Good morning.
[Before we begin, Troop Commander please give the order of tikas pahinga.]
Thank you.
Magandang umaga sa inyong lahat, the men and women and the civilian support staff of the Western Command.
At ako’y natutuwa na nakarating ako dito dahil alam naman ninyo that we have been — ginagawa namin ang lahat para ma-depensahan natin ang teritoryo ng Pilipinas at nagkataon na ang Palawan ngayon ay ang naging frontline dito sa — siguro masasabing girian na nangyayari ngayon sa South China Sea.
Ang buong bansa ay umaasa sa inyong mga ginagawa dahil kayo ang nagpapakita at itinataguyod ang ating mga teritoryo at sinasabi natin nandito ang — may puwersa ng Pilipino rito kaya’t maging maliwanag na itong mga isla na ito, itong mga — pati ‘yung dagat na ito ay pag-aari ng Pilipinas.
And that is why, it has been very important.
But also a not insignificant achievement also has been the declaration of Palawan Island as insurgent-free. Kaya’t tamang-tama naman sa ating pag-celebrate ng Peace Consciousness Month ay naisabay natin ang pag-deklara ng Palawan na insurgent-free.
Patuloy pa rin natin ang ating ginagawa. But so far, at masasabi ko, that ‘yung joint task force na nakabuo dito sa Western Command ay very effective.
At sinabi ko nga, katatapos namin ng briefing, kasama ng mga inyong commander, ay sabi namin ay — considering na napakalaki at napakarami ng opposition in terms of men and equipment at compared dito sa ating mga gamit dito sa Pilipinas, ay nakakagulat din na kahit papaano, doon sa maliit nating puwersa, in comparison doon sa mga ibang nakakatagpo natin doon sa West Philippine Sea ay kahit na maliit lang ang naihaharap natin na puwersa ay maganda naman ang nagiging resulta dahil kahit papaano ay nagagawa natin na nagiging maliwanag.
Hindi lamang sa Pilipinas, kung hindi sa buong mundo, na tayo ay hindi tayo papayag na basta’t kukunin sa atin ang teritoryo ng Pilipinas.
And that is the very difficult and important job that the Western Command has before you. And I can only say that I think it is significant to note that the efforts that you have been making under your command have been effective and despite the fact that we are trying to maintain and would really rather than not, basta kung maaari lang, hindi na tayo, wala na tayong ganyang klaseng gulo na iniisip.
Kahit na papaano nandiyan na ‘yan and the Western Command is playing their very, very important part in keeping the peace. That is the most important part of all of these is to keep the peace.
And equally important is to defend the sovereign territory of the Republic of the Philippines.
So, keep up the good work. Congratulations for the achievements that you have made already in terms of holding the line and we for our part, nandito kami upang tulungan kayong lahat.
Nandiyan po ang ating gobernador, nandiyan po ang mayor ng Puerto Princesa. Andito po ang inyong Pangulo na sinasabi sa inyo na ang civilian government ay nasa likod ninyo, at lahat ng ating maaaring gawin upang mapaganda ang inyong trabaho ay gagawin natin at ipagpatuloy natin ‘yang modernization ng AFP, ang pagkakaibigan sa iba’t ibang bansa sa Asya, sa Southeast Asia, at sa paraang ito, we will be able to keep the peace, and number two, we will be able to defend the Republic.
So, keep up the good work. Congratulations for your achievements. Well done. Good morning. [applause]
— END —