Kaya’t nagbabago rin, kaya’t kailangan namomonitor ng mabuti at nada-direct— mai-direct natin ‘yung traffic.

Kaya’t kasama din natin ang mga traffic enforcers na kailangan talagang bigyan natin ng magandang training para nauunawaan nila ng mabuti kung ano ‘yung pangangailangan doon sa kanilang— kung saan sila nilagay.

Dahil paiba-iba nga sa bawa’t araw. ‘Pag Sabado iba nanaman, ‘pag Linggo iba nanaman, ‘pag holiday kagaya ngayon iba nanaman.

Kaya’t kailangan nating maunawaan ito at kapag may ginagawa sa isang lugar, alam dapat sa ibang lugar. Para sasabihin,”O dadami yung manggagaling ng Caloocan” sabihin natin. O sige, maghanda tayo. “Maraming pumapasok galing Cavite.” O yan gawan natin ng paraan. So, all of these has to come together.

And it is a–it affects the lives of our people, kasama na rin dyan yung ating– yung ating health and safety dahil kapag talagang naiipit ang mga sasakyan ng ora-orada sa kalsada, dumadagdag naman ang polusyon dito sa–dito sa Maynila.

Kaya’t e kailangan talaga nating isipin ng napaka–may pagkakumlipikado itong sitwasyon na ito.

Ngayon, kagaya ng sabi ko, we have to do long term projects dahil kung ay–pag sasabihin natin dito lang, may gagawin tayo ditong terminal, may lalagay tayo ditong kalsada pero hindi maaaring ganun. We cannot do–we cannot solve this problem on a piecemeal basis na we have to solve it again as a system.

Alam kong paulit-ulit kong sinasabi ngunit talagang kailangan–pati nga basurahan kasama dito sa sistemang pinag-uusapan natin. Ang training ng ating mga traffic enforcers, kailangan pag-usapan natin. Ang right of way na laging problema ng public work, kailangan ng tulong LGU.

Kaya’t talagang we all have to work together to be more conscious of the problem of traffic.

‘Di pwede yung solusyon ay tagpi-tagpi lang. Kailangan talaga, it has to be one solution.

The other thing, isa pang bagay na napaka importante tungkol sa trapiko. Ang isa pang bagay na napaka-importante sa trapiko ay kailangan nating isipin hindi yung ngayon ang sitwasyon ng 2024. Kailangan nating isipin anong mangyayari in five years. Ano ang mangyayari in ten years. Dahil kadalasan, itong experience ko sa bilang gobernador, bilang senador, bilang congressman ay nakikita natin ang imprastraktura, ganito talaga.

Kahit gaano karami ang ilalagay mong imprastraktura–maglagay ka ng power, maglagay ka ng kalsada, maglagay ka ng farm to market road. Lahat yan. Sabihin mong, good na yan, okay na yan for the next ten years, hindi totoo yan. Tatlong taon palang ‘yan, puno na yan.

I’m sure the LGU–the mayors will agree with me. Kahit anong ilagay mo, mapupuno ‘yan. Kaya natin kailangan planuhin ng mabuti ang ating ginagawa.

The other lessons that I have learned in the time we are doing infrastructure projects is that ang infrastructure projects ay hindi para sa ngayong araw lang na ito.

You are going to live with those infrastructure projects for 80 years on average. Kaya’t we have to be thinking–very forward thinking in our planning–our city planning. How do we decongest? What will be the increase? Where do we plan to put the new manufacturing centers? Where are we going–how do we service our eco-source? All of these have to be taken into account and Manila–Metro Manila is still at the center of all our economic activity.

Now, when it comes to traffic, we are hoping to do as much as we can ngayon, dito sa Metro Manila. And hopefully that’s–many of the lessons that we will learn here, here in Metro Manila will be able–we can–we will be able to apply in places like Cebu City where also the problem of traffic is pretty bad. Davao also has a big problem on traffic and other urban centers around the Philippines have problem for the–of traffic.

So, we have to– we must now understand how to solve the problem of traffic and it is so multi-faceted. It is so complicated. There are so many stakeholders but nonetheless, it is a job that we have to do.

We have to coordinate. We have to listen to all the stakeholders, the LGUs, the operators and drivers, the traffic enforcers, the infrastructures, the economic development, the transport systems. All of these have to come together. Otherwise, hindi talaga mangyayari. Mahihirapan pa rin tayo.

Kaya’t kailangan, magtulungan tayong lahat para mabigyan naman natin, matugunan natin itong napakalaking problema at hindi–there’s no use trying to underplay the importance of the severity of the problem that traffic brings to us.

Kaya’t we have to prioritize this problem. We have to prioritize the solutions for this problem.

It is so important for the quality of life of our people. It is so important for the growth of our economy. It is so important for the balanced development of the entire country.

Wag lang sa Metro Manila lahat. I-decongest din natin para dalhin naman natin sa ibang lugar ang development.

At hindi naman mangyayari yun hangga’t may imprastraktura tayong dinadala. So, it will take all of us–all of us here. All of you who represent different organizations. It will take all of us working well together to be able to mitigate. We will never solve the problem of traffic because we are growing but we can mitigate the effects of traffic. Lower the cost of travel. Make it more efficient. Make it more quick para naman ang ating mga manggagawa ay hindi gaanong nahihirapan.

Kaya’t inaasahan po namin ang inyong tulong. Inaasahan namin ang inyong kooperasyon at ang pag-coordinate sa national government upang malutas natin itong napakalaking problema na ito.

Maraming salamat sa inyong pagdating dito sa ating town hall meeting.

Maraming salamat sa inyong mga nabigay na observation tungkol nga sa mga sitwasyon na hinaharap ninyo.

At sana nga ay hindi kayo magsawa na patuloy ang pagtulong sa amin upang mapaganda ang situation ng traffic dito sa Metro Manila at pag natuto na tayo dadalhin sa iba’t ibang mga lungsod sa Pilipinas.

Maraming salamat po. Magandang umaga po sa inyong lahat.

[applause]

-END-