Speech

Talk to the People of President Rodrigo Roa Duterte on Coronavirus Disease 2019 (COVID-19)


Event Talk to the People on Coronavirus Disease 2019 (COVID-19)
Location Malago Clubhouse in Malacañang

PRESIDENTIAL SPOKESPERSON HARRY ROQUE: We have Dr. Edsel Maurice T. Salvana, National Institutes of Health University of the Philippines and consultant and member of the COVID-19 Technical Advisory Group; we have Dr. Marissa M. Alejandria, member COVID-19 TAG; we have Assistant Professor Ranjit Singh Rye, MPA Department of Political Science UP and Fellow, OCTA Research; we have mayor — Professor Fredegusto Guido P. David, PhD Institute of Mathematics UP and Fellow, OCTA Research; we have Professor Michael L. Tee, MD, MHPED, MBA UP College of Medicine Chair, Philippine One Health University Network; we have Dr. Troy Gepte.

And of course from the Cabinet, Mayor, we have Secretary Francisco Duque, Secretary Carlito Galvez, Secretary Eduardo M. Año, Secretary Leonor M. Briones, Secretary Silvestre Bello, Chairman Prospero E. De Vera and we also have with us the Chair of the Senate Committee on Health, Senator Christopher Lawrence T. Go. These are the attendees, Mayor.

CHED CHAIRPERSON PROSPERO DE VERA: In January, i-delay natin hanggang January at uutusan natin ‘yung mga universities na lahat nung subjects na may lab, OJT, internship et cetera, i-reschedule nila sa second semester.

So sa first sem ang ituturo lang lahat nung mga klase na regular na puwedeng lectures — theoretical doon sa first sem. Imo-move natin sa second semester ‘yung kailangang pupunta.
So the options will be from the more open limited face-to-face in low-risk MGCQ areas to the most conservative do it in second semester.

Pero humihingi ho ako ng guidance ‘yung mga private schools in particular at saka local governments kasi hindi ho nila alam ang gagawin lalo sa mga area na wala talagang internet connection.

Mayroon na pong ilang eskuwelahan na nagsabi sa CHED na magsasara sila dahil ‘yung enrollment ho ay talagang bumaba, natatakot ang mga magulang at estudyante, at mayroon na hong ilan na nag-report sa CHED. Ang problema ho wala kaming policy sa pagsara kasi itong COVID ay hindi pa nangyari sa matagal na panahon, so we are only crafting it.

So iyon ‘yung proposal, Mr. President, sa higher education. Thank you very much.

DEPED SECRETARY LEONOR BRIONES: Mr. President, ang pino-propose para sa ano general education, sa basic education ay very similar to option one.

Kasi puwedeng mag-online, puwedeng mag-offline, puwedeng radio, puwedeng television at kung wala talaga, if all of the above wala, ‘yung tinatawag nating IBM or it’s better manual. Kasi magdi-distribute at the school level ng mga learning resources na idi-distribute ng local governments sa mga bahay-bahay, sa mga bahay ng mga bata at saka magre-recruit tayo ng tinatawag na parateachers kasi hindi naman lahat ng teachers — ah parents kayang magturo.

So in summary, ang hinihingi ng marami ngayon dumadami ay ‘yung tinatawag nilang limited na face-to-face.

Ngayon kung tingnan natin, Mr. President, sa ibang bansa sa Southeast Asia, halos lahat blended ‘yung kanilang strategy pero ‘yung face-to-face nila kaunti lang.

Kagaya ng diniscribe (describe) ni Sec. Popoy na maliit na grupo lang talaga wino-workout ang curriculum. Ang curriculum namin halimbawa, Mr. President, sa basic education kailangan 15,000 ka competences, hindi ka maka-graduate kung hindi mo master ‘yan. Pero ngayon, nireduce natin to 5,000 lamang.

At saka may — as early as this month, tine-train na natin ‘yung may mga school tayo para sa parents, may school para sa teachers, para makahanda sila kung anumang arrangement ang kalalabasan.

May kuryente, walang kuryente, may libro, walang libro, may transistor, walang transistor, may cellphone, ay mag-a-adjust ang eskuwelahan basta lamang makapagpatuloy ang pag-aaral ng mga bata. So very similar sa option one ang iniisip ng DepEd.

Now going back to NCR and to Metro Manila, iyong sinabi ko nga kanina ang epekto talaga ng pagbulusok ng economy is sa mga — sa enrollment dahil kung ang parents walang mga trabaho, iyon naman ang asikasuhin nila, iyon ang tinitingnan.

So pero ‘yung sa amin sa DepEd na-approve na ‘yan ng IATF May pa lang, ‘yung programa aprubado na ng IATF ‘yon. Pero ‘yon ang hinaharap namin na debate.

Tapos ‘yung school opening also isa din ‘yung area, hindi kami nagbabago sa aming stand, Mr. President, na maximum August 24 talaga kasi ‘yung sa batas last day of August. Last day of August is on a weekend.

So August 24 magbubukas na ng klase whatever form it is. Pero hanggang — ngayon handang-handa na ang mga regions.

Sinubukan natin ‘yan sa Navotas, very successful ang simulation. Tapos mayroon ding maliit na eskuwelahan kasi tinitingnan din natin ‘yung mga maliliit. Sa Siquijor, blended din ang approach nila. Mga bata binibigyan ng reading materials. Ang munisipyo naman nagbigay ng pera sa kanila para mabili nila ‘yung mga materials.

Kanya-kanyang diskarte, kanya-kanyang adjust depende kung anong available na paraan. Pero ang bottom line, patuloy ang pag-aaral ng mga bata, at malaki ang papel ng pag-recover ng economy sa patuloy na pag-aaral ng mga bata. Iyon ang aming tingin.

PRESIDENT RODRIGO ROA DUTERTE: [inaudible]

SEC. BRIONES: Yes. Actually I have already — a report already but it might be — you may not have time. Oo, nandito pati ‘yung arguments for face-to-face or for non-face-to-face. Oo.

PRESIDENT DUTERTE: [inaudible]

SEC. BRIONES: Yes.

PRESIDENT DUTERTE: [inaudible]

SEC. BRIONES: Yes. Oo.

DOH SECRETARY FRANCISCO DUQUE III: Sang-ayon po ako kung puwede pong maaprubahan ninyo, Mr. President, dahil gagawin naman po nila sa tinatawag natin MGCQ low-risk.

Ang ibig pong sabihin nito number one, ‘yon pong case doubling time kung mayroon man kaso ‘yung lugar na ‘yon, ang pag-doble po ng kaso doon ay aabot more than 28 days po. So matagal bago ho mag-doble ibig sabihin kakaunti.

Pangalawa po naman, ‘yung kanilang kaso ay — actually kung wala silang bagong kaso for the last 28 days, sir, four weeks, okay ho ‘yon.

At pangatlo ho, ‘yung kanilang mga critical care — ‘yung health systems capacity po nung lugar na ‘yon ay mababang-mababa po ‘yung ginagamit, ‘yon pong tinatawag nating critical care utilization rate, less than 30 percent.

So all of this really favor ‘yon pong kanilang proposition kasi ‘yon pong binanggit nila na mga sampung estudyante sa isang classroom ay ito po’y naka-align po sa ating tinatawag na mga physical distancing as part of the engineering controls.

So ‘yon pong isang entrance, isang exit maganda po ‘yang mga ‘yan. Iyong air-conditioning, kailangan nakataas ‘yung temperature to 26 degrees kasi alam po naman natin mas madaling kumalat kung nakasara ‘yung kuwarto, naka-aircon na mababa ang temperatura or malamig ano.

So okay po ‘yon, Mr. President. We strongly endorse it, Mr. President.

DR. TROY GEPTE: Mr. President, isa ko lang recommendation siguro for both the CHED and the DepEd, as much as mayroon tayo sa DILG na coordination at mayroon tayong body to look at all of these things, I think magkakaroon din tayo ng parang office or bureau I guess in the DepEd to ‘yung mangangasiwa po sa pagtingin dito sa kung mag-o-open up tayo unti-unti doon sa ating mga schools.

I’ll return it to Chairman Popoy.

CHAIRPERSON DE VERA: Ito, Mr. President, ito po ‘yung ginawa nila sa Thailand sa classroom. Iyan, hindi lang nakahiwalay ‘yung mga desk, nilagyan ho ng plastic na takip ‘yung mga estudyante.

Puwede ho natin sa Pilipinas na mas malalayo pa diyan kung kailangan as much as more than one meter, if needed, depende ho doon sa desenyo nung eskuwelahan.

Pero ‘yan ho ang ginamit nila. Pero ito sa basic education sa Thailand po ito. Ito ‘yung — ito ‘yung kuwan… And then Secretary Galvez has filed the recommendations on this.

SEC. BRIONES: Actually, Mr. President, sa amin ang nag-a-approve nitong mga pag-hold ng classes, whatever, in whatever form ay ang regional director.

Kaya may structure na kami, may existing structure na kami na ang opisina ng regional director ang — mayroong division superintendent, may sup — may supervisor.

Alam ninyo ‘yung sa panahon ng mother ninyo, ganun pa rin. So alam na alam nila kung ano ang sitwasyon at the school level kaya madaling makahanap ng solusyon. So ‘yung mga approval processes, mayroon ng structure for approval or for disapproval depending on the ano — terms.

Isang dagdag nga namin, Mr. President, sa amin sa basic education, kailangan mayroong water facilities. May tubig kasi hindi naman lahat ng lugar may tubig para — for the washing of hands.

Mayroon na kaming existing standards. May guidelines na kaming nagawa, nandoon na. At saka puwede nang tingnan ‘yung mga eskuwelahan. Kaya namang mai-inspect para mapabilis ang desisyon. Ang hinihintay lang namin ‘yung affirmation ng policy na in-approve na dati ng IATF.

SEC. ROQUE: Mr. President, sa mga invited resource persons po natin mayroon pang dalawa na hindi pa po natin naririnig si Dr. Marissa M. Alejandria at saka si Professor Michael Tee po ‘no. So kung gusto po nilang magsalita.

Ah mukhang ayaw niyo na? Ayaw na. Okay. Pero si Professor Rye po is requesting kung pupuwede lang siyang mag-react daw po doon sa mga options. Pero si Secretary po Galvez wants to…

PRESIDENTIAL ADVISER ON PEACE PROCESS AND NTF COVID-19 CHIEF IMPLEMENTER CARLITO GALVEZ JR.: Sir, actually sir in support of the ano sir the CHED, may mga schools po sir na may mga kaya ‘yung ano — ‘yung mga may kaya ‘yung pamilya, ‘yung sinasabi nga namin — pinag-usapan namin na parang cohorting na sila naka dormitories.

Iche-check sila ng ano — ng PCR test. And then pagka na-test sila na negative, so hindi muna sila aalis sa dormitory for a — for a period of time. Just in case aalis na sila sa dormitory, they will be tested again.

So ‘yon palagay ko sir puwede sir ang ginawa natin katulad ng ginawa natin po sa sports, sa basketball na nagkaroon ng cohorting na bale po tinest (test) po natin lahat ng mga players.

Ganoon din ang puwede nating gawin po sa ano — sa mga schools, mga private schools, na puwede pong kung naka-ano sila sa dormitories, puwede po nating i-testing lahat po ‘yung estudyante and then they could stay there until such time that they’ll finish their ano.

Isa pong puwedeng pong ano ‘yan kasi talaga pong naniniwala po tayo na talagang importante po ‘yung edukasyon sa atin po. Hindi po natin talaga ma — matutumbasan ‘yung ano po ng education.

Secondly, sir, puwede pong — tama po ‘yung sinasabi ninyo na dahan-dahan lang po muna tayo. Sa MGCQ sir, gawin po natin muna siguro iinspekin (inspect) natin ‘yung eskuwelahan, ano ang configuration, anong puwedeng gawin at saka hindi pupuwedeng gawin.

Una, dapat walang pong playground. Kasi po pagka may playground, magkakaroon po ng tinatawag na close contact at saka mayroon po tayong tinatawag na ano — na possibility na magkaroon ng transmission because of maba-violate po ‘yung social distancing.

Secondly, ‘yung mga canteen na mayroong mga parang buffet na normally very vulnerable po tayo. Most vulnerable po tayo pagka po tayo ay kumakain kasi wala tayong mask.

And normally, napansin po namin sa aming contract tracing, ‘yung mga ospital, nagkakaroon po sila ng transmission pagka po nagda-dine-in po sila, naghahalo-halo sila ng pagkain.

At the same time, iyong mga ano po — ‘yung mga talagang pagka kumakain ‘yung mga workers, ‘yung ating mga vulnerable po iyon ‘yung tinatawag nating ano — ‘yung construction workers. Nagkakaroon po ng contamination because nagkukuwentuhan po habang kumakain. So ‘yung laway po tumatalsik. Doon po napupunta sa pagkain at saka nag-a-ano po ng pagkain.

So ‘yon po ang nakita po namin na dapat bago ho tayo magbukas ng tinatawag natin na school na limited contact ang i-pursue natin, kailangan makita po natin ‘yung reengineering, kailangan po makita po natin ‘yung mga protections.

Thirdly, kailangan po ‘yung mga ibang mga dapat hindi gawin at saka dapat gawin, at saka ‘yung configurations po na “one way in” at saka “one way out” din po na hindi sila magkakasalubong parang ginagawa natin sa mall, gagawin natin po dapat ‘yon.

And then titingnan po tayo — magkaroon tayo ng isang model na school, inspekin po natin. And then lahat ng configuration, puwede po nating gawin po ng ganun.

So iyon po ang recommendation ko po, Mr. President, na if we will really decide na magkaroon tayo ng for example, 10 per classroom, tingnan po natin po iyong mga tinatawag nating mga strategies natin na kung magkakaroon po talaga na nakita natin na mga 96 percent walang transmission or even mga 100 percent na ma-ano natin, ma-ensure natin na magkakaroon po tayo ng redundant preventive measures para po hindi magkaroon po ng transmission.

Iyon lang po, Mr. President.

PRESIDENTIAL SPOKESPERSON ROQUE: Professor Rye po.

ASSISTANT PROFESSOR RANJIT SINGH RYE: Yes, Mr. President, unang-una, ika-clarify ko lang, teacher ko si Ma’am Briones at saka si Professor Popoy De Vera sa graduate school.

Eh tama ho ‘yung punto nila. Mahirap i-compare ang Cebu Province. This is what I was expressing not just Cebu City and Talisay, but our study focused on the whole province. That being said, that’s why we provided two options kasi ho napaka-complicated ng NCR. It’s the heart blood. It’s the heart of our economy. We can’t just simply close it that’s why we have two options.

That being said about the ECQ, it will work in NCR. It has worked before and it will work even better now under the revitalized leadership ‘no and strategies of DILG, DOH, and the team of Secretary Galvez. We know better now after three months.

But then again, we are not using this as option one. Option two lang ang MECQ. Option one is still GCQ with of course the caveat that we will scale up testing, tracing, isolation, and treatment. And we’re doing that already.

And we feel the impact is it will take a little longer to control it but we will be able to control it. So these are the options we present to the Cabinet. We want to thank you and the Cabinet for giving us our very small team in UP the opportunity to present our study.

And we commit as a team to continue to provide if we have avenues to email your office, Secretary Duque, Secretary Harry, Secretary Galvez, and then Secretary Año advance copies of our projection.

We do this as part of our public service, sir. So wala hong bayad sa UP ‘to. Lagi- lagi para sa bayan. Ito iyong aming mantra sa UP. So ito ho weekly namin ginagawa ‘yung report para lang information lang ba.

PRESIDENTIAL SPOKESPERSON ROQUE: Mr. President, since wala na pong magsasalita, i-a-anunsyo ko na po ngayon ang classification ng iba’t ibang mga rehiyon sa ating bansa.

PRESIDENT DUTERTE: You have a more complete copy kaysa sa akin.

PRESIDENTIAL SPOKESPERSON ROQUE: Yes, sir. Unang-una po, bago ko i-anunsyo, mensahe lang po sa ating mga kababayan dito sa Metro Manila.

Nagkaroon po ng rekomendasyon ang UP na ibalik sa MECQ ang Metro Manila para mapabagal po ang pagkalat ng sakit.

Noong una po, sumang-ayon po ang ating Presidente. Pero nag-apila po ang ating Chief Implementer at ang ating Secretary of Interior and Local Government dahil nangako po ang ating mga mayor sa Metro Manila na paiigtingin pa nila ang kanilang localized lockdown.

Palalakasin nila ‘yung kanilang testing, tracing, and treatment at ipatutupad ng mas malawakan ‘yung mga restrictions sa GCQ. So pumayag po ang ating Presidente na huwag munang ibalik ang Metro Manila sa MECQ sa susunod na dalawang linggo.

Pero malinaw po sa diskusyon na kapag hindi pa rin po napabagal ang pagkalat ng COVID sa Metro Manila, posible pong bumalik sa MECQ pagkatapos po nitong dalawang linggo.

So hinihimok po natin ang ating mga kababayan dito sa Metro Manila, kinakailangan po ingat buhay para po sa ating hanapbuhay. So mananatili po sa GCQ ang Metro Manila.

Pero ito po ay matapos nang napakahabang diskusyon kung saan binigyan po natin ng pagkakataon ang mga taga-Metro Manila na patunayan na kaya po nilang ingatan ang buhay para sa hanapbuhay.

So ito po ang mga klasipikasyon. Iisa lang po ang nasa MECQ. Ibig sabihin po bagama’t bahagyang bukas, sarado pa rin po ang lugar na nasa MECQ except for ‘yung mga indispensable industries. Ang labas po ay para lamang sa mga necessities at para sa trabaho kung allowed na po ‘yung industriya ninyo na magtrabaho.

Bawal pa rin po ang public gathering, hanggang lima lang po ang public gathering at kinakailangan manatili po sa kanilang mga bahay maging homeliners. Ang kaisa-isang siyudad po na mananatili sa MECQ ay ang siyudad ng Cebu.

Ang mga lugar na sumusunod naman po ay mapapasailalim sa GCQ. Dito po, bagama’t bukas na ang ating ekonomiya, kinakailangan ang mga kabataan, ang mga matatanda, ang mayroong comorbidities o ‘yung mga may sakit, manatili pa rin sa kanilang mga tahanan.

Bukas po ang ating mga malls, bawal po magtambay diyan sa mga malls. At bagama’t mayroon na pong dine-in ngayon po 30 percent, mai-increase po ‘yan pagdating ng bente uno ng buwan na ito to 50 percent.

Wala pa rin pong public gathering hanggang sampu katao pa lang, bagama’t pinayagan po ng IATF sa GCQ areas ang pagsamba hanggang 10 percent.

Ito po ang mga areas na mapapasailalim sa general community quarantine: Ang National Capital Region; ang Laguna; ang Cavite; ang Rizal; ang Lapu-Lapu City; ang Mandaue City; ang Ormoc City; ang Southern Leyte; ang Zamboanga City; ang Butuan City; ang Agusan del Norte; at ang Basilan.

Ang mga lugar naman pong susunod na babasahin ko ay napa — mapapasailalim sa modified general community quarantine – medium risk.  Ang ibig sabihin po bagama’t mas magiging bukas ang ekonomiya, kinakailangan po na ang mga lokal na pamahalaan magpatupad pa rin ng localized or granular lockdowns.

Kinakailangan magkaroon sila ng zoning. Kinakailangan magkaroon po ng strict enforcement ng mask, hugas ng kamay at iwas or social distancing. At kinakailangan din po bagama’t dapat tanggapin ang lahat ng mga overseas Filipinos at ang ating mga LSIs sa mga probinsiya, kinakailangan i-quarantine po sila at bigyan ng PCR hangga’t maaari.

Ang malu — ang mga lugar po na mapapasailalim sa modified general community quarantine – medium risk ay:

Sa CAR: ang probinsya ng Benguet at ang Baguio City;

Sa Region I: Ilocos Sur, Pangasinan, Ilocos Norte, La Union at Dagupan City;

Sa Region II: Cagayan, Isabela, Nueva Vizcaya;

Sa Region III: Bataan, Nueva Ecija, Pampanga, Bulacan, Tarlac, Zambales, at Angeles City;

Sa Region IV-A: Batangas, Quezon, Lucena City;

Sa Region IV-B: Oriental Mindoro, Occidental Mindoro, Puerto Princesa City;

Sa Region V: ang Albay, Masbate, Camarines Norte, Camarines Sur, Catanduanes, Sorsogon, at Naga City;

Sa Region VI: ang Iloilo, Negros Occidental, Capiz, Antique, Aklan, Guimaras, Iloilo City, at Bacolod City;

Sa Region VII po: Negros Oriental, Bohol, at ang Cebu Province;

Ang Region VIII: Western Samar, Leyte, Biliran, Tacloban City;

Region IX: Zamboanga del Sur, Zamboanga Sibugay, Zamboanga del Norte;

Sa Misam — ang Region X: Misamis Occidental, Bukidnon, Lanao del Norte, Cagayan de Oro City, Iligan City;

Ang Region XI: Davao Oriental, Davao del Norte, Davao del Sur, Davao de Oro at Davao City;

Sa Region XII: Sultan Kudarat, Cotabato, South Cotabato, General Santos City;

Sa Region XIII: Agusan del Sur, Dinagat Island, Surigao del Norte, Surigao del Sur;

At BARMM — sa BARMM po: Lanao del Sur at Maguindanao.

Lahat po ng ibang lugar sa Pilipinas na hindi ko nabanggit ay nasa low-risk MGCQ. Pero bagama’t low-risk MGCQ po iyan, naka quarantine pa rin po tayo, kinakailangan pagsusuot pa rin ng mask, paghuhugas ng kamay, at pag-o-observe ng social distancing. Kinakailangan ingatan pa rin po ang buhay para sa ating hanapbuhay.

Nakaligtaan ko lang pong banggitin na ang mga siyudad ng Talisay, Minglanilla, at Concepcion sa Cebu province ay mapapasailalim din po sa general community quarantine.

Nagpapa-alala po tayo na gaya po ng sinabi ng UP ni Professor Ranjit Rye, bagama’t mayroon po tayong mga forecast na hanggang 80,000 ang magkaka-COVID sa ating bansa itong buwan ng Hulyo, tama po na himukin natin ang isa’t isa na sana gawin ang lahat ng hakbang para hindi po magkaroon ng katuparan ang 80,000 na COVID cases pagdating po ng July 31.

Iyon lang po, maraming salamat, Mr. President, at sa lahat po ng miyembro ng ating Gabinete na prisente ngayon at sa ating mga dalubhasa na nagbigay po ng kanilang mga expert opinion, magandang gabi po sa inyong lahat.

[applause]

PRESIDENT DUTERTE: To our guest and to everybody, maraming salamat sa inyong lahat.

 

– END –

 

SOURCE: PCOO-PND (Presidential News Desk)