Thank you.
[cheers, applause]
Maraming salamat sa ating butihing Speaker sa kaniyang pag-pakilala at sa kaniyang mensahe na binigay sa atin ngayong araw tungkol sa pag-lagda ng agreement sa gitna ng PFP at saka ng Lakas-CMD.
We’d like to greet also former president, former President Gloria Macapagal-Arroyo [applause]; and sa side naman ng Partido Federal, andito po ang ating president, ang governor, si Governor Jun Tamayo [applause]; ang, tamang-tama ‘yung kaniyang designation Special Assistant to the President dahil si Anton kahit saang partido pumapasok eh [laughs].
Lahat ng caucus ng lahat ng partido nakakapag attend siya. Kaya, bagay na bagay siya rito, Secretary Anton Lagdameo [applause]; the, our injured [laughs] Chairman of the Lakas-CMD Party, Senator Bong Revilla.
I was teasing Cong. Lani, sabi ko sa kaniya, “akala mo napangasawa mo action star, ngayon naging caregiver ka” [laughs]; Ilocos Norte First District Representative, of course, Sandro Marcos [cheers, laughs]; and the other honorable members of the House of Representatives from both our parties; my fellow workers in government; magandang tanghali po sa inyong lahat.
We mark today a significant moment not just for Philippine politics, but also for the field of public service, as we now formalize the – as the members of both parties have now formalized and build an alliance that will propel our country towards the Bagong Pilipinas that we envision.
What we have conceptualized, we really began in the previous campaign and the previous election and we are encouraged, lumakas ang loob natin dahil ang isinisigaw natin nung kampanya ay ang pagkakaisa, unity. Kaya’t binuo natin ang tinatawag nga naman na UniTeam.
And, ito naman ay nakita natin na tanggap na tanggap ng taong bayan ang ating mensahe tungkol sa pagkakaisa. At bukod pa dun, noong tayo’y matagumpay na sa ating kampanya. Matagumpay na tayo sa eleksyon, ang dinala natin, dinala natin, ipinagpatuloy natin yung ating pagkakaisa dahil nasimulan natin ‘yung tinatawag natin na whole-of-government approach.
Na lahat ng bahagi, lahat ng ahensya, lahat ng departamento ng pamahalaan ay sabay-sabay ang galaw. At hindi lamang kagaya ng dati, kung minsan sinasabi itong mga project na ito, sa DPWH lang ‘yan, ito sa DOH lang ‘yan. Hindi na tayo ganun ngayon. Tayo’y nagkakaisa at sinasabi natin lahat ng kayang tumulong ay dapat may kasama sa pagtulong sa pagka- pagpaganda ng buhay ng bawat isang Pilipino.
Ngayon kasama din natin d’yan ang legislature. Hindi natin kayang gawing executive lamang. Dahil ang ginawa natin, what we are talking about here was transformative politics. We are transforming. We are not recovering.
Matagal ko nang sinasabi lalo na sa mga nagtatanong sa amin, ‘yung, the economy is recovering, sabi ko, hindi ko, ayaw ko, hindi ako interesado mag-recover, na bumalik tayo sa 2019.
Kailangan palitan natin talaga ang patakbo ng pamahalaan. Kailangan natin palitan at pag-isipan, ang ating patakbo ng, kung saan tayo tutungo. And we have to position the Philippines in a way that will take full advantage of the new economy.
And to do that, we made, we have to make some very, very fundamental structural and policy changes.
We cannot do those policy changes without the support of the legislature. Legislative support for any policy is absolutely necessary.
And so, that is what I talk about when I talk about the all-of-government approach. Where It’s no longer just the executive who is expected to implement programs or to be part of the economic progress, the part of the development of the country.
But we also need the legislative support that will allow us to execute this policy changes that we are seeing, right now.
At kaya naman malakas ang loob natin na balikan – balik-balikan ang ating konsepto ng pagkakaisa dahil siguro naman ay nakita natin sa nakaraan, magiging dalawang taon na.
Sa nakaraang dalawang taon ay nakita natin na ‘yung pagkakaisa na binuo natin bago pa noong kampanya, noong nakaraan, bago pa ang kampanya hanggang sa eleksyon, at ‘pag tayo’y naka, noong tayo umupo na ay nagkakaisa pa rin tayo ay marami tayong nagagawa.
Marami tayong maipakita na pagbabago, marami tayong natutulungan na mga Pilipino, at papunta na nga tayo sa ating pinapangaran na tinatawag nating Bagong Pilipinas. Simpleng-simple lang ‘yan [applause]
Kaya’t ngayon ay sinumulan nating ulit na kagaya ng sinabi ni Gov. Jun, hindi ito simula kung di pagpapatuloy ng ating pangako sa taongbayan, na ating isinumpa para sa taongbayan.
Naging opisyal na tayo, na isinumpa natin na tayo ay magseserbisyo at pagagandahin natin ang buhay ng bawat Pilipino. At sa aking palagay ang pagkakaisa, the unity that we had, that we have demonstrated and manifested over the last two years, and as I said, even before in the campaign and during the election, has borne fruit.
Not for us as politicians, not for us, that’s not the point. Hindi para sumikat tayo, para lumakas ang Partido natin, kung hindi ay ‘yung pagkakaisa na ‘yan, ang dahilan kung bakit mahalaga para sa atin ‘yan ay dahil marami tayong nagagawa. Marami tayong Pilipinong natutulungan, marami tayong puwedeng baguhin.
Kung hindi tayo nagkakaisa, eh nauubos ang oras natin sa debate, sa ‘pag, nagkokontra-kontra sa isa’t isa.
Ngayon na nagkakaintindihan tayo, maganda naman ang plano natin, maganda naman ang ating ginagawa, wala naman tayong, siguro naman ay nakikinig naman tayo sa taongbayan at ‘yun ang pinakamahalaga.
At sa ating pagkinig sa ating mga kababayan, ‘yung kanilang mga pangangailangan ay natutu–nabibigyan natin, natutugunan natin, nabibigyan natin ng tulong. And that is why unity is very important. And so, as we approach this political cycle, at we will be filing, we will be filing already in October. The election is coming next year in May.
Pagka in preparation for all that, kailangan paalala natin sa ating mga sarili kung bakit natin ginagawa ito. Ginagawa natin ito dahil kailangan natin ang pagkakaisa. Kailangan natin ang pagkakaisa dahil ito ang tanging solusyon sa mga suliranin na hinaharap ng lipunan ng Pilipinas, kaya’t iyan ang patuloy natin na ipaglalaban, iyan ang patuloy natin ang– na isasabuhay natin, iyan ang patuloy na ating pangako at sumpa para tulungan ang bawat, bawat Pilipino.
Ang tanong sa akin nung bago ako umupo ay ano ang pangarap mo? Ano ang pangrap mo para sa Pilipinas? At ang sagot ko ay simpleng-simple, lang, wala ng gutom.
Simple lang ‘yan [applause]. Hindi pa tayo naabot dun. We have not yet reached, we have not yet achieved that aspiration but if we stay united, if we look at the successes and the progress that we have made in the last two years, I’m confident that if we maintain that unity, not only for, not only for not the election purposes but all through the work of service that we have taken an oath to do for our people.
If we continue to do that, then we will continue to be met with success, we will continue to be met with the progress that we dreamed of for Bagong Pilipinas at ang Bagong Pilipino kaya’t napakahalaga itong ating ginugunita na araw ng pag-lagda ng ating pagkakaisa muli.
At, pagka–kagaya ng ating ginawa sa nakaraang halalan ay bubuoin uli natin–di naman–we have to formalize it because may political cycle, so bubuoin na uli natin at maifo-formalize uli natin ang UniTeam para naman ay pagka humaharap tayo sa ating mga kinabukasan, malalaman natin na tayo ay sabay-sabay na nagtutulungan, tayo ay sabay-sabay na kabalikat sa ating-sa ating layunin na pagandahin ang Pilipinas, pagandahin ang buhay ng bawat Pilipino.
Maraming salamat po sa inyo!
Magandang tanghali.
-END-