Maraming salamat Secretary Benny Laguesma, ang ating DOLE – na kalihim ng DOLE. At sila ang nangunguna sa pag-organisa nitong job fair… [Please, please have – take your seats.]
At magandang umaga po sa inyong lahat at welcome po dito sa aming ginawa na job fair. At sana naman… Ito po ay pinagsama-sama na po natin lahat ng pangangailangan ng isang nag-a-apply para sa trabaho hindi lamang dito sa Pilipinas pero kundi pati sa abroad.
At hindi lamang nag-a-apply ngayon ang ating mga prospective na employee at pumupunta – pumupunta sa isang korporasyon at nagsasabi “mag-a-apply kami” tapos bahala na, tapos na. Babalitaan ko na lang kayo kung ano ‘yung – kung kukunin kayo o hindi.
Hindi na po ganoon. Mas mabigat at mas malakas ang suporta ngayon ng pamahalaan para naman ay kayo ay mas may kakayanan upang makakuha ng magagandang trabaho.
Mababa na po ngayon… Binababa po natin ang unemployment rate. Pakaunti na lang nang pakaunti ang hindi empleyadong Pilipino ngunit hindi pa kami tapos doon. Kailangan kung anuman ang hawak nilang trabaho dapat ‘yung tinatawag na quality job na may potential na ma-promote, na maging mas maganda, o kung sakali man ay magtatayo ng sariling negosyo na tinutulungan naman natin at tutulungan po natin upang makapag-expand, upang makapag – kung minsan ‘yung iba na magsisimula.
Napakahalaga po ng – ang kooperasyon ng mga sa private sector, mga negosyo, mga negosyante po, mga korporasyon. Nandito po si Ma’am Tessie Coson. Siya ay mula sa simula lagi siyang nandiyan at binuksan niya sa SM, na mga mall, nagbukas sila ng mga job fair na ganito at naging napaka-successful. Kaya’t naman ay pinagsama-sama natin lahat ng mga – ng mga iba’t ibang sektor upang matiyak na handa ang ating mga prospective employees na makapagtrabaho.
Halimbawa, ‘yung ating ginagawa ngayon dati kagaya ng aking nasabi mag-a-apply, bahala na kung – titingnan natin kung makuha o hindi.
Ngayon na kasi — nagbabago po ang labor market, hindi na kagaya ng dati. At iba na ang pangangailangan ng mga negosyo, ng mga korporasyon. Ibang klase ng mga workers ang kanilang hinahanap.
Kaya’t naging mahalaga ‘yung tinatawag po na reskilling na binibigyan po natin ng bagong kakayahan; o upskilling, pinapagaling pa natin doon sa kanilang ginagawa na.
Kaya’t ngayon kapag sinabi ng inaaplayan ninyo — sasabihin ay kailangan marunong kayo sa ganito, kailangan marunong kayo sa ganyan. Kung mapakita ninyo na kaya ninyo ‘yung mga skill set na ‘yun, ‘yung mga – nakapag-training kayo doon sa mga gagamitin na makinarya, doon sa sistema sa opisina – kailangan ay mai-training.
Kaya naman nandiyan po ang TESDA. Sasaluhin po ng TESDA at magbibigay ng libre na training para makapag-qualify ‘yung ating mga aplikante sa kanilang hinahanap na trabaho.
Kaya’t sa ngayon sa araw na ito ang pagkasabi sa akin, ang nakapag-register 18? 18,000 sa ngayong araw. Sana naman ay ‘yung karamihan diyan ay makahanap ng trabaho kaya’t… Ito po ay parang pilot project din po ito dahil nakita namin noong ginagawa po namin kasama nga ng SM, napaka-successful, so sabi namin subukan natin na dalasan.
Kaya’t ito medyo pilot project ito. Kung maganda ang maging resulta, ang plano talaga namin ay gagawa kami ng ganito bawat – ng isang ganito bawat buwan para mapuntahan. Hindi lamang dito sa Maynila kung hindi sa iba’t ibang lugar din. At para naman kahit na hindi na – para hindi na kailangan mapunta rito sa Maynila, sa NCR at puntahan natin ‘yung mga nais mag-apply sa iba’t ibang probinsya sa labas.
Kaya po pagka nakita natin na marami tayong nailagay, naipuwesto sa magagandang trabaho — iyon nga ‘yung aking nabanggit na mga quality jobs – kapag nakita natin ipapagpatuloy po namin itong programang ito para lahat naman ng ating mga kababayan ay mabigyan ng pagkakataon upang makahanap ng magandang trabaho para sa kanilang hanapbuhay, para sa kanilang pamilya, at kasama na rin diyan para sa Pilipinas.
Kaya’t maraming, maraming salamat po sa inyo, sa inyong lahat, sa inyong pakilahok dito sa aming job fair. [applause] At good luck sa inyo na makahanap ng magandang trabaho dito sa job fair namin.
Magandang umaga. At maraming, maraming salamat sa inyong lahat. [applause]
— END —