
Magandang umaga sa inyong lahat at… [cheers and applause]
Hindi ko akalain pagpunta ko rito ganito karaming Santa Claus na sasalubong sa akin. [laughter]
Naisip kong gawin — naisip namin na dahil kung maalala ninyo, ‘yung ilan sa inyo… Magsiupo kayo. Mahabang-mahaba itong kuwento ‘to dahil 1999 pa magsisimula ito. [laughter]
Naalala ko nung ‘yung iba sa inyo nakarating noong araw ng patay doon sa Libingan ng mga Bayani. [applause]
At sabi ko nga, kagaya nang nasabi ko noong ako ay nagsalita ay sabi ko nga: nami-miss ko na itong FIRM. [cheers and applause]
At hindi ko talaga makalimutan, mula pa noong simula… Bago pa noong 1999, wala pa ‘yung FIRM, ‘di pa natin nabubuo itong grupo pero nandiyan na kayo, naka-pula na.
At kahit saan ako pumunta — kahit saang lupalop ng Pilipinas, basta’t may isang grupo sa isang tabi, laging nandiyan ‘yung FIRM. Kaya’t nasanay na ako na makita kayo. [cheers and applause]
Itong si Mr. Lachica talagang napaka sigasig masyado at siya rin ay kahit na anong… There was a time na may karamdaman siya nandiyan pa rin kahit anong gawin mo at siya’y sisipot. [cheers and applause]
Kaya’t ako’y nagpapasalamat sayo para sa lahat ng organization ninyo, sa lahat ng inyong ginawa, at sa pagpatuloy ninyong suporta.
Alam ninyo para sa akin sa larangan ng politika, sa palagay ko may tinatawag… Lahat ng mga politiko, lahat kami, laging naghahanap kami, kailangan mayroon kaming balwarte, kailangan mayroon kaming tinatawag na core group, at sa palagay ko itong FIRM, ito na ‘yung core group na binuo natin. [cheers and applause]
Na hindi natin masasabi na binuo lamang para sa pagpatakbo bilang Pangulo, kung hindi ito ay kahit ano sa — kung ano naging pangyayari sa kasaysayan ng buhay ng mga Marcos ay nandiyan po kayo. Kaya’t ang — ‘yung suporta ninyo sa pamilya ko, sa hindi ninyo pagkakakalimot [applause] Nagsimula sa aking ina, si — ang ating minamahal na First Lady Imelda. [cheers and applause]
Sinasama ko rito, sinasama ko kanina rito, sabi niya: Sige, kayo na ang — kayo na muna ang bahala at bumabati siya at nagpapasalamat din siya. Bumabati siya, Merry Christmas at saka Happy New Year sa inyong lahat. [cheers and applause]
At muli, ay nagpapasalamat nga na hindi kayo nakakalimot at kayo’y laging nandiyan sa aming likod. Hindi ninyo ho — baka hindi po ninyo alam, kahit hindi namin nasasabi at kahit hindi namin madalas na mapuntahan kayo, kayo mismo ay mapag-usapan, ramdam na ramdam po namin ang nasa likod namin, kaya’t lumalakas po ang loob namin para ipaglaban ang Pilipino, ipaglaban ang Pilipinas dahil sa inyo. [cheers and applause]
Kayo ang nakakapag-inspire sa aming lahat. Nagsimula tayo bilang grupo para tumulong sa kampanya. Tapos naging — napunta sa tree planting, napunta sa mga lahat ng mga environmental na trabaho. At tuloy-tuloy hanggang ngayon ay hindi lamang kampanya ang ating ipinaglalaban, hindi lamang kampanya ng isang kandidato, kung hindi dahil — kayo, tinulungan niyo akong maluklok dito sa napakataas na opisina ng buong Pilipinas. [cheers and applause]
Dahil sa inspirasyon ninyo ay napunta po tayo rito. Kaya naman, ang ating mga katungkulan ay hindi na lang — hindi na lang makapagpanalo ng isang kandidato, hindi lamang makapagpakita ng suporta sa isang partido kung hindi ngayon ay kagaya ng aking sinabi, ‘yung inspirasyon ninyo na ipagpatuloy natin ang paglaban para sa paganda ng buhay bawat Pilipino, para sa pagpaganda ng Pilipinas. [applause]
At dahan-dahan pong — tayo’y nagagawa po natin ‘yan. Ngunit marami pa rin tayong gagawin, kaya’t sana, sana ‘wag kayong magsawa na nandiyan na maramdaman namin na makikita, nagsasabi sa amin kung ano ‘yung tama naming ginagawa at pati na kung hindi tama eh magsabi rin kayo dahil para kailangan namin malaman ‘yan. [applause]
Kaya’t kami, kami — dahil siguro naman sa tagal ng pinagsamahan natin ay maaari na tayong magsalita ng hindi masyadong pormal at sayang naman, kagaya ng sabi ko ay… Kung 1999 ang formal na pagbuo ng FIRM, 25 years na po tayo. Kaya’t — [applause]
Ano bang tawag d’yan? Anong tawag d’yan sa anniversary na 25? Anong tawag ‘yunganniversary na 25 years? May silver anniversary na tayo. Puwede na tayong magsabi na 25 years na tayo nagsama. [applause]
Anyway, ulit, ito’y kaunting pasasalamat lang at pag-aalala lang. At kahit na hindi tayo nagkikita ng gaano kadalas kagaya noon, noong panahon ng pagkampanya, noong panahon ng eleksyon, noong panahon ng protesta, noong panahon — lahat ng pinagdaanan natin. Kahit ngayon ay siyempre nandoon ako at iniikot ang buong Pilipinas, at hindi tayo masyadong nagkikita, alalahin – lagi po namin kayong inaalala. Lagi po namin kayong — lagi po kayong nasa isip namin, at hindi lamang sa isip namin kundi sa puso namin. [applause]
Kaya’t muli, maraming, maraming salamat sa inyong pagdating at mas mahalaga, maraming, maraming salamat sa inyong hindi pagkakalimot at hindi ninyo pagsasawa ng pagmamahal at pagsusuporta sa pamilyang Marcos para sa kagandahan, para pagpaganda ng buong Pilipinas. [applause]
Maraming, maraming, maraming, maraming salamat sa inyong lahat. [cheers and applause]
Kaya’t ganoon po lang, mukhang marami pang premyo dito na ipapamigay at kung ano-ano pang mga pampamasko na ibibigay dito kaya’t siguro ‘yan ‘yung inaantay ninyo kaya’t tumuloy na tayo diyan.
Ngunit, muli, maraming, maraming salamat! Merry Christmas! Happy New Year po sa inyong lahat. [cheers and applause]
— END —