PRESIDENT RODRIGO ROA DUTERTE: Today as we honor great Filipino hero Andres Bonifacio, we also honor our heroic frontliners especially our health workers — healthcare workers and uniformed personnel. They offered their lives selflessly in the service of our nation and people. Saludo ako sa inyo ganoon na lang.
Upon the recommendation of the Task Force sa COVID-19, the following areas will be under general community quarantine from December 1 to 31. Let me explain. Alam mo kasi [broadcast interruption] sa mga news hapon-hapon, wala talagang social distancing, walang — ‘yung iba hindi nagma — they did not wear mask, ayaw nila at matigas ang ulo.
Now, let me remind you that Europe and America are experiencing what they would call some say a third wave na pagbalik, mas marami ang nagkasakit ngayon at namatay. Ito this is a country which is rich na dapat may bakuna na, can afford it. And yet, maraming nagkakasakit, namatay for the simple reason na matigas ang ulo, ayaw eh.
Ngayon ‘yung sa Pilipinas, matigas ang ulo. But itong mga critics saying, “Eh bakit rumami?” Eh bakit hindi rumami na lumabas na ang lahat. Bakit mapigilan mo? Mapigilan ng gobyerno? Mapakain ba ng gobyerno ang lahat? Iyan ang istorya diyan.
Kung hindi sila maglabas ng bahay, can you sustain their lives while inside the house? Nobody is buying food, hindi na kikita, walang trabaho, wala lahat. Kaya napipilitan lumabas. It’s between hunger and the spectacle of [broadcast interruption]… Mamili ka diyan. Pero ang akin na lang if you wear a mask, a face mask, and a — itong mask dito sa loob… [broadcast interruption] Na tumira ng bahay — eh safety gadgets. [broadcast interruption] Ang magpaiwan kami…
The quarantine classification ay ang National Capital Region, Batangas, Iloilo City, Tacloban City, Lanao del Sur, Iligan [City], Davao City [and Davao del Norte]. The rest of the country will be under modified general community quarantine from December 1 to 31. Modified lang.
Hindi kasi you know Davao del Norte does not want to be called Davao del Norte. They have passed a sort of a resolution. They only want to be called Davao. Gusto nila Davao lang. They want to claim the sole title of being Davao. Kaya kaming taga roon basta Davao del Norte, Davao lang kami.
At this point, I will ask our resource person and people who are behind COVID-19. Kayong mga critics ba na hindi na-handle ng gobyerno. Alam mo pagka-stupido talaga ninyo.
Ang gamot lang — ang ano lang diyan, ang panglaban lang ng COVID is wash your hand, tapos wear a mask, and stay home. Iyan lang ang medisina diyan. Walang… Hindi mo mabili sa botika ‘yan. Hindi mo mabili sa mga utak ninyo. But some writers for reasons known… [broadcast interruption] May nagsasabi na hindi… Walang gamot ‘yan, nasa hangin ‘yan. [broadcast interruption] Mask, may ubo, that moist that you spewed out through your nose or mouth, that travels a long way. Walang ano diyan usually ‘yan, ‘yan ang lumalabas. Hugas ng kamay, keep clean, then wear a mask, then stay home.
Ngayon, ‘yang stay home ano ‘yan it’s highly debatable. You cannot insist on the theory that they will go out — they get out, they get the COVID. But wala nang makain. So ‘yan. Walang gamot except the vaccine. Huwag mo akong…
Let’s start with… Unahin ko na ‘to ha. Itong mga legal fronts ng komunista, lahat ‘yan, Makabayan, Bayan, they are all legal fronts, Gabriela. Hindi ‘yan sila — we are not red-tagging you. We are identifying you as members in a grand conspiracy comprising all the legal fronts that you have organized headed by NDF tapos ‘yung [broadcast interruption] sagol ang New People’s Army, NDF at Communist Party of the Philippines.
[broadcast interruption] Ilang tao na na galing doon sa inyong kam — [broadcast interruption] at openly have attacked you, not only criticized, for your sheer brutality in this communal war. Communal war ito. There is no longer any ideology. Wala itong mga komunista wala ng ideo… [broadcast interruption] They do — gusto lang nila umagaw ng gobyerno. Mga bobo naman ang p***** i**. Sinong mga bright? Si Sison? Iyon ‘yung bright si Sison? Susmaryosep. Iharap mo si Sison sa akin, magdebate kami.
Ano nakuha mo diyan sa ideology na ‘yan communism? They are accusing [broadcast interruption] red-tagging you. No, the Armed Forces of the Philippines is very correct. You are being identified as the members of the communist. Alam namin. Iyon ang totoo. Hindi red-tagging. Iyang si Zarate, si — lahat kayo.
Kita mo [broadcast interruption] tapos abugado ng… Susmaryosep. Alam mo sabihin ko nangangailangan ka ng pera. That’s the only reason. Komunista ka to defend an oligarch. Hindi ka naman summa cum laude. Pareho naman tayo pumasa ng bar. Kung magsalita ka you make it appear that we are milking the government of… [broadcast interruption] It’s you.
Alam mo sa totoo Zarate ‘pag nakikita kita sa TV, para akong nakakita ng tae ng iro, para akong nakakita ng tae ng aso. Sa totoo lang. [broadcast interruption] Bantay ka sa akin.
Now with… Let’s ask the Secretary of Health to render his report.
DOH SECRETARY FRANCISCO DUQUE III: Magandang hapon po, Ginoong Pangulo, at Senator Bong Go, at akin pong mga kasama sa
Gabinete ay pahintulutan niyo po ako na makapagbigay ng pinakahuling ulat patungkol po sa ating COVID-19 response at ang mga iba’t ibang rekomendasyon ng IATF patungkol po sa ating community quarantine status this December.
Although, narinig ko po kayo, Mr. President, nabanggit niyo na po kung ano-ano ‘yung mga lugar na sasailalim sa bagong community quarantine for December 1 to 31, 2020. Hindi ko na po siya uulitin.
[Can we have the next slide, please. Ayan.]
Ngayon pong November 30, 2020, mayroon pong nadagdag na 1,773 new cases at umabot na po tayo sa 431,630 cases total. At sa naidagdag sa ating mga kaso na 1,773, 419 po ay galing sa NCR, 363 sa Region IV-A, 203 sa Region III, 166 po sa Region VI at 622 po sa mga natitirang rehiyon.
Para naman po sa ating active cases, ang kabuuang bilang as of November 30 ay nasa 24,580 or 5.69 percent po ng ating pangkalahatang bilang ng mga kaso. At sa kabilang dako naman po, ang ating recoveries ay umabot po sa 398,658. Ang recovery rate po natin ay nasa 92.36 percent. Habang ang bilang naman po ng pumanaw ay tumaas nang bahagya sa 8,392 at ang atin pong case fatality rate ay nananatiling nasa 1.94 percent.
[Sunod na slide, please.]
Dito po makikita natin patuloy pa rin ang pagbaba ng ating mga kaso as seen in our epidemic curve. Ang DOH kasama ng mga eksperto ay inaaral nang mabuti ang decreasing trend na ito. Ito ay upang mas magabayan ang lahat lalo na ang publiko upang mapanatili natin ang pagbaba pa ng mga naitatalang kaso on a daily basis. At layunin din nito na malaman ang iba pang mga hakbang at mga interventions na maaaring maisagawa karagdagan sa ating mga minimum public health standards.
Patuloy ang ating paghahanda sa ating mga health facilities kung sakaling magkaroon po tayo ng post-holiday surge. Ngayon — ngunit mas mainam po kung ito ay ating maiwasan kaya naman po hindi kami magsasawang magpapaalala sa lahat na hindi po tayo maaaring maging pabaya o maging mapagluwag or complacent kahit na po pababa ang ating mga kaso.
Kung ikukumpara ang kabuuang bilang… [Next slide.] Kung ikukumpara ang kabuuang bilang ng mga COVID-19 cases ng bawat bansa, ang Pilipinas ay nasa pang-27th sa bilang ng total na kasong naitala. Habang pang-44th naman po tayo sa number of active cases.
So kaya naman hihingiin namin ang tulong ng lahat ng ating mga national government agencies and local government units upang paalalahanan ang lahat na mag-i-ingat sa darating na Kapaskuhan. Mabuting manatili sa bahay at magkaroon lamang ng maliit na salo-salo kasama ang immediate family members upang maiwasan hindi tayo mahawa at ang ating mga kapamilya.
Para sa ating mga kababayang biyahero at biyahera, maigting nating ipinatutupad ang Joint Administrative Order No. 2020-001: “Guidelines on the Proper Use and Promotion of Active Transport During and After the COVID-19 Pandemic” para masiguro ang ligtas at ang malusog na alternatibo na ma — mapaibayo sa public transportation.
Nakatala sa JAO No. 2020-001 ang pagtatag ng mga safe networks of cycling and walking path na maaaring gamitin bilang alternatibo sa paggamit ng pampublikong sasakyan.
Dinedetalye rin sa JAO ang mga benepisyo ng active transport lalo na po sa larangan ng pagpapanatili nang magandang kalusugan gaya ng ehersisyo na para rin sa ating mga mamamayan.
Patuloy ang kooperasyon ng DOH, ang DOTr, ang DILG, at DPWH upang masiguro ang pagkakaroon ng mga ligtas na networks na ito para po sa kapakanan ng ating commuting public. Gayundin, upang mas mapalawak ang benepisyo nito, we are requesting for everyone’s cooperation lalo na ang ating mga LGUs upang maihatid ang isang ligtas na pagbiyahe saan mang sulok ng bansa.
Pinaaalalahanan din namin ang lahat ng — habang abala tayo sa preparasyon para sa Pasko at Bagong Taon, narito pa rin ang banta ng COVID — inuulit ko po — narito pa rin ang banta ng COVID-19.
Kaya naman nararapat ang ibayong pag-i-ingat upang panatilihin ang kalusugan at kaligtasan natin at ng ating mga mahal sa buhay, lalong-lalo na sa ating araw-araw na pagbibiyahe para sa ating trabaho. Sa simpleng pagsunod sa mga minimum public health standards natin sa pagbiyahe, siguradong regalo ng kaligtasan at kalusugan ang mahalagang matanggap ng bawat isa ngayong holiday season.
Dito na lang po ako magtatapos, Mr. President. Maraming salamat po.
PRESIDENT DUTERTE: Thank you, Secretary Duque, for that very educational purport. At least one word… [broadcast interruption] Everything dito sa COVID-19 insofar as our country is concerned.
Now, we will go to Delfin Lorenzana to…
DND SECRETARY DELFIN LORENZANA: Good evening, Mr. President.
Dagdag lang po doon sa mga report ni Secretary Duque, ang ginagawa po ngayon ng National Task Force COVID-19 ay minamanmanan natin ‘yung mga lugar na mayroon pang kaunting pagtaas — hindi naman gaano pero tayo’y nag-iingat lamang na hindi umangat nang malaki — tulad ng Iloilo, Tacloban, Lanao Sur, Iligan, Davao City, at saka Davao province.
Kaninang umaga po, nagpadala tayo ng dagdag na mga doktor at saka nurses sa Davao para matulungan natin ang Davao.
Doon naman sa ating OFWs na umuuwi, mayroon nang nakauwing 333,697, Mr. President, ang napauwi na natin dito.
Ngayon, mayroon lang akong ire-report sa inyo, Mr. President, tungkol dito sa LPA, ‘yung low pressure area na paparating sa northern Luzon. So ang estimate ng ano ng PAG-ASA ay magkakaroon na naman nang malakas na ulan diyan sa Cagayan Valley. Kaya ‘yung ating mga NDRRMC units at saka ‘yung mga tropa natin ay naghahanda na naman para tulungan ‘yung mga taong maaapektuhan ng pagbaha, Mr. President. Thank you.
PRESIDENTE DUTERTE: Next, I’d like to call Secretary Galvez to…
PRESIDENTIAL ADVISER ON PEACE PROCESS AND NTF COVID-19 CHIEF IMPLEMENTER CARLITO GALVEZ JR.: Sir, dagdag lang po sir sa ano sa Davao, dalawang beses po tayong pumunta sa Davao dahil kasi umaangat po ang kanilang mga kaso.
So nagpapasalamat po kami kay Secretary Lorenzana dahil po nagpadala kaagad ng ano ng reinforcement na 25 na medical personnel, anim na doktor, anim na nurses, at saka 13 na nursing staff. Malaki pong tulong po ‘yon dahil kasi binisita po namin ang SPMC dahil kasi overwhelmed po ‘yung SPMC na po natin.
Nandoon din po si ano si Usec. Vega at siya po ang nagtalaga ng one-stop — tinatawag na One Hospital Command. Pinag-isa niya po ‘yung referral system ng ating ano — ng ating civilian hospital at saka po ‘yung SPMC at nagdagdag na po ng 20 percent na bedding capacity ang ating mga civilian hospitals.
Sa ngayon po, ‘yung team natin po na galing po sa Cebu, na nag-a-ayos sa Cebu, nandoon po si Major General Feliciano…[broadcast interruption] Inaayos po nila po ‘yung ano ‘yung sistema, ‘yung referral system at saka ‘yung emergency operation system.
At nakipag-ano na po kami kay ano — ni Secretary Año noong pumunta po kami doon, nakipagpulong po kami kay Mayor Sara na tutulungan namin po ang Davao na para bumaba po kasi nakita po natin talaga umaakyat ng 68 percent noong mga nagdaang araw.
Sa ngayon po, medyo nag-i-stabilize po ang ano — ang Davao na. At nagpadala na rin po tayo ng mga tinatawag po natin na high-flow nasal cannula at nagpadala rin po tayo ng mga Avigan [broadcast interruption] na mga compassionate drug para po makatulong po sa mga severe cases po natin.
So iyon po ang ginawa po natin noong nagdaang ano po… Nagpunta po kami ng ano noong last week at saka noong last Monday and Tuesday po doon. At ‘yung buong team po ng Cebu, dinala po natin po doon sa Davao para tumulong din po. Si Major General Feliciano po at saka ‘yung kanyang team.
PRESIDENT DUTERTE: Thank you.
Iyong… Kasi… I’d like to repeat what I said. When you mentioned Davao del Norte, you have to just say Davao. Davao City is Davao City. But Norte, [broadcast interruption] do not use — officially, nobody is using Davao del Norte anymore sa mga correspondences is Davao. Oo. Eh gusto nila na kanila ‘yung ano eh — Davao. Sige lang.
SEC. GALVEZ: So iyon lang po, Mahal na Presidente, and thank you very much po.
PRESIDENT DUTERTE: Thank you very much, Charlie.
Secretary Año, do you have something to say?
DILG SECRETARY EDUARDO AÑO: Yes, sir. Magandang gabi po, Mr. President.
Magbigay lang po ako ng mga updates po sa mga mino-monitor nating cases. Sa criminal cases po: out of the 782 complainants with 1,278 suspects — ito po ‘yung mga iniimbestigahan natin sa mga SAP anomalies — mayroon po tayong 367 na naimbestigahan; ang 270 ay nai-file sa prosecutor; ang 30 ay nasa court na po; at ang 27 ay na-refile sa Ombudsman.
Sa administrative cases naman po involving barangay chairmen: ang 184 po ay nai-refer natin na sa prosecutor or sa fiscal; ang 57 po ay nasa korte na; at 66 ang nai-refile sa Ombudsman; at mayroon tayong kasalukuyang under suspension na 89 barangay chairmen.
Sa telcos naman po, iyong mga pinag-utos ninyo na para mapabilis ‘yung ating applications sa mga towers. Mula po noong pinag-utos ninyo ‘yung mabilisang approval ng mga telcos sa application — mula po noong pinag-utos ninyo ay 2,220 na po ang na-approve at 712 na lang po ‘yung pending.
Sa contact tracing naman po, mayroon na tayong 263,698 contact tracers na siyang bubuo sa 30,540 teams at mayroon po tayong 1:6 close contact ratio at 95.87 percent efficiency.
Sa bagong hinire (hire) po natin na 50,000 additional sa Bayanihan 2, 48,920 na po ang nagtatrabaho. Ngayon pong darating na Pasko, ang ating mga LGUs at lalo na po ang mga NCR mayors ay nagsisipaghanda para sigurado na mabantayan po natin itong COVID.
Wala pong katulad po ng plano na hindi po papayagan ang Christmas party, hindi rin papayagan ang Christmas caroling, wala pong mass gathering. Iyon pong family reunion ay isang considered na mass gathering. Katulad po ng sabi ni Secretary Duque, immediate family na lang sana ang mag-celebrate ng Christmas together. At kailangan po ang minimum health standard ay ipatutupad.
Para na rin po sa Kapaskuhan ay doon po sa pinag-utos natin na puwede ng gradual expansion ng mga age group para makalabas, ang mga minors po basta accompanied ng mga magulang ay papayagang makalabas at makapunta sa mall. Ito po ay pagtitibayin sa mga ordinansa ng ating mga NCR mayors sa lugar po ng GCQ.
Dito naman po sa aking ulat para doon sa ating ongoing anti-illegal drug operations during the pandemic, mula po noong November 16 to 26, nakapagsagawa po ng siyam na operasyon ang ating Philippine National Police; nakapag-aresto ng 14; at nakapagkumpiska ng 4.130 kilos of shabu na umaabot sa 28,084,000.
Amin pong napansin na dahil din sa kahirapang makakuha ng shabu, mukhang unti-unting bumabalik naman po sa paggamit ng marijuana ang ating mga — ang mga drug addict.
Ayon po sa ulat ng Philippine National Police under kay General Sinas, kahapon po sa Balintawak, Quezon City, along EDSA, nag-conduct ng buy-bust operation na nagresulta sa pag-aresto ng tatlong tao at kumpiskasyon ng 128 blocks of marijuana or a total of 128 kilos worth 15,360,000.
At noon pong November 24, 2020, tatlong plantasyon ng marijuana ang na-discover ng ating PNP dito po sa Kibungan at sa Bakun, Benguet. At nakapag-uproot, nagsunog po ng 28,800 marijuana trees na nagkakahalaga ng 5,760,000.
Mula po noong January 1 hanggang September 30 po, ang PNP at ang PDEA po ay nakapagsagawa ng mga operasyon na nagkaroon nang pagsamsam ng shabu, cocaine, ecstasy, at marijuana.
At ito po ay umaabot sa 12.47 billion worth of shabu, cocaine, ecstasy, and marijuana. So patuloy pa pong paiigtingin ang kampanya laban sa droga.
Marami pong salamat.
PRESIDENT DUTERTE: We have come to the part where I have to honor the — my commitment to the people to report the progress of our campaign against graft and corruption. Mayroon ditong mga pangalan [broadcast interruption] that were mentioned thereafter.
May mga pangalan dito na nagkakaso pero nadesisyunan lang ngayon lang. So you know, iyong [broadcast interruption] but naabutan na sila ng panahon. Itong mga ito nadismiss ito with finality ngayon lang itong sa taon na ‘to.
So I will begin.
- Nasser Pangandaman, Secretary – Dismissed;
- Rowena Agbayani ng DAR – Dismissed;
- [Ronald] Venancio ng DAR – Dismissed;
- Teresita Legaspi [Panlilio] ng DAR – Dismissed;
- Ricardo Oblena ng DAR[broadcast interruption];
- Doroteo Galavia, Department of Education – Dismissed;
- Lucinda Dela Cruz, Department of Education – Dismissed for extortion;
- Mary Ann Sta. Maria Parcon, DepEd – Dismissed for extortion;
- Rebecca Teodosio Esto – Dismissed for graft — ano ito sa[broadcast interruption] Libacao National Forestry Vocational High School in Aklan;
- Dorothy Calimag – Dismissed;
- Exequiel Arevalo Jr., PNP, PO3 ‘to -Dismissed;
- Ferdinand Relasyon, Police Inspector/Chief of Police – Dismissed;
- Renato [Masangkay], SPO1 – Dismissed, PNP;
- Louie Senolos, San Andres, Quezon – Dismissed;
- Pedro Ruiz [Jr.], LGU, San Andres – Dismissed;
- Renato Fontanil,[broadcast interruption]Quezon;
- Royle Macandog, Municipal Treasurer – Dismissed. Itong si Ruiz, si Fontanil, pati si Macandog, puro tresurero;
- Sergio — Sergio[broadcast interruption] [Sergio-Sergio ka diyan] Emprese, Mayor – Dismissed;
- Sheila May Llanto, OIC-Municipal Accountant – Dismissed;
- Constancia Salonga of San Antonio, Nueva Ecija – Dismissed, grave misconduct;
- Daisy [Pili] – Dismissed for misconduct;• Reynaldo Policarpio, LGU, San Jose del Monte, Bulacan – Dismissed;
- Reynaldo San Pedro…
[broadcast interruption]
Barangay Tigaon, Camarines Norte – Dismissed, barangay chairman ‘to;
- Eduardo Ravena, Chief Accountant / Executive Assistant, Bacolod City, Negros [Occidental] – Dismissed. Puro graft ‘to ha.
- Sherwin Antazo, LGU, Barangay Binangonan, Rizal – Dismissed;
- Romeo Roseos, Barangay [Clerk], Davao City – Dismissed;
- Renerio Raboy, Barangay Captain – Dismissed;
- Boyet Geronimo, sa Pangasinan – Dismissed. LGU ‘to ha.
- Tito Fernandez, LGU, Pangasinan, Malasiqui – Dismissed;
- Ivan Siy Alcarioto, Barangay Captain – Dismissed;
- Danilo Casasola [Sr.], Barangay Captain of Sampaloc Manila – Dismissed;
- Merlinda [Cuevas][broadcast interruption] of Sampaloc District – Dismissed, Barangay Councilor ‘to;
- Barangay Councilor [Ferdinand] Mojica – Dismissed;
- Gilbert Pineda – Dismissed;
- Luzviminda Torres – Dismissed;
- Rafael Palisoc [Sr.], Barangay 779, Manila – Dismissed;
- Rodolfa Flores, LGU, Barangay 509, Sampaloc Manila – Dismissed;
- Teresita Reyes;[broadcast interruption]
- Rogelio Capiral – Dismissed;
- Bel Altares, LGU – Dismissed;
- Maria Alicia Providencia, Treasurer of Zamboanga del Sur, San Pablo Municipality – Dismissed;
- Mosibicak Guiabel, Maguindanao -Dismissed;
- Ann Rutche Moreno, Lianga, Surigao del Sur – Dismissed;
- Florufina Pelismino – Dismissed;
- Nena Quijano – Dismissed;
- Renato Tubo – Dismissed. Sa Dinagat Island ito. Mukhang halatang naubos ang ano doon.
- Nena Quijano, Mayor – Dismissed;
- Renato Tubo, BAC Member, ah isang transaction ito.
- Rosalina Cuadra – Dismissed;
- Rosemarie Luib – Dismissed;
- BAC [Chairman] Wilfredo Laid — BAC Chairman — Dismissed;
- Toribio Reyes [III], sa Dinagat also – Dismissed;
- Jed Patrick Mabilog, Mayor, Iloilo City – Dismissed for grave misconduct, serious dishonesty, and conduct prejudicial to the best interest of the service;
- Jessie Galano, Paoay, Ilocos Norte – Dismissed, abuse of authority, conduct prejudicial to the best interest of the service, grave misconduct, lahat na itinapon sa kanya.
Mayroon pang dagdag.
- Brian Tuanquin, AFP – Dismissed, disgraceful and immoral conduct and serious dishonesty;
- Ethelbert Aaron Kiunisala – Dismissed, Captain, AFP;
- Nilo Olimpo, AFP – Dismissed, Technical Sergeant;
- Delia Morala, Operations Officer, Bureau of Customs – Dismissed;
- Julito Vitriolo, CHED – Dismissed;
- Luben Quijano Marasigan, Agriculture – Dismissed;
- Apipa Usman Manalocon – Dismissed, sa DAR ito sila, Accountant;
- BAC Member Beverly Faith Tanggol – Dismissed;
- Faisal Dimaporo Macabato – Dismissed;
- Minisah Pundamudag Solaiman, Acting Cashier – Dismissed.
Siguro mukhang nasabi ko naman lahat. Dalawa iyang infamous ano dito mayor. Alam mo kung sino iyong isa? Iyong si Parojinog.
Ngayon, itong mga pulis — kayong mga pulis, p**… May mga pulis diyan sa Zamboanga del Sur na nagtatayo ng parang reviving the — itong gang ni — humahawak sa Ozamiz? Kuratong Baleleng. Mayroon diyan, I read sa briefer mo galing ata sa iyo iyan. [broadcast interruption]
Better shape up [broadcast interruption] … Gusto mamatay nang maaga. Hindi niyo kaya ang gobyerno. Patayin mo man si Año, patayin mo ako, patayin mo si ano, Lorenzana, buhay pa rin ang Republika ng Pilipinas.
Again, I would like to say something about the communist. Again, may I repeat, for the nth time, we are not tagging you. We are identifying you as communist. It’s a grand conspiracy. So the liability of a mere soldier, is the liability of all the members of the organizations, iyong mga front.
So, one of the… [broadcast interruption] … what to do with you, including the members of Congress. [broadcast interruption] Matagal na iyan, sa Davao pa nakikita ko na iyan. Talagang iyan ang [garbled] na hindi nakita ng radar ng military noon eh. Ang nakita noon na high profile si Ela… [broadcast interruption]… pero itong si Zarate, hindi.
You are a… [broadcast interruption]
And sabihin you are friends with the NPA, you are co-conspirators. Komunista ka, adre, matagal na alam ko. Alam ko kasi alam ko.
Mayor ako ng Davao noon, nagkikita-kita tayo. I treated you as… Pero I was… [broadcast interruption] Noon ‘yon kasi… [broadcast interruption] Presidente na eh. So harap-harapan na tayong magbulgaran dito. Sino ka? Iyan ang tagline na ngayon. Sino ka? Sinuka ka ng buong Pilipinas.
Mga maliit lang man kayo. You cannot hope to… You are clinging to the last vestiges of… Ang makaawa nito itong mga pobre na taga-bukid na madadala ninyo.
And I think 75 percent, at least in Mindanao, mga Lumad. Kayong mga Lumad, umuwi kayo. Sabihin ninyo sa mga tao ninyo na niloloko lang sila ng — niloloko ng ano, ng NPA talaga. Totoo ‘yan. Ang maraming namatay ang Lumad.
So if this thing goes on, the Lumads, ‘yung native na Pilipino talaga, it will become an extinct tribe. ‘Pag hindi kayo — ‘pag hindi kayo huminto diyan, lumayas, forever kayong wanted. Hindi ka na makababa at ma-timing-an ka…
Eh sabi nga ni Parlade sa Armed Forces, delikado kayong mamatay kayo sama-sama kayo diyan. O kita mo ‘yung kay [Cullamat] — Cullamat. O ‘di anak niya mismo, babae pa. Ah sigurado patay ‘yan. Babae ilaban mo sa sundalo? Ah patay sigurado. Iyan ang…
Kayong mga Pilipino na mga dreamers, you dream of a country, gusto ninyo ano, ‘yung utopia. [broadcast interruption] It’s not possible here. You have to realize that.
Walang red-tagging-red tagging. Talagang komunista kayo, talagang kasama kayo. Time will come.
So sa mga kababayan ko, medyo naibigay ko na ‘yung input sa inyo sa mga araw na ‘to. I’ll be back every Monday ata. So nandito ako. I’ll stay here for the longest time before Christmas. Sana huwag na magkabagyo-bagyo. Hanapin na naman tayo.
I repeat ha para hindi — ‘yung hindi nakarinig. Noong matapos ako nag-oath, in-interview ako ng media. Iyan, ‘yan ang media, ilabas ninyo ‘yung tape, lahat. “What is your work ethics?” Well, I am a night person. At alam ko naman kasi mayor ako, the state papers that would come my way, I will have to read it before sign it. I cannot just sign it just because a subordinate has already initialed it, na nabasa na nila, na okay for signature.
Binabasa ko ‘yan. So it takes me until morning time. So matulog ako. So matulog ako niyan mga alas kuwatro, alas singko, [broadcast interruption] alas dose. I told you frankly, my day starts at 12 — at 2 o’clock in the afternoon pero hanggang gabi na ako, papunta ng gabi. Walang limit na ‘yan kung mayroon pang tao.
But for the reason na ganoon nga ang body clock ko and I have a job to do, and you have to do it right. And what do you do? What do you mean? You really have to read what you sign. Hindi ka puwede magpirma diyan. Ganoon ‘yan kakapal ‘yang papel diyan sa opisina. Tapos sabihin ninyo hindi nagtatrabaho. Palit tayo. Matutunaw ‘yung utak ninyo.
Lalo na ‘yang sa finance. I have to, you know, call people and sort out first. Masyado — hindi naman ako sa… Sabi ko sa inyo I am a lawyer but ang specialty ko criminal law. Kung hindi ako naging abugado, criminal na ako, walang law. Wala mang trabahong iba. [broadcast interruption]
So I’d like to see you again next time. Stay safe. Ayaw ng ano — walang — walang remedyo itong mga torpe na ito nagsabi na it’s not handled… Halos kinukulong mo na ang lahat nagugutom naman. So luwagan mo because they have to eat, they have to survive.
Simple man lang, maghugas ka ng kamay, wear a mask. Kung wala kang gawain, stay home. Ano ba namang na-mishandle namin diyan? Wala namang pera for… Medisina.
Well ito, malaki ‘to but it’s being handled by a competent group of men whose integrity [broadcast interruption]… So your money is in safe hands.
Salamat. [applause]
— END —