Speech

Talk to the People of President Rodrigo Roa Duterte on Coronavirus Disease 2019 (COVID-19)


PRESIDENT RODRIGO ROA DUTERTE: Mga kababayan ko malapit na ang Pasko kaya ako naman nandito sa Davao because alam ninyo na taga-Davao ako at dito ‘yung pamilya ko. Tradisyon naman sa Pilipino ‘yan o sa lahat na you have to be with your family — birthdays, mga events sa buhay ng tao na may significance sa family.

Ngayon, ang atin na lang is itong dalawa. Unahin ko lang ‘yung pulis nakita ko ‘yung TV. Baka hindi ninyo talaga nakuha ha pero I don’t think that… Isa lang itong klaseng pulis na ‘to. May sakit ito sa utak. Topak. And I’m just wondering why he was able to — nakalusot sa neuro. You could detect a person by the way he answers in a — ‘yung mga tests sa neuro. Tarantado ‘yung g*** na ‘yon.

‘Di ba sinabi ko: You do it right, I’m with you. You do it wrong, and there will be a hell to pay. Iyon ang sinabi ko sa aking SONA.

Ang akin dito ulitin ko: Do your duty enforce the law. Your actions must be in accordance with the law. You do not follow the law, mag-salvage ka, magpatay ka diyan, then I’m sorry, that is not part of the agreement of how we should do our work.

Sinabi ko I think a dispute of land or boundary something — ah right of way. Tapos ano — parang itong… Kayong mga…

Hoy, kayong mga pulis ha mahal ko kayo kasi nagta-trabaho kayo. Nakita naman ninyo kung gaano ko kayo kamahal. I went to the extent of going to Jolo to just pay homage to the bravery of our policemen and soldiers.

Pero kayong may mga sakit, may mga topak ah… And I am sure that by now, he should not be allowed to go out because double murder ‘yon eh. Double murder is a serious offense, a grave offense. So from the time you are arrested up to the time that you are haled to court to answer for the death of those two persons, innocent ones, walang bail ka. So ‘pag nahuli ka, diretso-diretso na ‘yan. And I don’t think that you can escape the rigors of justice because nakuha sa TV pati ako napanganga. Kawala walang kwenta.

You, you…  That’s unfair and brutal masyado. Kung ako ang nandiyan, ewan ko lang. I don’t know pero I do not — I do not like oppression at ‘yang nag-ano ng tao — papahirapan niyo ang tao. Usually kasi itong pulis you tend to exhibit your authority even in matters not connected with police work. Iyong mga away-away.

Karamihan diyan ‘yang mga pulis na ‘yan binubugbog ‘yang asawa. So kung kayong na binubugbog ng asawa ninyo na pulis, pumunta lang kayo sa Malacañan kay ipatawag ko ‘yung pulis, bugbugin ko ‘yan sa harap mo para mag-demanda, ihulog ko na lang sa Pasig. Mga g*** kayong p***** i**.

I was… Ang pagmamahal ko sa trabaho lang natin. You do something which is not — out of the ordinary just pulling a gun and shooting people, you must be… Eh ikulong ninyo ‘yon. Huwag ninyong bitawan ‘yang y*** na ‘yan.

I’d like to call the PNP: Be sure that he is detained ha. He should not be allowed to go out kasi serious offense ‘yan. There’s no bail. So hindi maka-bail ‘yan. Diretso-diretso na ‘yan.

DILG SECRETARY EDUARDO AÑO: Mr. President…

PRESIDENT DUTERTE: Yes, sir.

SEC. AÑO: Yes, sir. Magbigay lang po ako ng update dito po kay Police Senior Master Sergeant Jonel Nuezca. Ito po ‘yung namaril sa Paniqui, Tarlac.

Today po ay na-inquest na siya sa — na-inquest na po siya sa Tarlac Provincial Prosecutors with two counts murder at within the same day po ay nai-file ang kaso sa Regional Trial Court ng Branch 67, Paniqui, Tarlac, criminal case 313-20 and 314-20.

Siya po ay under the custody now ng chief of police ng Paniqui, Tarlac, at sisiguraduhin po namin na talagang hindi ito makakatakas at mai-serve ‘yung justice. Mayroon na rin pong admin case na sinimulan ang Philippine National Police.

Ito po ay isang isolated incident at we do not tolerate itong ganitong klaseng gawain ng pulis. Nakakasira sa maraming magandang ginawa ng ating kapulisan lalo na ngayong panahon ng pandemic.

PRESIDENT DUTERTE: I agree with you, Secretary Año. Alam mo bihira kang makakitang ganito and you can only find this in people who are crazy. May topak sa ulo ang… You do not…

Ako, nangbubugbog ako kasi may kasalanan ka pero hindi ako nagbabaril ng tao. Ba namang… Ayan karamihan diyan mga asawa, mag-uwi sa bahay lasing tapos kung hindi birahin ‘yung asawa, ‘yung mga anak.

You know I take things personally maski na Presidente na ako. ‘Pag may mag — may magsumbong sa akin na ang asawa, ang anak na binubugbog sila lalo na hindi na nag — hindi pa nage-entrego ng suweldo, ah dito ka sa akin. Mamili ka.

Iyon palang namatay is a mother, 52 years old, pati ang anak na 25 — ang anak 25 years old. Anak na lalaki.

I agree with General Año. Hindi ito ‘yung… This is just one of those things na ‘yang mga bad breaks sa buhay ng tao. Hindi ito ginagawa ng ano… May topak talaga ang g*****, p***** i** niya.

Kay ako kung nandiyan ako, ewan ko. Hindi ako magpa-hero ha. I am not trying to be — pass myself as a hero. Pero ‘pag nandiyan ako, hindi ko talaga kayang…

Ah iyong ano — mga kababayan ko, itong COVID program napag-usapan na natin ito. We have talked about this and for so many times, for the nth time, I said I only delegate to one person.

There can be so many negotiations, walang problema. But at the end of the day, your negotiations or your documents must pass the standard set by General Galvez.

Ganito ‘yan. Wala akong — basta sa kanya lahat, presyo, kung anong medisina. Ganito naman, magpresyo ng mahal, wala naman, eh ‘di dito ka muna sa mura na pareho lang naman bakuna.

Ako, I am not — I’m not partial to any but maraming mga bayan na may puso sa kapwa nila tao. And we will, one of these days, see the results of their endeavor to help us.

Ulitin ko, wala akong kinikilala. You can negotiate, you can whatever, sign documents for the delivery. But at the end of the day, isang tao lang talaga ang binigyan ko niyan, si General Galvez. It begins and ends in his table. Walang… Kaya sabi ko hindi ako mahilig nang marami.

I was assured by the Budget Secretary Avisado that we have the money to pay. Oh wala, eh ‘di okay. Sabi ni Avisado may pera daw. Sabi ni Dominguez may pera. Oh ‘di kaya natin. So walang problema. Ano ba ang problemahin natin? Sabi ko nga sa inyo huwag kayong makinig diyan sa mga radyo, ‘yang mga chuchuwariwapwap. Walang ginawa ‘yan kung hindi mag-intriga, magsira. Dito lang…

Makinig lang kayo sa akin tutal ako man ang pinili — ‘di ba ako ang hinalal ninyong Presidente? So I am supposed to solve problems for you, for the people. Makinig lang kayo. Tutal wala kayong narinig sa akin na may kalokohan ako na mga transaksyon, wala. Lahat ng papel sa gobyerno na which has something to do with money transactions ganoon, hindi dumadaan sa table ko ‘yan. It starts with the Cabinet member, project niya; it ends there.

Magbili siya, Delfin Lorenzana magbili siya ng mga eroplano, helicopter, hindi ako nakikialam. Ang akin ang resulta. Why? Because I trust them. Why? Kasi pinili ko sila kasi kilala ko sila. Iyan, ‘yan ang ano diyan.

So… Sabagay nandito pala si — I forgot that General Año is here. And the police is under him so si General Año na ang mag — bahala doon sa ulol na ‘yon. Kung prituhin niya ‘yon, mas mabuti.

Itong COVID, maghintay lang kayo. I said that there’s — ilang Pasko kayo naga-celebrate. Ngayon, isang Pasko lang hinihingi ng — hiningi ko in behalf of the nation because walang magandang lalaki dito ‘pag may COVID ka, may sakit ka. I just relayed it with you last time, husband and wife na… Tsk.

Nilibing na lang ‘yung asawa. Ang asawa ang una hinatid sa ospital. Iyong lalaki, husband, nag — he was feeling lousy that day. Following day, tumawag na siya sa mga kaibigang doktor. Hirap daw siya huminga. I think he called one doctor. I think it’s Tesoro. [Senator Bong Go: Pinsan ko ‘yon.] Pinsan ni Bong na doktor. Tinawagan niya at 12:14? [Senator Bong Go: 12:48]. Twelve forty-eight, at 1 o’clock.

Sabi niya sa ano pa hirap daw siyang huminga 12:48. At 1 o’clock, one plus — mga one o one — after one hour siguro o — patay. So hindi na lang sinabi doon sa asawa na namatay kasi inilibing na lang. Thereafter, ang asawa who was also suffering, namatay rin.

Kaya sabi ko — it’s a sad story. I repeated it because para pumasok sa isip ninyo how important it is to do everything to avoid being infected with COVID-19.

Iyong mga tao na masakit o masakit — may sakit sa ulo, dapat ‘yon… Hindi na lang kaya ‘yung pulis ang na-COVID, ang buang. Pakainin ninyo ng COVID ‘yung ulol na ‘yon. Tsk, t*** i**, cannot…

Ako ha, ulitin ko, mahal ko ang sundalo pati pulis. Alam mo bakit? Buhay ‘yang tinataya nila at ang sundalo pati pulis ginagawa lang natin ng boy, parang house boy. Magbaha, nandoon ang pulis, nandoon ‘yung Marines, nandoon ‘yung Coast Guard. ‘Pag landslide, ang — [unsa bay kutkot sa — unsa may Tagalog sa kutkot? Iyong…] — nahukay.

Ang maghukay doon sa na-landslide tinamaan, pulis, military, Coast Guard. Bagyo, sunog, mag-ano ‘to, magpakamatay, kaya alam ko ang trabaho. Mahalin mo sila kasi buhay ang inaalay nila sa buhay — sa ating bayan. Ganoon ako.

Do not, huwag ninyong isali ‘yang pagmahal ko sa pulis sa ‘yung mga g***** pulis o g***** military, for that matter.

So remember, again, nag-umpisa na tayo. I’ll just lay the predicate. Karamihan mga…  Ano na ba ang sitwasyon natin? Makakuha ba tayo ng bakuna o hindi? General Galvez will answer the question. It is your turn, sir.

PRESIDENTIAL ADVISER ON PEACE PROCESS AND NTF COVID-19 CHIEF IMPLEMENTER CARLITO GALVEZ JR.:  Sir, Mr. President; my fellow Cabinet members; Senator Bong Go.

Sir, for this evening, may maganda po tayong balita dahil kasi baka may matapos po tayo na mga kontrata this coming December.

And I will present to you some of the highlights of the negotiations that we have undertaken. Maganda po, mahal na Presidente, dahil kasi talagang nakisama po ‘yung ibang mga countries at saka manufacturers sa clarion call na ginawa niyo po.

[Next slide, please.]

Mahal na Presidente, ‘yung inyong mga speeches during ano, during the UN Convention at saka ASEAN Convention po natin mukhang tumimo po sa mga puso ng mga countries at saka mga manufacturer. Iyong inyo pong sinabi na, “We are not safe until everyone is safe”, na nagpapahiwatig na wala tayong iiwan at saka po ‘yung sinabi niyo po sa UN Convention na, “If any country is excluded by reason of poverty or strategic unimportance, this gross injustice will haunt us or will haunt the world for a long time.”

Every negotiation po ‘yan ang ginagawa po naming ano, ginagawa po naming parang opening statement. And then natutuwa po kami, Mr. President, marami pong positive results at ikukuwento po namin sa inyo.

Ang naging positive result po nito ‘yung mga may-ari po ng kumpanya at saka po ‘yung mga country rep, they ano, they agree on strong support on non-profit – no loss concept. Ibig sabihin po na ibababa po nila ‘yung — ‘yung tinatawag na presyo. Katulad po nung ginawa ng AstraZeneca that they pegged their ano, their price to only five dollar a shot or more or less siguro po mga aabot lang po ng 500 pesos po na sa dalawang shot na po iyon.

And also iyong tinatawag nating equitable access for the poor and ‘yung long term commitment and flexibility of contract.  Lately, sir, nakausap ko, sir, ‘yung country rep ng — ng Serum India Institute at sinabi niya po sa akin po, sir, na kung sabihin ko po sa inyo na he will comply with RA 9184 at ngayon po ay kinakausap niya po ang pinaka-head office na sa — sa Serum India na hindi po sila hihingi ng cash advance.

Ibig sabihin ‘yung lahat po ng transaction po natin magiging flexible. And he will comply with your guidance na wala pong cash advance kasi narinig niya po noong nagkaroon po kayo noong unang panahon na sinabi niyo po na — na mas maganda ‘yung walang cash advance.

Siya po ay na-ano po, makakausap po namin siya this coming December 23 at nag-assure po siya na magbibigay po siya ng 30 million doses para po sa atin. Iyon po ay ‘yung Novavax. This is an American brand na gagawin po sa India. Ganoon din po ‘yung ano, ‘yung AstraZeneca hindi po tayo bibitiwan ng AstraZeneca.

At baka this coming next week, either December 28 o 29, inaantay lang po namin ‘yung — ‘yung Ministry of Health Regulatory Authorization ng UK at puwede na po naming pirmahan ‘yung ano po, ‘yung kontrata. Ito naman po ay 20 million doses at 10 million doses for LGU at saka po sa ating private sector.

So all in all po, kung magkakaroon po tayo ng pirmahan this coming month, mayroon po tayong 60 million for the second quarter at saka third quarter po.

PRESIDENT DUTERTE:  May I just explain to the public the reason why we — we seemed to be a second fiddle in these negotiations for the acquisition of vaccine. Eh parang second — second fiddle nga tayo, it’s because ‘yung mga mayaman na doon pa ginagawa sa kanila ang vaccine, kagaya ng Pfizer, uunahin talaga ang Amerika.

There’s no such available vaccine sa Pfizer ngayon. Wala silang maibigay eh ginagamit nga sa Amerika eh, kinukuha. Iyong sabi nila sobra nila ‘yan but that — that remains to be seen kung kailan maging sobra at kailan mabigay sa atin.

Let us be clear on this, there is as yet no Pfizer vaccines available for the Philippines. And for a long time, wala pa. Binabakunahan pa ang mga Amerikano lahat. Agawan sila ngayon sa Amerika. So that explains ‘yang sinasabi ni General Galvez na bakit ma-delay? Kasi bina — binibili ng mga mayaman na bayan. Tayo, well, wala man tayo masyadong ano, ‘yung pera lang natin pangbili lang talaga but we do not have the clout because we are not a rich nation.

I’m sure you would know what to do when the time comes. We go now to sa Health Department. What’s new?

DOH SECRETARY FRANCISCO DUQUE III: Good evening, Mr. President; Senator Bong Go; fellow members of the Cabinet. Maraming salamat po. Magandang gabi po sa ating pong mga kababayan.

Ngayon po muli na naman po akong magbibigay ng pinakahuling ulat patungkol po sa ating COVID-19 situation. Ngayon pong December 21, 2020 ang total cases po natin ay umabot na ng 461,505. Mayroon po tayong nadagdag na 1,721 sa atin pong mga kaso. Karamihan po rito ay galing naman sa NCR at 578; 300 sa Region IV-A; 178 sa Region XI; at 665 sa natitirang mga rehiyon.

Para naman po sa ating mga active cases… [Can we have the first slide already?] I’m not going to discuss the — [Yeah, sa COVID-19 response na lang po tayo]. Sa kaliwa po, sa active cases ay umabot na po tayo, as of December 21, 23,341 or equivalent to 5.06 percent.

One, sinabihan na po namin sila, Mr. President, na hindi puwedeng magsara ang mga laboratories during this time. They have to be fully operational, Mr. President.

Kami muli ay nananawagan sa atensyon ng ating mga LGU: Doblehin, doblehin po ang pag-iingat para sa ating mga lolo at lola ngayong Kapaskuhan. Sa kalagitnaan ng pandemya, patuloy ang pagreregalo natin ng buhay, kaligtasan, at kalusugan sa bawat isa ngayon pong holiday season.

Sa atin po, tuloy ang Paskong Pinoy. Maraming salamat, sir.

PRESIDENT DUTERTE: Maraming salamat, Secretary Duque.

Now to — I’d like to review the statements of General Galvez and Secretary Duque. Dalawa lang talaga ‘yan, iwas pati ‘yung protocol. Iyong iwas sa paputok… And itong paputok, ganito ‘to, I heard reactions the last time I announced that I was going to ban firecrackers.

Alam mo along the way many, many years now, maraming mga bata na Pilipino nawalaan ng kamay, namatay, na — nabulag because of firecrackers. And yet we continue — this government or the previous government — continue to allow the practice of allowing the public to use firecrackers to make the noise during New Year knowing fully well that there will be casualties.

Ang binabantayan nga every New Year is that we are glued on the TV and waiting for the announcement of how many have suffered and ilan ang patay. Alam mo sa totoo lang, maganda man sana ‘yan. Pero but we are one of the few countries na talagang we allow it with wild abandon.

Alam mo kasi ganito ‘yan mga kaibigan ko, iyang labintador ninyo nakabalot ninyo pagbili sa public at large, wala, walang ano, walang — walang packaging na gawa ito ni Duterte Enterprises or Duterte Fireworks, at mayroon doon na mga warranties.

Alam mo kung ikaw ang nag-manufacture niyan tapos there is a premature ignition na ano, hindi — walang mahabol ang tao. If you — if you come up with products that are really either not properly done or overly beyond the safety, the normal level of safety for civilians, kagaya ng mga lolo, goodbye Philippines, pampatay eh, parang maliit na granada.

And mga package ninyo wala kayo. You do not assume any responsibility at all. Wala akong nakita na may hinabol ang gobyerno at nakulong dahil sa inferior or wrongly-manufactured firecrackers. Until and unless we can come up with that, wala tayong mahabol sa inyo.

Basta kayo balot lang nang balot, walang warranties that this is a good thing to do except kung may mga caveat kayo, may mga warnings, “Please do not do it,” ganoon. Wala. Walang pangalan, walang mahabol ang tao. And yet, they are using a product made by you which is capable of death, be getting blind, losing your fingers in the years that dumaan. Maski ‘yung ano, mayroon talaga.

So nagtataka ako kung ganoon ang sitwasyon, when I was mayor and now I’m — I’m a worker of government sa national, bakit ko payagan na ‘yang paputok na maraming madisgrasya, maraming mamatay? And even if only — there’s only one child losing one finger, it’s bad enough. It should put government on notice that para bang, “Adre, nasa gobyerno ka wala kang magawa para sa mga kababayan mo?”

Iyan ang — iyan ang problema. Alam ko ‘yung tsk — ‘yung Bocaue. I really understand you. I might even sympathize with you. Loss of earnings and you are driven out of business. But the problem is the higher duty of government to protect public interest, public health.

Kaya sinabi ko it’s a health issue kasi ‘pag na-ospital ka doon and nabulag ka o na — you get burned all over, walang mag-ano eh. Nobody except for government because it’s your — it’s our job. But actually, nonchalant ‘yon. We don’t care. Basta binili na, tapos na.

Hindi puwede ‘yang ganoon eh. Dapat diyan with every product that is sold to the public, government must have an intervention or to interdict something which is really not good. Iyan ang ano ko sa inyo. Mahirap ‘yang mga maputol ‘yang paa, maputol… P***…

So kung ikaw ang nasa gobyerno, ‘yon ang paradigm ko dito — dito sa Davao. Why would I allow a product that is a hazard to the health and life, and probably losing your life or limb? Limb is itong kamay and extremities mo. Iyan ang ano.

So ako, mag — maka — nagmaka worker lang talaga rin ako, iniisip ko ‘yan na panahon na siguro na you shift to another or look for something where you can use the — the powders there.

May isa pa, itong paputok. You know, I’m going to direct the DILG, nandito si Secretary Año. Iyang mga IED ng komunista, ipasok ko na lang lahat. Iyang mga IED ninyo, komunista, saan ninyo kinukuha ‘yan? Sige nga. Where do you get your explosives, powder? Karamihan diyan galing sa mina.

So that may double check tayo ngayon. It must be cleared by the police and supervised strictly. And then when you go to the area, go to the commanding officer of the military there and let him know that you have bought these explosives para may ma — ‘pag ginamit na ninyo ‘yan, mabantayan. Not really there present but we would know ilang pulbura napabili sa inyo.

You can buy one but most of them are… Kami nagdududa kami sa gobyerno na ginagamit ninyo sa sundalo ko. So itong pabili ng explosives, dynamites, must be controlled, talagang higpitan ni General Año and the commanding officer of the area nasa military must be informed so that he will also have a — he would know how to check.

Kasi ang karamihan ng sundalo ko pati pulis, ang — ang ano nila is IED. Iyan ang panlaban nila. And yet, you know, Geneva Convention does not allow it. But you know when — when the communists use it, they justify it. Self-detonation or something, hullabaloo.

You go into a rigmarole, ang tawag diyan, paikot-ikot na istorya. When you use it, it’s okay. But when you — you use it to kill military men, government personnel, police, okay. ‘Pag kayo ang gina — ‘pag kayo naman… Gusto naming maglagay ng landmine rin pero ang problema, bawal. Government cannot violate the laws. Kayo, wala man kayong pakialam sa laws.

Pati… I just would like to beg the indulgence of Secretary Año, you’re next but isingit ko na lang ito, sir. Itong komunista kasi… I’d like to — I’d like to call the attention of Carlos Isagani Zarate, he’s a congressman. Adre, may anak ka na nag-aaral sa Europe. And sinasabi mo na si Xandro, ‘yung anak mo, ginagastusan ni — ng lola.

You know, baka sabi mo talaga maloloko mo ang Pilipino, lalo na ang — kami dito. Ang lola mo tinignan namin ang ano, matanda na wala namang propedad, walang income. Paano makagasto ng — ?

Education niya is John Paul II Catholic University of Lublin in Poland, Bachelor’s Degree in Philosophy. Pero dito mayroon dito, he has been traveling all over Europe. He has been to Turkey twice, I think, and hindi ko na makita ‘yung page. He has been flying all over Europe.

At saka kung ang suweldo mo, Zarate, iyan ang ginagastos mo para sa anak mo, pinapasa mo doon sa nanay mo na matanda na, eh you’re pulling everybody’s leg. Huwag mo kaming bolahin. Baka kaya siguro ang ginagastos mo ‘yung pera ng kinokolekta ng mga NPA dito.

Hindi nila alam na sila, ang kinokolekta nila, pumupunta doon ‘yan sa mga lider mga malaki ang kita. Tapos sila, hirap. Iyan ang problema diyan sa mga NPA. Nagpapaloko kasi kayo. Alam mo ‘yang koleksyon ninyo, mga siguro 30 percent lang ang maiwan para sa mga suweldo-suweldo ninyo.

Karamihan niyan magpunta doon sa mga lider at sila ang may pera. Kaya nga makapag-ano ng — makapag-aral eh. Itong ano… Abugado itong si Zarate. Ano man ang… Si Xandro mag-Europe? Doon nag-aaral? Tapos sabihin ginagastos ng lola?

Ayaw ko na lang mag… I would not mention names. Bibiro ka kasi walang income ang nanay mo, matanda na. So ikaw talaga ‘yan kay anak mo ‘yan. I would not want to go into remittances kasi… Well, we have a way of knowing. Pero alam namin na you send regularly money to your son.

Pakisagot lang po. Kaya ikaw you have an incongruity sa iyong ideology. Kunwari galit ka sa mga mayaman. Kunwari galit ka sa mga hindi nagbabayad ng wastong buwis, nagfa-falsify ng mga properties nila.

Ito si Zarate, komunista. Ito si Zarate, wala daw silang pera. Ito si Zarate, nagpapa-aral ng anak niya. Ang perang ginagamit, kasi wala mang ibang source of income, tinitignan namin oh bulto. Hinahanap namin ‘yan sa buhay mo. Ito oh. Galing high school ka. Nandito lahat ng buhay mo pati birth certificate mo. Lahat na.

Wala kang negosyo. Mayroon kayong negosyo noon. Nanay mo. Long time ago. The last business permit nag-apply: 2002. Ang negosyo ninyo ‘yung Apo Vinegar. But the last, I said, business permit that your mother applied was in the year 2002. Wala ng income ‘yung nanay mo.

So lahat kayong… Alam mo sa totoo lang, lahat may taxation sila. Lahat. Lahat ng ano. Magturo ka diyan sa mga mall, mga mining, mga transportation, lahat ‘yan nagbibigay because may clout sila kasi may NPA, mga sundalo.

Kayong mga sundalo naman, naaawa ako sa inyo kasi nagpapakamatay kayo. Wala naman talagang mangyari sa buhay ninyo, ni minsan hindi ninyo matumba ang gobyerno kailan man. Kailan man, hindi talaga ninyo kaya.

And yet you continue to die, ililibing ka lang na walang marka and you are forgotten. You are devoured by the mother earth. Iyon lang. So wala na. ‘Pag Adlaw sa Minatay (Araw ng mga Patay), wala. They don’t… Your family don’t even know kung patay ka na o hindi. Sabi lang nawala.

Kaya ikaw, Zarate, you are a hypocrite. You are ano… May sakit ka. Sabihin ko lang sa iyo, huwag dito. You are on top of it all. You are a chauvinist pig. Totoo ‘yan. Gusto mong magkausap sa akin? Paalamin mo lang ako. Tawagan mo si Bong. Tayong dalawa lang. Gusto kitang kausapin.

Tawagan mo si Bong. Gusto mo sa bahay ninyo? Ako ang mag-akyat sa bahay ninyo. Saan? Dito o sa Maynila or saan ka nakatira? Mag-usap tayo. Huwag na ‘yang NPA-NPA, komunista-komunista. Lalaki sa lalaki. Gusto kitang makausap.

Kung talagang lalaki ka, huwag na ‘yang komunista ka. Kung lalaki ka talaga, tanggapin mo ang hamon ko. Saan mo gusto tayong magkita? Kung gusto mo bodyguard, isama mo na si Trillanes kasi sabayin — sabayan ko na ni ug…

Sige, ako lang mag-isa, dalawa kayo. Totoo ‘yan. Paalamin lang ninyo ang mga media kung saan. Hindi ako magsama. I will order my security people to go away. Bastos ka eh. May ginawa ka na bastos ka. Ang trabaho ng — tawag niyan “chauvinist pig”.

Ngayon, kung agrabyado ka sa sinabi ko, kausapin mo ako. Puntahan kita mag-isa ako. Kung gusto mo sa bahay mo kasi kontrolado mo kung sinong pumasok. L**** ka. Kayong lahat. Ang hindi ko lang nilil**** alam mo sino? Ang mga taong kawawang NPA. Iyong mga lider? Wala. Ginagawa ninyong…

Iyong clout ninyo kasi may ano, sunugin ninyo ang mga makinarya, mga truck holdupin ninyo. Tapos ‘yung mga NPA, sige, mamatay kayong lahat. Iyan na lang ang buhay ninyo, sige takbo? Ah, kung ‘yan ang gusto ninyo, ‘di sige.

Tutal itong Philippine Army, matagal na man ito. Wala pa ako, Philippine Army na. Tatay ko noon, Philippine Army na. Wala pa siyang asawa. Hindi ako makahintay eh. Nandito lahat gusto kong basahin. Kumpleto ang picture eh. Bata ka pa. Ito high school oh kumuha ka ng diploma bata ka pa.

Akala ko ba abugado ka? Ang lamang namin dito, ako ang lamang ko, kilala ko kayong lahat. Kilala ko kayong lahat sa mga white area ninyo. Kaya you might want to go upstairs, doon na lang kayo. Kilala ko kayong lahat.

General Año, it’s your time.

SEC. AÑO: Magandang gabi po, Mr. President. Magbigay lang po ako ng kaunting ulat.

Ang DILG po ay isang departamento na nasa frontline at nagpapatupad ng ating mga quarantine protocols at batas pero isa rin po sa naapektuhan nitong COVID. Sa buong DILG po ay nagtala kami ng 11,199 cases.

Ang pinakamataas po ay ang Philippine National Police – 8,718; ang Bureau of Fire Protection – 1,363; ang BJMP – 1,030. At nagkaroon po kami ng 38 patay. Pinakamarami po ang PNP: 27. Pero ngayon po ay 490 active cases na lang ang sa DILG pero patuloy pa ring magpapatupad ng kanilang mga tungkulin.

Sa ating mga preso na binabantayan ng BJMP, nakapagtala ng total of 1,992, pero 103 na lang po ang active at 25 ang namatay.

Sa anti-drugs or Anti-Illegal Drugs Operation po for the last two weeks, ang ating Philippine National Police na over the pandemic ay nakapag-conduct ng 1,829 operations; nakapag-aresto ng 2,157 suspect; nakapagtalaga nang pag-surrender ng 27 drug users at 12 ang namatay sa operations, at nakapag-kumpiska ng illegal drugs binubuo ng shabu, ecstasy, at marijuana. A total of 114,730,000 pesos po worth of illegal drugs.

PRESIDENT DUTERTE: Thank you, General Año. Del?

DND SECRETARY DELFIN LORENZANA: Magandang gabi, Mr. President. Kuwan lang po ito, sandali lang po ito dagdag lang sa mga naiulat na.

Iyon pong inyong Sandatahang Lakas ay katulad ng sinabi ni Secretary Año ay kaagapay lang natin sa pagmamanman — sa pag-implement ng health protocols. Maliban doon sa sinabi ni Secretary Duque kaninang mga high-risk ay patuloy nating minamanmanan itong mga lugar na ito: Iloilo City, Iligan, Tacloban City, Lana del Sur, at saka iyong South Cotabato, para po malaman nila na sila ay minamanmanan natin. Baka sakaling uuwi ng…  Tayo ay umaasa na sila ay lalong mag-ingat ngayong Kapaskuhan na ito.

Dito naman po sa testings natin ay nakapag-testing na tayo ng 6.4 million test ‘no and 6.1 million individuals. Detection capacity laboratory licensing noon pong Pebrero ay isa lang ‘yung ating laboratory, ngayon ay 196 na at mayroon pang 86 laboratory na applying for licenses.

Ngayon, doon po sa ating OFW ay mayroon ng 377,000 plus ang nakauwi at ating iniuwi sa kanilang mga probinsiya.

Iyon po namang mga papauwing Pilipino na galing sa Sabah, hininto muna po, Mr. President, dahil nagkaroon ng 30 kaso noong mga dumating noong nakaraang araw.

Siya nga pala, Mr. President, dahil sa pagbagyo ng — pag-ulan dala ng Bagyong Vicky, ay nagkaroon ulit ng baha doon sa Cagayan Valley. Ang tinamaan po ngayon ay iyong probinsiya ng Ilagan — ah ng Isabela, lalong-lalo na iyong City ng Ilagan at saka lahat noong mga  — mga municipality along the Cagayan River pero nandoon na po iyong ating NDRRMC na tumutulong sa kanila.

Iyon lang po, Mr. President. Thank you.

PRESIDENT DUTERTE: Thank you. Everything is explained. Everything has been explained to the people. So…

Mga kababayan ko, salamat sa pagtangkilik sa programa na ito.

— END —