Speech

Speech by President Ferdinand R. Marcos Jr. at the Inauguration and Turnover of Rice Processing System II


Event Inauguration and Turnover of Rice Processing System II
Location Piddig, Ilocos Norte

Dios ti agngina apo, Secretary. [Oh, please sit down.]

Thank you Secretary Kiko for your introduction. Kasama rin natin… [Anong tawag ni Governor?]Ti (ang) forever, forever Mayor ng Piddig pero ang title niya ngayon administrator.

Alam niyo itong mga proyektong ito. Itong mga proyektong ginawa namin dito ngayon, ngayong araw. Galing lang kami sa Pasuquin, sa Sulvec na ginawang Earthfill Dam para maparami ang patubig at alam naman po natin na pagka — lalo na kapag palay ang pinag-uusapan, ang pinaka-importante talaga ay ang patubig kaya’t dinadagdagan po natin ng irrigation at ‘yan po ang tinatrabaho ni Administrator Guillen ngayon at para madagdagan ang ani ng ating mga magsasaka.

At ngayon po — andito po siyempre kasama natin si Governor, Governor Matt; apo mayor; apo vice. Dr. Obien is also here. Ito po si Dr. Santi Obien is the — unang namumuno ng PhilRice. [applause] Hanggang ngayon, he is still offering his self. Kaya’t kami’y magpapasalamat. We will — we need talents like yours to help us dito sa ano.

Lahat nung mga pinapag-usapan natin Doc Obien now only we can do it because dati hanggang dito lang sa Ilocos. Ngayon, puwede na tayo sa buong Pilipinas. Lahat nung ating iniisip na gagawin ay maaari na nating gawin at isa na ito.

This is — this Rice Processing Facility is one of the most important aspects. Ito ‘yung — isa sa pinakamahalaga na aspeto doon sa ating tinatawag na value chain dahil — kasi kung iisipin natin, kung wala ito, kung wala tayong processing, unang una ‘yung drying natin, nandiyan na naman sa kalsada, nandiyan na naman sa basketball court, nandiyan na naman kung saan-saan at nasisira lang ‘yung ani.

Kaya’t mas maganda mayroon na tayo — malaking dryer dito. [How big is it? It’s 24 tons? 24 tons? Pero dalawa?] There are two of them, so 24 tons ang capacity niya. Sa isang araw, kaya niyang ubusin ‘yung 24 tons na ‘yun kaya’t napakarami ang ma-dry niya.

Tapos, ipapasok dito sa processing at three tons per hour ang labas ng… Nakita ko noong pinaandar namin, nakita ko na ‘yung bigas ang ganda noong bigas. Naalala ko tanghali na, nagutom tuloy ako dahil nakita ko ‘yung bigas. [laughter]

But anyway. Kaya mahalaga ito dahil ang mga farmer natin. Halimbawa dito sa Piddig, tinatanong ko kay Admin Eddie, pagka — noong wala pa ito, magpapadala pa tayo ng palay natin hanggang sa Bulacan, doon gigilingin. Sinong kikita ngayon sa processing? Iyong may-ari ng processing, hindi ‘yung farmer.

Ngayon, dahil napunta na sa isang cooperative itong ating processing ay maibabalik. Hindi na lalabas sa value chain ng Piddig, ng Ilocos Norte ang pag-process kaya’t mababawasan ang gastos ng ating mga farmer.

Alam niyo po, napakanipis lamang ang kita sa palay at saka… Kaya’t magkabagyo lang nang kaunti, kailangan — tumaas ang presyo ng krudo, lumayo, masira ‘yung processing, malayo ang pupuntahan, wala na, nawawala kaagad ‘yung kita.

Kaya’t nandito na ito, mas lalapad ang kita na ganyan, mas maganda ang magiging hanapbuhay ng ating mga magsasaka.

At nagdala rin kami ng mga gamit, mga tractor, iba’t ibang gamit, pati na ang mga binhi at ‘yung mga — ‘yung ayuda sa fertilizer at saka pesticide para sa ating mga farmer.

Lahat-lahat ang dala namin ang halaga is Php71 million lahat-lahat ang dinala natin dito ngayon. [applause] Para naman maipakita natin na talagang seryoso tayo.

[How many have we put of this around the country?] 146 naitayo na natin na ganito, 146 na sa buong Pilipinas.

Si Admin Guillen, pinipilit niya. Sabi niya, unahin na natin ‘yung Piddig. Sabi ko, huwag, nakakahiya. Baka sasabihin ng mga tao inuuna lang natin ‘yung sa atin. Kaya’t medyo nauna ‘yung mga iba pero ngayon, nandito ngayong araw na ito, binubuksan na natin [applause] at ito ay para sa mas magandang pagsasaka ng ating mga kababayan, ng ating mga tiga-Piddig.

Kasi ‘yung kahit na… Pagka ganito kalaki ang processing, hindi lang Piddig ito. Buong probinsya makikinabang dito.

At siguro pagka nakadelihensya pa tayo sa RCEF ng kaunti pa, baka madagdagan na natin para naman lahat ng buong probinsya ay mararamdaman ang pagbabago na ginagawa natin para sa agrikultura.

At hindi lang ito… Kagaya ng aking nabanggit, galing kami sa Sulvec at that is one of the big projects that we are doing dahil nga sa irrigation. Ngunit ay mayroon tayong binubuo at naibabalita ko na sa inyo na sa susunod na taon, in 2025, mag-umpisa na ‘yung irrigation project ng Ilocos Norte-Ilocos Sur-Abra. Iyong matagal na nating…

First time pa ako nag-governor dito, noong 1983, pinag-uusapan na namin ‘yan. Hindi lang matapos-tapos, naabutan ng 1986 tapos hindi na binalik-balikan.

Kaya’t sabi ko, sayang naman ‘yun. Ang naging problema pati ay nilagyan natin ng mga iba’t ibang aspeto. Hindi lamang patubig kung hindi ngayon, mayroon ng hydroelectric power generation. Mayroon na tayong pagkukuhanan ng irrigation at saka gagamit din tayo para sa — para sa mga bahay-bahay, sa household supply ng freshwater.

Kaya’t ito po ay buong buo nating ginagawa para naman masabi natin… Kung maaalala ninyo, noong pinag-uusapan namin bago pa ako umupo ay pinag-uusapan ko na talaga na kailangan buuhin ang value chain mula sa pagsaka, hanggang sa processing, hanggang sa marketing, lahat-lahat dapat buuhin natin nang maganda para streamlined ito, hindi bumubukol ang mga gastos sa bawat hakbang.

Pag mag-processing, magbabayad ka na naman. Pag i-hauling mo, magbabayad ka na naman. Pag dadalin mo sa palengke, magbabayad ka na naman. Ngayon, hindi na.

Ngayon, ang gagastos diyan ay ang cooperative pero sila din ang kukuha ng kita, at ibibigay sa kanilang mga member.

Napakapalad naman ng Piddig Basi Multipurpose Cooperative at nasa inyo na. Kagaya po ng sabi ni Governor, pagandahin natin ang takbo nito para makita ng mga iba at ma-inspire naman sila at sasabihin nila na mayroon tayong — may pag-asa pa rin, puwede nating ayusin ang ating agrikultura at gagayahin ang mga project na kagaya nito.

So, this is something that we are very proud of at tinatanong nga sa akin noong dumadaan. Sabi sa akin, para kang hindi napapagod.

‘Ka ko pag nakakakita ako ng ganito, nawawala kahit na anong pagod ko dahil nakakatuwa [applause] ang makita na mayroon na tayong ganito at mayroon na tayong ganito. Hindi lamang dito sa Piddig kung hindi sa iba’t ibang lugar pa.

At ito ang aming patuloy dahil sa aking pananaw kailangan natin kilalanin ang ating mga magsasaka, mannalon tayo (our farmers) tayo, ti mangngalap tayo (our fishermen), especially since nahirapan sa tagtuyot ng El Niño, ay kailangan talaga tuloy-tuloy namin ginagawa ito para naman mas maganda ang agrikultura at kilalanin ang buong bansa.

Dahil kung minsan ay nakakalimutan na ang bayani, ang bagong bayani natin dito sa Pilipinas ay ang lahat ng nagtatanim ng palay, lahat ng — ng mais, ng lahat ng high-value crop, lahat ng iba’t ibang produkto.

Ang ating mga mangingisda na nagdadala ng pagkain para sa buong Pilipinas. Kaya’t ‘yan ang aming kinikilala at tiyakin ninyo — nakakatiyak kayo na hangga’t maaari lahat ng maitulong namin ay itutulong namin sa inyo dahil napakahalaga ng inyong ginagawa.

It is so important what you are doing. We cannot say it enough that the heroes of the day, lalong-lalo ngayon, the heroes of the day are our farmers and our fishermen. [applause]

Asahan ninyo na ang inyong pamahalaan ay nandito kasama ninyo lahat. Sabihan niyo lang kami. Lagi naman kami bukas at nakikinig kung ano ‘yung pangangailangan ninyo at sabihin ninyo nandiyan ang ating mga local government officials, nandiyan ‘yung mga representante ng mga iba’t ibang ahensya at siyempre nandito lagi ako at iba naman ang Ilocos Norte, may direct line sa Palasyo ‘yun. Hindi kagaya sa… [applause]

Ito kulitin ninyo si Vincent. Sabihin niyo pumunta siya sa Palasyo pag may kailangan kayo. Sigurado ‘yun, hindi ako patutulungin niyan hanggang basahin ko ‘yung folder ninyo.

So, I’m very happy… Well, first of all, I’m very happy to be back in Ilocos Norte but I’m also even more happy to be able to see that may progress ‘yung ating ginagawa.

At alam ko na sa darating na ilang buwan ay mararamdaman natin ang kaibahan dito dahil sa ating mga ginagawa, nagdadagdag tayo ng processing, tinutulungan natin sa pautang ang mga farmers, tinutulungan natin sa technical, tinutulungan natin sa mga inputs at ‘yan po ang ating patuloy na gagawin, at asahan ninyo na hindi kayo nakakalimutan ng kahit sino sa Pilipinas.

Hindi kinakalimutan ang kontribusyon ninyo sa lipunan ng Pilipinas. Mabuhay kayo! [applause]Agbiag ti Bagong Pilipinas! Naimbag nga aldaw yu amin. (Mabuhay ang Bagong Pilipinas! Magandang araw sa inyong lahat)

— END —