Good morning. Good morning, everyone.
Nandito lang tayo para inspeksyunin at makita kung ano itong nababa — balitang-balita na nahuli na 21 containers na in-smuggle na mackerel dito sa — sinubukang i-smuggle, e nahuli naman sa coordination ng Bureau of Customs at saka ng Department of Agriculture.
Kaya’t nakita ito. Ito na yung pinaka-una na magiging kaso sa ilalim nung ating bagong Anti-Agricultural Sabotage Act na bagong batas natin para patibayin ang sanction sa mga sumusubok na pumasok, na hindi nagbabayad ng duty, hindi nagbabayad — bale smuggling.
In-smuggling nila yung mga agricultural goods. Sinisira ang merkado dito sa Pilipinas, pinagkikitaan ang tao. Wala namang bumabalik sa gobyerno at ‘yung dapat na ibayad sa gobyerno ay ibinubulsa lamang. Tapos hindi na nga natin makontrol kung paano nila ire-release dahil nakita natin, kasama na rin ‘yan sa ibang agricultural product na kahit makapag-import sila ng mura iniipit muna nila bago pataasin ang presyo, bago nila bibitawan sa merkado.
Kaya’t ito ‘yung buong tinatawag na chain na kailangan nating buwagin. At ito’y, as I said, is the first case under the new law of the Anti-Agricultural Sabotage Act. So, I’ve spoken to our Bureau of Customs, and I’ve spoken to the Department of Agriculture and we have to keep going. Kailangang patibayin pa natin ito.
Ang naging susi rito ay ang coordination between the different agencies. ‘Yun lagi ang pinakamahalaga because the different agencies were all working together, all the way up to the end. Because ang end-consumer nito, DSWD. Kaya’t mula rito pupunta tayo doon naman sa pagdistribute nitong nahuli ngang ni-smuggled na isda at para ipamigay na lang natin.
Dahil sa ganitong karami, kung bibigyan natin ang bawat — halimbawa pamilya — hindi, bawat tao bigyan natin ng tig-iisang kilo, makakapagbigay tayo ng isang kilo sa 580,000 na tao. Kaya’t ‘yan ang gagawin natin. At ibibigay natin ‘yun, halimbawa sa mga evacuation center [applause], doon sa mga hospital [applause], ibibigay natin sa mga home natin, sa BuCor — lahat ‘yan, tama, sa mga BuCor para mayroon tayo — para naman hindi masayang — dahil mayroon namang inspection, na-inspection na ito, safe for human consumption kaya’t — habang pwede pa ay distribute na natin para naman hindi masayang at magamit naman ng ating mga kababayan. So, ‘yun lang.
At, I hope, this is the first of many operations such as this dahil this is very, very important. At, kailangan nating ma-control, kailangan nating ma-supervise ang ating food supply. Kapag ka tuloy-tuloy ang ginagawang ganito hindi natin magagawa ‘yun. That’s why enacted into law the Anti-Agricultural Sabotage Act.
So, today — now, we will proceed to the DSWD distribution together with the local government of Manila. Thank you.
–END–