Speech

Speech by President Ferdinand R. Marcos Jr. at the Office of the President Family Day


Event Office of the President Family Day
Location Kalayaan Grounds, Malacañang

Magandang — tanghali na. Magandang tanghali sa inyong lahat. Ating konting welcome sa ating konting family day para sa Office of the President. 

At alam naman namin na napakarami naming pinapagawa sa inyo at kung minsan medyo mahaba-haba ang oras ng trabaho. Kaya naman siguro dapat once in a while makabawi naman at mabigyan kayo ng konting kasiyahan, lalong lalo na sa mga pamilya ninyo na hindi na kayo nakikita dahil sa haba nga ng trabaho. 

Pero hindi bale, Pasko na ngayon, at panahon na… [cheers] 

Kahit hindi natatapos ‘yung trabaho natin at least ay makapag-celebrate tayo nang kaunti. At kami naman na namumuno ng Office of the President, lahat po ng nandito ay parang ito na ang aming paraan upang magpasalamat sa inyong lahat, sa inyong napakagandang trabaho na ibinibigay. 

Kahit gaano kasipag, kahit gaano kagaling ang namumuno, kapag kayo ay hindi rin masipag at hindi rin magaling, hindi natin nagagawa lahat ng ating kailangan gawin para tulungan ang ating mga kababayan. 

Kaya’t hindi ko na pahahabain at tanghali na nga. Palagay ko gutom na kayo. Pero marami naman nakahanda riyan at mamaya mayroon pa yata tayong concert dito sa Mendiola at para maramdaman naman ninyo ‘yung Christmas spirit. 

So, ganun na lang at maraming, maraming salamat sa inyo sa nakaraang taon, sa inyong pagsisikap, sa inyong sipag, sa inyong galing upang tayo nga ay makapagbigay ng magandang serbisyo sa taong-bayan.

At, ito na ay siguro, panahon na, pagkakataon na, na mag-relax kahit kaunti lang at makasama ang inyong mga mahal sa buhay at may kaunting handa. May mga premyo pang hinanda ang mga iba’t ibang departamento. Kaya’t huwag kayong aalis baka makapanalo kayo ng bahay at lupa. [cheers] Nagulat nga ako. Sabi ko, naiba ito. Mabigat ang mga premyo dito na binibigay natin.

Pero ay tinuro sa akin ito ng aking ama kaya’t ito wina-warningan (warning) ko na kayo. Ang sinasabi ng aking ama: Huwag kang mag — ‘yung ating mga staff, ‘yung mga tumutulong sa atin, we will overpay them but we will also overwork them. [laughter] 

Kaya ‘yan ang ating ano… Ngunit, Pasko. Kaya’t bakasyon nang kaunti. Mag-relax nang kaunti. Magpasaya nang kaunti. Merry Christmas sa inyong lahat! [applause] Maraming salamat sa inyong serbisyo. Merry Christmas! Happy New Year na, isasama ko. Magandang tanghali sa inyo. [applause]

 

— END —