Speech

Speech by President Ferdinand R. Marcos Jr. at the distribution of financial assistance to farmers, fisherfolk, and families in Palo, Leyte


Event Presidential Assistance to Farmers, Fisherfolk and Families in Palo, Leyte
Location Leyte Academic Center in Palo, Leyte

Damo salamat, Speaker Ferdinand Martin Romualdez para sa iyong introduction.

[Please, magsiupo po tayo.]

Kasama po natin ang mga iba’t ibang Cabinet member at dahil po kapag kami ay gumagawa, mayroon po kaming approach, kung sabihin, sa ating pamahalaan ngayon, at ang tawag dito ay whole-of-government approach. Lahat ng pamahalaan ay kasama. Kaya po — dahil ang mga programa na aming ginagawa ay hindi lamang iniiwan sa isang departamento, kundi sinasama natin ang lahat ng mga iba’t ibang department na makakatulong para maging matagumpay ang programa na ito. Kaya po kasama natin ang ating mga Cabinet Secretary, unahin natin ang Secretary ng Department of Agriculture, at sila ang lead agency dito sa ating programang ginagawa, the Department of Agriculture Secretary, Secretary Kiko Laurel. [applause]

Andito din po, siguro ito yung lagi ninyong nakikita kapagka tayo ay may problema, pagka  tayo may kalamidad, pagka magkabaha, pagka may bagyo, pagka nalindol, pumutok ‘yung bulkan, ay sila ang lagi nating tinatakbuhan. Ngunit hindi lamang para sa kalamidad na ganyang klase itong department na ito. Ito ay para sa lahat ng naghihirap. Kaya’t ito ay parang —  ginawa natin itong program na ito dahil sa aming pananaw, ganoon din ang pangangailangan ng ating mga magsasaka at saka mangingisda. At pareho na rin ang kanilang lagay kagaya ng mga tinamaan ng mga bagyo. Kaya po nandito ang DSWD Secretary, Secretary Rex Gatchalian. [applause]

Nandito rin po, kasama din po natin, dahil po lagi kong ipinapaliwanag, hindi po maaaring magawa ng ating national government ang mga programa na ginagawa natin kung hindi maganda ang pagsasama at ang ugnayan sa gitna ng local government at saka sa national government. Totoo naman po, kasi kahit na pagka nasa Maynila kami, kahit napakaganda ng plano namin, kahit napakaganda ‘yung aming naisip na programa, kung hindi maganda ang coordination kasama national government at saka local government, hindi  po maibababa ang programa. Hindi mararamdaman ng taumbayan. Kaya’t napakahalaga, napaka-importante po na maganda ang ugnayan na iyan. At ang nangunguna para sa ganyang klaseng coordination ay ang ating Secretary ng DILG, Secretary Benhur Abalos. [applause]

Andito rin po ang ating Secretary, Special Assistant to the President, Secretary Anton Lagdameo [applause]; batiin ko rin ang ating mga representative, the Leyte Second District Representative, Lolita Javier [applause]; the Third District Representative of the Province of Leyte, Representative Anna Victoria Veloso Tuazon [applause]; ang ama ng Lalawigan ng Leyte, Governor Jericho Petilla [applause]; nandito rin po ang ating mga kasamahan na governor na — the Southern Leyte Governor, nandito po ang Southern Leyte Provincial Governor, Governor Damian Mercado [applause]; at nandito at nagre-representing Biliran, Biliran Province Vice Governor, Brigido Caneja [applause]; ang ating host para dito sa ating programa ngayon, ang mayor ng bayan ng Palo, Palo Mayor Remedios Petilla [applause]; at ang pinaka-importante na bisita dito ngayon ay kayo po, ang ating mga beneficiary para sa ating mga tulong na ibibigay ngayong araw na ito [applause];aking mga kasamahan sa pamahalaan; ladies and gentlemen; distinguished guests, maayong adlaw sa inyong tanan!

Nagtitipon-tipon po tayo ngayon para magkaisa para sa muling pagbangon ng mga magsasaka, mangingisda,  at kanilang mga pamilya [rito] sa Leyte, sa Southern Leyte, at saka sa Biliran.

Ang nagdaan na El Niño ay nagdulot ng malaking pinsala sa kabuhayan ng ating mga kababayan dito sa inyong lugar.

Ayon sa aming mga datos, higit dalawampu’t tatlong milyong piso ng [mga] pananim ang napinsala dito sa region VIII na ikinalugi ng higit limang daang — 500 magsasaka.

Hindi sa Region VIII ‘to. Ito’y for the Leyte provinces — Biliran, Southern Leyte, at saka Leyte.

Kaya naman sa okasyong ito, minabuti ng inyong pamahalaan na [bumisita] sa inyo upang magbigay ng suporta [upang] makabangon kayong muli para sa inyong kabuhayan.

Mula po sa Tanggapan ng Pangulo, kami po ay [magkakaloob] — magbibigay ng [tig-sampung] libong [pisong] tulong sa bawat magsasaka.

Ito po ay bukod pa doon sa mga ibang programa na ibinibigay o ‘yung programa ng Department of Agriculture, mayroon silang ibinibigay na assistance; ‘yung DSWD may binibigay na assistance; pati DILG ay mayroon ding sariling programa; kasama rin ang DOLE; ang DTI. Para naman lahat nga — kagaya ng aking sinasabi ay lahat ng makakatulong na department ay isinasama namin sa programa.

Ngunit noong tinitingnan namin at tinitingnan ko ang sitwasyon ng ating mga magsasaka ay sinabi ko, mabuti na mayroon tayong maibigay. Ngunit, siguro kung makahanap pa tayo ng pondo, dagdagan pa natin para mas malaki ang maibigay natin na tulong.

Kaya po, galing po ito sa Office of the President na tig-sasampung libo na tulong para sa mangingisda at magsasaka mula sa Leyte, Southern Leyte, at Biliran.

Ang suma total po, mahigit apatnapung milyong piso ang aming iiwan sa inyong mga lokal na pamahalaan na siyang mamumuno sa pamamahagi ng mga tulong na ito.

[Ngunit], bukod po rito, [nagdala] pa po kami ng marami pang tulong at saka iba’t ibang serbisyo.

Una [na] po riyan ang limang kilo ng bigas para sa bawat [dumalo] sa atin ngayon araw na ito, galing naman sa opisina ng ating House Speaker, House Speaker Martin Romualdez. [applause]

Ang DSWD naman ay mamamahagi ng sampung libong piso para sa isang libo at limang daang benepisyaryo mula sa inyong tatlong lalawigan. [applause]

Nandito rin po ang DOLE upang mamahagi ng higit anim na milyong piso sa ilalim ng TUPAD program para sa mga benepisyaryo mula sa Western at Southern Leyte pati na rin sa Biliran.

Ang TESDA naman ay may handog na higit tatlong daan at [limampung] libong piso para sa training allowance para sa pagsasanay ng ating mga magsasaka [at mga] nais maging healthcare workers.

Mamamahagi din po sila ng dalawampung starter [toolkits] para sa pagsasanay ng ating mga benepisyaryo at mag-aalok ng enrollment para sa ilang technical-vocational [programs] — mga techvoc program po natin, ng ahensya ng TESDA.

Kasama din po natin ngayon ang ating mga TESDA scholars at saka farm schools na [magpapakitang] gilas sa kanilang mga natutunan at mag-aalok ng ilang produkto.

Para naman po sa ating mga mangingisda, magbibigay ang BFAR ng tatlumpung bangka na  de-motor, mga materyales at feeds para sa pag-aalaga ng bangus at tilapia, at ilang kagamitan para sa pagpapalaki ng seaweeds naman.

Di po magpapahuli ang DA na may sari-saring handog para sa ating mga magsasaka tulad ng rice combine [harvesters], hauling truck, [tractors, hand tractors], rice reapers, rice [threshers], ‘yung modified abaca stripping [knives], multi-cultivators, rain shelters, nurseries, composting tools, packing sheds, at marami pang iba.

Iyong iba po nasa labas, hindi na po natin napuntahan dahil ang lakas ng ulan. Ngunit nandiyan po ang iilan, hindi lang po iyan ‘yung nandiyan na nasa labas kung hindi ito ay para maipakita lang kung ano ba ang dala ng DA.

Kabilang sa ating ipapatupad para lalo pang mapayabong ang agrikultura ng Southern Leyte ay isang proyekto para sa produksyon ng itlog, isang proyekto para sa produksyon ng gulay, at isang module ng poultry building facility na mayroong incubator, may pampakain, feeds, at limang daang manok.

Maglalaan din po ang DA ng pondo para sa pagpapalawig ng Agri-Negosyo at Kadiwa sa Leyte, sa Southern Leyte, at sa Biliran. [applause] 

Nais ko ring ibalita ang progreso ng ilan sa ating mga proyekto na magdadala ng pagbabago dito sa lugar natin

Isa na [nga] po rito ang ating patuloy na pagsasaayos ng Tacloban Airport na nagkakahalaga ng higit dalawa at kalahating bilyong piso. [applause]

Noong dinaanan namin, noong nag-landing kami sa — itong magiging lumang airport, ay ipinapakita sa akin ni Speaker, ‘ika niya malapit nang matapos ito. Baka next year puwede na nating i-inaugurate ‘yung terminal.

So, malapit na talagang… matagal nang nilalakad ng Speaker ninyo ito, mabuti naman at sa wakas makikita na natin.

Ang ating ginagawa, ang Passenger Terminal Building, ang airport runway, at karagdagang daan sa airport habang pinapalawak natin ang buong paliparan. [applause]

Hangad natin na sa pagdating ng 2026, matatapos na ito at magdadala ng mas maayos at mas mabilis na serbisyo sa ating mga kababayan. [applause]

Bukod dito, [nariyan] din po ang Tacloban City Causeway na magpapabilis ng biyahe mula sa siyudad papuntang paliparan.

Ang sabi sa akin na kapag natapos na ito, mula sa airport hanggang sa city hall, five minutes na lang daw.

Ngayon, mahaba-haba nang kaunti pero pag matapos na iyan, napakabilis na ng daloy ng trapiko. Hindi na dadaan doon sa coastal road kung hindi papasok na, deretrso na sa city hall ang baba.

Ang mga proyektong ito ay hindi lamang para sa pagpapa-unlad ng imprastraktura sa inyong lalawigan, kung hindi ito ay pagtiyak din sa seguridad at katiwasayan ng inyong  komunidad.

Sa pagtutulungan ng ating kasundaluhan at kapulisan, patuloy tayong [nagdaragdag] ng puwersa sa ilang lugar sa Leyte upang mapanatili ang katahimikan at kaayusan dito sa atin.

Higit sa lahat, ang ating patuloy na pagkakaisa ang magdadala sa atin tungo sa mas magandang bukas.

Ang bawat tulong na ating binibigay, ang bawat proyekto na ating [tinatapos], ay patunay [ng] ating pagsisikap na [itaguyod ang] mas maliwanag na kinabukasan para sa bawat Pilipino.

Sa pamamagitan ng ating sama-samang pagsisikap, tiyak na magiging matagumpay tayo sa pagharap sa ano mang hamon.

Magpatuloy tayong [maglingkod] nang buong-puso at buong sigasig, at sama-sama [nating] abutin ang mas magandang kinabukasan para sa bawat isa.

Magandang araw sa ating lahat!

Mabuhay ang Bagong Pilipinas! [applause] Damo salamat!

—END—