Magandang hapon po sa inyong lahat.
Nadaan lang po tayo at ako’y nandito sa Iloilo upang makipag-meeting sa inyong mga lider tungkol sa mga kailangan mga gawin sa region — kaya po ako nandito at may rally po kami ng aming mga senatorial candidate mamaya.
Ngunit dumaan po ako rito para makita kung maayos ang aming ginagawa na para sa DSWD na assistance, para sa job fair, pati na ang patakbo ng Kadiwa.
Kaya’t kinumpleto na po namin para ‘yung mga naghahanap, nag-a-apply ay puwedeng mag-register. Dalawang libo yata ang nag-register na mag-a-apply – 2,500 I believe? Oo, mga ganoon ang ano.
So, sana naman good luck sa inyong lahat at makahanap kayo ng trabaho. Hindi lamang… At nandiyan po ang mga employer natin na malaki din, 2,000 rin ang hinahanap nilang puwesto para sa ating mga aplikante.
Kaya’t palagay ko ay maganda ang pag-asa na makahanap ng trabaho ang mga nag-a-apply sa atin ngayon.
At kasama na rin po diyan ‘yung tinatawag na “matching.” Dahil po kung minsan ang nagiging problema sa naghahanap ng trabaho ‘yung kakayahan ng tao ay hindi bagay doon sa trabaho na inaapplayan nila. Kaya tinutulungan namin sila para naman ay babagay doon sa kanilang kakayahan ‘yung kanilang tinatawag na skill set na mapupunta sila sa tamang trabaho.
Dito naman po nandito ang payout natin para sa ating mga beneficiaries ng DSWD. At ito po ay tulong ng pamahalaan sa lahat ng mga kababayan natin.
Hindi lang po namin ginagawa rito kundi sa buong Pilipinas. Ito po ay ginagawa namin dahil alam naman po natin na mahirap po ang buhay ngayon at marami tayong pangangailangan.
Kaya’t kung ano ang maitutulong ng pamahalaan, kung ano ang magagawa ng gobyerno para sa inyo ay gagawin namin. Kaya’t kasabay na ng payout ay nandito na rin ang Kadiwa para makabili po kayo ng bilihin na mura. Mayroon tayong bigas. Magkano iyong bigas dito? 20? 25? 29 per kilo. Iyong ang pinakamababa na.
At para tamang-tama, pagka nakakuha kayo ng payout, maka-shopping kayo nang kaunti dito sa ating Kadiwa at pag-uwi ninyo ay mayroon na kayong bitbit na para sa inyong mga pamilya at para sa inyong mga mahal sa buhay.
Sana po ay makatulong po itong aming ginagawa. At napakahalaga po para sa ating pamahalaan na iyong mga nangangailangan ng tulong ay mabibigyan ng tulong kaya po naming ginagawa ito.
Salamat! Salamat! Thank you very much. [applause]
Magandang hapon po sa inyong lahat!
Good luck po sa inyong lahat. Sana, kagaya ng aking nabanggit, sana patuloy — huwag niyo pong, huwag niyo — isipin po ninyo na lagi ang pamahalaan po ninyo ay laging nandito at nakikinig sa inyong mga hinaing, sa inyong mga pangangailangan, at gagawin po namin ang lahat upang tumulong.
Good afternoon po. Maraming salamat. [applause]
— END —