Speech

Speech by President Ferdinand R. Marcos Jr. at the Distribution of Agricultural, Fishery, and Veterinary Interventions to Farmers, Fisherfolk, and Livestock Raisers in Ilocos Norte


Event Distribution of Agricultural, Fishery and Veterinary Interventions to Farmers, Fisherfolk and Livestock Raisers in Ilocos Norte
Location Mariano Marcos State University in Batac City, Ilocos Norte

Diyos ti agngina. (Maraming salamat) Apo Gobernador Matt. [Agtugaw tayo apo] (Maupo po tayo) Ti naduma-duma nga opisyal, nga empleyado, nga tiga-Batac nga kailyak (mga opisyal, empleyado, mga kababayan ko na tiga-Batac); my fellow workers in government, agyaman nak ta immay kayo (Nagpapasalamat ako at pumunta kayo). Ikinagagalak ko na personal na makabalik at habang tayo’y nagse-celebrate ng birthday ng aking ama, ang dating Pangulo, Pangulong Ferdinand Edralin Marcos, ngayon nag-senior na. At habang mayroon tayong selebrasyon ay hindi po natin nakakalimutan at dagiti mannalon ken mangngalap tayo (ang ating mga magsasaka at mangingisda).

We have — kakadaan lang natin sa napakahirap na panahon na anim na buwan tayong walang nakitang ulan.

Kahit ano kaya’t ang daming nahirapan, ang daming nasira, at kaya’t maraming nangangailangan na ating mga farmer at saka fishermen ay marami silang pangangailangan.

At kaya kami ay nagdala ng karagdagang tulong para sa mga magsasaka, sa mangingisda, at sa mga nag-aalaga ng hayop. Layunin ng mga kagamitan at input na ito mas maging mas mataas ang inyong produksyon at matulungan na makabangon tayo mula sa epekto ng nagdadaang kalamidad.

Kabilang po sa aming ipapamahagi ngayong araw mga seed, mga tractor, fertilizer, fishery paraphernalia, fuel subsidy and solar-powered irrigation system. Alam niyo po ito ‘yung ating mga ginagawa ngayon ‘yung solar-powered mabuti na ngayon at may solar-powered irrigation system na. Hindi na kailangan magbigay ng subsidy, ng tulong para sa gasolina, sa krudo dahil — at hindi na kailangan i-maintain ‘yung motor dahil kumukuha tayo ng kuryente galing sa araw at kahit saan pwedeng ilagay. Pwede pang ilipat kung kailangan ilipat for – para sa ating irigasyon, para sa patubig natin.

At alam naman natin ‘yan ang pinakaimportante. Marami pong mga bagong teknolohiya ang nakikita natin dito. Ang mga tulong na ito ay bahagi lamang ng mas malaking hangarin natin na para sa lahat na isang pagkilala sa sipag at sakripisyo na binubuhos ninyo sa Ilocos at para sa buong bansa.

Every step that we take it comes under the — together the unity that we have forged between the different agencies of our government. Lahat po ay magkasama. At hindi lamang ang DA, kasama rin diyan po ‘yung mga DOLE, kasama rin diyan ‘yung BFAR, kasama diyan ang DILG. Lahat po tayo. Lahat po kami sa pamahalaan ay nagkakaisa para mabigyan ng tulong ang ating mga magsasaka at ang ating mga mangingisda. At mabigyan din ng pagkakataon ‘yung mga iba ay magsimula ng kanilang sideline na para pagka marami ang produksyon, eh kailangan matutunan na natin ang processing. At ‘yung nakita natin kanina sa doon sa Imelda Cultural Center sa Batac, sa Poblacion, ‘yun ang mga nakikita natin na natututo na tayo na mag-process ng ating mga produkto.

Dahil napakaganda ang performance ng ating mga magsasaka kaya’t ang nangyari diyan ay sobra-sobra na ang ating produksyon hangga’t tinamaan tayo ng El Niño. Ngunit makakabalik tayo para maging mas maganda ang produkto ninyo para maibigay na natin lahat at ma-process natin lahat. Mas mataas ang value-added mas malaki po ang kita at pagka nangyari ‘yun ay mas gaganda ang paghahanap-buhay ninyo.

Kaya’t siguro simulan na natin at tawagin na natin ang ating mga magsasaka, ang ating mga beneficiary, ang pinakamahalaga na nandito ngayon, ang ating mga beneficiary para dito sa tulong na dala ng pamahalaan. Diyos ti agngina kadakayo amin (Maraming salamat sa inyong lahat). [applause]

— END —