Speech

Speech by President Ferdinand R. Marcos Jr. at the Philippine Councilors League (PCL) National Convention 2023 and Oath-Taking of the Newly Elected National and Island Officers


Our Interior and Local Government Secretary Benjamin Abalos Jr.; [Oh, please take your seats.] Pasay City Mayor Imelda Calixto-Rubiano, who is always our host for all these big events; Philippine Councilors League National Chairman Atty. Raul Corro; Philippine Councilors League National President Handy Lao; officials and members of the Philippine Councilors League; all my fellow workers in government; ladies and gentlemen, magandang gabi po sa inyong lahat – gabi na yata – so magandang gabi po sa inyong lahat.

It is with great honor and a good deal of pleasure that I stand before you today as your guest and speaker for the Philippine Councilors League National Convention.

To begin with, let me congratulate the newly elected PCL national and island officials who have pledged to serve with honor, with integrity, and with dedication.

As positions of leadership remain a stronghold of trust, I am sure that you will fulfill your oath to exercise your functions bearing in mind the best interest of your constituents. Never surrender to any form of temptation that will taint your integrity.

Remember as public servants, we must uphold transparency [and] accountability in all our work. Apart from inhibiting yourselves from corrupt practices, I also urge you to avoid unjust and dangerous acts that put the bureaucracy in a state of decay.

Please take to heart that aside from commission, omission, too, remains an offense and a form of deception against our constituents.

So, I enjoin you all to focus on tasks that are beneficial to the people and push for concrete ways to address the needs of every sector of our society.

It is your obligation to give life, meaning, and substance to the constitutional mandate of local autonomy and decentralization of powers, you are also endowed to engage in meaningful discussions on matters involving local legislative concerns.

With this, I am hopeful that you will support the passage of the Administration’s legislative priorities, particularly measures that aim to capacitate local government units. Among these [is] the E-Governance Act, which will institutionalize digitalization in the bureaucracy and make it easier for Filipinos to transact with their government.

I also encourage you to support the amendment to the Build-Operate-Transfer Law so that we can address ambiguities, bottlenecks, and other challenges in implementing the law.

Ito po ay ‘yung batas na ating inamyendahan para mapatibay ang pag-partnership ng public sector at saka ng private sector dahil ang aming iniisip dito sa ating pag-aayos at pag-transform ng ating ekonomiya ay sinasabi natin kailangan lahat ng lipunan, hindi lamang ang Executive department, hindi lamang ang Legislative department, pati lahat ang local government unit, pati lahat ng ahensya ng gobyerno, lahat ng sektor ng lipunan ay dapat natin ipagkaisa upang lahat ng ating kakayahan ay maaari nating gamitin para pagandahin ang buhay ng ating mga constituent.

Kaya po ang ginawa natin ay sinabi natin palitan natin ang batas para dito sa Build-Operate-Transfer para mas madali ang mga investor na makalapit sa atin at mas madali, mas maganda para sa kanila na makita nila na may magandang pagkakataon hindi lamang dito sa Pilipinas, kung hindi sa inyong mga constituency sa iba’t ibang probinsiya, iba’t ibang lungsod, iba’t ibang bayan ng ating local government units.

This will empower you to participate more actively in BOT projects as the proposed amendments will streamline the guidelines and eliminate uncertainties that limit your participation in Public-Private Partnerships.

I also invite you to join me in lobbying for the passage of the National Land Use Act. Kailangan na kailangan na po natin ito. Alam naman natin sa local government ay itong land use ay kailangan talaga nating gawin upang maging maliwanag kung ano sa ating mga constituency ano ‘yung lupa na para sa agrikultura, ano ‘yung lupa na itatabi natin para sa commercial, para sa residential. Iyan po ay kailangan para makapagplano ngayon tayo kung saan natin ilalagay ang mga iba’t ibang proyekto ng pamahalaan.

Kaya’t ‘yung Land Use Act ay manggagaling ito sa local government at ito ay dadalhin hanggang sa national at ito ay gagawin – ito na ang gagawin natin, ito na ‘yung magiging plano natin, ito na ‘yung blueprint natin para sa darating na ilang taon.

This will effectively help manage the country’s land and water resources.

Kaya po nagpa – kakatayo lang natin, the Office of Water Management, dahil po alam naman po natin na lahat ng iba’t ibang – hindi lamang ‘yung mga urban areas, hindi lamang ‘yung mga siyudad, hindi lamang mga lungsod o mga bayan, kung hindi lahat ng Pilipinas ay naghihirap sa fresh water supply.

Hindi lamang para sa maiinom ng ating mga kababayan, kung hindi pati na sa irrigation, pati na sa flood control, lahat po ‘yan ay kailangan natin tingnan dahil nandito na po ang climate change. Kailangan na natin mag-adapt para hindi naman tayo masyadong mahihirapan sa mga epekto na dinadala ng climate change.

This legislation will assist the LGUs to efficiently, equitably, and sustainably allocate land resources to achieve food security, determine hazardous areas, delineate protected areas, and identify areas for settlement, for commercial, for industrial, [and] for infrastructural uses.

However, pending its passage, I encourage you to harmonize, standardize, and set policies and rules related to land use. Effective implementation of land use-related policies optimizes the potential of land resources and it will stimulate economic development in your respective localities.

Another related legislation is the Tax Package 3, or the Valuation Reform Bill, to ensure the development of a just, equitable, and efficient real property valuation system.

Sa ngayon po, ang batas ay mayroon tayo tatlong valuation system para sa lupa. At kayo na nasa mga Sanggunian, mayroon kayong valuation na ginagawa para sa lupa. Tapos mayroong market value, mayroong pang ‘yung assessed value. ‘Yan tatlo ‘yan. Kaya’t hindi naman natin magagamit ‘yung tunay na value, hindi natin malalaman ‘yung tunay na value para tayo naman ay makapaglagay tayo ng project diyan.

Alam naman natin ang review niyan bawat tatlong taon. At ang review niyan ay bago maghalalan. Kaya hindi… Nauunawaan ko naman na ‘yung ating mga Sanggunian, hindi wala – ayaw naman itaas ‘yung valuation at tataas ‘yung pagkolekta ng real estate tax.

Kaya’t kailangan na natin ayusin itong sistema na ito upang pagka may pumapasok na negosyante at sasabihin, unang-una ‘yung land use, sasabihin natin, “Dito ang commercial. Dito ang industrial. Kung magde-develop kayo, ito ang residential. ‘Yan ang agricultural, huwag niyong gagalawin ‘yan.” Maliwanag na maliwanag.

Ngayon kung papasok sila at sasabihin mayroon silang ka-partner na Pilipino, sasabihin ay, “Ano ang ibabayad natin sa lupa? Magkano ang ibabayad natin para dito sa lupa?” Nagkakagulo nang kaunti dahil hindi malaman kung ano i-a-apply, kung ano i-a-apply na value para doon sa lupa. Kaya’t nagkakadebate, mula sa LGU, mula sa LRA, mula sa – ‘yung mga magpapa-survey, lahat ‘yan ay paiba-iba kaya’t hindi malaman ngayon ng ating mga potential investor kung papaano nila lalagyan ng balor ‘yung lupa.

Ngayon, pagka ating nagawa ito, itong common valuation na ito, maliwanag na maliwanag kung ano ang balor ng lupa, maliwanag na maliwanag sa ating mga potential investor, sa mga negosyo na papasok, sa mga constituency ninyo, maliwanag na maliwanag kung ano ang magiging bayad para sa paggamit doon sa lupa na ‘yan.

So if we work together in passing this proposal, we can broaden the tax base used for property and property-related taxes of the national and local governments, increase LGU revenues without adopting new measures, and enhance LGUs’ financial self- sufficiency.

Ito magagawa natin lahat ito na hindi natin dinadagdagan ang buwis sa taong-bayan.

So let us also work together for the passage of the Waste Treatment Technology Act, which will pave the way for modern options in solving the persistent garbage problem of the country. This will mandate LGUs to promote, encourage, and implement a comprehensive solid waste management program that includes reduction, segregation, recycling, and recovery.

Let me emphasize that the LGUs have as much vital role as the national government in addressing urgent concerns, such as all of these that lead to the inflationary pressures that we are feeling today.

Ngunit hindi naman namin sinasabi na bahala na ang LGU. Kasi kung minsan ang LGU, lalo na ‘yung ating mga maliliit, ‘yung mga fourth class, fifth class, sixth class ay walang kakayahan, walang capability na gawin ang lahat ng ating kailangang gawin.

Kaya’t asahan naman ninyo na ang national government kapag humingi kayo ng tulong, kami ay papasok diyan, [applause] magdadala kami ng mga marurunong para tumulong sa inyo at para ating magawa lahat itong ating kailangang gawin para buhayin natin, lalong-lalo na ang mga MSMEs, ‘yung mga maliliit na negosyo.

So I call on you to ensure that local ordinances enable the free and unhampered flow of goods within your localities.

I also encourage you to continue bringing the government closer to the people by formulating programs, projects, and activities that nurture the well-being of the people.

Instead of mobilizing your people to troop, to go to urban communities and other centers of activity, let us bring ourselves to the far-flung areas to make governance more accessible and convenient for everyone.

Ito po ang ating sinasabi na whole-of-government approach. Ito ang aming ginagawa ngayon dahil sinasabi hindi – kung minsan may mga problema, may mga problema tayong kailangang ayusin na hindi kayang gawin ng isang department lamang, hindi kayang gawin ng isang executive order lamang. Kailangan lahat ng ahensya ng pamahalaan ay nauunawaan kung ano ba talaga ang nais natin maabutan, what we are hoping to achieve.

And pagka nauwaan ng lahat kung papaano ito’y gagawin ay maging mas maliwanag kung ano ang gagawin ng bawat ahensya. Sasabihin natin, “Ikaw ang gagawin ninyo dito, aayusin niyo ‘yung Land Use plan.” “Kayo titingnan ninyo ‘yung mga kontrata na proposal na ibinibigay sa ating mga LGU.” “Ito namang ahensya ay mag-implement.” At sa isa pang department, sasabihin, “Lagyan natin ng kalsada diyan para ‘yung mga proposal na mga bagong investment ay maging matagumpay.”

Kaya’t ‘yan ay aming – ‘yan ang ginagawa na ngayon dito sa pamahalan na ito na lahat ng iba’t ibang departamento, lahat ng iba’t ibang ahensya ay nakakaunawa sa kung ano ang national plan at sa ganoong paraan kapag dumating sa LGU level, pagka dumating sa provincial, city, municipal level ay alam nila ang gagawin nila at sabay-sabay nila tatrabahuhin para naman maging maganda ang resulta ng ating mga project.

Please be assured that this Administration is one with you in formulating, implementing, and coordinating programs and projects that are beneficial to the PCL and of course to the Filipino people.

Once again, congratulations to our newly elected officers! [applause] May you have a fruitful convention. Maraming, maraming salamat po sa inyong lahat.

Alam ko po marami po sa inyo ay ating nakasama noong panahon ng kampanya [applause] at marami sa inyo ay malaki po ang utang na loob ko sa inyong naging suporta, sa inyong pagkampanya para sa amin ni Inday. [applause] Kaya naman ang isusukli po namin sa inyo ay ang aming trabaho at ang aming pagmamahal at patuloy na pagtulong sa lahat ng ating mga LGU para maging maganda ang buhay ng bawat Pilipino. [applause]

Mabuhay ang PCL! Maraming salamat po. Magandang gabi po sa inyong lahat. [applause]

— END —