Speech

Speech by President Ferdinand R. Marcos Jr. at the Distribution of Assistance to the Victims of Kanlaon Volcano Eruption


Event Distribution of Assistance to the Victims of Kanlaon Volcano Eruption
Location La Carlota City South Elementary School II Evacuation Center in La Carlota City, Negros Occidental

Maraming salamat sa ating kalihim ng DSWD, Secretary Rex Gatchalian.

Governor Lacson, Vice Governor Ferrer, ating mga mayor na nandito.

Mga kababayan ko kami ay nandito – ako’y nakarating dito upang matingnan, para makita ko kung ano ba talaga ang sitwasyon. Kagaya ng sinabi ni Vice Gov. na very important na makuha, makita ko ng sarili ko. Iba ang report na binabasa-basa lang at saka picture na binabasa-basa lang at ‘yung makita ko ng sarili ko.

Itong mga distribution ng ating mga relief goods pati na kung ano ba ang mga ginagawa para maging mas maginhawa naman kahit kaunti ang inyong pag-evacuate.

Ang problema kasi po ay ‘yung bulkan hindi talaga natin – hindi kagaya ng bagyo ‘yan eh na masasabi natin kailan darating ‘yung bagyo. Hindi natin masabi kailan itong bulkan, kailan puputok para matapos na at makabalik na kayo sa mga tahanan ninyo.

Kaya’t napatagal na. Ilang buwan na ito. We already — we’re almost three months. Iyong iba sa inyo dalawang buwan na hindi pa nakauwi. At mga evacuees…

Iyon na nga ‘yung — the report that was given to us na ibinigay sa atin ni Governor Lacson, there are still 1,700 plus families that are in evacuation centers. Bukod pa roon, mayroon pa ring mga na-displace na wala na sa evacuation center pero nasa – pumunta sila sa bahay ng kaibigan, sa bahay ng kamag-anak nila. Kaya’t hindi pa rin normal ang sitwasyon.

Ngunit maaasahan po ninyo na kami, ang pamahalaan ninyo ay hindi kayo maiiwanan. Lagi kaming magpapadala ng lahat ng kailangan ninyo, lahat ng gamit, lahat ng relief goods.

Gumagawa kami ng mga paraan, ang – I remember noong ano – noong after mga one month eh sinabi ko sa kay Secretary Rex, ika ko sa kanya ay dapat naman eh kung – kung hindi natin malalaman kung gaano katagal sila rito, gumawa na tayo ng mga facilities doon sa mga evacuation center para maging naman mas komportable ang ating mga evacuees. Dahil hindi naman maaari – kahit naman – kahit gaano… Kahit gaano kaganda ang hinanda para sa inyo sa evacuation, siyempre lahat kayo gustong umuwi dahil mahirap ‘yung matagal nang nawawala doon.

Walang hanapbuhay, walang lahat ‘yung mga pangangailangan, hindi nagagawa, hindi nakukuha. At ‘yung iba sa inyo ay iniwanan ang inyong mga tanim, at paglabas na naman, pagbuga na naman nung Kanlaon, nasisira na naman ‘yung tanim kaya’t kailangan na naman natin suportahan. Uulitin ulit, nakailan na. Nakailang balik-balik na.

Kaya’t basta’t gagawin namin ang lahat, titiyakin namin na kahit papaano, sana na nga, sana talagang manalangin tayo na hindi na tumagal ito. Dahil kahit naman – kahit naman ay…

Ganito lang ang sasabihin ko, kahit gaano katagal ito, ang pamahalaan ninyo ay nandito. Tuloy-tuloy itong suporta na ibinibigay namin sa inyo. [applause] Hindi matata – walang… Hindi matatapos ito.

Hangga’t kayo’y nangangailangan ng tulong, hangga’t kayo’y nangangailangan ng suporta ay ibibigay ng pamahalaan.

Mabuti na lang napakaganda ang naging coordination ng national government at saka ng mga local government. Bale ‘yung trabaho para masuportahan kayo at matiyak na naaalagaan kayo ay pinaghahati-hatian namin para naman ay matiyak namin na walang pagbabago, walang tigil, hindi mapapatid, hindi mawawala ‘yung tulong na ibinibigay namin sa inyo.

So, kung ano pa ay—alam namin na siguro sa inyong pag-iisip ang pinaka-number one na gusto niyong magawa ay makauwi. Kaya’t every – bawat dalawa, tatlong araw tinatawagan ko ang PHIVOLCS, “Ano ba?”

Iyong PHIVOLCS ‘yung nagsasabi sa atin kung anong nangyayari doon sa bulkan. Panay ang tanong ko sa kanila, “Ano ba talaga ang nangyayari? Matatapos na ba? Puputok na ba? Hindi pa ba?” Eh sinasabi nila ganoon pa rin. Mayroon pa ring…

Ang kinakatakutan po natin ‘yung putok ng bulkan dahil ang sinasabi ng PHIVOLCS ‘yung bulkan parang namamaga pa rin eh. Ibig sabihin may pressure doon sa loob. Kaya’t bago mabitawan ‘yung pressure na ‘yun kailangan palabasin para ‘yung pagmaga nung bulkan ay mabawasan, walang pressure. Mawawala na ‘yung mga alert level na ginagawa natin. Dahil for…

At least sa ngayon ay tapos na dahil na-release na ‘yung pressure doon sa bulkan. Hanggang ngayon ay—what did you call it? There has to be a catastrophic – a culminating event. Ibig sabihin, kailangan may mangyari na malaki bago matapos itong krisis na ito.

Kaya’t ‘yun ang inaabangan natin. Nagdadasal pa rin kami na kahit papaano baka naman may mangyari, may magawa o suwertehin tayo na hindi na pumutok pero mawala na ‘yung pressure doon sa bulkan.

Wala tayong magagawa at ganyan talaga ang bulkan hindi natin mabasa. Lahat po ng ating mga scientist, lahat po ng ating mga espesyalista na nakakaalam tungkol sa mga—mga volcanologist natin, tungkol sa — nakakaalam sila tungkol diyan sa pagputok ng bulkan, ‘pag — mini-measure nila kung ano ‘yung mga nagbabago. Nandiyan po sila araw-araw. Dalawa, tatlong beses sa isang araw nagre-report kung ano na ang pagbabago.

Kaya’t asahan ninyo na talagang nakabantay kami nang mabuti na sana naman ay pagbigyan tayo, mapagbigyan tayo na hindi na pumutok at mawala na ‘yung pressure.

Pero at least ay tinitiyak lang namin na kung sakali man ay matuloy ang pagputok ng Kanlaon ay hindi kayo malagay sa alanganin.

Kaya naman eh kahit na alam namin na mahirap para sa inyo na kailangan na maiwan dito sa mga evacuation center, kailangan na maiwan, pinagtitiyagaan… Alam ko itong relief goods namin okay naman ‘yan eh. Pero kung araw-araw niyong kinakain ng isang buwan, hindi na okay ‘yan.

Kahit steak ‘yang ibibigay namin sa inyo pagka araw-araw niyong kinakain baka magsawa na kayo. Kaya’t ‘yun ang ginawa namin kasama ng mga LGU, both on the provincial at saka sa municipal level.

Hindi lamang dito sa La Carlota kundi sa iba’t ibang bayan. Dahil ang ginagawa namin – gumagawa kami – para naman mas – ginagawa namin ang lahat para maging mas komportable naman ang inyong pag-iwan dito sa mga evacuation center na ganito.

Kaya’t tingnan lang po natin. Manalangin po tayo na matapos na itong krisis na ito. At ang Diyos lang siguro sa ganitong sitwasyon ang makakatulong sa atin.

Ang magagawa lang po natin tuloy-tuloy po ang ugnayan, ang coordination namin sa local government. Tuloy-tuloy po ang aming pag-monitor ng ating mga siyentipiko, tuloy-tuloy para malaman namin ang tunay na sitwasyon para matiyak na kayo ay hindi malagay sa alanganin, hindi kayo malagay sa peligro.

Kaya’t itong ginagawa natin ay kahit mahirap – kailangan magtiyaga at kailangan may kaunting pasensya tayo. Ngunit itong ginagawa namin ay para tiyakin na wala naman masaktan, wala naman maging casualty sa atin. Iyan po ang aming ginagawa.

Asahan na lang po ninyo na itong mga tulong na dinadala ng pamahalaan ay wala tigil po iyan hangga’t hindi niyo na kami kailangan. Hangga’t kailangan niyo kami, nandiyan po kami. [applause]

Siguro ang idadagdag ko na lang ay sabihin –magpapasalamat ako sa ating mga local government executives dahil sa kanilang tulong. Kahit na ano ang dadalhin ng national ay kailangan namin po ‘yung tulong nila. At magpasalamat po tayo sa kanila sa dami nilang ginawa at sa maganda nilang coordination sa national government.

Kaya naman po kahit ngayon tuloy-tuloy po ang aming suporta sa inyo. Asahan po ninyo hindi po mawawala ‘yan. Sana po ay pagka makauwi na kayo, eh babalik ako rito tapos hindi na tayo kailangan mag… [applause] Hindi na de lata ang kakainin natin, lechon na. [laughter]

Sige, asahan po ninyo nandito po kami. Lagi namin mino-monitor ang sitwasyon ninyo, kung kumusta na kayo, kung mayroon na sa inyo ang nagkakasakit, kung lahat kayo ay komportable. Lalo na inaalala namin ‘yung mga bata dahil kapag nakulong, eh siyempre nagkakasakit ‘yan.

Pero nandiyan din ang DOH. Pangatlong araw pa lang ng pag-evacuate ninyo, nagpadala na ng medical team ang Department of Health. So, kung mayroon man kayo —kahit hindi na—pagka mayroon kayong karamdaman—nilagnat o sumakit ang ulo niyo, nandiyan po sila. Nandiyan po ang ating medical team.

So, ‘yung suporta nga ng pamahalaan ay laging nandiyan. Asahan ninyo ‘yung suporta ng national government together with the local government hindi po mawawala. Hangga’t kailangan niyo kami, nandito po kami.

Maraming, maraming salamat! [applause]

— END —