DND SECRETARY DELFIN LORENZANA: Mr. President, susugan ko lang po ‘yung kuwan ‘yung report ni Secretary Duque.
Secretary Duque, iyon bang pag-reduce ng ating — ng cases natin is there a chance na tayo ay nakaka-acquire na ng herd immunity?
DOH SECRETARY FRANCISCO DUQUE III: Mayroon pong nagsasabi na dahil mayroon po tayong mga 340 plus thousand na cases ay they are endowed with protective antibodies against COVID-19 virus.
That is what is known as natural immunity. Nagkaroon ng infection — pretty much the vaccines work the same way. Ngayon magkakaroon po ng antibodies, iyon pong antibodies na ‘yan asa — iyan ay sundalo sa loob ng katawan. Kapag ka umatake ngayon iyong virus ulit, mayroon ng sundalong nakabantay at pupuksain niya iyon pong virus.
So whether you are immunized in the natural way by infection or by vaccination, the principle is the same, Mr. President, mayroon ka ng panlaban sa katawan.
Now, the question, sir, is: Gaano ba katagal tatagal ‘yung mga sundalo sa katawan? Nobody knows because this is a new virus. Hopefully, theoretically, it can provide lifetime protection. But there is no evidence to show that this is a matter of fact. Wala po kasi bago po ‘yung virus. It’s still evolving, Mr. President. So we just have to watch out and learn as it evolves. Salamat po.
PRESIDENT RODRIGO ROA DUTERTE: Secretary Galvez.
PRESIDENTIAL ADVISER ON PEACE PROCESS AND NTF COVID 19 CHIEF IMPLEMENTER CARLITO
GALVEZ JR.: Sir, susugan ko lang po sir ‘yung pagbaba sir ng ano ng ating mga cases. Isa po doon po sir is nag-change ng behavior na ang mga tao natin. Kasi po noong nagkaroon po tayo ng commercial na kasama po kayo at saka po ‘yung tinatawag nating infomercials ng business sector… Dalawa po ang ano eh ‘yung nakita namin na nagkaroon ng traction. And we believe with the massive infomercials natin po sir ‘yung Ingat Buhay Para sa Hanapbuhay at saka po ‘yung Ingat Angat Tayong Lahat ng business sector ay talaga pong medyo nagbago po.
Kung titingnan niyo po noong panahon, Mr. President, Mayor, ‘yung Cebu ‘di ba kinakagalitan niyo pa po dahil kasi talagang buluyagon, talagang matigas ang ulo. Pero nakita po natin ngayon ang ganda ng performance ng Cebu dahil last week po sir seven days na wala po silang casualty, wala silang death na reported. It was reported in a newspaper that Cebu is now performing very well kasi September noon September 1 po September 1 nag-MGCQ na sila pero hanggang ngayon po ang kanilang mga kaso po napakababa.
Meaning iyong ano po ‘yung change of behavior napakaimportante sa kaalaman ng ating ano ng ating mga mamamayan. Nakita po natin maganda po ‘yung ating change of ano eh tactics na ang ginawa po natin na ang talagang lumalaban dito sa ating pandemya ay ‘yung mga taong-bayan. Dapat po talaga mai-ano po natin dahil po kasi naniniwala po sila sa inyo, Mayor. Noong nagkaroon po tayo ng informatics na nandoon po sa mga building nandoon po ‘yung inyong mga infomercials, nakita po natin na talagang may mga impact po na ano po natin.
Pangalawa po ‘yung talaga pong ‘yung ating strategy na Test, Trace, Isolate and Treat ay medyo nagkakaroon na po ng traction sa ating mga LGUs. Ang ating LGUs po natututo na po na talagang naibaba na po natin ang ating istratehiya at sa kasalukuyan po 32,000 po na naka-home quarantine ay nailabas po natin sa kanilang mga bahay. Iyon pong 32,000 po na ‘yon dito po mostly sa NCR at saka Region IV-A at saka Region III, kung hindi po ‘yan nailabas at naidala po natin sa mga hotels ay magmu-multiply po ‘yan. Iyong 32,000 po ‘yan baka ngayon mayroon po tayong active cases na more than 100.
Natutuwa po kami dahil kasi iyong atin pong local government units po sir dapat mai-ano natin mai-commend po natin dahil kasi lalong-lalo na ‘yung NCR na last September sir 20,000 ang ating active cases. Ngayon po nag-report po si GM Jojo Garcia ng MMDA, 7,830 na lang po ang active case nila from 20,000. So napakalaki po ng binawas ng ano po nila from more or less 20 percent na active cases doon sa mga confirmed cases ngayon 6 percent na lang po.
Ibig sabihin nama-manage na po ng ating mga local government units. Kahapon po katulad nga kahapon pumunta po ako ng Bataan, ang kanilang cases nagpalo po ng more than 800 pero napababa po nila na ngayon na 300. So more or less mga 48 percent napababa po nila ni Governor Garcia at nagpapasalamat po sila sa tulong po ng gobyerno at saka po si Mayor Jocelyn Castañeda ng Mariveles po, galing po ako kahapon doon. At maganda po ‘yung mga performance ng mga local government units natin pati po ‘yung contact tracing po nila nag-improve po dahil kasi dati hindi po talaga sila masyadong nag-ano sa contact tracing dahil po ‘yung ano ni Mayor Magalong mataas na po ngayon.
Sa Bataan, 1:15 po ang nagagawa po nila dahil tinutulungan po sila personally ni Mayor Magalong. Kaya nga po ang ano po natin nakikita po namin na pagka once na ‘yung tuloy-tuloy po na maibababa po natin hanggang barangay level ang implementasyon ng ating National Action Plan ay magiging maganda po ang ating — ang ating ano po ang atin pong mga kaso, bababa po ang kaso natin at puwede po tayong mag-angat ng ating ekonomiya.
DILG SECRETARY EDUARDO AÑO: Yes, sir. Malaki po ang pinagbago ng ating mga LGUs lalo na ‘yung mga local chief executives. Patuloy po ‘yung — sila na mismo ‘yung nasa forefront eh.
Tuloy-tuloy din po ‘yung pag-conduct namin ng — katulad po last week nagkaroon kami ng Philippine Local Governance Forum, tatlong araw po ito, kung papaano ‘yung good governance delivery of services amidst the pandemic.
Kung dati po ay alanganin sila, ngayon ang alam nila kapagka mataas ‘yung COVID nila, hindi sila iboboto ng mga tao. So ngayon po talagang kumikilos sila. At iyon pong ating Oplan Kalinga na dapat kaagad-agad kapag may isang positibo, within 24 hours dapat ay mailabas natin ito, makapag-contact tracing at ma-quarantine ‘yung mga close contact in 24 hours.
Iyon po talaga ang susi eh kasi hindi na makakapanghawa itong mga positive kung mananatili sila nandoon sa community o nasa bahay. Tapos iyon po marunong na rin po silang humingi ng tulong kaagad sa national. Dati po sinosolo lang nila, kung minsan tinatago pa nila ‘yung numero. Pero ngayon po talagang sila na mismo ang nagko-communicate sa NTF, sa IATF kung anong gagawin at kung anong tulong ang kailangan nila. Hindi na po sila nahihiya.
So we can say na talagang under your leadership parang isang kumpas na lang gumagalaw po lahat: LGU, national at saka mga iba’t ibang ahensiya natin.
PRESIDENT DUTERTE: Yes.
SEC. LORENZANA: Impormasyon lang po ito doon sa ating mga inaalagaang mga OFWs na bumabalik.
Sa araw pong ito ay nakapag-pauwi na tayo ng mga mahigit sa 254,000 na OFWs at pagkatapos ay sila naman ay nadala na sa kanilang mga lalawigan.
Iyon namang ating mga kababayan na nasa Sabah na nagnanais umuwi ay pareho pa rin ang number nila na nakauwi as of 23 September, 1,968. Mayroon pang mahigit na 3,000 na gustong umuwi rito naghihintay pa kasi nag-lockdown din sila doon dahil medyo marami ang kaso roon. At pagkatapos po dito sa may sa Zamboanga, Jolo at saka Tawi-Tawi ayaw muna nilang tumanggap dahil dumadami rin ‘yung kanilang kaso.
Dito po sa ano sa… Dito pala mayroon tayong mga tinanggap mula sa mga donors na mga isolation facilities noong October 8 ay tinurnover sa atin sa PPA ang isolation facilities para sa mga seafarers, sa mga dumarating na mga tripolante ng barko na uuwi ay ito ay consisting of 125 bed capacity at ito po ay donasyon ng Lopez Group.
Doon naman sa ‘yung DOTr naman ay tumanggap ng quarantine facilities para rin sa ating mga frontliners na tinanggap ng Coast Guard sa kanilang area sa Taguig. Iyon lamang po, Mr. President, ang update natin sa mga ating OFWs.
PRESIDENT DUTERTE: Who is next to report? Wala na? Secretary Año, go ahead.
SEC. AÑO: Opo, Mr. President. Iyon pong ating contact tracers po i-report ko lang po na doon po sa 50,000 na contact tracers, 64,422 ang nag-apply at 41,068 na po ang qualified dito. At officially po, 34,057 po ay nagtatrabaho na at 23,974 ay na-train or 47 percent at 68 percent po ay nagtatrabaho na. So makukumpleto po namin ito within this month of October.
Sa atin po namang mga telcos applications, sabi ko nga po ay bumilis na po. Noong isang linggo po ay 1,171 ang na-approve, tumaas na po sa 1,215 approved, at ‘yung natitira pong pending application ay sisiguraduhin naming maa-approve, lumabas na kaagad ang approval.
Panghuli po ay iko-comply ko lang po ‘yung utos din po ninyo last week na sunugin ‘yung mga shabu na nasa custody ng ating mga ahensya. Bago pa po dito, actually po noong August 21, 2020 ay nag-destroy na po tayo ng: ang PNP po ay 1,200 kilos or 1.2 tons; ang PDEA po ay 600 kilos. Ang nasira po na shabu ay worth 8.16 billion.
At bukas po, October 15, sa Tanza, Cavite, ay more or less ay sa PNP po 369.69 kilos ang ide-destroy natin tomorrow. At ang natitira naman pong 700 kilos ay ipini-prepare po namin habang hinihintay namin ‘yung order galing sa korte, naka-ready na rin po ito.
So lahat pong ito, Mr. President, sisiguraduhin naming ma-destroy para unang-una hindi na mare-recycle ito at mawalan na ng supply dito sa market.
Iyon lang po, Mr. President. Salamat po.
PRESIDENT DUTERTE: I’m happy with the compliance of my order. Alam mo, it — this is not ours, not in this meeting.
I think it’s — it behooves upon Secretary Guevarra and the SolGen to make representations with the Supreme Court that kung marami ang shabu involved, that the — there should be a fiscal on duty just to take a few random samples at ibigay niya doon on the spot ibigay niya ang sample nakuha niya and a test be made, three trials, and after that i-certify that it’s shabu. Lahat, maski random kung saan niya kunin. Then after that, within about 24 hours, sirain na kaagad.
The gravamen of the offense would really be the shabu taken by the inquest fiscal on duty na kunin niya at random sa — bahala siya kung saan niya kunin, one corner, in the center, and to certify that the contraband itself or the seized items are — all are shabu.
Para ganoon na lang para wala nang ‘yung tago-tago. Iyang tago-tago has led so many headaches for government, recycling and all, and of course, ‘yung mga rogue policemen.
Yes, sir?
PRESIDENTIAL SPOKESPERSON HARRY ROQUE: Naitanong po sa akin ‘yan sa press briefing last week. So nakipag-ugnayan ako kay Deputy Court Administrator Raul Villanueva. Ang sabi po niya mayroon na po silang court circular na wala na pong tago-tago ngayon. Iniimbentaryo lang after it is verified na talagang prohibited drug at destruction na kaagad.
So ang tanong po kasi sa akin, hindi ba nagko-conflict ‘yung executive and legislative with your order to immediately destroy? So vinerify (verify) ko po sa Supreme Court nga, sabi niya, “Hindi because we have also issued a court circular na wala ng storage.” So test, inventory, destruction. Immediate po.
PRESIDENT DUTERTE: Yes. Ang pinakasafe diyan, if you really want to comply with due process and ‘yung determination of probable cause or prima facie, I said, the government, the meat of the matter is really the contraband.
Now, how to present the whole of the contraband, one truck to the court or keep it for so many months, is a very tiring one and it gives a lot of headaches for government. Kaya ‘yung inquest fiscal, siya na ang magpunta doon, isang kutsara dito, isang kutsara sa gitna, bahala siya. Then he passes on to the forensic guys, ‘yung sa pulis, ‘yung PNP, iyon na ‘yon ang mag-examine right there, three trials.
After three trials, kung saan-saan kunin, the certification of the inquest fiscal should be taken on its face value na talagang shabu ‘yan lahat kasi nahihirapan tayo. I think it should be Guevarra talking to the…
Kasi it’s not a recognized modality hanggang ngayon. Kaya kailangan maayos ito para wala ng sakit ng ulo in the — in the future.
I really intend to go hard within the last two years of my term pati itong mga kriminal. We have seen an upsurge of holdups, street crimes again it’s because of the liberality being offered by the opening of the economy. And of course, people are now allowed to roam freely and to travel. The most convenient way is really ‘yung motor. Kapag nakapatay sila, diretso sakay. I saw one footage ‘yung tinabihan lang.
This is very hard to control. I understand the nightmare the police are facing on how to control the mobility of the criminal right after committing a crime. Kasi ang motor kasi nagsi-zigzag lang ‘yan in and out of traffic situations and they can really get away with it easily. Unlike the motor vehicles, ma-ano ng traffic. But itong mga motor kung minsan dumadaan pa ng ano sidewalk eh. That is also a matter which we have to address itong ano.
Ano kayang mabuti nito? We can train the highway patrol. We can train about siguro in one class 30. We have to increase the mobile capacity ng pulis at saka we can buy motorcycles ‘yung mahahaba, all that can negotiate any obstacle, the ordinary obstacles that you’d find in the streets.
Kailangan ng ano… But they have to be trained. It’s not just a matter of knowing how to ride a bike, or bicycle, motorcycle for that matter. But dito sa mo — motorsiklo kasi you have to — the one that keeps the — I’m not sure everybody would notice — it’s really the body. The rear portion, ‘yung puwet. Kailangan pag-aralan ‘yan and we can request DILG. Magplano ka Ed kung how many — 250 would be a good one, ‘yung mahaba. Kuha tayo ng ano. Balik tayo sa…
Pero hindi nakauniporme. Alam mo we should… I know that it is not advisable but the only way to really counter the anonymity of a criminal is also to fight the thing on the ground. Iyong mga — there should be [unclear] detectives again at ito ‘yung magpasyal lang.
Sa mga kababayan ko, we just had our — we just had our meeting, katatapos lang namin. And I’d like to report to you that the talks centered primarily on COVID and what is there for the Filipinos to hope for; and we had the BARMM problem, transfer ng Cotabato to BARMM; and of course criminality.
First is sa COVID. Sabi ni Secretary Duque kung talagang if we go by the rules, lahat-lahat na, it will be on April.
I just had a talk with the Ambassador of Russia, the outgoing, and we had a serious one-on-one talk and they said that Russia is coming in. Mayroon lang sigurong tinatapos and they would want to establish here. Gagawa sila ng planta — pharmaceutical, pharmaceutical lang naman, and ang vaccine papasok rin sila.
Para sa akin, it’s either China or Russia okay na ako. Wala akong… Sabi nila ang Pfizer, Moderna, ‘yung western, US. Okay rin ‘yan kasi may proseso nga eh. They are using the same protocol in arriving at a certain finding sa COVID using the same germ, using the same — so wala ng iba. So magsabi lusot ‘yung iba unless there is really a faulty procedure. Pero kung na-inject na sa mga tao at nabigyan naman ng protection, ang lalakas na ng loob eh kasi may ano na, puwede na.
But this I can assure you again na nakahanap na ako ng pera. I have the money already for the vaccine but hahanap pa ako ng maraming pera because you know there are now 113 million Filipinos.
And to me, ideally, all should have the vaccine without exception. Lahat, para mayroon kayong lifetime — whatever, but it can provide immunity. Panlaban ho ‘yung body, ‘yung armor mo, ‘yung sundalo mo sa katawan mo malabanan siya. And that is how the vaccine works.
Again, ang mauna ang mga mahirap na walang pera, hindi makabayad. Ang listahan ‘yung doon sa Pantawid iyon, we’re giving the — the help, the assistance, giving the help, the assistance of monetary sa mga tao. May listahan ‘yan, ‘yon ang sundin. Then pagkatapos to the public.
At — but para walang taguan, I want my soldiers pati ‘yung security forces ng bayan mauna rin kasabay ng first batch kasi kailangan ko ng mga sundalo at pulis na ready, healthy at walang COVID. And they are really vital to the security of the state for which reason they should be the first also.
Tayo, kaming mga civilian puwede tayong ma-last. Pero kung mag-offer… Ako nagahintay ako tawagin ako ng China or Russia. I’ll be glad to open up my sleeves and, “sige,” kasi may kumpyansa nga ako.
So those of you who are asking me kung safe ba itong China? Well, I can say that China is a modern country and it has all the wherewithal to make its country — whose integrity is fully protected by its achievement.
Second ho ang peace and order. Hindi naman masyado ‘yan. Kausapin ko lang si Secretary Año pagkatapos nito. Tapos iyong… Wala naman siguro, hindi na importante ‘yung iba.
Do not forget 8888. If there’s anything that you would like to complain about, if there’s anything.
Ito lang, itong mga contractor. The first whiff, makaamoy ka lang na hinihingian ka… Dito sa DPWH malakas ‘yan diyan. Projects, ‘yung mga project engineers, iyan, iyan lahat, road right-of-way, grabe ang corruption diyan. Walang — walang construction na uumpisa dito na walang transaction. Mayroon ‘yan.
If Congress would want really to know, ang mga project ng DPWH mayroon talaga ‘yan para sa give. Hindi ko — hindi ko alam kung sino. There are so many officials lined up in the bureaucratic maze so hindi ko alam kung sino diyan, pati ‘yung sa medisina and all.
Ang labanan lang ho dito ngayon is ‘yung droga. The policy remains. Wala akong iniiba. Basta ako pagka sinira mo ang Pilipinas, ang bayan ko, papatayin kita. Iyang sa human rights paulit-ulit akong sinasabi at sinasabi ko sa iyo, kayong mga durugista, aabutin talaga kayo ng suwerte ninyo.
You — you know, hinihingi mo eh. Para kang nag-suicide. If you commit suicide bakit ako ang mademanda? Ngayon kung papasok ka sa droga, gusto mo man mag-suicide. Eh kung mabaril ka ng pulis diyan pati militar, bakit mo ako sisihin na gusto mo mag-suicide? Ginusto mo eh. Pumasok ka ng droga, that is suicide. ‘Di ba? Iyan ang simple diyan.
Ngayon kung gusto mong mag-suicide, huwag mong idemanda ‘yung pulis, idemanda mo ‘yung military, idemanda mo ako sa… Anong klase iyan? Paano ang pagka-Presidente ko? Maging inutil ako. Kasi ang droga everyday, for God’s sake, everyday may droga araw-araw nahuhuli umaabot ng million. Million per million ‘yan everyday. So I expect the itong mga droga na nahuli, the big haul, ayaw kong makakita ng bodega na may p***** i**** droga.
As I have said, I would direct my Secretary of Justice, Justice — si Secretary Guevarra to talk to the Supreme Court na magkuha lang ng sample, random. Kung nandiyan, ang inquest fiscal magkuha ng sample maski anong direction gusto niya.
Tapos may test diyan mismo test na kaagad. And if it is confirmed three times — hindi lang isa, three times — ‘pag three times, sunugin na kaagad. And ‘yung samples na nakuha na na-certify ng fiscal, iyon na ‘yung ebidensya sa korte. Kasi ‘pag hindi, ang droga ninanakaw, nire-recycle. Pabalik-balik na lang tayo sa p***** i**** ‘to, walang katapusan.
So this has to end. Everything has an end. You want to end your life, you want to commit suicide, and have — you have to also help me end this. It’s — it’s a malaise thing, parang lagnat na naluya ang bayan natin.
So ‘yan ang mensahe ko. At huwag mo akong takot-takotin iyang human rights diyan. Hindi ako natatakot diyan. Useless ‘yan. Sino — sinong nagpa-publish-publish kayo, ako?
Kasi sabihin ko sa mga tao huwag na kayong magbasa. Hindi ako natatakot diyan. Anong sinasabi nila? Tama. Kung i-publish nilang ilang libro diyan? Tama. Tama ang ginagawa ninyo kasi ‘yon ang trabaho ninyo. Magkapera kayo, bayaran kayo, ‘yan ang trabaho mo.
Ako, iba ang trabaho ko. I protect the people. You might say you protect public interest. For what? For destroying the Filipino? Kalokohan.
So with that, maghintay lang kayo kay pabilis — pero nandiyan na ang bakuna kaya niluwagan ko na ang ano lahat.
Niluwagan ko na ang — may mga medisina, Remdesivir, pero sabi ko nagbili tayo. Mahal ‘yan, it’s about 14,000? Secretary — ‘di hindi — iyong Remdesivir?
SEC. DUQUE: Ang Remdesivir is about mga 3,500 — 3,500 to 7,000.
PRESIDENT DUTERTE: O ‘wag kayong matakot ma-COVID kayo. Pero ‘yung mga… Iyong mga durugista, ma-COVID kayo, put… Kung gusto mong tapusin ang Remdesivir anong… Kung maubusan ka Secretary ng Remdesivir, anong sunod ibigay mo?
SEC. DUQUE: Mayroon po tayong Avigan naman for mild to moderate. Iyong Remdesivir naman sir is for severe to critical.
PRESIDENT DUTERTE: Hindi, kung maubusan tayo ng Remdesivir maski na mild pagka — pagka nag-droga ang tao, it’s always serious ‘yung ano niya, hindi mild. Always serious.
Iyon lang ho. Pardon my mouth. Eh hindi nakontrol ng nanay ko noon, paano ko makontrol? Ang nanay ko…
You know, alam mo lumaki ako ng ganun eh. Probinsyano kasi ako tapos ayaw ninyong maniwala, magpunta kayo sa Davao. Hanggang ngayon tingnan mo ang bahay ko. Fiscal pa ako ‘yon na ang bahay ko. That’s about 30 years ago.
Kaya kuhang-kuha ko kayo. I mean, ‘yung lengguwahe ninyo pati ‘yung talkatise ninyo sa loob alam ko ‘yan. Kasi kung hindi ako pumasar ng Bar, nag-aral na rin ako noon paano mag-negosyo ng droga. Alam ko na pero hindi ko naituloy kasi na-abogado man ako.
Salamat. [applause]
— END —
SOURCE: PCOO-PND (Presidential News Desk)