PRESIDENT RODRIGO ROA DUTERTE: Good evening sa lahat ng Pilipino. Kasi-celebrate lang natin ng New Year and there’s another 365 days to look beyond our worries now and to seek the relief.
Alam mo itong pandemic has turned into another — has made another dangerous turn. May bagong strain ang tawag niyan I think is “mutation”, nag-mutate, nagbago sila. Nakakuha yata ng depensa ang mga microbes na ito and itong bagong strain ngayon is they say more dangerous. It can cause a rapid mutations, another mutations, another mutations at naghahabol ang lahat ng — mankind is in the bind looking for the new vaccine of the new strain.
Kaya ho hanggang ngayon delikado pa talaga at ang ating vaccines will not be available until May? May ho.
PRESIDENTIAL ADVISER ON PEACE PROCESS AND NTF COVID-19 CHIEF IMPLEMENTER CARLITO GALVEZ JR.: Sir, mayroon na po tayong March at saka April mayroon na po tayo.
PRESIDENT DUTERTE: March.
SEC. GALVEZ: March.
PRESIDENT DUTERTE: So… I will not talk about — because I really do not know about this itong vaccine sa PSG. To me, it’s a matter of self-preservation. Iyan lang. Whatever be your objection, whatever be your criticism, para sa akin, it is a matter of preservation.
And I would like to call on Congress na hindi naman ako nakikiusap. Ang ano ko lang diretso na salita na do not tinker with the PSG. I’m telling you as President it’s a matter of self-preservation.
So hanggang diyan na lang ako. I will not elaborate on it but do not force my hand to meddle into this affair because maybe I will not — I am not so keen about allowing Durante and the rest of the PSG to testify.
Ginawa ito nila as I understand para sa kapakanan ng buhay nila. So if they will be called — if they will be called to testify in Congress, my — as a lawyer, I will just tell them because they are now being accused and with the accompanying statement of prosecution and things like that.
And if that is the case, then I would ask the PSG to just shut up. Do not answer. Invoke the right against self-incrimination at wala kayong makukuha. And do not force my soldiers to testify against their will. At huwag ninyong i-contempt-contempt na i-detain ninyo. I do not think it will be good for you and for me. It would not be healthy for everybody.
Just so… Sa kanila ‘yan eh. So kung tingin nila na ikakabuti sa buhay nila eh hayaan mo. And do not threaten them with ano prosecution and things like that. They have every right to live and to invoke self-preservation.
Kumbaga sa criminal law ‘yan, that is the right to self-defense. The enemy, COVID. Alam mo ganito ‘yan, lahat na matamaan ng COVID ay talagang possibility na may mamatay ka na diyan. So if you do not want to go out there and mix with the people because that is your job, eh kawawa naman ang sundalo; and they cannot also be near me because of the social distancing.
So there has to be a solution for this. Ako ‘yung Presidente, I hate to say this, pero kailangan ako ng security na close-in. Puro sundalo ‘yan, pati ‘yang mga babae sundalo. Oh how do you now propose that they can guard me and my life kung social distancing por metro? Kayo na mag-intindi diyan.
And I said I — wala akong tinanong kay Durante, wala lahat. And if it’s a — on their own volition that they… Sabi ko sa kanila tanungin mo sabihin mo wala. Istorya lang ‘yan. And if they ask you questions, ah sabihin ko talaga sa kanila do not answer and maybe even I would not allow them to appear in Congress.
Magkakaroon tayo ng ano dito — not really a crisis but there will be a nasty thing that will transpire. Alam mo wala pang bakuna. ‘Pag tinamaan ka ngayon, there is a possibility na you will die. Iyan nga eh. And when I go out, itong mga security, they mix with the crowd ‘no. Nakikihalo ‘yan sila guarding me. Of course, ako hindi ko kailangan kung ako. But that is the law.
Ayaw ko nga silang — gusto kong lumabas, pinipigilan nila ako. Sabi ko you are dictating the events of my life. Ito sabi nila, “Sir, huwag kang magalit. Ang trabaho namin hindi galing sa iyo. It’s by law. Ang tinitignan namin ‘yung batas hindi ikaw.” Ang batas nagsabi lang to protect so that you will live — you will be alive.
Now, how can I survive if wala akong close-in to guard me and the people that would mix in the crowd to guard — to prevent untoward inci — you know, incidents? Iyan ang — iyan ang problema diyan. They are caught in a bind. Mabuti kayo kasi opisina, de-kotse kayo, aircon, may mask kayo and everything, and you are even divided with a glass para hindi kayo magkahawaan. How can they do that if they have to guard me? Hindi naman ako magpipigil because there are things kagaya ng magpunta ako ng Jolo, magpunta ako ng kampo, may puntahan ako na ganito, anything that affects the country, the republic.
Walang — since March, wala tayong vaccine. So since March until now, we are in danger of getting the COVID-19. And when you get the COVID-19, be you a soldier, civilian, nandiyan ka sa garbage collector, or minister ka ng relihiyon ninyo, walang ano protection except that you have to wear the mask. But the mask — I cannot talk also if the thing is covering my mouth. I cannot seem to express what I want to say in my heart.
Since March until now walang vaccine. The earliest is March. So kung March that is one year. All the time the lives of the people are in jeopardy of danger of getting the COVID.
So anong magawa mo kung Pilipino ka? If you are pre… I am not saying that they got the vaccine or not that is their worry because they can always say well, I did not have it, I refuse to… Pero sila because sa trabaho nila eh kailangan talaga ng — hindi sila makalapit sa akin. So ang close-in security ko wala.
Now, kung ‘yan ang sitwasyon nila, I would not be surprised — I’m not saying that they had it — but I will not be surprised kung talagang nagpa-injection sila. But since there are a lot of speculations and threats about prosecution and investigation, kung sana tinanong lang ninyo ng anong mabuti without necessarily blurting out threat about “I’ll have them investigated…”
Ganoon ang Congress eh, ‘pag may mangyari diyan, “Ah imbestigahin natin ‘yan.” Tapos may mangyari dito, “Ah let’s investigate this.” Ganoon na lang palagi. Tutal sila lang naman. Wala naman kayong alam ‘yung iba. Let them be and let them suffer kung mayroong adverse effect ‘yung vaccine.
I don’t know really if they were injected with the vaccine, what brand, hindi ko alam. Hindi ko talaga — huwag kayong — do not presume na sabi kino-cover up. P***** i** kayo wala akong — hindi ako — hindi ako g*** na maglaro ng ganito.
If I say that I will allow them, I will allow them. But I did not because they had it on their own. Pero kung gusto kong sabihin na for emergency purposes you give the vaccines, wala ng istorya ‘yan. Wala akong i-cover-cover. Hindi ako t******** kagaya ninyo. Eh ‘yung utak ninyo mahina eh. I can order. So what would stop me by saying, “Sige pa-injection kayong lahat, all the Armed Forces?”
Lahat — alam mo sila, they have to mix. They have to go to the mountain, they have to fight. You just don’t know the life of a soldier.
Ako, kasi matagal ako sa Executive, I have always had security beside me noon pa matagal na for 23 years. Another add — another — add another five years. All the — alam ko ang buhay ng security.
So huwag mo silang pakialaman because they’re… Two things may happen: I will ask them to shut up and not to answer any question, and I’m not threatening, please do not cite them in contempt by detaining them, I will not allow it. Pupunta ako diyan sa Congress, kukunin ko sila.
Masyado kayong maa-ano eh. ‘Pag ginawa ninyo ‘yan, there will be a little crisis. Nasa inyo. Ako, I am prepared. I am preferred — preferred — prepared to defend my soldier. I will not allow them for all of their good intentions to be brutalized in a hearing tapos kung ano-ano.
Kaya ‘yan isa. The other one is I might just decide to not allow them, to ignore your summons. So mamili kayo diyan. It’s bad for you? Sorry, I don’t care. It is bad for the country? Maybe. Pagka — basta sabi ko huwag kayong pumunta doon.
Why do you — why do you threaten a person with investigation just because he had something to protect himself for after all until now it is March to March, March pa is the earliest. In the meantime, they have so many things for themselves. They have to mix and for their job, they have to surround me. And how can they perform that duty when they are in danger of getting the COVID? Pati ako mahawa nila. See?
So pinoprotektahan nila ako. Hindi naman ako papayag nagpoprotektar sila sa akin na ipakulong ninyo. Pakialam na… Hayaan mo silang mamatay kung mayroong masama na epekto ‘yung… I don’t know what kind of vaccine but I don’t care, bahala sila, buhay nila ‘yon.
But kung sabihin ng mga iba protecting because… Why would I? Why would not I wait for Domingo to come out? You know why? Hanggang ngayon, at this late day, Pfizer lang — Pfizer lang ang — Pfizer lang ang nag-submit sa FDA. Alam ba ninyo ‘yan na nagkakandahirap na ito si General Galvez looking for one and he has found a light at the end of the tunnel and he says that the earliest is March.
So we started the lockdown March, magma-March na lang bago pa tayo magka-ano. In the meantime, the lives of these people, the lives of my soldiers are placed on jeopardy because a — walang choice eh, trabaho nila ‘yan. If the intelligence people would say, “Go to the crowd and mix with them and maybe look for any hostile attitude or hostile act.”
Ang akin naman nakapalibot, babae’t lalaki, hindi naman makalapit sa akin kasi, “Sir, social distancing.” Oh how can they protect me if they — social distancing? So that is the rule? Well, I’m sorry to say to you, there is always an exception. You can say all the rules in this world and there will always be an exception.
Kagaya ninyo, hindi kayo ma-aresto while in session. Kaya huwag niyong pilitin na magkaroon tayo ng ruckus dito. Anyway, specific ang grupo eh, PSG lang. Hindi naman lahat sibilyan. PSG has a good reason to have it. One is kailangan talaga nila sumiksik doon sa mga tao, mix with the crowd. Every time na nagharap ako it’s about — there are about 20 intelligence guys there in front of me mixing as if they are also part of the… Sa — kaya ganoon.
Maybe I will… Magkahiyaan tayo. I said it’s bad for the country? Maybe. And it is bad for the country and you entertain the idea of maybe getting it? Maybe. And if you — sabi ko huwag niyong i-contempt. Talagang huwag. If they — should they appear in Congress, be careful about threatening a guy forcing him to answer because the answer would really be something like this, “You know, Mr. Congressman, I refuse to answer your question because it might tend to incriminate me.” I will translate it sa bugoy, “Hindi kita sagutin kasi makukulong ako.” Intindihan mo?
And when you invoke a constitutional right, no adverse implication can be attached to the statement. “Ah, hindi ka magsabi. Kung hindi ka magsabi, silence means consent.” No. That is not applicable. When a person invokes a constitutional right, whatever it is, that right should be respected and no bad inference, hindi ka makasabi, “Ah ito, ganito.” Bakit? Kasi complete — by itself, it is a sacred one for a citizen of this republic.
Eh itong mga sundalong ito Pilipino ito. You — you force the issue? Well, I’m sorry. Magkagulo kasi ipahuli ninyo? P*****, huhulihin ko ‘yang inutusan ninyong maghuli. I am protecting what is — what is the — what is the foremost narrative here? Self-preservation. Ano ka man? Hanggang ngayon wala pang bakuna.
So kung mayroon mang magsabi, “Now, ito mayroon. Baka maayos — maayos ito.” And they go there and plunge into it. Ako, on my oath, kayong mga g*** diyan na making inferences, never knew about it. I never knew about it. And nobody told me until now, ‘yan binabasa ko lang sa ano. Ayaw kong magtanong.
Pero kung sabihin ko na — sinabi ko lang, “Shut up.” You destroy the careers of military men, it’s not easy as that. Dumating ‘yan sila diyan na bakbakan ilang beses ‘yan nasugatan, malapit mamatay tapos magkaganoon, gusto lang nila mabuhay. Huwag mo akong…
I hope you won’t force my hand into it. We are friends, magkakilala tayo, I respect the separation of powers and that you have the right to conduct congressional investigations in aid of legislation.
Tell me now what aid that you can legislate when there is no g**d*** vaccine until now? Sabihin mo na nga. About the only reason that you can really investigate is in aid of legislation. So what is there in a legislation that you can make that has something to do with vaccine? You cannot legislate vaccine.
And then you put the guy in a situation na pati ‘yung career niya masisira. I won’t allow it because that is unfair. I hope that we understand each other. Ayaw ko na talaga ng gulo. I am not the grandstanding type na mag-ano. But do not, I said, force me to do something which is not good. Kung gusto ninyo ng gulo, sige.
I think now I will tell Durante — he is here — Durante, do not obey the summons. I am ordering you to stay put in the barracks. Medyo klaro naman siguro ‘yan? Dito tayo sa…
Alam mo ‘yung sinasabi nila na in-inject raw, it’s being used in Egypt, UAE — United Emirates, and Dubai. Karamihang mga Pilipino doon ‘yon ang ginamit. Ano ang brand? Milkmaid.
We come now to the status sa PhilHealth. There is a move to increase the contribution ng mga members. At this time of our life, may I just suggest to the PhilHealth chairman, si Dante Gierran at saka ‘yung si — lahat na — isang tao lang kailangan kong sabihan diyan. Huwag muna ngayon.
No — no increase in contributions. I will look for the money to fill it up. Maghanap tayo ng pera. Anyway, that is the job of the government to make it easy for everybody at this time, I said, of our lives. Inabutan tayo nito which was once in every century lang siguro ‘to, hindi pa nga.
Now, there are reports that some people are skipping, na nakakalusot sila with the help of airport personnel at sa mga barko. I say this now as I have said it before: Do not do it kasi mayayari talaga kayo.
You do it by allowing unauthorized travel when all of us are really worried of containing the contamination, na ikontrol in and out. Almost every country now are controlling the entry and the departure of their citizens. Hindi lang tayo mga Pilipino, hindi lang tayo.
So do not go into this rigmarole of you know, magsabi ka doon na tapos na, ganoon, ganoon or you bring your fake certificates. Iyan — iyan talaga ang maghanap kayo ng gulo. At iyong mga taga airport, alam mo, hindi ba ninyo nahalata na lahat ng — lahat ng Immigration personnel diyan, about 42 of them at marami pang iba ang na-dismiss sa trabaho. Gusto ninyo ulitin ko ‘yan?
You know this can only happen with the coop — not even cooperation but with the handiwork of if — maybe a few, not all — people in the airports making it easy for somebody to travel to skip the swabbing and everything. Sino bang may gusto nito?
Ako talaga every time na kinukulikot ‘yung ilong ko nagmumura ako kasi masakit. I have to open my mouth wide. Pero may bago daw, sabi naman nito ni Gordon na ang swabbing sa saliva is 99 percent. Oh eh ‘di iyan na ang gagamitin natin.
There’s another thing, itong passen — incoming passengers papasok — papasok sa Pilipinas galing foreign countries, mag-quarantine talaga mandatory 14 days. Lahat ng countries dito sa mundong ito iyan ang ginagawa kasi to safeguard.
So ‘pag may pumasok isa dito, isa lang… Look, kayong mga taga health diyan, sa mga taga-quarantine, pagka may na — may nahuli lang ako na isa, I will — lahat kayo palitan ko. I will assign you to the provinces and I will get the new ones from the other — assigned in other cities also. Magpalit kayo.
Just one. One, I’m — just one incident tapos kayong lahat. Hindi na bale sa akin kung ikaw o hindi. I do not care if kasali ka diyan sa hindi kasi racket ‘yan eh. If you want to be assigned in Zamboanga, Samar, Masbate, I will be the one.
Just like dito sa DPWH. I requested Secretary Villar na magbalasa and to submit to me the persons assigned to other places and I will review it and I will maybe reconfigure the — magtingin ako ng ano — magtanong-tanong ako kung itong — ito na ano na regional director…
Kagaya nito ni ano — Secretary Villar, you might want to hear this. Mayaman na ‘yan. Sabihin mo sa kanya mag-resign na. She’s a — kung saan ‘yan na-assign, ah sigurado. At kung ayaw pa ninyong…
I’d like you to give you the list of personnel dismissed from service. Mederico Villablanca, BIR – dismissed. Hindi ko na sabihin, alam mo na kung ano nitong mga kasalanan nito. Basta BIR alam mo na, hindi na kailangan…
Virgilio Samley; Alexander Fuentes; Samuel Descartin; Dindo Roxas; Lourdes Agao; Rolando [Aguilan]; [Edward] Dennis Eloja; Isabelo Gonzales; Arleen Manangan; Alexander Lomondot, sa BIR — ito ah hindi na sa BIR — sa DAR, back person. May pending — pending ano ito, may pending na kaso. May isang kaso pa.
[Felino] Pantaleon; Josephine Bautista; Mary Magdalene — susmaryosep ang pangalan — Esperancilla; Lopito Clemente; Jelou Anthony Paca. Ah tingnan ko kung wala na ba. Susma…
Nathaniel Echavez; Nasser Disalongan; Hebnie Canda — ito sila sa barangay. Department of Education, Hebnie Canda; Badiangan High School, Rona Salarda Quintero; Municipality of Biliran, Corazon Gervacio; Municipality of Aloguinsan, Cebu, Christopher Perez Brigoli. Sa Tagbilaran is Christianne Ipanag. Itong sa — si Christopher, BIR. Itong si Gervacio, revenue collection.
Tingnan natin kung marami pa. Basahin natin para… Ayaw talaga ninyong — sinabi ko na.
[Ma’am, paki-ano nga nito, wala akong kuko.]
Janet Champlon, Barangay Lanag, Santa Barbara, Iloilo — barangay teacher, grave dishonesty, grave misconduct.
Sa sunod ‘yung madagdag. Itong ano, sa BIR also, si… I’d like to request Atty. Dulay sa BIR, magbalasa ka. Magbalasa ka ng tao tapos ibigay mo sa akin ang listahan. And I will review if the — if it — it would promote the service of these people to the country.
Now, sandali ha. Maraming trabaho talaga ‘to. Now, sandali ha. Maraming trabaho talaga ‘to. Well, that’s for this is the reshuffling of BIR. Iyong ano… Si Atty. Dulay is — I know him. He’s a friend. Bill, i-ano mo, i-reshuffle mo. At saka ‘yung medyo may nagkaroon na ng reputasyon, huwag mo nang bigyan ng assignment, sa office mo na lang.
I request all directors in all departments na kung may mga nadudahan kayo, para hindi kayo madamay, the directors, I would ask you to relieve of that employee and i-assign mo sa opisina mo. I-freeze mo na lang if we cannot stop them from…
Itong paputok, hindi ako… Medyo nako-corny-han kasi ako. But I always make Davao as a reference. Ganito ‘yan eh. For the time of Colonel Conrad Laza. He is now retired. He is residing somewhere in South Davao — Davao del Sur.
Siya ‘yung sinabi ko noon na when I started to toy with the idea of really prohibiting fireworks and everything. Sabi ko, “Kaya mo ba ito hintuin?” Sabi niya, “Mayor, ‘pag inutusan mo ako, gagawin ko.”
So there was an appeal by him and me that ideally we should not be playing with the firecrackers and explosives because it is deleterious to the health of the people. First implementation niya mayroon hindi lahat, especially ‘yung hindi taga-Davao and for our brother Moro vendors na hindi rin alam mag-ano dito. So more or less, sabi ko sa kanya you just — ‘yung kung maniwala lang. But I was making an appeal to the public, to the Davaoeños, that it will be to their advantage if we avoid totally ano.
On the second year of the implementation, Davao was quiet. And last… Well, this year… Maawa rin ako sa mga bata kay makikita nila doon sa mga TV ‘yung fireworks. But Davao was really very silent just like para tuloy ng Biyernes Santo.
Ngayon, ganito na lang, so as not to deprive the Bocaue residents of their livelihood, I will only allow — kung maaabutan pa ako ng Pasko ulit — I’ll only allow firecrackers and everything to be done by government.
And it would be the mayor himself and the chief of police who should do this. Iyang fireworks sa community para makita ng mga tao with all the safe distances, lahat na, social distancing doon sa pulbura, sa putukan.
And it would — behooves on the mayor to see to it that everything or everybody and everything is in place and everybody is safe. Diyan lang ako papayag, only government.
So kayong mga taga-Bocaue ganito, kung ang local governments para sa New Year and Pasko — ah hindi Pasko, New Year lang, ipagbili na lang ninyo sa lahat ng local government units. Marami ‘yan, kikita kayo kasi bibili lahat. But sell it only to the police.
Ang pulis ang magbili, sabihin niya sa mayor, “Mayor, may nabili ako dito. Ganitong so much volume of firecrackers.” Kung gusto nilang maganda na presentation, okay lang so as long as it will not explode the entire Philippines. Okay lang.
I’ll leave it to the mayor and to the chief of police to see to it that I said the presentation for the firecrackers shall be on New Year only and at the — with the supervision of the mayor and the control of the chief of police. Siya lang.
Ngayon, ‘yung mga taga-Bocaue, kung makapagbili kayo nang marami doon sa iba’t ibang probinsiya at siyudad and everybody would be interested really because that is what the community wants, a boisterous and, you know, ‘yung gusto nang putuk-putukan, I will only allow it when it is done by government. Iyon na lang ang ano ko. Mag-ano tayo, mag-compromise tayo.
Sa Davao, I’m sure that the mayor there would insist on a complete… So hindi ko na pilitin ‘yung mga siyudad na ayaw nang magpaputok just like Davao. But for those really who cannot help it either because they want to make their constituents happy and the mayor itself is predisposed to noise and a boisterous welcome new year, eh ‘di ‘yan na lang ang gawin ninyo.
Wala na magpabili sa private ano. Gobyerno na lang at gobyerno lang ang puwedeng magpaputok. That is my… Para hindi kayo mawalaan ng hanapbuhay. You don’t lose the business. And so enjoy also the New Year by ‘yung nakikita mo ‘yung produkto mo pumuputok pero everybody is put on notice that it must be safe. So ang mayor lang pati ang chief of police ang puwede.
Alam mo, sa totoo lang, let me just… Ang isang siyudad, ‘pag ayaw ng mayor, ‘pag ayaw ng mayor ng sugal, ayaw ng mayor ng inuman na ‘yang sa daan — using the public alleys and ‘yung sa sidewalk, diyan kayo mag-inuman — ‘pag ayaw ng mayor ng lahat na ganun na makapabuti, kung gusto ng mayor lahat gawin niya ‘yung makapabuti ng siyudad niya, hayaan mo siya. I am sure when I say that, you know, you can do it only with the participation or only with the government doing it, I’m sure that there are mayors now who have evinced a desire not to.
So continue with this paputok. Gusto nila tapos na rin. So let us respect that decision of the mayor. Sila ‘yung hari diyan sa local government eh. So iyon ang ano ko, that is my cents. And kayong mga taga-Bocaue, kontakin (contact) na ninyo ‘yung lahat ng mga local governments ngayon. Kayo ang mag-supply.
But in the transport of itong mga fireworks, eh pulbura ‘yan, again, you have to go to the police. You have to honor kung anong sabihin ng pulis na in the matter of transporting the… Sa Bocaue ‘yan eh.
Or you can do it in other cities, i-transfer na lang ninyo ‘yung ano ninyo. Or you can go to maybe to the place where the mayor would allow it and establish your whatever a factory ninyo basta malayo lang sa…
It all depends actually on the mayor. ‘Pag ang ano — anong gusto ng mayor sa siyudad niya, ‘pag sinabi niyang ayaw niya, as long it is legal and lawful, ‘pag sinabi ng mayor ayaw niya, talagang iyan ang masusunod. ‘Pag sinabi na niya sa chief of police na, “Iyan gawin mo, ayaw ko nang mag-inuman, ayaw ko ‘yung gambling na ano hantak-hantak diyan.” ‘Pag sinabi ng mayor, the chief of police is duty-bound to do it because siya ang mayor ang may control sa law and order sa lugar niya.
So, it depends actually kung mayor ninyo medyo patamlay-tamlay, so kung ano naman strikto, eh di mas mabuti, kaunti na lang ang sakit ng ulo.
Now, I would like to hear from General Galvez for his report. This is — ganito ‘yan ha, before… Ganito kasi sir eh, this is just all hypothetical. Sabi nitong mga — mga ugok na ano. Ang sabi ninyo una ang tao. Ang unang bakuna para sa tao iyang trina-trabaho ni General Galvez.
Kung totoo man itong sa PSG, hindi ito para sa inyo. Kung ano man ang in-injection nila diyan, anti-malaria or anti — whatever, eh hindi na kayo kasali nito. This is a — a…
Ako nga hindi ko alam eh. Alam ko tapos na. So, hindi ito ho para sa inyo. Huwag kayong mag-yawyaw diyan na, “Oh akala ko ba…” At even if talagang nauna, mauna talaga ang military. Ang military at ang pulis ang mauna kasi ‘pag mawalaan tayo ng pulis pati military, out of control ang bayan.
Una kayo sabay sa military. Sabay-sabay kayo. Iyong mga — ‘yung mga mahirap nasa listahan ng… We will follow the list provided by the DSWD. Ulit ha, hindi ito para sa inyo na mag-yawyaw kayo na, “Akala ba namin kami mauna?” You shut up because General Galvez is working on it. We’ll hear from it now.
SEC. GALVEZ: Sir, Mr. President-Mayor, fellow Cabinet members, mga kababayan, good evening.
Para po sa gabing ito, ako po ay magbibigay ng ulat ng mga updates sa global status ng mga vaccine. Ito pong status nito, ito po ‘yung tinatawag na nabigyan ng mga Emergency Use Authorization para malaman po ng ating mga kababayan na ang kinukuha po natin, inuuna po natin itong mga vaccine na ‘to para maging safe at saka effective na ipapabakuna po natin sa ating mga tao lalo na po sa mahihirap at pati sa ating mga frontliners.
Sa makikita po natin sa Coronavirus tracker, mayroon po tayong more or less 100 po na bakuna na tinitingnan. Forty-four po ang nasa Phase 1, 20 ang nasa Phase 2, 19 ang nasa Phase 3, at ‘yung anim po may limited authorization na po at mayroon po tayong tatlo na approved sa stringent authority.
Idi-discuss ko po ito, Mayor, para po maintindihan ng mga tao.
[Next slide, please.]
Kung makikita po natin sa vaccine timelines, nandito na po ngayon tayo sa January. Kung makikita po natin, nagsimula po ang mga clinical trials noong June at saka July. Nakikita po natin na iyong Sinovac, Sinopharm, AstraZeneca at saka iyong Pfizer, ‘yan ang mga nangungunang nagkaroon ng mga Phase 3 clinical trial.
At nakikita po natin na ang ano po — ang Sinovac at saka ‘yung Sinopharm ay nabigyan po sila ng EUA or ‘yung emergency use for limited use, katulad po ng Sinovac, limited use for tinatawag nating elderly at saka tinatawag nating ‘yung vulnerable sector. Iyong sinasabi nga niyo po, mahal — mahal na Presidente, ‘yung CanSino ay inilaan po ‘yan para sa military. Ang kanyang limited use is for the military at ang Sinopharm ay para po sa general use.
At nakikita po natin ang unang nagkaroon ng stringent regulatory authorization sa US at sa UK ay ang Pfizer. Pumangalawa po ang Moderna at sumunod po ang AstraZeneca.
Pero ito po, last January, para mawala ang ating misconception sa mga Chinese vaccine, noong last January po, ang China po ay nag-approve ng EUA of Sinopharm for general use. Dalawa po kasi ang ginagawa po ng China, ‘yung tinatawag nating emergency authorization for limited use at saka po mayroon tayong emergency utilization for general use. Ang Sinopharm po pumasa na po sa limited use at saka sa general use.
PRESIDENT DUTERTE: Well, your office can give an authority for emergency use. Did you hear me, Attorney Domingo?
FDA DIRECTOR GENERAL DR. ENRIQUE DOMINGO: Sorry po, I did not hear you. Opo.
PRESIDENT DUTERTE: Pwede ka ba magbigay ng emergency clearance for the use of vaccines in the Philippines?
DIRECTOR GENERAL DOMINGO: Sir, for ano for — if it’s going to be a smaller group po, for example po ‘yung PSG, and of course priority naman po talaga nila na kayo ay proteksyunan, then we can give po compassionate special permit for this kasi maliit lang naman po ‘yon and then a hospital can take care of it and a doctor can administer them safely and [garbled] of the people who will be vaccinated.
So for small ano po — small quantities, kahit po wala pang EUA, we can do ano po special permits for that. There’s a way po to ano — to… Naiintindihan naman po natin ‘yung importance po ‘no ng what they do and there’s a safe way to do it if kung gusto po nilang gawin.
PRESIDENT DUTERTE: So, kung wala nang — kung wala nang iba, if there’s nobody who’d like to talk, wala nang idagdag, we will end this meeting and I say, maraming salamat sa inyong lahat. [applause]
— END —