Speech

Speech by President Ferdinand R. Marcos Jr. at the Inauguration of the Cabaruan Solar-Powered Pump Irrigation Project


Event Inauguration of the Cabaruan Solar-Powered Pump Irrigation Project Quirino, Isabela
Location Brgy. Cabaruan, Quirino, Isabela

Dios ti agngina, Apo Speaker, Speaker Martin Romualdez. [Agtugaw tayo apo.]

Special Assistant, Secretary Anton Lagdameo [applause]; Dagiti diputado tayo (our representatives), Congressman First District, Congressman Tonypet Albano [applause]; Dadtoy ti diputado nga primera distrito nga Ilocos Norte (Also here is the representative of the First District of Ilocos Norte) Congressman Sandro Marcos. [applause] Nararamdaman na niya ‘yung pressure kasi ‘yung speech ni governor marami siyang inutos na kailangan niyang tatapusin. Ang ating gobernador, Apo Gobernador Rodito Albano [applause]; Toy gayyem tayo nga (our friend) Vice Governor, Vice Governor Bojie Dy [applause]; Toy [nabassit?] nga Mayor nga Quirino, Mayor Juan [applause]; at ang proponent at talagang nagtrabaho at siyang nagtrabaho para mabuo hindi lamang itong magandang project na ito, kung hindi ‘yung mga ibang project ng irrigation, ang ating administrator ng NIA, dati Mayor ng Piddig, Administrator Eddie Guillen [applause]; ang ating mga kasama; all my fellow workers in government.

Magandang umaga po sa inyo. Naimbag nga bigat kadakayo amin! (Good morning to all of you) [applause]

Lubos akong natutuwa na makabalik dito sa Isabela kahit na hindi pa ako nakapunta rito sa Cabauruan. Ito ang first time ko rito ngunit nakabalik na ako ng Isabela.

Alam ninyo, hindi ko kailangan masyadong bumisita sa Isabela, lagi akong kinukulit ng governor ninyo, lagi akong pinupuntahan niyan. Halos every week, twice a week, nandiyan ‘yan sa — pinupuntahan ako para mayroon daw — mayroon siyang pino-project kaya’t mabuti naman…

Ngayon naman, ako ang nakapunta rito at nakakatuwa naman at [makapagbigay] ng [panibagong] lakas at pag-asa at ginhawa sa ating mga masisipag na mga mannalon (farmers) dito sa probinsya ng Isabela.

Talaga [dahil] sadyang napakalaki ng [tulong ninyo] para dito ay makamit natin ang mithiin na makapag-hatid ng sapat na pagkain sa ating kababayan.

Ito po ay isa lamang, isang bahagi lamang sa ating binubuo na pagpaganda, mga proyektong ginagawa para pagandahin ang sektor ng agrikultura. Naramdaman po natin noong panahon ng pandemya na nabigla tayo na napakahirap ng pagpadala, pag-import, pag-transport dahil sarado lahat, nag-lockdown tayo lahat at napakahirap na magparating ng food supply sa ating mga kababayan.

Kaya po, mula noong ako’y umupo, ito ngang sabi ko ay dapat natin ayusin ang sektor ng agrikultura at alam naman po natin lahat na ang pinakamahalagang bahagi para pagandahin ang ani ng ating mga mannalon, ating mga magsasaka ay ang patubig.

At ‘yan po ang aming inuuna. Kaya po itong mga project na ganito, mabuti na lang na mayroon na tayong bagong teknolohiya, itong solar. Dahil kung maalala ninyo, ‘yung ginagamit natin, mga pump, mga diesel, mahal ang krudo at mahal ang maintenance at saka maliit lang ‘yung mga bomba natin dati. Kaya’t ito ay napakalaking bagay.

Kaya’t ito — hindi lamang ito… Nakita naman ninyo doon sa video ay marami pong kinakalat sa buong Pillipinas ‘yan. Iyong iba, hindi ganito kasing laki at ‘yung iba ay mga pang — coverage niya mga 15 hectares, 18 hectares. Pinakamalaki na ‘yung iba, 35 hectares.

Ito ay palalakihin pa natin. Kapag… Kaya kailangan lambingan natin ang Speaker para pagka magkapondo ulit… [applause] Pagka nagka pondo ulit… [Ano ito? 350 hectares?] O gagawin nating 700 hectares, dodoblehin natin ito. [applause]

Para lahat nito — dito sa baba ay magkaroon na ng patubig at kahit na umabot — makarating na naman ang El Niño, bumalik ang tagtuyot ay mayroon din tayong maaasahan na water supply. Hindi lamang para sa irrigation, kung hindi pati na para sa water supply ng ating mga consumer dahil pagka hindi kailangan lahat ng tubig dito…

Ang proposal nga ng inyong gobernador ay gagawin po natin na — gagawin po natin ay baka puwede nating kumuha para sa ating mga household supply ng tubig. At ito po… Mayroon pang dagdag na advantage itong solar dahil may panahon na hindi kailangan gamitin lahat ng power noong solar.

May sobra, may sobrang production ng kuryente ito. Kaya’t ito puwedeng ibalik sa grid, puwedeng ibenta. Maaaring ipagbili ngayon ang sobra. Kapag may solar plant ka, may powerplant ka at hindi niyo ginagamit lahat ng power ay dadalin niyo, lalagay natin sa grid, mayroon tayong — may additional na kita.

Sa katunayan, ang Isabela ang [may] pinakamalaking ambag sa produksyon ng mais at pumapangalawa naman sa produksyon ng palay sa buong bansa. Kapag naipatuloy natin itong ating mga project baka bumalik na naman ang Isabela sa number one. [applause]

Magmula ba [naman] sa [paanan ng] Sierra Madre hanggang sa mga bulubundukin ng Cordillera [at]Caraballo, talaga namang [mapabibilib] [ka] sa lawak at yaman ng lupa na maaring taniman dito.

Kaya po marami dito na tiga-Isabela ay galing doon sa amin, dahil doon sa amin, kokonti ang lupa, walang tubig. Dito nakita ‘yung Isabela naging promise land kaya maraming tiga-Ilocos Norte ang nandito [applause] — napunta rito sa Isabela.

Idagdag pa natin ang walang tigil na agos ng Cagayan River — ang [pinakamahabang] ilog sa ating buong bansa — at mga sanga nito, mga tributary nito sadyang [napakalaki] talaga ng taglay na [potensyal] para dito sa inyong lugar.

Kaya sadya pong hindi nagkamali ang aking ama na si Pangulong Marcos Sr. na ipinatayo ang Magat Dam na magsisilbing susi sa [pag-unlad] ng agrikultura dito sa Isabela at buong Cagayan Valley.

Nag-uusap nga kami ni Administrator Guillen. ‘Ika namin, balikan natin, tingnan natin ullit ‘yung Magat Dam at tingnan natin kung pupuwede pa. Mukhang mayroon pang kailangan — mayroon siguro rehabilitation na kailangan. Pagandahin natin. Lagyan din natin ng ganitong solar kung babagay siya para naman i-modernize natin lahat ng ating mga facilities.

Kaya sa araw na ito, ikinararangal ko na sundan angyapak ng aking ama at dagdagan [applause] ang lahat ng kanyang nagawa para sa ating mga magsasaka at kanilang mga pamilya.

Ang pormal na [pagpapasinaya sa] Cabaruan Solar-Powered Pump Irrigation Project na ito ang kasunod na yugto sa istorya ng progreso ng Isabela. At hindi lamang ng Isabela, kung hindi sa buong amianan (north).

Kung dati-rati ay gumagamit tayo ng mga makinang[pinatatakbo] ng langis upang dumaloy ang tubig mula sa irrigation canal patungo sa inyong mga taniman, ngayon ay pinagagana na [natin ito] gamit ang kuryente na galing sa araw. Libre na kuryente na galing sa araw kaya’t maaari nating ibigay ang libre na patubig. [applause]

Ang proyektong ito ay maaaring makapagbigay ng tubig sa mahigit tatlumpu’t daan at limampung ektarya ng sakahan na tutulong sa halos dalawang daan at apatnapung magsasaka.

Ito na rin ang pinakamalaking solar-powered pump irrigation project sa buong bansa na binubuo ng mahigit na isang libo na solar panels. [applause]

Napakalaki [pa] naging katipiran natin dito dahil bukod sa libre na ang [pagkukunan] ng kuryente, inilagay mismo sa taas ng irrigation canal ang ating solar panels, kaya hindi [na] po mababawasan ang lupang tinataniman ng ating mga magsasaka.

Ito po ay hindi nag-iisa. Kanina, nauna nang isinagawa ng National Irrigation Administration ang mass acceptance ng labing limang

solar-powered pump irrigation projects at dalawang small irrigation projects dito sa Region II.

Tinatayang aabot naman sa mahigit dalawang daan at limampung ektarya ang [mapatutubigan] nito na [mapakikinabangan] ng mahigit walong daan at animnapung magsasaka.

Kasama dito ang animnapu’t dalawang solar-powered pump irrigation projects na ginagawa naman natin sa Region II.

Mahigit isang daan at limampung solar-powered pump irrigation projects naman ang kasalukuyan nating tinatapos habang higit isangdaang proyekto pa ang ating ipagagawa.

Sa kabuuan, walumpu’t dalawang solar-powered pump irrigation projects na ang [ating] natapos [at] napagana natin sa bansa mula noong 2023 at tinitiyak ko sa inyong lahat na dadagdagan pa natin ito sa mga susunod na buwan at sa mga susunod na taon. [applause]

Nais kong kilalanin siyempre ang NIA sa napaka-malikhaing paraan sa [pagpapatupad] ninyo sa proyektong ito. Hangad ko na patuloy ninyong ipakita ang inyong galing, talino, at kakayahan sa paggawa ng mga susunod na mga proyektong patubig para sa ating mga magsasaka upang maparami pa nila ang kanilang mga ani.

Inaanyayahan ko rin kayong pag-aralan kung alin pa sa mga irrigation assets natin sa bansa ang maaari nating lagyan ng power generation [facilities] kagaya rito o iba pang mga pasilidad upang lubos nating mapakinabangan ang mga ito at mabawasan ang gastos na pasanin ng ating mga magsasaka sa pagpapatakbo nito.

Sa ating mga magsasaka at mga kababayan dito saIsabela, ito po ang isa sa mga halimbawa [ng] isinusulong natin sa Bagong Pilipinas, patunay ng aming pagsisikap na palaganapin ang modernong pagsasaka dito sa Pilipinas.

Tiyak na dahil sa pagtatayo ng solar-powered [pump] irrigation project na ito sa inyong barangay aymagkakaroon ng tuloy-tuloy na daloy ng tubig sa mga irigasyon na sistema, maaalagaang mabuti ang mga pananim, [at] dadami [at] dodoble ang inyong mga ani sa produkto.

At kapag nangyari iyon, lalaki ang kita ng mga magsasaka, sasagana ang buhay ng inyong pamilya, [at] lalago ang inyong lokal na ekonomiya. Ang buong Isabela ay makikinabang dito.

Ang pagpapalawig [naman] ng mekanisasyon, paggamit ng makabagong teknolohiya, at pagpapalaganap ng mga modernong pamamaraan sa [pagtatanim] ang siyang magtutulay sa atin tungo sa [ating] hangarin na sapat,sariwa, at masustansiyang pagkain para sa buong bansa.

Kaya naman nananawagan ako sa ating mga magsasaka dito sa Isabela, sa buong Region II, at sa buong bansa: Sana po ay makiisa po kayo sa adhikain ng inyong pamahalaan na palaganapin pa at maging mas epektibo pa at moderno at madaling paraan [ng] pagsasaka.

Ang inyong pamahalaan ay handa pong tulungan kayong magsanay sa mga pamamaraang ito. Huwag kayong mahihiyang lumapit po sa DA, sa Department of Agriculture, sa NIA kung sakaling mayroon kayong mga kailangan sa pagsasaka—mga training man ‘yan, mga makinarya, pasilidad, o tulong pinansyal para maging puhunan.

Magtulungan at magkaisa tayo para sa ika-uunlad ngsektor ng agrikultura sa bansa at para sa ikatutupad ng ating pangarap na wala nang Pilipinong nagugutom sa pinapanday nating isang Bagong Pilipinas.

Agbiag ti mannalon tayo! Agbiag ti probinsya nga Isabela! Agbiag ti Bagong Pilipinas! Dios ti agngina kadakayo amin. [applause]

— END —