Speech

Talk to the People of President Rodrigo Roa Duterte on Coronavirus Disease 2019 (COVID-19)


Event Talk to the People of President Rodrigo Roa Duterte on Coronavirus Disease 2019 (COVID-19)

PRESIDENT RODRIGO ROA DUTERTE: Just sit down, kindly. Okay, this meeting is called to order.

Now, may I just give you a few words before I forget that we are nearing Christmas Day and I hope that everything — hindi naman sabihin na walang problema. But if we could just minimize the problem for the Filipino. Iyan nga ‘yung sinasabi mo.

So magandang gabi sa inyong lahat. Christmas time is about a few days from now. Sundin lang natin ‘yung culture. But remember the word “but”, but there are rules to be followed at this time of our national life.

It is not everyday but it’s nobody’s fault actually that there is a virus, a microbe, that invented itself, and ang balita sa — I think somewhere in Canada or America — that there’s a mutant, which make it hard for the medical people to deal with the problem, doubly hard.

I hope it would not land on our shores and they can limit whatever adverse effects it would impose on the people. We have suffered enough and to suffer more is not acceptable anymore.

Ngayon, we will start with the — I have some many messages. Pero bago sa lahat, again, I’ll repeat: Please continue to obey the protocol, at saka itong ano — the mask. When you go out, indoor… Ako dito may ano ako — it’s a filter in front of me. And I cannot talk… I just simply… Off my ano ako sa — off tangent ako sa mga sinasalita ko kung may mask ako pati kay — ‘yung shield. Anyway, I have it and after that, I’m going to use it.

Kayong mga kababayan ko, sumunod ho kayo sa mga patakaran ng gobyerno. Para sa inyong lahat ito. Kaunting tiis na lang. Nandiyan na ang bakuna.

How ready we are — how ready are we? Well, let’s listen to General Galvez and the Executive Secretary Medialdea. In the meantime, we wait for the vaccine because unless walang bakuna, wala talagang pahinga dito. Either baka tatamaan ka or you just well palapsin (lapse) mo lang. The problem is there can never be — you can never be a safe guy to talk to.

May — alam mo ha ito ang importante, nasabi ko na ito sa Cabinet meeting, may Cabinet meeting kasi kami kagabi. But mayroon kaming kaibigan sa Davao na kasama namin sa big bike. And this guy is so professional, they have every group that would want to tour the Philippines by big bike sumasama talaga ito siya. Mine, I toured the Philippines almost — ewan ko mga 10 years ago o mas bata pa. And for me, he was really a known person sa bikers’ world. Eh bravado ito eh.

Makinig kayo ha kasi ito — he’s from Davao but ang ancestry from I think somewhere here Pampanga. Iyong lalaki na-COVID, ‘yung biker. So ‘yung the penchant of a person to procrastinate — procrastinate is putting it off to another day what should be done today. Ayan bukas na lang, bukas na lang, o maghanap ako ng panahon. Ganun ang nangyari. So he got infected and dinala siya sa hospital. I think as usual parang na-coma. Ang problema ‘yung asawa niya two days after, also got the COVID. So dinala rin sa hospital. Ang asawa niya na nahuli na infected, died. Siya doon sa ICU, one day after, also died.

Iyong silang mag-dalawang asawa — ang asawa pati — both of them did not know of the death of the — either. Namatay sila hindi nila alam. Eh tinamaan sila ng COVID eh medyo may edad na ‘yon si Boy. Kung tawagin ko lang “Boy.” Iyong ang nangyari. So na-double whammy. And because I know the family, I — ang sama talaga ng loob ko, sabi ko isabi ko ito.

So kayong mga mag-asawa, kayong mga may mga anak: Be careful. If your spouse got it and you do not know, you sleep together, and both of you get infected, then that’s the end of the story of your life. Ang sama ang ending. Ang akin diyan ‘yung mga bata. Iyon ang…

Hindi ako nagbibiro. Sabihin ko na lang siguro tutal… Alam ninyo taga-Davao ‘to but he was a popular personality sa biker. His name was Boy Pineda. Biker ‘yan. At ‘yung siya — siya ‘yung nauna pero ang unang nadala sa ospital ‘yung asawa. ‘Yung transmission ng…

Tapos namatay ‘yung asawa sa ospital, siya sa ospital hindi niya nalaman namatay naman ‘yung asawa. So sinasabi ko ito para din malaman ng mga bikers ng buong Pilipinas. Kilala ito. And not a lesson to be — well, lessons in life along the way.

So huwag kayong magkumpiyansa. Sinabi ko sa inyo this is a very lethal thing. Ako nga wala akong masiguro. I can never say that I am safe here or I can be safe ever until nabakunahan tayong lahat. And the one thing that’s really which is b***s*** to me iyong iba kasing virus once you get it, you acquire an immune. So hindi na babalik ‘yan kay may smallpox, German pox. Iyong mga ganoon na tayo tinurukan. Ako Grade — I remember Grade 2. Hindi na tayo.

Pero ito, there is no guarantee that your immune system will still recognize the… There is something wrong in this… Huwag kayong magkumpiyansa. So follow rules.

Secretary Duque will talk about it more. So I give to you the floor, Secretary Duque.

DOH SECRETARY FRANCISCO DUQUE III: Bilang paghahanda sa atin pong inaasahan surge at base sa pag-aaral na ginawa ng FASTER at ating kasalukuyang utilization rates, kinakailangan tumaas ng atin na COVID-19 dedicated beds at mechanical ventilators sa pamumuno ng ating treatment czar si Usec. Vega, One Hospital Command Center, at health facilities ang infrastructure development team.

Hihingin natin ang commitment ng mga ospital lalo na ang mga pribadong ospital na maglaan po nang sapat na bilang ng kama at mechanical ventilators para po mapaghandaan po natin nang sapat ang posibleng surge in the COVID caseload.

Gayundin nananawagan kami sa lokal na pamahalaan na siguraduhing tayo ay magkaroon nang sapat na isolation beds sa atin pong mga TTMFs bilang paghahanda sa pagtaas ng mga kaso at close contacts na kinakailangan i-isolate at i-quarantine.

Patuloy rin ang ating pakikipag-ugnayan sa mga laboratoryo upang masigurado na patuloy ang kanilang operasyon kahit na sa darating na Kapaskuhan. We have already advised them, Mr. President, na kahit na Pasko, tuloy — tuloy ang processing, ang testing, ang swabbing ng atin pong mga kababayan.

In fact, Mr. President, as of — as of December 12, ang atin pong na-test na ay umabot na sa 6.2 million specimens or equivalent to about almost 6 million individuals. At ang atin pong positivity rate ay nasa 8.7 percent cumulative, mula sa umpisa. But ang atin pong 7-day moving average testing positivity rate ay asa five percent na po and this is the benchmark that the WHO has prescribed at nakasunod na po tayo doon, Mr. President.

So sa bandang huli po, Mr. President, these are the reminders and recommendations at base sa aming iniulat ng national and regional updates, we remind our people of the following: Number one, ang pagtaas ng mga kaso ang hudyat ng ating inaasahang surge at kinakailangan ito nang agarang aksyon upang maiwasan o mabawasan man lang ang epekto ng surge.

Number two, kinakailangan ang mahigpit na pagsunod sa ating minimum public health standards, kagaya po ng ating paulit-ulit na ipinapaalala, ‘yung physical distancing no less than one meter, paggamit ng face shield, face mask at pag-iwas sa mga matatao and enclosed areas. Iyon pong mga kulob na mga lugar, kulang po sa hangin. Kung naka-aircon lang hindi po tama ‘yon, kailangan nakabukas ang pintuan, sir, para tuloy ang fresh air at maganda po ang air exchange.

Pangatlo po, iwasan ang mga gawain at lugar kung saan karaniwan ang pagtalsik ng laway. Tulad ng mga kantahan ‘no, pagsasalo-salo, pagkain nang magkakaharap o ‘yung buffet ‘no, at hindi paggamit ng face mask, face shield at protective barriers ano po. At pati pagtorotot ay ipinagbabawal na rin natin. We discourage — hindi ko pa ho napagbabawal — pero we discourage the use of these trumpets because parang kinakanyon mo ‘yung mga COVID virus ‘no.

At huli na lang po, kinakailangan nating palakasin ang ating public health and healthcare capacity sa lalong madaling panahon. Ginagawa naman po natin na ito. At we continue to scale up our capacities, both in the public health interventions or measures and also specifically in our hospital care capacity.

So ito lang po ang ibig ko pong iulat sa inyo, Ginoong Pangulo. At ako po’y nakikiusap, ihahanda lang po namin itong memo for you, Mr. President, na i — ano po ‘yung mensahe na puwede niyo pong sabihin sa atin pong mga kababayan dahil kapagka kayo po ang nagsasabi ay talagang nasunod po ang malaking porsyente ng atin pong populasyon.

Katulad nung measles, noong kayo po ang nagsabi na magpabakuna sila sa measles ay tumaas po ang ating coverage, sa polio ganoon din po. So malaking bagay po kung kayo ang nagbibigay ng tagubilin, Mr. President.

Maraming salamat po.

PRESIDENT DUTERTE: Let me just add. Iyang sinasabi ni Secretary Duque, ako, ako, ako, nakaturo ako. Alam mo ganito ‘yan, ang batas ginagawa ng Congress, I implement. In the implement — sa implementasyon gagawa ako ng — base doon sa batas na the executive — executive department may come up with measures to protect public safety, public health, public order — law and order, public ministry and functions, education ganoon.

Ngayon, bakit nanghuhuli kami? Ito ba’y krimen? Hindi po. It’s not a crime if you fail in the protocols. But if you are in public you get to be — ‘yang itabi ka, and you are brought to the police station or to the nearest swabbing outfit there at kung positive ka, pipilitin ka na.

So what is this? Ano ba ito parang komunista? No. It is the police power of the state — to protect public health, public safety, public interest. Kasi ‘yang tama mo diyan, hindi lang ‘yan diyan — hindi lang sa iyo. You are the kontrabida, hindi ‘yung mga tao na nakasalubong mo sa labas. You are the potential carrier of the disease. Iyong mga tao, wala ‘yan.

Ngayon, magkakaroon — mahawa ‘yan kung mayroon ka, itapon mo sa kanya. Iyon ang pilosopiya niyan. Pero kapag ikaw, kung gusto mo maghigop ng hangin diyan sa ilalim ng tulay, bahala ka. Then if you die, ah bahala ka rin.

Ang dito ang sinasabi namin, pinipilit kayo, hindi ito pang komunista. Talagang pinapayagan ito ng Saligang Batas. The Constitution itself provides that the president in implementing the law, ang batas para i — pata — paiiral nila, ko, ‘yung batas, I come up with rules and regulations.

So ‘yang Task Force ‘yon ‘yung aking governing body diyan, sila lahat, sa bakuna and everything. And all the Cabinet members contribute to the pandemic fight, sa airport kay Art Tugade, sa lahat. Sa lahat ng mga Gabinete, nagko-contribute ‘yan sila.

Secretary Roque is — his role is vital, very crucial kasi siya ang nagbibigay ng mga payo o anong mga — ang dapat sundin ng mga tao para tayo ay ma — kaunting mapayapa at hindi ma-wallop lahat.

Remember that there’s a first and second and third wave. Iyong hindi pa natamaan, mayroon pa ‘yang third. Now, pabilisan ito sa bakuna. Maya pagkatapos ni Charlie, ni General Galvez, I will talk about it. Idugdug — ano man? Idugdug — idugtong ko na lang. Anak ng jueteng. Isabit ko na lang ‘yang salita ko every — every speaker kasi may maidagdag ako.

Iyon. Let’s go to Art Tugade. Bago ako magsalita ito nagkakaroon ng… Saan ba ‘yung ano ko? Iyong kanya naman ‘yung sa RFID system na nagkabuhol-buhol. In the first place…

Ako… Ganito ‘yan eh. Hindi ako nakialam muna. Because the traffic rules and regulations and the enforcement, and the system itself sa isang siyudad, sa mayor ‘yan. Hindi sa amin. Sa mayor talaga ‘yan. Kung saan kayo magdaan, kung saan dito. Kasi siya ang nakaalam sa problema ng kanyang siyudad.

So you do not come barging in and overruling them because they have that inherent right, ‘yang business permit kasi ginagawa ng lahat ng mga mayors ‘yan. If you do not comply, then your non-compliance would result in the adverse —

it has adverse effect on the lives of people. The mayor has also a concurrent capacity also just like me to enforce the law. He uses ‘yung power niya sa business.

But that does not… It’s not… It was not enough, actually. More than just… Iyong sa suspension, nakatulong ‘yon. But mayroon rin ‘yang mga batas na just — you just you know… Pagkatapos ni Art, magsalita ako.

Art, ikaw na muna.

DOTR SECRETARY ARTHUR TUGADE: Isa hong instruksyon na sinabi ko, puwede ba ‘pag ambulansya, sabi ko ho, “Senator Bong Go, puwede ba ‘pag ambulansya at saka ‘yung mga trabahong kapulisan, huwag kayong mag-require-require diyan?” Kung anong lane ang puwedeng gamitin na, gagamitin nila. Why? Because life and safety is at issue.

Huwag niyo silang kontrolin. Hayaan ang free flow ng ambulansya at saka ‘yung mga kapulisan. Ito ho ‘yung mabigat na sinabi ko: “Study the removal of the barriers.” Kapag pumunta ho kayo sa toll, mayroong pabagsak-bagsak na ganyan.

Bakit ho nila ginagawa ‘yan? Ang aking suspetsya, sinisigurado nilang magkaroon ng bayaran. Eh RFID ho ‘yan. Tinanong ko, “Ano ‘yung pini-pressure ninyo?” Sabi nila 90% — 95% to 98%. Sabi ko, “Alisin niyo na lang ‘yan. Diretso na lang ‘yan.”

Kapag nagkaroon ng glitch — kasi ho ‘pag nagkaroon ng glitch, pila ‘yan — sagutin niyo na ‘yon kasi that is a problem of the system. If it is a problem of the system, why should you make the travelers and the public suffer? You bear the cost because that is your system. Pag-aralan niyo lang sa lalong madaling panahon ‘yan kasi i-implement ko talaga ‘yan. Ipapaalis ko ‘yung mga barriers.

Iyong mga toll plaza — iyong small toll plaza — ganito ho ‘yan. Mayroon ‘yung malaki na toll, ‘di ba? Primary? Tapos mayroon kang lilikuan sa kanan. Maliliit na toll ho ‘yon. Ang nangyari po diyan at nakita ko ito. Iisa…

Iyong toll at saka RFID pareho tapos mayroon pang sticker rin ng RFID. Kaya nagkaka-traffic sa lugar na tinatawag kagaya ng Karuhatan at Valenzuela. Huwag kayong mag-sticker diyan at paghiwalayin niyo ‘yung cash at ‘yung RFID para we can achieve a desirable flow of the traffic. Instruksyon ko ho ‘yan.

And ito ho ‘yung increase of wattage. Alam niyo ho ‘pag parating ka, minsan malayo pa nababasa ka na kaagad eh. Minsan kailangan idikit mo para mabasa ka eh. That is a work of wattage. Sabihin ko lang, Mr. President, if I may, Mr. ES sir, before the pandemic, ang RFID user was 1.4 million. Noong pinalabas ko ho ‘yung DO na ‘yan, as of two days ago, ang RFID user is 3.7 million. Ang ibig sabihin, madami na hong kumikiling at tumutungo sa RFID.

And this is the culture which we are trying to create because once we create this culture or this psyche, then we can implement readily po ang tinatawag natin na interoperability. And so ito ho ‘yung mga pangyayari. Alam ko ho na nakakabulahaw dahil sa mga nangyari. Nahihiya po ako sa Valenzuela, sa mga local government, sa mga nagmamaneho.

Be assured that your Department of Transportation, together with the TRB, the LTO, and LTFRB, are trying its utmost best to achieve that interoperability so that…

Alam niyo, itong RFID, sir, hindi naman bago ‘to eh. Matagal na ‘to. Mayroon ‘yung electronic kuwan ito nun noong panahon pa tapos binago lang. Ang ginawa lang ho natin dito, tinutulak ho natin talaga ito kasi makakatulong.

Sabihin ko lang, Mr. President, what moved us really to accelerate this? May of this year, Secretary Duque, 270 of our toll operators — employees of toll operators — nagka-COVID ‘yan. Sila ho ‘yung nagbibilang ng pera. Imaginin (imagine) mo diyan ‘yung spread niyan.

Kaya sabi namin, “Itigil ‘yan. Punta tayo sa cashless.” Kasi it was not only our desire to have a good flow of traffic in the tollways, it was our desire also to minimize the spread of COVID. Iyon po ang nagtulak sa amin. Of course, madaming nasasagasaan.

PRESIDENT DUTERTE: Sagasaan mo.

SEC. TUGADE: Bigyan lang ho kami ng tiwala. Gagawin ho namin ‘yan.

PRESIDENT DUTERTE: T*** i**.

SEC. TUGADE: Talagang kailangan ho ito. Kailangan ho ito. Iyon lang po, Mr. President. Again, I express my apologies to the users of the tollways, to the local government, for the inconvenience whatever is caused.

Be assured that the inconveniences caused is not designed, is not intended. There will be a day-to-day curing moments consider what is happening now as what we call birthing experience. Pero aayusin po namin ‘yan, Mr. President.

Iyon lang ho, Mr. Mayor President, thank you for the opportunity to ventilate certain issues related to RFID at NLEX.

PRESIDENT DUTERTE: Alam mo, Art, itong corporations — the one who built NLEX — ang kita nila diyan ‘yung sa toll. Then they introduced an innovative system pero hindi naman nila pinag-aralan.

They don’t have a trial run, see if it can be done in two or three days sa madaling araw, iyong pagbasa ng reflectorized stickers, hindi ito pinag-aralan. In other words, tama ka. Ang akin is: Is it a fault of the system?

Yes, because the system was not tested thoroughly, which would translate into something like an incompetence and lahat na. Hindi ko masisi itong may-ari nitong — sila Ramon Ang, Ayala — because mayroon tayong regulator. That’s the purpose of having a regulatory board ‘yung toll.

Mayroon tayong regulator. Ang problema ang mga regulator is another set of incompetent people. They should not have allowed the system right now to put into use without a trial run — trial — for about one week — at titignan nila and anticipate what would be the problem.

That is the correct frame of mind. You expect the worst and you… Ako kasi ganoon. Kapag mayroon mangyari sabihing may pumutok, ang sa isip ko, sabi lima ang patay. I expect sampu because I know ‘yung mga collateral damage.

Ito may system but actually it’s flawed, and the people behind this are really incompetent. Ang number one sana ang regulator hindi pumayag na they would put up a new innovation in the flow of traffic sa mga [NLEX] pati iba pa, at tinignan sana nila kung ano ang mga glitches. Hindi nila ginawa ‘yon.

And on the day of the implementation, anak ka ng p***. Saan ka makakita doon pa ilagay ‘yung mga sticker while the traffic — the queuing was almost also exponential? Hanggang puwet na. Dumating na sa Maynila. Anong klase itong…?

So, I thought that I placed people there using their… You know, alam mo, if I may… Iyong kagaguhan ninyo, iyong failure ninyo, would reflect on us. Hindi man sila.

Sabi ko nga at the end of the day, when people would start to talk about in the days passed, they would, “P***, sa panahon ni Duterte, nakita mo nagkabuhol-buhol.” Kami ang nasisisi. Then of course, an outstanding figure like Tugade, he gets the blame also.

Kami ang napup***** i** kasi alam namin na ako, may system but it was not tried. If there is an innovation, you try to do it. Mag-dry run ka ng isang linggo, madaling araw kay walang traffic at tingnan ninyo. Ang problema ninyo, you have this business, you have this job, and yet you do not take time to really think about the people who are paying you. And for those who are the owner of this toll, iyong gumawa niyan, alam ninyo it behooves upon you to do your best because binabayaran kayo ng gobyerno. Ang tao nagbabayad nalulugi. Ilalagay ninyo sa kompromiso. Iyan ang problema dito.

So, anybody now, I have seen this several times during my — in the past years that I have been your worker here in the Office of the President. Ilang beses ko nakita iyong incompetence, walang sistema.

Kagaya rin nung iba, there’s no system in the office so iyong papel pasa-pasa. It goes to a mere clerk, then it goes to the head of the office, then it goes back to what assessment paganun. You establish a system.

If you cannot have a system in your office, sa lahat na ito, then kindly tell me and I will get another one to do it for you and for me. Wala akong silbi diyan sa mga tao na… Ngayon magtaka kayo, ito — it’s not because Galvez is here. Unang-una magtaka kayo bakit military? Kasi ang military bago iyang — bago iyan — bago mag-atake ‘yan, may scout ano tapos a placement, there’s always a system in every battle and there is always a system in every work. But the problem is, I said, although what innovations or changes or reconfiguring, you do not — you do not practice.

Pagdating nung panahon doon saan ka nakakita na nakikita ko sa TV. Gusto kong pumunta doon. But in deference to Gatchalian — kasi ang role ng traffic sa NLEX but sa siyudad mismo, the whole of the city, the control of the traffic is always left to the local government. Local government iyan.

So nandoon siya si mayor galit na galit and I could understand his — with all the conundrum of taking place. I, I — pati ako magagalit talaga and I understand this burst of anger, which is justified para matauhan kayo.

Now, next time, itong Toll Regulatory Board, next time kasi ang participation natin dito, kayo. Kay iyong iba, sa may-ari ng toll, iyang SkyWay ‘yan kung ano, ang participation natin is… Kaya ‘yan…

I don’t think you really know what is a regulator is. That’s the problem. Basta ka lang pumasok ka sa gobyerno, nag-take oath kayo. Hindi ninyo alam the length and breadth of what a regulator must do. If I see another glitches there, mayroon pala kayong pinag — dito, may memorandum pala kayo, Art. Saan iyong mga tao? Can I fire them? Palitan ko na lang lahat. Iyong may experience lang, iyong dumaan ng administrasyon. I don’t care if it’s during the time of Aquino and Arroyo.

Hindi ko ma — hindi ko matanggap iyong incompetence sa inyo kasi kami ang nasisisi and not only that, you work hardships on the people. May iba diyan may sakit, ‘yung iba diyan gustong you know, whatever, may personal necessities.

Mayroon ba ‘yang washroom ‘yang sila diyan?

[Ano po?] Washroom. Toilet, comfort room?

[Saan po?] Diyan sa mga NLEX / SLEX?

[Mayroon ho, mayroon ho.]

You better put one before entering, malayo. If I do not see that, I will just… [Ah, mayroon po. Mayroon po.] I will just take over the… Bahala na ma-kaso-kaso tayo. I’ll just take over the — the whole thing, the whole complex.

Iyang regulator diyan ang inutil. I don’t know kung sino. Hindi ko kayo kilala. You’re not even I think a supporter of my — during the election time. Iyon ‘yung kasi ilagay mo ‘yung may utang na loob ka. If you are that incompetent, my God, I — nahihiya ako sa mga tao. Kay sabi ko nga, sabihin ng mga tao, p****i** mo Duterte, kung ganoon ka lang, mag-resign ka na.

Tama, tama ho kayo. Sabi ko nga kung hindi ko kaya, bakit ako tatagal dito? And one more faux pas like that, another fiasco, alis na kayong lahat at ilagay ko na lang sa isang tao.

You better have… Call them regularly, Art, and… ‘Pag hindi, just set them aside, maglagay ka lang ng tao diyan na may expert na magplano, isang tao lang naman kailangan diyan eh. Magkuha ka ng military, ‘di ba maayos iyan. Isang salita lang, sabi mo lang, “ayusin mo iyan”, alam na nila kung anong gawin nila.

That’s the reason why. It’s not because I am overly dependent to the military. I am an elected… At saka hindi naman ako natatakot mag-kudeta. P*** sinabi ko nga sabihin lang ninyo alis, huwag na kayong magdala ng tangke de giyera, aalis ako. But the problem, ang ano natin is the people. Kung sinabi mo, hindi mo kaya Duterte… You know, I have to weed out incompetence.

Listen very carefully to all and sundry, I do not want you dead — becoming a deadwood. If you cannot perform what is expected of you, then the best that you can do for decency sake, resign, and do not wait to be fired because masakit iyan, mapahiya ka.

And the only reason perhaps — not perhaps — but the only reason people would believe what the cause was is because you are incompetent.

Hindi ninyo ginagamit ‘yung utak ninyo. Next time, you prepare the public. Kayong mga regulators, if there are changes, if there are, I said innovations there, let them practice it. Ayusin ninyo muna, huwag kayo basta papasok-pasok especially if it involves public interest and public safety.

Tama ka talaga, Art. Kunin mo na lang iyan, maglagay ka ng old hand diyan. Pero alam mo sa totoo lang, maraming mga generals diyan nag-retire na mauutak talaga. Alam ko some people are criticizing me. Well, because you are not here. Kasi si Duterte kinukuha iyong mga… Bakit? May alam ka pa sa akin? I’ve been a mayor for 23 years; congressman one year o one term; vice mayor one term; then Presidente ganito na katagal. Hindi kaya kayo nagtaka bakit hindi — bakit mag — ito ang bunganga ko? Kasi hindi talaga ninyo ‘yan — hindi ninyo naintindihan trabaho ninyo.

Public interest, protect the public, do not — for Christ’s sake — do not make it hard for the people to survive. I’ve been telling you I intend just to make Philippines a comfortable place. Ginagawa ko na lahat. Nagkakaso-kaso na nga ako diyan sa kung anong International Court — International Court of Justice. And akala naman nitong ulol, isa rin. Walang preparasyon. Hindi nagbabasa ang mga g***.

At saka may statement pa nung isa — sabi ko nga itong tao na ito, si Trillanes, may statement siya. Trillanes, alam mo ‘pag nakita ko ‘yung pangalan mo, nakikita ko tae ng aso. Every time I look at you, you’re a shit of a dog. Mas marunong ka pa. Bakit mo ako takutin na magpreso? If it is my destiny that mapreso ako, ‘di mapreso ako.

Tanungin kita, ikaw, Pilipino, magtatakbo ito uli. Kamo mga Bisaya, kayong mga Pilipino, kayong mga Tagalog, anong ginawa nitong p***** i** ito? Sige, sabihin mo. Maski na mali-mali, anong ginawa nitong animal na ito kung hindi nag-revolt? Pasigaw-sigaw pa tapos mag-surrender lang. Ganoon ka kaduwag p***** i** ka tapos magyabang ka.

Kung… ‘Di kami may ginawa kami, sige. Makulong ‘di makulong. Ikaw nagkulong… Nanalo ka dahil ‘yung backlash ng sa administration. Tapos noon sabihin mo akala mo kung sino ka magsalita. As if you are also… Hindi ka naman summa cum laude. Ewan ko kung na cum laude ka o pareho ka lang sa akin 75.

Pero alam mo sa totoo lang, Trillanes, kung bright ka sa akin, kung mas marunong ka, ikaw na sana ang nagdadaldal dito, hindi ako. Iyan ang totoo. Kaya kung magtakbo ka ng presidente, senador?

People of the Philippines, mga kababayan ko, mga Bisaya, ayaw gyud mo’g patunto aning tawhana. Wala itong ginawa kung hindi mag-exhibition. Wala itong nagawa kung hindi manira ng tao, ang p**** i** niya. Iyon ‘yang pagka ano.

Tapos sabi dito, turo dito, drug lord dito, drug lord doon. Pati ‘yung mga anak ko, pati ‘yung anak ko na maliit, dalagita. Anong nangyari? Wala ni isa. May napakulong ka ba, Trillanes? Sino? Sinong napakulong mo? O nandiyan pa rin sila. Ako, wala akong ipinakulong pero wala na sila. Ikaw daldal, nandiyan pa sila. Ako nagdadaldal tapos wala na sila. Ewan ko kung saan pumunta ang mga p***** i**** ‘yon.

Let’s go to… We will know. Ito, makinig kayo kasi si Secretary Galvez would…

The things that you would know, huwag kayong maniwala diyan sa oposisyon. Walang ginawa ‘yan, gusto lang ‘yang bumalik. Kasi kung maaari lang ibigay ko na lang para hindi na sisirain ang Pilipino. Hindi na tayo masira. Ibigay ko na lang. Iyong naiwan ko sige inyo na. Tapos na rin ako ilang taon na.

Ito wala itong ginawa kung hindi mamulitika. Tama ‘yung sabi ni Bong “If you want to appear white, you paint the other person black.” Pinturahan mo ng itim at ika’y puputi. Painting the other guy black so that you would appear white. Iyan ang ginagawa nila. Pinipinturahan kami ng itim para bumango sila, maputi sila.

O tingnan mo anong ginawa ng…? Saan nakipagkunsabo pati itong mga komunista sa nakapasok sa gobyerno. Do you think that we will stop there? I said you are a member of a grand conspiracy of communism, lahat kayo. The act of one is the act of all.

Ikaw, Zarate, bantay ka. Medyo… Sabi niyo paalis na ako? Well, really?

Secretary Galvez, can you…? It’s your turn. Are you ready?

PRESIDENTIAL ADVISER ON PEACE PROCESS AND NTF COVID-19 CHIEF IMPLEMENTER CARLITO GALVEZ JR.: Yes, sir. Mr. President, my fellow Cabinet members, Secretary Medialdea. Sir, magre-report po ako ngayon, sir, ng sa update ng ating COVID-19 roadmap.

[Next slide, please]

Sir, ano po, kung makikita po natin mayroon po tayong seven stages ‘yung sa ating roadmap. Sa ngayon po, nandoon po tayo ngayon sa number two, ‘yung access and acquisitions at nagkakaroon na po tayo ng negotiations. So nasa ano po tayo, nasa stage three na po tayo ‘yung tinatawag na procurement and financing.

Sir, ipakikita ko lang po sa inyo. Ito po ‘yung tinatawag na global ano, global outset ng ating mga vaccine. Ang alam po natin ang BioNTech lang po at saka ‘yung Pfizer ang mayroong emergency authorization. Pero based doon sa report ng ating global vaccine expert, ang Sinovac po ay nagkaroon na po ‘yan nang tinatawag nating limited use noong July pa. At ganoon din po ‘yung Sinopharm. Iyong Sinopharm po dalawang klase po ‘yan, sa Wuhan Institute at saka sa Beijing Institute.

And then alam natin ang ano, ang Pfizer isa sa mga pinaka-leading dahil kasi maraming stringent regulatory na po na naaprubahan siya sa UK, sa US, sa Singapore, at saka sa Canada which is based doon sa ano po, sa assessment po namin mas mapapadali po ‘yung kanyang approval po doon sa atin sa FDA.

PRESIDENT DUTERTE: Isang question lang, Secretary Galvez, which is in the mind of all listening now pati ako, when would be — when, when would be the tingin mo ‘yung first vaccination to take place?

SEC. GALVEZ: Sir, nakikita po natin, sir, ngayon kasi 80 percent po ang nakuha po ng mga malalaking bansa, 80 percent na po ng…

PRESIDENT DUTERTE: Yeah, yeah.

SEC. GALVEZ: Ngayon po nakita po namin, sir, mga pinaka-earliest po ay March po. Nine-negotiate po namin sa ambassador of China.

PRESIDENT DUTERTE: This would have to — this has to be explained to the people kasi nakikita nila nag-release ang Congress Bayanihan 1, 2, We Heal as One. Maraming pera na nagamit ‘yung iba, may naiwan nang kaunti. So what is really foremost in the mind of everybody, I said, listening now is…

Well, we’ll have to explain, ganito ‘yan. They do not — itong vaccines, they do not come in numbers na unlimited.

SEC. GALVEZ: Actually, sir, ito, sir, ang ano natin — nakikita natin po pagka nakuha po natin ‘yung kontrata ng AstraZeneca, Pfizer, Johnson & Johnson and Sinovac, mayroon na po tayong mahigit na 60 million doses po, sir, niyan. Available po ‘yan 2021 kasi ang mangyayari po in tranches kasi po ang pagka po nagkaroon tayo ng kontrata, they will prepare ‘yung manufacturing. It will take three to six months po ang manufacturing po. So iyon po ang ano po natin. Nakikita po natin main bulk po natin ito darating ng May, June, July kasama na po ‘yung COVAX facility po natin. So kaya po ‘yung nakikita po natin, nag-aano pa rin po tayo sa Moderna, Sinopharm.

Pero ang nakikita po namin dito sa AstraZeneca, Pfizer, Johnson & Johnson, Sinovac, Gamaleya at saka Novavax, magaganda po ito na mga ano eh na talagang may mga history po ang kanilang mga manufacturer na talagang… Mga ano po ‘to eh, mga vaccine ng ano, ng Ebola. Iyong iba dito ‘yung Gamaleya mayroon siyang experience ng vaccine ng Ebola kaya maganda po ‘yung record — track record po rin nila.

So iyon po ang ginagawa po natin. And then ‘yung tanong po niyo na kung kailan po talaga tatama po ‘yung lahat ng ano nila, ito po ‘yung aming projection.

[Next slide, please.]

Sir, kung titingnan po natin ito po ang magiging projection po natin sa potential rollout. Kung magiging successful tayo po sa Sinovac at saka Gamaleya kasi initial ano po nila puwede sila sa first quarter.

And then kaya po ang ginagawa po namin pinapa-analyze po naming mabuti sa ating vaccine expert ‘yung performance po ng Sinovac at saka ‘yung Gamaleya, ‘yung kanilang history at saka ‘yung potential adverse event at saka ‘yung mga record ng mga kanilang clinical trial.

Kaya po sumulat din po ako sa ano, sa DOST na tingnan lahat po itong mga — mga ano po nito at saka mag-aano din po tayo sa HTAG, ‘yung sa health and technical advisory groups na tingnan po ‘yung mga record ng mga kumpanya po na ito.

So makikita po natin sa ano po, sa first quarter parang ito po ang tinatawag nating mini rollout. Tama lang na ma — ma sa ano sa first quarter po makita rin po natin ‘yung mga tinatawag na rollout ng ibang bansa para matuto tayo sa kanilang mga experience.

In fact, ‘yung British Embassy tuturuan po na sila natin kung makuha natin ang Pfizer. Ang Pfizer po ang nauna sa kanila. So kung paano mag-deploy ang Pfizer ganun po ang gagawin po natin para magkaroon tayo ng lessons learned at saka mawalan po tayo ng tinatawag na mga spillage at saka ‘yung mga wastage ng mga vaccine kasi very sensitive po ‘yung Pfizer.

So kung makikita po natin talaga doon po tayo sa end of second quarter at saka beginning of third quarter doon po tayo magkakaroon ng mga more or less mga siguro magkakaroon tayo ng mga 10 to 15 million na bulto po.

Kasi po sinasabi po ng mga ano, ng mga — ng mga ano po natin mga vaccine manufacturer, namomroblema din sila dahil po ang ano po ang paggawa po niyan ay may mga raw materials din po, raw materials.

So talagang ang production line po ay talagang nahihirapan din sila kasi mataas po ang demand. Iyon lang po, Mr. President, at marami pong salamat.

PRESIDENT DUTERTE: Iyan ang — that’s what I said. Kayong mga sa bureaucracy, there are some people who are really very good. They have the talent. Pero kayong run-of-the-mill diyan, gusto ninyo trabaho lang, the fact that you have a job, period, and you do not really care to know or to digest or lunukin ninyo ‘yung trabaho ninyo kung papaano.

It’s only, I said, the military sa experience ko who can do that without meaning really to… Kay sila, hindi naman lahat, pero I — ‘yung the… The frame of mind that I want kasi matagal ako sa gobyerno is the frame of mind of a military man because COVID is the enemy and it has to be attacked in so many — in so many points — issues.

So ‘yan ang sinasabi ko, itong simple-simple na traffic ano lang, doon pa kayo maglagay ng sticker. Kunin mo ‘yan, Art. You — you members of the regulatory board sa toll, you report to Tugade tomorrow and discuss what you can do or else I suggest to Tugade to get a — subukan mo military para isa na lang ang tao magplano. Never mind about that regulatory board. Kung talagang — if you are a deadwood then wala talaga. Ika nga, you cannot beat — there is an idiom — you cannot beat — you cannot flog a dead horse.

Bingbong now will tell you kung bakit sure na sure ako.

EXECUTIVE SECRETARY SALVADOR MEDIALDEA: Mr. President, magandang gabi po. Gusto ko lang pong i-reiterate ang what Secretary Dominguez declared several days ago that he has the money to support — to continue the free — the free test for the marginalized sector while the vaccine is not yet around.

He has also the money to buy, although hindi naman marami, hindi naman karamihan — puwede na siyang bumili doon sa request na hiningi ni — ni Secretary Galvez. And we know that this will be properly spent because we are following a system which was earlier shown here by — by Secretary Galvez.

Gusto ko lang pong umapela, Mahal na Pangulo, sa mga bumabatikos sa — sa pag-aaral natin sa pagbibili ng vaccine. Maghintay naman po sana sila. Atin na pong nasubukan si Secretary Galvez when we had the pande — when we started addressing the pandemic ‘no.

We started from nothing. Hindi natin alam anong kinakalaban natin but it turned out na we — we had good results ‘no after meeting our problems ‘no. Ngayon nagingibabaw ho tayo, isa sa pinakamaganda ang ating sistema sa paglaban sa pandemic. Sana din, at alam ko na tayo ay magwawagi sa pag-implement ‘pag umpisa ng ating vaccine rollout.

Iyon lang ho hinihingi natin sa mga bumabatikos. Maghintay-hintay lang po at sa madaling panahon makikita niyo rin ang resulta kagaya noong nakita natin na resulta noong nilalabanan natin ang pandemic with a limited tools on hand.

Maraming salamat po, Mr. President.

PRESIDENT DUTERTE: Thank you, Bingbong. Alam mo, ulitin ko, it would be a dumper to really talk about it na ‘yung Pasko natin kung maaari ‘wag na lang tayong mag-party-party kasi alam mo na ‘yung mga kapitbahay mo nag-observe ng — tapos magtawag ng pulis, mahuli pa kayo, magpahiya. Make it a sacrifice because ito naman ilang Pasko tayo. This is the only Pasko na sinabi ko sa inyo na magtulungan tayo so that everybody will be safe, healthy, and alive.

Iyan lang siguro, pero mayroon akong — bago ako makalimutan, Merry Christmas and Happy New Year sa inyong lahat.

Continuing with our purge, ito — itong iniimbestiga they may get suspended, be exonerated but ito ‘yung napakalawak talaga ng sindikato sa NAIA. Grabe. Kaya ‘yung Immigration almost all. Ito babasahin ko ha. They are now suspended but they are connected sa “Pastillas”. This may result in their dismissal, suspension or exoneration if warranted.

Gerry — Gerrymyle Franco; Hafiza Marohombsar; Jose Miguel Calumpang III; John Michael Angeles; Francis Meeka Flores; Ma. Luz Trono; Jedric Christian Centeno; John Warren Oaña; Yasmin Dimao-Edres; Kevin Peter Vega; Abdu-rahman Umpar; Marian Tayabas; Garry Paller; Krizzia Marie Ann Bustillos; Mark Irvin Capatayan; Dave Dadivas; Sadruddin Usudan; Judeson Soluren; Kathleen Carandang; William Velasco; Kessler Cortez; Jerwin Garcia; Mohammad Sahary Lomondot; Julius Ivan Diaz; April Joyce Alemania; Clinton Rodriguez; Eduardo Gabiola [III]; Constantine Achanzar; Maria Margarita Manila; Jose Noriega; Jose Rafael Nuñezca; Christopher Limbo; John Derrick Go; Ian Joseph Matti; Raymond Yambao; Francis Gerard Sanchez; Mohammad Jelanie Edres; Leonard — alam mo hindi naman ako nagmamarunong. Itong Leonard kasi it’s pronounced actually properly Leonard not Leonard.

Leonard Denford; Danica Beatrice Bañez; Aira Inoue; Rovan Rey Manlapas; Peter John Magnaye; Xander Mark Salmon.

Alam mo, I have a feeling that this will — itong lahat ma-ano ito, madisgrasya. So if you are a — you have the first-class eligibility lalo na ‘yung may mga CESO, maraming mabakante. Almost all it — siguro it becomes a ghost office sa karami na — wala na. Kasi ‘yung mga nasa ano sa — airport noon sa — Pastillas ‘to. Bureau of Immigration personnel pre — preventively suspended by the Office of the Ombudsman effective December 10, 2020 in relation to the Pastillas scheme.

Sabi ng batas na hindi ko dapat sabihan ‘yang mga kaso. But I would like to take the higher ground. Anonymity does not help at all. Kagaya noong sa Davao ako, ayaw ko ‘yung mag — hinahampas ko ‘yang mag-cover-cover sa mukha. If you are a criminal, huwag mong — huwag kang magtago diyan sa mga tela — balutin mo mukha mo. At nang hindi — the higher du — my higher duty is really to inform the public. The public must know.

Kaya ang ganyang sabi na ‘yang secrecy na hindi sabihin na ano, I don’t believe in that. The public must know. They — we owe it to them to tell them the truth. Kaya ‘yang mga — ‘yung mga drug pusher, kailangan sabihin ko pangalan and mukha nila ipakita.

Kayo bang — kayong mga — to the law enforcement agencies and the uniformed personnel, huwag ninyong ipabalot-balot ‘yang mukha. Eh kung maggawa kayo ng shabu nakahubad pa nga siguro kayo, bakit pagdating ng panahon magkabukuhan, especially if you are caught committing the act.

So that I think is the higher requirement of a public officer, especially the President who is the overall in charge of law and order. My — my take is that they should be exposed in public. Lalo pusher, para hindi na mag-ulit. Bakit mo taguin? Tapos walang mag-testify sa korte, kung magte-testify sa korte babagsak ‘yung kaso, iilan lang ang makaalam. At kung makita ‘yang mukha mo, papasyal-pasyal ka, ‘yon na ‘yon.

Kagaya itong mga military, sinabi ko, bago kayo lumabas ng bahay, paggising mo sa umaga tingnan mo ‘yung larawan, tapos tignan mo ‘yung tao nandoon. May taong nag-iinom doon ng Coke tapos naghihintay o kaya walang ginawa magkape. Tapos paglabas mo sa bahay makita mo pa ‘yang p***** i***** sparrow na ‘yan. May baril man kayo lahat. Hindi — hindi man mali magsabi ka, “Sparrow ka?” Kasi ‘pag sparrow ‘yan, bubunot ‘yan.

Ganoon rin sa droga. Maraming namatay na pulis. Iyan kasi maglapit kayo na… Kaya ibalik ko itong batuta because ang pulis kasi in making an arrest, has to go near. There — there cannot be a contactless thing sa arrest. You have to overpower the person that you are arresting. Talagang you have to take him to the folds of the law.

Even magkasugat-sugat ‘yan, mahampas mo ng batuta kasi lumaban, ayaw magpa-aresto. Pagdating doon sa korte, sabihin binugbog ng pulis. Eh ‘di sabihin ko rin sa human rights, “Eh lumaban ang p***. Ayaw magpa-aresto. So anong gusto mo talian niya tapos guyurin niya? Eh kung tatakbo?”

The rule is: If you are a citizen of this Republic or a foreigner and the police would say that, “Sir, you are arrested because of the crime of… Kindly turn your back.” At tapos lagyan mo ng posas. If you do not do that at if you resist, you — it’s your duty. You are responsible for yourself.

Iyan may — hilain ka na, magkadumugan na, tapos ‘yan masugatan. Ang abugado, kasi abugado man ako, type kaagad, “Ah ang kliyente ko inaresto, binugbog.” Hindi naman sinabi ng g******, p****** i*****, lumaban kasi. Iyan… At saka iyan ang huwag kalimutan ng mga judges. Matagal ka sa…

Hindi ako nagyayabang. Totoo ‘yan eh. Matagal akong prosecutor sa korte. Now, ‘yung minsan magsabi na binugbog sila. Tatanungin mo ang pu — sabihan mo ‘yung pulis, sabihin ko, “Ano ang totoo? Sabihin mo sa akin.” “Eh sir, lumaban, sir eh. Ayaw magpadala sa istasyon, kaya ginuyud ko,” which is correct.

How are you supposed to repel or to enforce if you cannot overcome his resistance to arrest? You have to use force. Hindi naman ‘yan paghampasin mo hanggang mamatay. Just to… Kasi kung wala ‘yang batuta — ‘yung rattan tama na ‘yan. Kung wala ‘yang batuta, ang pulis maglapit sa pag-aresto, ang kamay naka — naka-trigger na. Or would you rather pagdating mo na pagka lumaban o ‘pag magbunot, mahampas. You have the moral ground. At saka kung mag-aresto ka ng ganoon in public.

May mga pulis na talagang may ano sa — diretso salvage ganoon. Wala akong inutos na ganoon. Remember, in all of my utterances, ang galit ko ‘yan when I say, “Do not destroy my country, the Republic of the Philippines, who elected me as President. Do not destroy our sons and daughters because I will kill you.” Sabi ko — hindi ko sinabi, “They impede, they will kill you.” The military will… I said, “I will kill you.”

Ang problema, wala pa akong pinatay. Marami ako dito sa puso ko, marami akong patay na pag-ibig. Wala akong pinatay na tao. Ganoon ‘yan. Iyang human rights, maski saan tayo magpunta. Tignan mo, i-review mo lahat. “Enforce the law in accordance with what you learned in the training stage of your being a law enforcement officer.”

Hindi ka puwedeng magsabi na — walang g***** magsabi na, “Patayin mo ‘yan.” Hindi ma — ang sa — may mga tao talagang… You do not assume na robot ‘yan. Sasabihin niya, “Bakit mo ako utusan siya patayin? Hulihin na lang namin.” Which is correct. Wala akong sinabi na, “Patayin ninyo.”

Pero sabi ko, ito, “Go out and destroy the apparatus.” Iyan. Pagka nagkabarilan diyan in destroying the apparatus, goodbye ka. Kaya sabi ko, “Ako, I take full responsibility for my order.” “But remember,” I said, “enforce the law in accordance with what you have learned then self-defense.” Defense of ano ‘yan. Stranger kung kasama mo. In law it’s called a stranger, maski kilala mo. Defense of relative.

Iyan. It’s all just a — in the fulfillment of duty. Iyan ang intindihin nila. Pero sabi mo na sinalvage (salvage), hindi trabaho ng pulis ‘yan. Sa mga droga ‘yang away-away nila, nagka-otsohan. Kasi bakit balot-balotin pa ng… Kapag may makita ako na pulis na binabalot ‘yung… G*** ka pala, you are wasting your time. Eh kung kriminal ‘yan, sige na. Tawagin mo na ‘yung forensics.

Kasi ako naman ‘pag nagtanong, ‘pag magsabi ako, “sabihin mo sa akin ang totoo”, sabihin mo sa akin ang totoo para matulungan kita. Either I’ll give you a lawyer and I will help you financially kung in the performance of duty.

‘Pag nakapatay ka, nademanda ka, injuries or whatever, if it is in the performance of your duty, do not worry. The law itself will protect you. Huwag kayong maniwala diyan sa — ‘yang kay Trillanes, may ano siya statement. Natatakot daw ako. Hindi ako natatakot uy, ulol, kung hindi ka ba talaga ugaling aso.

Ako, magpakamatay ako sa prinsipyo ko. Kung iyang prinsipyo ko na ‘yan ikamatay ko, okay ‘yan sa akin. Ipakulong ako habangbuhay, okay sa akin ‘yan. Pero ginawa ko ang… Ginagawa ko ang tama.

Eh ikaw, pa-revolt-revolt, pasigaw-sigaw diyan sa Makati, tapos sinira ‘yung hotel, tapos nakulong, nag-surrender lang pala ang p***. Ang duwag mo l***** ka. Pagkatapos tumakbo ng senador. Ayon naging superst — gusto niya superstar siya. Sabi ko nga, “Never I see you or hear your name. I remember this shit of a dog.” Para kang tae ng aso.

Tapos na man siguro. Wala na akong basahin. Again, just two things: Remember the rules para walang mapasubo. Remember the rules. Mask, tapos ‘yung remain ‘yung contact. Now, sabihin mo, bakit walang katapusan?

Tignan mo naman ang tao. Social distancing ‘yan. Tignan mo sa TV. Fini-feature (feature) nila ang mga tao sa Divisoria napakarami. Dapat talaga hugas, mask, kung maaari huwag kang lumabas. Kung wala ka naman talagang ano. Mamili ka? Huwag muna ngayon.

There will always be a time. Kayong mga Katoliko, Ecclesiastes 3. There is always an every time for every moment under the sun. There was a time when makalabas ka without hindrance, absolute freedom, almost.

There is always a time na hindi ka makalabas, nagkasakit ka. There is a time na hindi ka na talaga makalabas kasi ang gobyerno, ang trabaho nito is to protect everybody na huwag ka munang lumabas kasi baka ikaw ‘yung mahawa, ihawa mo doon sa iba.

Remember ‘yung mag-asawa sinabi ko, totoo ‘yan. Boy Pineda is known everywhere in the Philippines sa motor. Kasi inikot ko itong Pilipinas. Nagbi-big bike lang ako noon. Hindi ko pinagyayabang ‘yung big bike. Matanda na ako. Pinagyayabang ko ‘yung timing ko sa panahon.

There is always a time. Now is the time to be — hindi naman sedentary but iyong kalma muna. Tutal marami pa namang Pasko eh.

Kayong mga… Huwag na kayong maghingi-hingi ng mga ninong, ninang kasi kaawa ‘yung mga ano. Tapos maglabas ‘yung ninang mo pati ninong, mamili diyan sa kung saan-saan. Idamay mo lang.

Maghingi ka, hopefully in God’s own time, maybe next December. In the meantime, what should we do is to pray for our country and prepare for those who are sick. At saka kung kakain ka, ako kung magkain ako, when I say my prayer, “God, remember those who have the food but who cannot eat.” Iyon.

Mga mayaman, mayroon silang gusto nila. But may panahon, there’s always a time for an end. Mayroon naman na gustong kumain, makakain, wala namang makuha. So time for happiness, time for enjoyment, birthday parties, wedding receptions, and time to be just relax lang, relax lang. Mahaba pa ang buhay. If not for you, then for your children. Okay?

Salamat. [applause]

— END —

Source: PCOO-PND (Presidential News Desk)