PRESIDENT RODRIGO ROA DUTERTE: Mga kababayan ko ganito ang sabihin ko sa inyo, unang-una, we always invoke the name of God. I thank the Lord for guiding the brains of other races other than Filipinos — we will try but lack of facilities or talagang wala talaga tayong infrastructure for research and…
Mayroon akong bakuna. Ang hingiin ko sa inyo ganito magtiis lang kayo nang kaunti dahil nga sa hawaan. Ngayon marami na ang nahawa it’s because ‘yung iba ayaw ninyong magpapigil.
Sabihin niyo wala kaming roadmap. The roadmap ng recovery natin — I do not know din ‘yung headline niyang newspaper. Sabi ko nga hindi ako nagbabasa ng newspaper eh. The roadmap… If it’s about me, I do not read. “Duterte, where is your roadmap?” Hindi nga kami maka-roadmap because we were talking about a budget. Ito, ito ngayong gabing ito. Hindi kami maka-ano ng — I could not have uttered a single sentence about roadmap to recovery kasi ang una talaga diyan ang medicine.
Now sa — ang mayroon na except for the authorization ‘yung i-distribute na at ‘yang final approval — i-distribute na sa mga opisina nila dito Pfizer, Moderna, for the public. I promise you by the grace of God I hope by December we would be back to normal. Huwag ninyo ‘yang new normal, new normal kasi sabi ko nga noon pag-umpisa natin hintayin lang natin ‘yung vaccine.
Hintayin lang ho ninyo by December kung makatiis kayo kasi kung lalabas din kayo, matamaan kayo, patay rin eh. Ang mayroon ng — kasasabi ko nga kaya ako saludo talaga ako sa Chinese. Kayong iba diyan sige kayo daldal. Ang unang makuha nga natin siguro from China. Sinovac China, phase 3, emergency authorization pati approval. Sinopharm, China, sa Wuhan pa, doon galing ‘yung ano — so they say. Sinopharm Beijing. Moderna, nasa stage 4 na sila. Pfizer, BioNTech. CanSino [Biologics], China, sa third. [WuXi?], China, Innovia, [Novavax], Johnson & Johnson first — first stage pa lang.
Mga next month mayroon ng [garbled]. Ang mapabubuti lang nito to our credit is that we have remained friendly with China and China was able to guarantee, sabi nila dito sa akin, that the Philippines would… Ito basahin ko na lang — Chinese Embassy: “COVID…” “China to give priority to the Philippines once the COVID-19 vaccine is successfully developed says Spokesperson Wang Wenbin at their regular press conference on July 28, 2020.” July 28 sinabi niya ‘yan. “The Philippines is a friendly close neighbor to China. Since the outbreak of COVID-19, the two countries have been standing together with mutual assistance, turning epidemic cooperation a new highlight in bilateral…”
Nangako sila na priority tayo. Ang the first three China ang nangunguna eh. Moderna pati ‘yung Oxford AstraZeneca, it’s a — ano ito American o kung… [Official: British, sir.] British, ah British.
Now, ito ngayon balik tayo sa — mabuti’t nandiyan — nandito ‘yung Cabinet. Magtanong sila: “Mabigyan ba kami, Mayor?” Ito ang i-guarantee ko: Ang listahan ng mga tao na makatanggap ng pera noon sa hirap ang una na bibigyan ng assistance, iyon ang category natin. Ang mauna ‘yung walang-wala at saka of course those in the hospitals, ‘yung mga sick or dying. Ang una talaga ‘yung mga tao sa listahan na tumatanggap ng assistance sa gobyerno.
Ngayon, pangalawa, ‘yung middle-income. Libre ito. Hindi ko ito ipagbili. Iyong third, kagaya mo Bong; Wendel; Sonny; ikaw General Lorenzana; General Año; ikaw ma’am, ako na ang — ‘yung para akin hatiin natin [laughter] bigyan kita. Wendel is not so rich. Lalo naman itong… Itong mga military na ito pobre ‘to. Mauna rin kayo. And also my military and my police because I need a strong backbone. The backbone of my administration is the uniformed personnel of government. Iyong mga mayaman, huwag na ninyong — huwag na ninyo akong isipin kasi hindi ako nag-iisip sa inyo. Sorry na lang. Kayo kung maka-afford. ‘Pag nakita ka nang nagpapabakuna ka diyan nang libre… At saka may mga tao na ano gusto ko injectionan uli ng COVID-19, dagdagan ko pa ‘yang kagaw sa katawan. [Ano bang kagaw sa Tagalog?] [Official: Germs] Germ, germs. Kagaw sa Bisaya. Kamong mga suberbiyo, suberbiyo man gud. Galit pa kayo sa akin.
Kamong mga Cebu, nasuko pa sa ako nganong gisaway ta mo. Nganong ‘di ta mo sawayon? During the critical periods, nakit-an nako ang Cebu freewheeling murag walay COVID. Nag-inom pa, magsugal. Ay sus Gino-o, og ako’y na-mayor ngadto sipa ang abton. Ipakaon ko ng inyong sunoy, ipakilaw ko na sa inyong atubangan.
(TRANSLATION: To the Cebuanos, you got mad at me when I reprimanded you. Why shouldn’t I reprimand you? During the critical periods, I witnessed Cebu freewheeling as if there is no COVID. You were drinking and gambling. My God, had I been the mayor there I would kick you. I will make you eat your gamecocks and have it cooked right in front of you.)
Kita mo ang spike ng Cebu ang taas. Ganito ngayon, sabihin ko sa inyo magtiis-tiis lang kayo. Nandiyan na eh. Sinabi ko iyon ang ipinagdadasal ko sa Diyos na for God to guide — a guiding light so that these guys can make the vaccine. Iyon ang distribution.
Ano ‘yung listahan na tinulungan ng gobyerno sila ang mauna. Iyong mga upper-income, ah magbili na lang kayo. Libre ito. Bilihin natin. Sonny will explain to you kung papaano. So… Almost by December tapos ‘to lahat. Mga — as fast as we can.
Ngayon, sino ang bigyan ko ng trabaho na ‘yan? Kasi ganito ‘yan, nandito na ‘yung bakuna. Tatanggapin ko ‘yan. Sino pabigyan ko? Ibigay ko sa barangay — ang barangay captain, “O, halikayo.” Sabihin niya sa lider niya, “Iyong si — ‘yung si kapitan, wala ‘yan, hindi ‘yan nagtulong.” Bahala na mamatay na ‘yang barangay niya. Mamulitika unahanin niya. Siya mayaman na. “Ako muna.” ‘Di ‘yung mga kalaban niya politika, hindi mabigyan. Iyong ayaw niya, hindi mabigyan.
Ngayon sino ang magdala nito? Military. Military lang. Bahala na. I’m asking the Armed Forces, I’m asking General Lorenzana. Kayo man ring ang… There’s the setup, kaya may Task Force tayo. But the implementing arm, military.
Punta lang kayo sa… I suggest that the military assign so many — so many of the soldiers and policemen sa — punta lang kayo ng ospital. May mga military doon, punta lang kayo ng police station. Mga pulis pakinggan ninyong mabuti ha: Ayaw ko nang — ayaw ko nang magkaatraso kayo dito. ‘Pag kayo nagkaatraso, nagkamali, kulong talaga kayo.
Punta kayo sa pulis — the — the Puericulture Center pero military ang tutusok sa iyo. Iyong mga kalaban ko, sabihin ko sa military, “Do not use the needle. Bayoneta ang gamitin mo.” Lalo…
Mga drug pusher, drug addict, I will not waste my… Ibigay ko na lang ‘yan doon sa ibang lugar na pobre rin. Hindi ko — hindi kayong mga drug pusher, wala kayo, mga… May listahan ‘yung ano diyan. Hayaan mo.
Iyon ang ano — iyon ang utos ko. Iyan ang gusto ko. Hindi maganda? Hindi talaga maganda. Iyong mga tao — hindi pala tao sila? Tingin ko mga drug pusher, drug lord? Aso. Tingin ko sa kanya aso. Hindi ako magtulong sa inyo. Sinisira ninyo ‘yung Pilipinas, pinapatay ninyo ang tao.
So we’ll hear Sonny talk about… Dalawa… Kasi ang tinatanong ng mga — anong gusto ng tao? Sabi nila, “Marinig lang nila kung anong plano mo.” Wala pa akong plano kahapon kasi ngayon lang ito dumating eh.
Ito, ito, itong balita sa vaccine ‘yung ilan ‘yung kumpleto na talaga. So Sonny will talk about it, where to get the money and how to go about going out of a post ano na, post-COVID Philippines by December I suppose.
Sonny, can you?
DOF SECRETARY CARLOS DOMINGUEZ III: Opo, thank you ho. May balita ho ngayon na in development na ‘yung mga — in advanced development na ‘yung mga bakuna, the inoculation.
So as you mentioned ho, tatlong pharma companies from China at saka one from Britain at saka isang from the US ‘di ba are already on the third stage. At mukhang this might be approved by their FDA by around Octo — by around December — October. October, the trials will finish daw.
And so before December most likely matatap — ma-a-approve na po ‘yung — ng mga FDA nila, ‘yung Food and Drug Administration. So when that happens ho, ang Department of Health ang mamili kung anong tamang bakuna ang bibilhin. Okay.
Ngayon may financing plan na ho kami diyan. Ang estimate ho ng Department of Health we will need to vaccinate for free a minimum of 20 million people ‘di ba? So I don’t know if it’s one vaccine or two shots, two shots. So we need — so 40 million vaccines — doses, 40 million doses. Ang 40 million doses times roughly 10 dollars per dose ‘di ba is 400 million dollars or roughly 20 billion pesos.
Ang plano ho namin is we will use ‘yung Philippine International Trading Corporation na under sa DTI na bumili nitong bakuna, the ones chosen by the Department of Health. Tapos itu-turn over ho ito sa Department of Health para magamit nila sa ano, sa mga poorest of the poor muna, ‘yung first and lowest 20 million in our country.
So once that happens, the Department of Health now will put in their budget to pay this 400 million dollars or 20 — roughly 20 billion pesos. And we can pay that over maybe two or three years.
So babayaran lang nila through the financing company which is LandBank and DBP. So kayang-kaya ho ng DBP at saka LandBank i-finance itong purchase ng COVID virus of about, roughly ha, mga 20 billion pesos.
So we have a plan and we can execute it as soon as the Department of Health chooses which vaccine or vaccines they want. Baka you will choose several.
So certainly by late this year, if it’s available, we can already buy it. So it should be — it should be available for free to the lowest, to the poorest of the poor first in this ountry.
So at 10 dollars per ano, per dose, that should be around — siguro when they sell it siguro mga 500 pesos per dose or roughly 1,000 or maybe including the service and the transportation, siguro mga 1,200 pesos per treatment.
So that’s totally ano, totally fin — available. The financing is available for this program.
Once the — once the vaccine is available, I’m sure the economy now can be fully open and we can start — not the new normal, the normal life.
PRESIDENT DUTERTE: We can back to go — we can go back to the normal life now? Son, could you run us through — this us through with the a — how the economy can recover? You just use the bold lines.
SEC. DOMINGUEZ: Opo. The economy actually is already beginning to recover. Ang estimate ho namin we hit already the lowest part of the economy which was April, May. Iyon ho ang pinakamababa as we can see.
So it’s already picking up now and we are going to be seeing a pickup in the — in business activity as we go on. Actually, it’s already starting to pick up already now.
We have a little — a few problems. Among them, number one, ‘yung transportation, kailangan we have to have more transportation available. We have to encourage people also to start spending their — to start spending money so that the economy can start picking up.
In the meantime ho, wala ho tayong problema sa liquidity. In other words, may pera. People are not short — I mean the economy is not short of money, number one.
Number two, the inflation is relatively low. It’s within our target. Number three, ‘yung peso ho natin is the strongest in Asia. The strongest currency in Asia is the Philippine peso. It’s stronger than the Japanese yen.
So people have faith in us. We are able also to finance it by borrowing locally at saka borrowing internationally. So we are in good shape to take this — to overcome this crisis.
PRESIDENT DUTERTE: Alam mo, one thing that I would like also to remind people lest they begin to misconstrue what we are saying. Then saba — “Sabi mo noon, Mayor, walang pera, maubos na, ipagbili natin?” Sabi ko kung walang vaccine. That is why I have been repeating, “vaccine, vaccine, vaccine.” And kung walang vaccine, ‘pag tumagal ito mauubos na ang pera natin, mauubos talaga.
Sabi ko magpasalamat tayo sa Diyos for guiding the hands and the brains of those people who made it possible to come up with a vaccine now. Noon sabi ko na kung wala, so bakit sabihin may pera? May pera kasi mankind was able to arrest COVID on time. It was about six months mayroon ng glimmer of hope then.
Now, it’s there, actually in front of us. Now bakit hindi madiretso galing China? Hindi ‘yan kasi dadaan pa ng ating sariling clearance. Mayroon pa tayong Food and Drug. Maski na sabihin mong galing America, galing China, galing United Kingdom, our experts have to see to it that it is not deleterious, it is not harmful to people.
But what I’m going to stress again is that kayong mga tao, kayong naghihirap, huwag kayong — slowly lang kasi ‘yung hawaan. Ito lang, kasi kailangan ninyo — alam ko kailangan niyong magtrabaho. Iyong mag-ano lang kayo mag… Puwede ba tayo magbili nito? Can we buy? [Official: Yes, sir.] Tapos for — kunin ninyo sa military camp.
Magbili ako, ibigay ko sa military, kay Secretary Lorenzana. Punta kayo sa kampo, pangalan ninyo, address, ‘yan lang kailangan ko. Kailangan address tapos na — non-user of drugs. Kasi user ka, sabihin ko, “Sorry wala kang bakuna. Mamatay ka na lang. Pakialam ko sa buhay mo.” Eh galit ako sa inyo eh.
Iyon. Ang recover natin is normal na because I said we were able to arrest, not us, but mankind or the Chinese, the Americans, we’re able to catch up with the COVID. So napahi — napaiksi ‘yung ating fears at ang ating, lahat na, pagdudusa.
So we are not going back to a new normal. It’s going to be normal again. Unless this mikrobyo na ito, l****ng ito mag-mutate. Kasi minsan nagmu-mutate eh. Ngayon isang sungay lang, kinabukasan may limang sungay. P***** i**, another bakuna ‘yan sigurado. But this time, I’m sure they are as near as they could ever be sa — natabihan na nila ‘yung germs eh.
So gusto ko pang magsalita, gusto kong magdaldal pero gusto ko lang magyabang. Nandito uli ‘yung ano. Basahin ko lang ha. “For the rest of the Philippines — for the rest of the Philippines…” Minus ha, minus ito. “For the rest of the Philippines, minus NCR…” kasi maraming hawaan. Maglabas-labasan kayo, hindi — wala nang katapusan itong hawaan. Anyway, there’s the vaccine. NCR, Bulacan, Batangas, Cavite, Laguna, Rizal, Cebu, Lapu-Lapu City, Mandaue and Zamboanga City, naka-general community quarantine na kayo.
Para kayong — para ma — para ma-shorten ‘yung purgatoryo ninyo. Kasi ‘yung — mara… Kasi kung ano maghawaan na naman ito walang katapusan. Then ang problema nito sabihin mo, “Ano ba itong p***** i***** Duterte na ito? Akala ko ba may vaccine?” Nandiyan na nga kaya lang dadaan pa ito sa mga prope — proseso lalo na sa atin, may batas eh. They have to be approved by the FDA, Food and Drug Administration.
Ngayon, kailan? Well, as soon as possible. Pagka — pagkasabi ng ano… Parang ministerial na ‘yan, madali na ‘yan, tingin-tinginan na lang. Ngayon, ‘yung may mga — baka sa production minsan may mga — [anong tawag nitong y*** na ito?] Itong lagyan sa medisina? The syringe would be the… [Ano itong — what do you call this, sir?] [Official: Vial] Oo, ‘yung vial. Iyong mga vial na walang laman ireserba ‘yan sa mga drug addict. Hangin ‘yan. P***** i** kayo, ban…
The rest of the Philippines, modified general community quarantine. Itong ang — itong mga sinabi ko mga — Philippines, eh tiis-tiis muna kayo. Iyon lang. The entire Philippines, okay na, modified general community.
Kaunting ingat lang, huwag mag… Do not mix together and observe the — itong distancing, the distance rule. Iyan lang hingiin ko sa inyo.
Pero huwag kayong matakot, hindi ako nagyayabang, may bright tayo na Finance secretary, may military ako na maasahan ko. Ang hindi ko maasahan ‘yang ipinagbibili tapos nagbabalato pa, nadala… Sabi ko na nga noon eh, alam nila. Before na ano sinabi ko na, ito sigurado. Same story, hindi bigyan ‘yung kalaban, hindi kakilala, solohin ang lahat.
So sabi ko ito ngayon, military. Nearest camp, nearest police station, may mga nurses ‘yan, and volunteers, I am asking, iyong mga nurse na walang trabaho. Tutal bakuna na ito, hindi naman ito ‘yung may COVID. Basta mag-mask lang kayo and of course gloves and…
Ito. [places hand above an automatic alcohol sprayer] Tingnan mo itong ibinigay sa akin. Tingnan mo ha, ‘pag ginanon ko. Oh, oh, alcohol. Iyan. Kaya ako, kanina pa ako sige nang ganun eh. Naglalaro ako. Nag-e-enjoy ako na parang sprout eh. [laughter] Iyong nanonood sa atin, alam nila kanina pa ako ganun nang ganun eh. Oh.
Pero… Loko-loko… Hindi… Sabi nila, “Itong si Duterte loko-loko.” G***. Kung loko-loko ako, ikaw na sana ang na-Presidente, hindi ako. Totoo ‘yang sinabi ko, alcohol. ‘Pag walang alcohol available, hindi ka naman puwede lalo na kung mahirap. Magpunta ka lang diyan sa gasoline station, pagkatapos magpatulo ng — that’s disinfectant. Alcohol oh, gaas. Iyong ginagamit ‘yung gaas pang-ano, magpatulo ka lang kung — just to disinfect.
Ang akala naman nitong mga buang na nagsabi sa akin, “Itong si Duterte…” Para sa inyo ang hindi nakakaintindi, sa totoo lang. Hindi ako nagbibiro. Totohanan iyon. Ang akala ninyo nagbibiro lang ako.
Pero sa totoo hindi rin ako nagbibiro. Kayong mga… You try to go inside my brain. Iyong kung walang iba, alam mong gawain ninyo? [laughter] Pati sideview pala itong buang na ito. [laughter] Mag-ano — anything that would kill the germs actually. Pero kanina pa ako ganyan.
So let us hear Secretary Briones. Education is… Ma’am, malapit na ang D-day mo. So you can, as a matter of fact, on the next meeting, we will decide on the actual date of how to open the schools. Ang akin, basta mabakunahan lang. I’m talking about within the months of October, November, December.
DEPED SECRETARY LEONOR BRIONES: Thank you, Mr. President. Actually mayroon akong — I have a presentation and — but — in the light of the good news that has been presented by Secretary Dominguez, this is very good news for education.
Kasi alam mo Secretary Sonny, ang impact sa downturn ng economy is largely — is largely because of the ano sa education. So — so we thank you for your statements during the — the SONA, emphasizing the blended approach. And I’d like to report, Mr. President, that as of July 30, 22.3 million learners na ang nag-enroll on the assumption that classes will start on August 24 pero blended learning ito, Mr. President, walang face-to-face.
At ang kagandahan sa news ni Secretary Dominguez, mag-i-increase ang enrollment sa private sector dahil right now 31 percent ang — medyo maliit na enrollment sa private sector ay galing sa private sector, ang public sector 92 percent na.
So in spite of all the fears — COVID and the economy — enrollment is still going on. Ang assumption nila ay August 24 kasi nag-enroll ‘yung mga bata at parents August 24, at saka na-achieve na namin ang target ano — target enrollment na nagiging goal natin.
Now, sinabi natin na [garbled] sa limited face-to-face this will be on — tamang-tama, Mr. President, sa announcement ninyo at saka sa announcement ni Secretary Dominguez kasi ang schedule natin for face-to-face learning will be in 2021 pero very strict ang health standards na deni-demand natin.
So dito, Mr. President, in the meantime, kung mag-start tayo ng August 24 ay kayang-kaya natin mag-start on August 24 sa blended learning na approach natin kasi ilang buwan na nag-aano na tayo, nagda-dry run na, nagsi-simulation na sa lahat ng mga districts using the different approaches.
Halimbawa, Mr. President, 345 na districts at regions ang nag-dry run. Piniraktis na namin ito, on August 10, i-launch natin ang opening ng school year pero praktisado na ito kasi dinry-run namin anong itsura kung radio, anong itsura kung TV, anong mangyari kung online o platform, anong mangyari kung modular.
So I will take the last four minutes of your time, Mr. President, ipapakita ko sa inyo dahil you were very attracted to the idea of radio-based teaching and learning. So mayroon kaming ano dito. [Can I show the video? The four-minute video. Oo.]
Sinubukan namin ito sa isang IP community. Talagang from beginning to end, marami na all over the country, lahat na regions pina-practice na so that by August 24 handang-handa na talaga tayo. Sa isang IP community in Mindanao, oo sa isang baryo.
PRESIDENT DUTERTE: I really am proud to have you in the Cabinet. Anyway, ba — basahin na… That’s what I do, I do — wala man trabaho sa araw, I read all of this. Sige na lang we will dispense with the rest of the ano.
SEC. BRIONES: Yes.
PRESIDENT DUTERTE: Okay lang. itong ano, no special na ‘yung si… [Basahin mo ‘yung condition?]
PRESIDENTIAL SPOKESPERSON HARRY ROQUE: Opo. The conditionalities po para lang po sa Metro Manila at saka sa Region IV-A. Bagama’t gaya po ng sinabi niyo na ang kaso’y mataas pa at marami pong naho-hospital, ito po ‘yung mga kondisyon na — conditionalities para mapasailalim po ang GC — sa GCQ ang Metro Manila at ang Region IV-A.
Unang-una po, magkakaroon po ng strict localized lockdown; ECQ sa mga barangay kung saan mayroon 80 porsyento po ng mga kaso, at ito pong mga lugar na po ito ay ipapaalam natin sa publiko through publication. Magkakaroon po tayo ng stringent enforcement of minimum health standards. Ito po ‘yung hugas-kamay, suot ng masks, at social distancing, at pagsuot na rin po ng face mask. Apat na po ngayon ang ating minimum health standards — ng face shield.
Magkakaroon po tayo ng massive — massive targeted testing, intensified tracing po, at saka quarantine ng mga close contact. Ang magandang balita po, mayroon na po tayong 10 million testing kits na gagamitin na natin doon sa mga lugar na na-lockdown po na mga barangay.
At ang Department of Health po ay nasa proseso na na pina-pilot po at pinoproseso ‘yung tinatawag na pool testing kung saan ang isang testing kit po ngayon — dati ginagamit lang ng isang tao, ngayon, pupuwede nang gamitin ng sampung tao.
So ang isang milyong testing kits natin pupuwedeng ma-test ang 10 million. Simula na po ‘yung proseso ng validation ng Department of Health at inaasahan po natin na ‘yung pilot studies ay gagamitin po natin sa mga localized na mga barangay na na-lockdown.
Kinakailangan po lahat nung nakita nating mga positibong kaso ay ia-isolate po natin at magkakaroon po tayo nang mahigpit na pagsunod doon sa implementasyon ng tinatawag nating Oplan Kalinga, kung saan ‘yung mga positibo po na walang sariling kuwarto at walang sariling banyo sa kanilang mga bahay ay dapat magpunta po sa mga isolation centers ng national o di naman kaya ng local governments.
Para naman po maibsan ‘yung diumano’y kakulangan po ng mga hospital beds dito po sa mga wards, isolation, at saka sa mga ICU beds, ang totoo po hindi naman po tayo nagkukulang. Kaya nga lang po ang mga gobyernong hospital nag-allot lang po sila ng 30 percent ng kanilang bed capacity para sa COVID.
At ang mga pribadong hospital ay nag-allot lang po ng 20 percent ng kanilang bed capacity para sa COVID. Ang gagawin po natin para po sa mga government hospitals, itataas po natin ‘yung bed allotments para sa COVID from — from 30 to 50 percent po ng kanilang capacity, at ang mga pribadong hospital naman po itataas po ‘yan from 20 to 30 percent ng kanilang hospital capacity.
Iyong ating treatment czar po na si Usec. Bong Vega ang siyang magpapatupad nito ‘no. At magkakaroon din po tayo ng “One Hospital Command” system na nakatayo na po ang tanggapan sa Metro Manila Authority para po maging systematic po ‘yung pag-allot ng mga kuwarto at mga kama doon sa mga nangangailangan.
Kinakailangan po ‘yung mga LGUs mag-submit po ng kanilang mga datos sa tinatawag po nating COVID KAYA platform, at ito po ‘yung ating automated program na ginagamit ngayon sa monitoring po, hindi lang ng kaso, kung hindi po ‘yung critical care capacity na tinatawag natin, at saka ‘yung iba pang mga datos na kinakailangan natin para sa Epidemiology and Surveillance unit.
Now ang mga — ang mga impormasyon po na kinakailangang i-submit ng mga local government units: ‘yung daily trend of active cases, number and percent of population, ‘yung cases in community isolation facility as against po sa health facility at saka doon sa mga nasa bahay lamang, ‘yung percent of close contact trace and percent of contacts in quarantine, number utilization of community isolation beds, at saka po na-meet na po ‘yung health system capacity targets and utilization, at saka ‘yung COVID special team investigation and reports.
Kinakailangan din po na ang mga LGUs ay magsumite ng kanilang detalyadong mga plano sa strict enforcement ng minimum health public standards para po sa kanilang mga priority areas at mga barangay.
So ang Regional Inter-Agency Task Force po ang siyang itinalaga para po ma-monitor ang kanilang health system performance, capacity, and strict compliance po sa surveillance, isolation, and treatment protocols.
Now, lahat po ng mga probinsiya at mga HUCs and ICCs ay hinihikayat na mag-observe ng minimum public health standards, magkaroon ng uniformed implementation sa mga high-risk areas gaya ng health care settings, wet market, supermarkets, government offices, and workplace, among others.
Iyong localized community quarantine and availability of identified quarantine facilities in priority critical areas with community transmission, including private and public establishments with concurrence po ng regional IATF, at saka ‘yung immediate facility-based isolation po ng lahat ng mga bumabalik ng ating mga mamamayan, ‘yung mga suspect and probable cases, at saka ‘yung pagpapa-scale up po ng local health system capacity, lalong-lalo na po for community isolation and critical care.
So ibig sabihin po, malaki pong pagbabago ang gagawin natin sa GCQ areas, lalong-lalo na po ‘yung massive targeted testing at saka ‘yung intense tracing po na gagawin na po natin na pinamumunuan po ng DILG at ng ating tracing czar, Mayor Benjie Magalong.
Maraming salamat, Mayor.
PRESIDENT DUTERTE: So… Yes, Secretary Año?
DILG SECRETARY EDUARDO AÑO: Magandang gabi po, Mr. President. Sir, tamang-tama po ‘yung inyong order sa amin. Noon pong July 22 ay nagkaroon kami ng signing ng Joint Memorandum Circular with different departments po, kasama ‘yung ARTA, DICT, ‘yung DHSUD, DOH, DOTr, DPWH, CAAP, FDA, at saka po ‘yung DILG.
Ito po ‘yung tungkol dito sa application ng mga license, permit, clearances para sa shared passive telecom tower infrastructure — ito pong mga permit para sa telecom. Dati po inaabot ng 200 days ‘yung pag-apply ng permit.
PRESIDENT DUTERTE: T*** i**.
SEC. AÑO: Dito po sa bagong JMC namin, kasama ‘yung lahat ng ahensya pati LGU kasi sabay-sabay na po ‘to pag-process. Dati po kailangan pa ng Homeowners’ Association resolution, kailangan pa ng Sangguniang Bayan resolution. Wala na po ‘yon. Sixteen days to 20 days po ang target para ‘yung lahat ng permit ay tatakbo.
So tamang-tama po ‘yung order ninyo sa amin ngayon at sisiguraduhin po namin, Mr. President na…
PRESIDENT DUTERTE: Wendel, maupo ka diyan.
SEC. AÑO: …ang mga LGU — ang mga LGUs at iba pang mga ahensya po ay susunod doon sa maikling panahon para ma-approve ang mga licenses, permit, at saka clearances.
PRESIDENT DUTERTE: Si Ernest ‘yan siya, Ernest ang tawag namin, Cu, sa Presidente ng Globe. Siya mismo. Kasi sabi ko ‘pag hindi mo pa na-improve ‘yan, I will hang you in one of your towers.
Sabi niya, “Mayor, you cannot do that because there is no tower. The local governments are all f****** it up, that’s why. So saan mo ako bitayin? Sa lubi (coconut tree)?” Sabi ko, “Tama ka, Erns.”
GLOBE PRESIDENT AND CEO ERNEST CU: We are suffering ho from many, many years of this, before your administration, many administrations ‘no. Twenty-five to 29 permits, umaabot ng walong buwan tapos marami pa ho kaming mga miscellaneous fees ho, iba-ibang klaseng tower fee, mayroon kaming special use permit.
Hindi ho namin ma-standardize ho ‘yan ‘no. Sa isang taon ho para makapagpatayo ho kami ng 1,500 towers — which is a record ho for Globe, and I think PLDT built the same amount — kailangan ho namin mag-umpisa ng triple niyang amount na ‘yan or quadruple.
Kasi nga ho hindi namin alam anong tutuloy eh sa dami ng permit na required para makarating kami sa stage na ready to build, ‘no. So isipin niyo lang ho ‘yon, sir. Kung nag-apply kami ng 5,000 towers times 28 or 30 permits na lang, ilang libo hong permit ang kukunin namin para lang makapag-umpisa.
PRESIDENT DUTERTE: It’s really corruption. Alam mo, you can ask Bong and the business can ask Sonny Dominguez, kay — the generals, kay Secretary Año, isumbong na lang ninyo diretso at ang order ko sa Cabinet ngayon is to really take the — the — ‘yang pinakamabigat. The most drastic measure that you can find para magkaintindihan na tayo.This is my last mile. I make no apologies about it kung ano ang nagawa ko o anong mali ko. Basta ako magtrabaho lang.
We will wind up before I forget. Itong mga nursing ng pulis, lahat ng barangay health workers, pati ‘yung mga doktor and their district health officers, they should be there. But ‘yung overall umbrella to supervise must be the Armed Forces of the Philippines.
This will remove partisan, favoritism; this will remove petty corruption. So kung may isang… Well, anyway, I’d… However you do it, I don’t care. I just want a unified monitoring pati supervising authority, and that is the military.
Kaya idagdag ninyo ho ito. Mga binibigyan ko ng pagdating ng panahon in the fullness of God’s time, if we get to hold the vaccine, ang mag — as I have said before, I have said a mouthful against ‘yung sino ang magdala kasi I was really afraid, kaya mayroon tayong nitong IA — Task Force.
Pero ganunpaman, maraming palusot na nagpapabili, na humihingi ang the worst baka maghingi pa ng bayad. Mapatay talaga kita. T***, totoo. Puntahan kita doon. Baka akala mo. Bababa ako dito, puntahan kita.
So military. Alam na niyo… I know how what — I know what you should be doing. I do not have to tell you about it. Must be under the general supervision and monitoring sa military. We intend to vaccinate every Filipino for that matter. That’s quite a big number, actually. So in the provinces, gawin ko rin.
Pati ‘yung the question is: ‘yung mga NPA, pabakunahan ko ba? If you stop fighting for a while during the period, or until December kasi my soldiers would be busy monitoring, supervising, huwag lang ninyong galawin, puwede kayong sumali, pumila doon. And even if you announce that you are an NPA, it’s okay. Wala munang… Pagamot ka muna o magpa-vaccinate ka para mahusay kang lumaban sa pwersa kung… Tigas itong aking Armed Forces.
Eh matakot ako sa inyo? Wala kayong eroplano. Saranggola siguro, mayroon. Wala kayong baroto, maski barko — barko. Wala kayong mga jet tapos matakot ako sa inyo? Ah kalokohan ‘yan.
Pero as a matter of humanity because it is not our money, and because you are a Filipino, okay lang sa akin. Okay lang kung sabihin, “Boss, sa unit ako, partisan.” Sabihin ko sa military, “Palusutin na ninyo. Hindi na panahon ng away ngayon kasi Pilipino eh.”
Gusto ko ‘yung — para walang masabi. Baka sabihin ng NPA natalo kami kasi humina ang katawan naming, walang fighting chance. Okay, sige. Bakunahin ninyo ang mga y*** na ‘yan para…
You do not want to shoot a half dead. Eh kung may mga walang bakuna ‘yan, almost a half dead walking around. So mahiya ang sundalo ko magbaril. Make them strong. Hindi really because you are a Filipino and it is the people’s money. Okay lang.
You might not really qualify sometimes but you know, you have a wife, Filipino children. So let’s put one thing at a time. Hindi natin pagsabayin ‘yung hatred, ganun. Huwag lang ninyo galawin ang military. Huwag ninyong galawin ang sundalo ko. Wala kayong ma-ano sa akin.
‘Pag hindi, pahirapan tayo. Kayo ang sisihin ng mga tao na hindi sila mabakuna. At saka kung ma-identify kayo…
Huwag ninyong galawin sundalo ko, hayaan ninyong magtrabaho ang mga nurse sa gobyerno. Post-COVID na tayo mag-away ulit, something like…
Hindi ito unilateral ceasefire. I’m just telling you, stop it, just stop it and allow the normal process of helping the country go ahead. Okay? Thank you. [applause]
— END —
SOURCE: PCOO-PND (Presidential News Desk)