Speech

Speech by President Ferdinand R. Marcos Jr. at the Distribution of Various Government Assistance

Event Distribution of Various Government Assistance
Location Fuerte CamSur Sports Complex in Pili

Maraming salamat sa… [Please maupo kayo. Please sit down.]

Maraming, maraming salamat sa ating butihing kongresista, Congressman Migz Villafuerte, sa kanyang pagpakilala at napakagandang salita; nandito din po ang ating matagal ng kasamahan sa serbisyo publiko, ang inyong dating governor ngayon congressman, si L-Ray Villafuerte; at siguro ang pinakabago na bagong salta sa politika, ang ating governor ito’y bagong pasok naging governor na kaagad kaya’t marami siyang tinatrabaho ngayon, napasa na ang tradisyon ng serbiyo publiko kay Governor Luigi Villafuerte. At ang ating mga – nandito po kasama po natin ang mga iba’t ibang Cabinet secretary at kami’y nandito upang tingnan lang namin at babantayan po natin kung tuloy-tuloy kung maganda ang patakbo para sa pagbigay ng ating ginagawang tulong sa ‘yung mga nangangailangan pa.

Natagalan lang kami sa labas nang kaunti dahil tinatanong – ako ang Secretary ng Department of Agriculture ngayon – kaya tinatanong ko ‘yung mga mangingisda, ‘yung mga ating magsasaka kung ano ba talaga ang karanasan nila, kung ano ang kanilang pangangailangan at kaya naman ay marami tayong natututunan pagka ganyan. Naiba kapag kausap mo ang tunay na talagang magsasaka, ang tunay na talagang na mangingisda kaysa sa nagbabasa-basa ka lang ng report.

Kaya’t hihingi ako sa inyo – I apologize na naghintay kayo pero hindi naman siguro mahirap dahil ang ganda naman nitong stadium ninyo may air-conditioned pa. Naluma ang Maynila rito sa inyo.

Anyway, kaya kami nandito ay para patuloy ang – tinitiyak namin na patuloy pa rin ang pagbigay ng tulong sa mga nangangailangan. Alam niyo po ay medyo umaahon na tayo sa pandemya, sa ekonomiya, tsaka ‘yung mga kahirapan na dinala ng COVID.

Medyo dahan-dahan ay nakikita natin hindi na tayo masyadong nagkakasakit at hindi na natin masyadong kailangan alalahanin na baka magkasakit dahil na-manage na natin. Iyong iba sa atin nag-vaccine na, nag-immunity na.

Ngunit hindi pa tayo tapos. Hindi pa tayo tapos. Hindi natin masasabi tapos na ‘yung problema sa COVID. Tapos na ‘yung lahat ng naging epekto nung COVID sa ating ekonomiya ay nawala na. Nandiyan pa rin nang kaunti.

Kaya’t kailangan tuloy-tuloy ang pagbigay namin ng inyong – ‘yung ayuda, ‘yung AICS, ‘yung TUPAD, lahat po ‘yan na aming ginagawa.

Tapos hindi lamang ‘yan, kung hindi pati na ang pagtulong sa – ‘yung mga maliliit. Galing lang kami sa Kadiwa. ‘Yung Kadiwa ay ginagawa naming market ‘yan para makapagbili ang ating mga consumer, makapagbili ng mas mura na – lalo na ‘yung mga agricultural commodities, ‘yung mga bigas, ‘yung mga asukal, gulay, lahat ‘yan.

At ang ginagawa namin ay direkta na mula sa magsasaka, direkta na kaagad sa Kadiwa. Kung ano man ang kailangan na gastos, ang kailangang gawin para dalhin ang produkto sa palengke ay ginagawa – sinasagot na ng pamahalaan nang sa ganoon ‘yung mga patong na – ‘pag pinapadala mo ‘yan may pinapatong na presyo ‘yan. Palaki nang palaki ‘yung presyo, nawawala na lahat ‘yun. So naipagbibili ng gobyerno, hindi naman kumikita ang gobyerno. Hindi dapat kumita ang gobyerno diyan.

Kaya’t wala na kami – mas maganda ang nagiging epekto para sa presyo. At  binibigyan din natin ng pagkakataon ‘yung mga maliliit na negosyo na mayroon silang pupuntahan. Pupunta sila sa Kadiwa at doon nila ipagbibili ang kanilang mga nagawang produkto.

Kaya’t dahan-dahan, ‘yung mga – lalo na ‘yung mga maliliit na negosyo ay paaahunin natin. At sana dumating na ‘yung araw na kayong lahat ay masasabi ninyo na maganda na ‘yung naging puwesto ninyo, mayroon na kayong trabaho na maaasahan at hindi na kailangan ng assistance galing sa gobyerno dahil maayos na ang ating ginagawa para sa buong ekonomiya.

Kaya ‘yan po, ‘yan lang naman po at ako’y nagpapasalamat at hindi ko akalain ganito kainit ang salubong na ibinibigay, ibibigay ninyo sa akin dahil po ay biglaan lang itong… [applause]

Biglaan lang itong aming pagpunta rito at kaya naman sinamantala ko na habang nandito ako ay kayo ay makasama at tayo’y makapagbigay at ipatuloy ang tulong sa inyo at sa lahat ng mga nangangailangan natin mga kapatid na Pilipino.

Maraming, maraming salamat po. Magandang hapon. [applause]

 

— END —

 

SOURCE: PCO-PND (Presidential News Desk)