Speech

Talk to the People of President Rodrigo Roa Duterte on Coronavirus Disease 2019 (COVID-19)


PRESIDENT RODRIGO ROA DUTERTE: Ito sila nandito sa table ko manufacturers ito. Every negotiation ibang agreement na naman ‘yan. It does not involve money. But one thing is certain: you cannot divulge the contract price agreed upon.

Tapos isa — nagka-canvass lang ‘yan. Ang akala siguro nitong mga — for lack of a better word, ayaw ko na lang magsalita. Akala siguro nila ‘yung kontrata sa Sinovac, ‘yung kontrata sa Pfizer… Ayan ‘yung sa Pfizer, gusto ninyong Pfizer, kayong mga senador, in Norway, 25 persons died after receiving Pfizer vaccination. Gusto ninyo? Mag-order kami para sa inyo. Iyon ang gusto ninyo paulit-ulit nandito sa article ng Inquirer.

Lahat kayo you apparently… Mas bilib kayo sa… Itong isa, “Senator Risa Hontiveros issued a similar call for the government to follow up Pfizer’s EU on approval of FDA.”

Ngayon, kung kami ang magsalita kung magsalita si ano siya na ‘yung nagpu-push ng Sinovac. Actually, may isa sa inyo nagsabi na ano… Ito ayaw kong ‘yung pa-off tangent na mga tirada ninyo, “Eh bakit ba ito si Duterte Sinovac nang Sinovac?” Hoy, kung sino ka man ganito ‘yan. Long before na pumutok ‘to tumawag na ako kay President Xi Jinping. Tapos sabi ko wala kaming resources, we do not know how to make it. Please do not forget the Philippines. Sabi niya, but please remember that we will first vaccine — vaccinate all of our citizens and they run into billions — at saka ‘yung mga allied ano nila. Mayroon sila… Hindi nga magkasya kasi ‘yung may mga province under their control. Let alone the — ‘yung Tibet, eh in-annex nila, obligado sila diyan.

So ang gawain natin until the last minute. Ito sabihin ulit ni General Galvez sa inyo ‘yan. Hindi iyan mabayaran hanggang hindi dumaan kay Dominguez pati sa akin. Naintindihan ninyo? Walang pakialam diyan… All that Galvez can do is just to come to an agreement as representative or agent of the Republic of the Philippines. He has no say sa bayaran kung saan because it is purely papel. Kunin ng manufacturer ‘yan doon sa mga bangko kasi doon tayo naghiram at diretso ang bayad galing bangko to the manufacturer. Hindi na tayo makialam diyan. And the pricing and the paper will not be final until it is reviewed by the Secretary of Finance kasi siya ‘yung magbayad pati ako. Kung maintindihan ninyo.

So about time na you just — a little bit — i-ano ninyo ‘yang utak sa corruption-corruption. I don’t know why are you so occupied sa mga corruption. Now, maghanap kayo hindi dito, baka sa inyo. Baka sa departamento ninyo, hindi dito sa akin.

The earliest, sasabihin ni General Galvez kung kailan. Siya ‘yung mag-ano — makita mo in — it’s in the newspapers now or is it in the international cable networks. There has been a confusion sa mga health centers. Kaya ako nakita ko na ‘yan — malayo pa nakita ko na how to vaccinate the millions of Filipinos, 110 million.

So makabakuna lang tayo ng mga 70 muna and kaya it will be under the supervision of the police pati military kay ang Pilipino wala talagang disiplina. ‘Pag nandiyan hindi ‘yan magsabi “form a line”. It will not work. Unless there is a police with a stick, diyan pa maniwala. Ganoon ang Pilipino eh. And we have come to live with it. Sa atin natural na ‘yan.

Kaya ako malayo pa sabi ko ito ang gawain ko. Pulis pati military, police station, wala ng pila na malayo, bigyan na lang number. Pagka ano sabihin ko sa pulis, maggawa kayo ng number ‘yung sa cartolina lang. Ibigay mo pagdating doon, “Iyan maghintay ka kung tawagin ka. Find a place where you can take shelter, not under the heat of the sun.” Iyan ang plano ko. Kami man kaya ang Executive department. Kami ang masusunod.

Now, I’m telling now General Galvez ‘yung game plan niya sundin niya. With or without the investigation, proceed and implement what we planned to do kasi pinagpaguran mo ‘yan. Never mind about the investigation kasi mas lalong matagalan tayo kung nandiyan na ‘yung bakuna magdating na. And mind you, bago umalis kahapon dito si Ambassador Xilian — Huang Xilian — sabi niya that on top of that, magpadala sila libre 500 vac — 500,000… [Am I correct?] 500,000 libre.

So unahin itong mga frontliners, mga doctors, nurses, kung sino lang may gusto sa Sinovac. Iyong Pfizer, bahala kayo. Nasa sa inyo ‘yan. Lahat na sinabi ko lalo na ‘yang isang kahig isang tuka, unahin natin ‘yan. Eh wala na ngang katawan eh, walang pagkain. Mas lalong hihina ‘yan kung walang bakuna.

Huwag kayong mag-alala kasi itong gobyerno na ito para ito sa mahirap. Did I not tell you noon? Sinabi ko sa inyo itong gobyerno na ito para ito sa mahirap.

Makita naman kung sino ‘yung binibira ko ‘yon ‘yung hindi bumabayad ng buwis at riding on the popularity because it’s so popular. It’s a fad now to have these kind of shows kung ano-ano but yet abandoning their duty to government. And you ask protection from government in your business. In return, you pay your taxes correctly. You do not pay your taxes correctly, eh iyan ang nangyari sa inyo.

So there will be no opening. I assure you na lahat ng franchise ‘yan hindi i-implement — hindi ko i-implement ‘yan hanggang they settle their full accounts with government.

Wala kang — sabihin lang ninyo na bigyan kayo ng franchise. For all I care, you can have a thousand franchise. You will not see the light of day there until you come to government with clean hands. Ika nga eh, “He who comes [in]to equity must come with clean hands.”

So kaya ‘yung sabihin na maligaya kayo. Wala akong galit. Bayaran mo lang ang gobyerno, ako sasaludo ako sa inyo limang beses in full attention. Hindi ako magalit. Presidente ako eh, ‘yung maliliit na bagay na ganoon personal. But the bigger issue, the bigger picture in the background is really ‘yung mga atraso ninyo sa taxes. Iyan ang totoo diyan.

And no franchise will ever be implemented. Maski na bigyan ninyo ng 5,000 franchise ‘yan. Hindi ko i-implement ‘yan. Settle your accounts with government and… Iyong lupa ninyo na ang binabayad ninyong taxes, you are occupying something like 44,000 square meters, nasa sinubmit (submit) ninyo na mapa ng lupa is four hectares.

Kaya kayong Pilipino, kayo namang galit na galit na galit, hindi niyo alam buti kayo kay mayaman. Iyong mga mahihirap na umaasa lang rin, itong mga vaccine, gobyerno ang maggastos. Akala ninyo ganoon lang kadali.

Sabihan niyo ‘yang amo ninyo, bayaran ang tamang buwis. And before opening, we will have a short — short, very short serious talk. Do not compel me to do something which is not lawful. Just because you give them a franchise, it does not follow that all of their misdeeds in the past are condoned and forgiven.

Iyong — ulitin ko ito, we never imposed anything sa kanino man whether as an individual or a group or a community na magbili ng sariling bakuna. And almost everybody na kilala ko are scrambling to buy itong Pfizer.

Well, to me, I think it’s a good one. If you want to follow the experience of Norway, go ahead, nobody would stop you. But this I can tell you, we never prohibited anybody from buying from government. We are not — we are not selling, we are buying for the people, libre.

Ngayon, kung kayong mga hospital, mga doktor o kung mayaman, gusto ninyong magbili ng inyo, go ahead, do not wait for us. If you have the money, buy it. But dumaan ka lang sa FDA, hindi na dito kay Secretary Galvez. Huwag na sa kanya. Doon kayo sa FDA and finally doon sa Secretary of Health. Iyong pirma ng pinakamataas, importante ‘yan. Iyan ang totoo diyan. So make no mistake about it.

I will now read the — pinapauna ko itong ano kasi itong mga barangay captain, I warned you, pag-umpisa pa lang sinabi ko, do not f*** with this, itong pera sa Pantawid. Iyong panahon ng COVID na namigay ang gobyerno ng pera para sa mga mahirap. Sinabi ko na, lalo na sa barangay level, huwag na huwag ninyong gawin.

Now, ito suspendido muna for six months then maghi-hearing sa kaso mo. If you — if a case is filed against you kasi pera ito eh, either pera na binulsa ninyo o hindi niyo ginamit o kung anong kabalastugan ang ginawa niyo sa pera contrary to my injunction na huwag na huwag ninyong gawain ‘yan.

So from the National Capital Region, ito ‘yung names of 89 barangay captains preventively suspended for six months by the Office of the Ombudsman in relation to the anomalies or irregularities in the implementing — implementation of the Social Amelioration funds. Iyong mga pera na kaya ‘yung ibang mga hindi nakahin — hindi nila natanggap kasi kinontrol.

Sabi ko na nga eh kaya ako nag-warning noon. Ito, preventively suspended kayo. Iyan, in the meantime na naghi-hearing ‘yung kaso, suspended kayo. But eventually, ito puro lahat malversation ito of public funds which is very serious.

I should start from the National Capital Region (NCR): Barangay Captain

  1. Rogelio Atangan – Barangay 9, Zone 2, Pasay City. Implemented last [September] 25;
  2. Leonardo “DJ” Recto – Barangay 11, Zone 2, District 1, Tondo, Manila;
  3. Mario Banal – Barangay 123, Zone 9, District 1, Tondo, Manila;
  4. Nenita Valdez – Barangay Mariblo, San Francisco Del Monte, Quezon City;
  5. Romeo Garcia – Barangay 449, Zone 49, District 4, Sampaloc, Manila;
  6. Ana Liza Rosero – Barangay Teacher’s Village West, Quezon City;
  7. Olivia Suarez – Barangay 181, Zone 19, Maricaban, Pasay City;
  8. Jonas Bartolome – Barangay 418, Zone 43, District 4, Sampaloc, Manila;
  9. Barangay Captain Anthony Magno, Niño, [Niño ito?], Niño Anthony Magno – Barangay 283, Zone 26, [District] 3, Binondo, Manila;
  10. Remedios Reyes – Barangay Sta. Cruz, Pasig City;
  11. Ritchie Poblacion – Barangay Quirino 2-B, Project 2, Quezon City;

From the Cordillera Administrative Region (CAR):

  1. Jimmy Cabiao – Barangay Quimloong, Bucay, Abra;
  2. Dennis Felina – Barangay Luzong, [Manabo], Abra;
  3. George Frederick Obal – Barangay Apatan, Pinukpuk, Kalinga;

Region I:

  1. Jason Dominguez – Barangay Nagsayaoan, Sta. [Maria], Ilocos Sur;
  2. Ariel Cayabyab Hiquiana – Barangay San Vicente, San Jacinto, Pangasinan;
  3. Marino Cabados Cirilo, [Sr.] – Barangay Cadacad, Narvacan, Ilocos Sur;
  4. Elmer Castillo Abenojar – Barangay Guesset, Naguilian, La Union;
  5. Walter Bruan Velasco – Barangay Cablong, Sta. Barbara, Pangasinan;
  6. Angel Oria Sombrito – Barangay Calanutan, Rosales, Pangasinan;
  7. Samuel Fernandez – Barangay Gusing Sur, Naguilian, La Union;
  8. Lawrence Gilbert Delos Angeles -Barangay Balogo, Binmaley, Pangasinan;
  9. Antonio Cachero Delos Santos -Barangay Laslasong West, Sta. Maria, Ilocos Sur;
  10. [Froilando] Fernandez, [11.] Rogelio Fernandez – parehong Barangay Gayaman; itong isa, si Rogelio, Barangay Caloocan [Norte, Binmaley], Pangasinan;
  11. Jesus Dennis Ruiz – Barangay San Isidro, Norte, Binmaley, Pangasinan;

Region II:

  1. Barangay Captain Arnel Quesada -Barangay Yeban Sur, Benito Soliven, Isabela;
  2. Buenvinido Ruiz – Barangay Callangigan, Quezon, Isabela;
  3. Domingo Tagufa – Barangay Balug, [Tumauini], Isabela;
  4. German Vinoya, [Jr.] – Barangay Oscariz, Ramon, Isabela;
  5. Jessie Corpuz –  Barangay Baybayog, Alcala, Cagayan;
  6. Leodines Bautista – Barangay Centro 12, Tuguegarao City;
  7. Samson Ebenga – Barangay Abaca, Dupax Del Sur, Nueva Vizcaya;
  8. Sherwin Cadavona – Barangay Calinaoan Malasin, Sto. Tomas, Isabela;
  9. Wilson Cansino – Barangay [San] Geronimo, Bagabag, Nueva [Vizcaya];
  10. Marlon Abuyuan – Barangay Tallungan, Aparri, Cagayan;

Region III:

  1. [Mario] Abujen Racoma – Barangay Santo Tomas — ah Santo Niño rather, San Felipe, Zambales;
  2. Willie Gutierrez – Barangay Nagpandayan, Guimba, Nueva Ecija;
  3. Lavarnie Pineda Gopez – Barangay Bulaon, City of San Fernando, Pampanga;

Region [IV-A]:

  1. Josefino Malicad, [Jr.] – Barangay II-C, San Pablo City, Laguna;
  2. Gary Remoquillo – Barangay Landayan, San Pedro [City], Laguna;
  3. Rowell Cabuyao Dela Torre – Barangay Ilayang Nangka, Tayabas City, Quezon; [ah hindi ito kay lapis na ‘to eh — pangdagdag];
  4. Rodelio Endaya – Barangay Baybayin, Rosario, Batangas;

Region IV-B:

  1. Aaron Lubina Villareal  –  Barangay Villa Cervesa, Oriental Mindoro;
  2. Lodilito Bandiola, [Jr.] – Barangay Salvacion, Rizal, Occidental Mindoro;
  3. Imee Malabayas [Lara] – Barangay Tumapon, Boac, Marinduque;
  4. Leonardo Narzoles – Barangay Tabi, Boac, Marinduque;

Region V:

  1. Omar Guban – Barangay Batang, Irosin, Sorsogon;
  2. Medel Labayan – Barangay Bayabas, Labao, Camarines Norte;
  3. Allan Nevales – Barangay Bagongbong, Minalabac, Camarines Sur;
  4. Anna Theresa Losiñada – Barangay Lacag, Daraga, Albay;
  5. Camillo Hiloma – Barangay Binisitahan Del Sur, Magallanes, Sorsogon;
  6. Eusebio Lorico  – Barangay Buang, Tabaco City, Albay;
  7. Gresilda Lumawon – Barangay Mahaba, Ligao City, Albay;
  8. Norma Bañadera – Barangay Manaet, Bacacay, Albay;
  9. Roger Cantes – Barangay Carayrayan, Tiwi, Albay;

Region VI:

  1. Tezardo Tejada – Barangay To-oy, Himamaylan City, Negros Occidental;
  2. Kim Piramo – Barangay 19, Bacolod City, Negros Occidental;
  3. Rezel Montero – Barangay San Vicente, Culasi, Antique;
  4. Romeo Sultan – Barangay Salamanca, Toboso, Negros Occidental;
  5. Ruel Sabequil – Barangay Cabungahan, Calatrava, Negros [Occidental];
  6. Tito Dipon Barnuevo – Barangay Linao, Panay, Capiz;
  7. Evelyn Ta-Asan – Barangay 11, Bacolod City, Negros Occidental;
  8. [Noli Villarosa] – Barangay Tangub, Bacolod City, Negros Occidental;

[Ang haba nito.]

[Region VII:]

  1. Rodolfo Simbajon – Barangay Guio-ang, Guindulman, Bohol;
  2. Patricio Soco – Barangay Alang-Alang, [Mandaue City, Cebu];
  3. Ulysses Raganas – Barangay Linao, Talisay [City], Cebu;
  4. Zosima Rojo – Barangay Upper Natimao-an, Carmen, Cebu;
  5. Mario Lamanilao – Barangay Calituban, Talibon, Bohol;
  6. Eugene [Zamora] – Barangay Taloto, Tagbilaran [City], Bohol;
  7. Norman Navarro – Barangay Basak-San Nicolas, Cebu City, [Cebu];
  8. Mercedita S. Uy – Barangay Cancawas, San Jose, Negros Oriental;
  9. Ignacio Cortes – Barangay Centro, [Mandaue City, Cebu];

Region [VIII]:

  1. [Michael] L. Vapor – Barangay Jordan, Villaba, Leyte;
  2. Jenecita [Losaria] – Barangay Catalina, Jiabong, Samar;
  3. Efren Truelda -Barangay 13, Catbalogan City, Samar;
  4. Nathan “BemBem” Gabronino – Sogod — Barangay Zone 3, Sogod, Southern Leyte;
  5. Jebanie R. Rios – Barangay Buenavista, Palompon, Leyte;
  6. Wilfredo Bacarra – Barangay Masagana, Jiabong, Samar;
  7. [Esterlina] Jacobe – Barangay Nasaug, Maasin City;

Region X:

  1. Camilo B. Anduyan – Barangay Tibangan, Iligan City;
  2. Jocelyn B. [Janioso] – Barangay Mabunga, Baugnon, Bukidnon;
  3. Zosimo Lao Zapico – Brgy. Ampinican, Salay, Misamis Oriental;

Region XI:

  1. Maria Te – Barangay Manuel Roxas, Governor Generoso, Davao Oriental;
  2. Josephina Padillo – Barangay Libertad, Bansalan, Davao del Sur;
  3. Aurora [Benemerito] – Barangay Bangkal, Matanao, Davao del Sur;
  4. Noel Alo – Barangay Mayo, City of Mati, Davao Oriental;
  5. Apolonio Toledo – Barangay Harada Butal, Davao del Sur;

Region XIII:

  1. Wilfredo M. Membrillos, Barangay Nong Nong, Butuan City.

Iyan lang ang naibigay sa amin. Ito ‘yung mga… [I’m sorry for the — saka ‘yung mata natin, adre, mahina na.]

Iyong — ito, preventive lang ito. Suspendido ka habang iniimbestiga ka. Then at the end of the investigation, if you are good, then you are exonerated. But if you are guilty, I ask — I am asking now the Ombudsman, I’m requesting, most respectfully requesting the Ombudsman to dismiss him — dismiss them from the service.

At saka ‘yung mga na-crash na chopper, Philippine Air Force sa Bukidnon, I would have wanted to go there. I thought yesterday nasa isang kampo lang. Eh iyon pala napadala na sa mga — ‘yung labi nila sa mga pamilya nila. So, I decided to forgo the trip. But just the same, let me express my deepest condolences sa mga asawa ninyo. And I share your grief. Alam ko kung gaano na lang ganoon ang sakripisyo ng sundalo para sa bayan nila. They died a hero — heroes. He died a hero, they died heroes. And we are giving them the one of the highest awards sa Presidente is the Order of Lapu-Lapu.

Ngayon, ang una nating pasalitain is the man on the ground. Sabihin nila — hindi kasi misteryo ito eh. It’s the practice of the industry na iyang presyo bulung-bulungan muna kasi sa ganitong klaseng pandemic mag-ano ka, you buy like crazy — paunahan. Kung sino ‘yung may pera, mauna mabigyan. Kung sino ‘yung gumawa ng sarili nilang bakuna, natural, ‘yung unang mabigyan ang mga tao nila.

Ngayon, ganito ‘yung practice. Sa ibang nasod may sari-sariling ahente iyan. Ngayon, pamamahala ‘yan kasi law of supply and demand ngayon. Kagaya ng isda sa palengke ‘pag maraming isda, mura iyan. ‘Pag limitado ang isda, mahal.

Ganito ang bakuna. The earliest that we can have it is about two months from now. Iyong ibang — ‘yung ibang bayan na walang pera, wala pa sila.

Ngayon, ganito iyong in-explain sa akin. Kung si Galvez magpunta doon sa A, may sarili ‘yan sila and they sign — and even the Secretary of Health — they sign a memorandum of confidentiality. They cannot reveal the price kasi it will resort na malugi ‘yung iba — in some countries malugi sila, ‘yung ibang countries, hindi pare-pareho.

Gusto nila magka-pareho, halos magka-dikit-dikit ang presyo. Depende kasi iyan kay may mga — may mga ahente pa, bayad ka pa sa ahente, bayad ka pa sa filling, ‘yung nakita mo sa TV na naka-hilera ‘yung bote tapos naka-ganun, filling station. Wala tayo niyan. Kaya kung wala ka niyan, sila pa ang magpi-filling station para sa iyo, mas mahal ‘yan.

But I was assured as early as pag-umpisa nito, this President Xi Jinping, na hindi kita kakalimutan. I will not forget your country. So, hindi kita kakalimutan. Sabi niya, “Do not worry.”

Nandito kahapon si Ambasador ng China, sinabi sa akin, mayroong darating, huwag kayong mag-worry. Ang Sinovac was being used na sa Thailand, Malaysia, Indonesia, Turkey, Egypt, UAE, Abu Dhabi, Brazil. Wala namang nabalitaang patay.

Ang Pfizer ng mga senador, may… [Paano ba sabihin ‘yung 25 sa Tagalog?] Basta 25 — 25 died after receiving their vaccines. So there you are, mamili kayo.

Iyang mag — mag… Siyempre kung makipag-usap ka, mag-canvass ka, mag-usap ka, may pirmahan kayo. Ang akala naman nitong mga senador, iyon na ‘yon. That is the sum total of all this pagka napirmahan ni…

Si General Galvez inutusan lang iyan. Parang ‘yan siyang implementor. Ahe — above — above his head is Año, who is on sick leave; then, Lorenzana.

So, the Task Force will report — si Galvez will make a report to the Task Force. It will be reviewed by the Task Force, including the doctors there at alam nila kung ano ‘yang quirk sa industry bakit ganoon. Then, pupunta kay ano ‘yan Duque. After kay Duque, pupunta kay Dominguez at pupunta kay Duterte. Iyan.

Walang magic diyan. Kaya sabi ko nga eh kayong mga doubting Thomases, kung gusto ninyo, kayo na lang. I-surrender namin lahat ‘yung ano ang so far what we have accomplished. You can form a committee or create a committee by a body — tingnan ninyo ang labas-labasan ganoon rin.

Kaya sabi ko sa mga tao, kayong nakikinig, either maniwala kayo sa amin o maniwala kayo sa akin o maniwala kayo sa kanila. Maniwala kayo sa kanila, you are free to believe them.

So we start with ‘yung pinaka man on the ground will be General Galvez. Tingnan natin kung corrupt ka, General. Sabihin mo nga sa kanila.

PRESIDENTIAL ADVISER ON PEACE PROCESS AND COVID-19 CHIEF IMPLEMENTER CARLITO GALVEZ JR.: Mr. President; Senator Bong Go, our Committee on Health; my fellow Cabinet members; magandang gabi po.

PRESIDENT DUTERTE: Kindly talk all the way ‘yung ano, ‘yung…

SEC. GALVEZ: Sir, ‘yung ano po natin, ‘yung deal po natin talaga pong sinasabi po natin sa ating mga tao, sa ating mamamayan na malinis po ‘yung deal natin. At saka po totoo po kayo na wala po akong hawak na pera.

Ang ginagawa namin dalawa kaming nagne-negotiate, si Usec. Mark Joven. Napakagaling po na tao ‘yan, man of integrity. Number one po ‘yan sa CPA at saka professor po ng UP Law. So dalawa po ang qualification niya. So siya po ang number one sa CPA board at saka po Harvard graduate pa po ‘yan. Magaling po talaga.

So I can assure na talagang siya po ang pinaka-point man na pinili po ni Secretary Dominguez na talaga pong mamuno sa ano sa negotiation team natin in terms of sa legal negotiations.

PRESIDENT DUTERTE: Puputulin kita. Iyon ang pinili ni Dominguez?

SEC. GALVEZ: Yeah, siya po ang pinili po at saka siya po talaga ang nagkakaro — siya po ang talaga nag-a-ano ng mga kontrata sa mga private sectors.

PRESIDENT DUTERTE: Okay. Ikaw pinili kita kasi PMA ka, maganda ang records — sterling records sa military, the hero of Marawi, para makilala ka nila.

Ito si General Galvez ang nagdala ng away doon sa Marawi, kaya doon ko siya nakilala. Sige, na-introduce na kita.

SEC. GALVEZ: Yes, sir. At talaga pong ano, ‘yung negotiation namin si Secretary Dominguez din po ang tumitingin dahil kasi being ano ‘yung pera po niyan ay diniliberate (deliberate) po ng NEDA at talaga pong ano, talaga pong ‘yung mga tao na nandiyan po talaga is talagang maaasahan po natin.

Kasi ang ano po natin din ‘yung tinatawag nating ‘yung sa Asian Development Bank, nandiyan po si Executive Director Paul Dominguez at saka po ‘yung World Bank. Napaka-stringent po ng ano ng ano niyan ng tinatawag na transparency at saka ‘yung anti-corruption clause.

Alam naman po natin na ang ADB more than 26 countries ang namumuno po diyan at talaga pong hindi tayo makakalusot kunwari mayroon tayong iisipin na magkaroon ng tinatawag na mga deals. Malalaman at malalaman po nila dahil kasi ‘yung deal po ng vaccine, lahat po ng deals ng mga vaccine loans sa different countries malalaman po nila kung disadvantaged po tayo.

So ganoon po ang ano, ganoon po ang ano ng ADB. Parang siya po ang third party na fund manager natin na pinangangalagaan din po ‘yung kanilang pera at ‘yung pera natin na ilo-loan po sa kanila. So kaya nga po kumbaga sa ano, triple ano po triple stringent regulation na from us, and then from Secretary Dominguez, tapos dadaan pa po sa inyo, dadaan pa po sa tinatawag nating sa stringent ADB regulation.

So ‘yon po ang ano natin. Wala po tayong hinahawakan na pera. Ang pera po ang magbabayad po bangko. Alam po natin ang transaction ng bangko talagang malinis po ‘yan. Kumbaga sa ano, hindi po tayo makaka — makaka ano, magkakaroon ng tinatawag nating corruption because of the World Bank integrity at saka po ‘yung Asian Development Bank.

Pangalawa po, noong nagkaroon po tayo ng Senate hearing…

PRESIDENT DUTERTE: May I just cut you? What the — ang ibig sabihin ni General Galvez is walang hinahawakan na pera ang Republic of the Philippines, ang gobyerno o sino man.

Ang ibayad natin ay ‘yung hiniram natin sa bangko. Ang magpabili sa atin na manufacturer kunin nila ang bayad hindi sa kamay ni Galvez, hindi sa kamay ni Dominguez, hindi sa kamay ko. Papel lang ‘yan dalhin nila doon sa World Bank tapos ire-remit na nila papel lang rin doon sa kanilang account doon sa manufacturers.

Iyan ho, walang ano ‘yan, walang hao-siao ‘yan. Iyang control sa price na bulung-bulungan kasi marami — law of supply and demand nga eh. Pataas ng presyo. Billion rin ‘yan. Iyang pera na ‘yan billion ‘yan.

Yes, go ahead.

SEC. GALVEZ: I-ano ko po, i-explain ko rin po ‘yung nasa negotiation. Talaga pong ano ‘yung negotiation, tatlong andana po ‘yan. Mayroon tayong tinatawag na CDA or ‘yung non-disclosure agreement, ‘yung term sheet, at saka ‘yung supply agreement. So sa mga andana po na iyon, nakikita po natin na kung talagang magiging disadvantaged tayo or magiging fair ‘yung treatment kaya po talagang nire-review ‘yan.

Iyong kasama po ni ano ni Usec. Mark Joven napakagaling na mga lawyer po. Dati pong mga nasa COA at dati pong nasa ano nasa accounting. So tatlo po ‘yan, tatlo po sa — ah bale apat po sila. Pagka once nagne-negotiate kami, talagang hindi po nag-iiwanan po iyan. So this is a battery of lawyers na talagang — hindi po tayo ano, hindi po tayo maa-alkanse.

At saka po ang ano po, pagka nag-ano po tayo, binababa po natin talaga ang price and then nagmi-meet kami halfway. Nakikita po ng ano talaga na very fair at saka maganda po ‘yang ano, ‘yung negotiation po namin dahil kasi maganda po ang pamumuno ng World Health Organization. Nakumbinse po nila ang mga kompanya na ‘yung corporate responsibility po nila na during this pandemic wala pong profit, Mr. President. No profit po.

Parang napagkasunduan po ng ano, ng World Health Organization, UNICEF, at saka ng Gavi na ‘yung lahat ng mga kompanya na gumagawa ng ano, ng vaccine even though they are investment ano, investment risk, napagkasunduan po nila na talagang no cost o ‘yung tinatawag na no ano, “no profit, no loss” principle kasama po ng mga AstraZeneca at saka po ‘yung Pfizer at saka ‘yung mga iba pang kompanya.

Binibigay po nila na pagka in bulk na mayroon pong mga discounts at ano po iyon… Iyong tanong po ng iba bakit iba-iba po ‘yung prices? Mr. President, nag-iiba po ang prices because unang-una, katulad po ng Sinovac, in-offer-an po tayo ng filling station. Pagka filling station po, kalahati po dapat ang babayaran lang natin dahil tayo po ang magfi-finish. Raw materials dadalhin dito, tayo na po ang magfi-filling station.

Alam ko po ‘yung Thailand mayroon silang ano manufacturing ng AstraZeneca. May capability po sila na manufacturing po doon. Most likely ang ano po, iyong — iyong ano, ‘yung kanilang arrangement is may filling station kaya nakamura po sila.

Pangalawa po, pagka po ‘yung ano, ‘yung product kukunin mo sa manufacturer, mas mura po ‘yon kaysa po ‘yung CIF. Iyong tinatawag na CIF ‘yon pong doon po magkakaroon ng ano, ng turnover doon sa airport na po natin. So ibig sabihin mura po pagka tayo pa ang kukuha kasi ‘yung freight po is 2.5 ano po iyan eh, 2.5 dollars na po ang ano natin sa freight at saka ‘yung storages. Malaki rin po iyan.

Kaya ‘yung sinasabi nila na five dollars very impossible po ‘yon. Kasi nagbasa rin po ako doon sa ano sa Thailand. Iyong isang mayor po ng Thailand bumili po ng ano, ng ano po, ng 70 thou — ng ano, ng 140, 000 vaccine, Sinovac din po  for  70 people. Kinompute (compute) ko po for 100 baht, kinonvert (convert) ko po sa US dollars and then idinivide (divide) ko po ‘yung ano, ‘yung 140, 000 na ano, lumalabas po na ang presyo po is 23.575. Meaning, tama po ‘yung presyo niya kasi ang presyo po ng Sinovac sa market price is nasa ano po, nasa internet 26 ano po, 26 dollars po.

So tiningnan ko rin po ‘yung presyo ng ano ng nasa newspaper ng India at saka po Indonesia at talaga sir parang halos hindi tayo nagkakalayo po. Maganda po ‘yung price. Ibig sabihin, kahit na malaki po ang kinuha ng Indonesia na 160 million, tayo 25 million. Ang ano po, ang deperensiya lang po talagang hindi nagkakalayo po, Mr. President.

So ibig sabihin ‘yung ginawa po natin na ano, na negosasyon napaka-deliberate po at saka maganda po talaga. In fact so — in fact po maipapangako ko po sa ating mga mahal na kababayan na ang lahat ng mga negosasyon at cost, meaning almost no profit. And then noong kinompute (compute) ko po lahat ‘yung ano, ‘yung mga brand, lumalabas po na naka-save po tayo ng 700 million dollars. Seven hundred million dollars po ang na-ano po natin, na-save po natin.

Meaning, ‘yung ano — ‘yung kanyang tinatawag nating ano, ‘yung — ‘yung kanyang offer price naibaba po natin ng halos kalahati. So kaya po ang nangyari po iyong dati po natin, ‘yung plano po namin ni Secretary Duque na 70 million doses umangat po, Mr. President, ng 148 million doses.

Meaning, doon po napapakita na maganda po ang presyo po natin na nakuha. Halos lahat po ng prices na-ano po tayo, advantage po tayo, Mr. President. Nagkaroon din ng issue po sa Malaysia noong 27 December 2020. Hindi lang po tayo ang nagkaroon ng issue pertaining sa non-disclosure agreement. I believe nagkaroon din ng pressure po din sa kanila.

So ito pong ano, ito pong article po na ito na galing po sa Malaysia New Straits Times, ito po ‘yung parang position po ng ano, ng mga lawyers doon po sa ano, sa Malaysia. Unang-una, ang sabi nga po doon sa ano, sa pinaka parang — article, “Vaccine deal at stake if info revealed.”

Meaning, iyon po ang winarn (warn) po sa akin ng ano ng mga company noong nagkaroon po ng parang in the verge na ano, noong first ano, noong first hearing po natin, sinasabi niya, “General Galvez, you should remember that you are in a CDA. Anything that you will disclose even when in public and even in the executive session, they have to follow ‘yung CDA.” Unless, they have to ano — they have also to sign the CDA with us.

PRESIDENT DUTERTE: Excuse me, ito ‘yung tinutukoy ni Secretary Galvez. From Malaysia’s New — New Straits Times, 27 December 2020. “Vaccine deal at stake if info revealed. Breaking the non-disclosure agreement that has been in place between pharmaceutical companies and the government to secure vaccine deal can lead to the cancellation of vaccine delivery, said legal experts.”

“A non-disclosure agreement protection includes protecting medical trade secrets, ‘special prices’ given to a particular country, the timeline of the vaccine, any other involved in recommending or guaranteeing the deal, or any other arrangements. Apart from the issue of damages and inability to obtain the shipment…” kanselado ‘yan eh “…of vaccines, there will be an issue of credibility and reputation that may affect the government.”

Kaya sabihin mo sa kanila na, are we ready or are we ready to break this deal? Sabihin mo gagawin — sabihin ko kung ano na, isabi ko sa iyo. Pero sabihin mo bitawan mo kasi wala — walang katapusan ito. Any other deal that you may enter in the future, again it will suffer a snag because they cannot really wait or they refuse to find out why this peculiar thing about non-disclosure is always included in the preliminary contracts that you sign with the manufacturers.

Hindi naman kailangan ng lecture ng ano ‘yan singko minutos ng mga doktor na may alam. Iyong mga pretenders, hayaan mo ‘yan sila, mas marunong. Kaya sabi ko at the end — at the end, pagkatapos nito lahat and even during ‘yung termino ko, pagkatapos nito lahat, you will see, malaman ninyo kung paano namin kayo pinrotektahan. Kaya itong Pilipinas politika, kung sino lang ang makapusta sa mukha niya diyan sa ano. Iyong mga tawag na “crusader” kuno, mga ganoon, para lang maglabas na malinis sila.

Kaya you know, Secretary Galvez, I’d like to just give you a few hints about life. They always want to appear white. Iyan sila lahat. Gusto nila puti sila eh. And the only way is — alam nila hindi sila puti, pangkaraniwang tao lang rin.Hindi ko naman sinasabi lahat magnanakaw, pero gusto nila pure and pristine sila. What is the easiest way to appear sila as white? They will paint you black. Pipinturahan ka nila ng itim, puputi ‘yan sila. Ganoon ‘yang style diyan. Hindi nakikinig eh.

Ah kung mayroon man, bakit hindi na lang tanungin nila ang — easy sabihin mo ang Executive department is one responsible for executing. Yes, but you can pass a law today, tonight, creating a — an agency especially for this pandemic or any other contracts na gusto ninyo na kayo, kayo ang mag-ano…

Mas — mas — mas hindi kami bugbog — ‘yung reputasyon ni Galvez hindi mabugbog at makuha ninyo. Puro kayo puti. Ganoon lang ‘yan. No need for sarcasm. No need to cast aspersion on the person that you are talking about. And no need to question when you do not know.

The problem is — ito nga eh sabi nila ignorance of the law excuses no one. A little learning kung marunong nga eh, hindi ka ignorante, but if a little learning of anything can be dangerous. Iyan ang… Ibigay natin sa kanila. Mayroon pang dadating na kung anong klaseng pandemic, ibigay mo sa kanila. Ibigay natin. Ako I am offering to — I can order Secretary Galvez now to surrender all — any and all documents and papers relating to COVID-19. Inyo na.

Kayo ang magpatakbo, kayo ang magpabili, tingnan natin ‘yung presyo ninyo. Sige daw. Pero sabihin ninyo kaagad kung magkano ang napag-usapan ninyo so that you will understand from whereof Galvez is talking.

Go ahead, please.

SEC. GALVEZ: Yes, sir. Ang ano po ng ano talaga, sir, noong sinabihan din po ako sir ng mga pharmaceutical companies, kaya po talaga tayo we stand — we respect the ano, the — the agreement is that mawawalan po tayo ng parang integrity at saka po ng credibility sa mga companies.

Iyong lahat po ng mga companies po na iyon aalis, hindi na po sila makapagtutulungan sa atin. And for — forever na mawawala po ‘yung ano, ‘yung supply po ng ano ng vaccine.

PRESIDENT DUTERTE: That is what is being talked here sa — from Malaysia’s New Straits Times. Ito ‘yung nangyari. Kaya magdala ka nga ng kopya, kung sino lang may gusto magbasa — kung basahin nila. Ito ‘yung sinabi mo, mawalaan ka ng integridad.

Kaya hindi lahat ng ano… Ano ito, ballpen? Kung saan ‘yung pagkabili mo kung anong nakalagay na presyo nakadikit ‘yung papel diyan na maliit. Ay naku, talaga ang gobyerno sa Pilipinas. Kaya kayong mga Pilipino, bantayan ninyo ‘yan sila.

At saka papangalan mo — I will name names one of these days. Let’s go to a non-soldier and he will explain to us as if we are all his patients para maintindihan natin. Go ahead, Secretary Duque.

DOH SECRETARY FRANCISCO DUQUE III: Magandang gabi…

PRESIDENT DUTERTE: Paki-Tagalog lang ho lahat all throughout.

SEC. DUQUE: Oho.

PRESIDENT DUTERTE: And remove your — wala, para iyong — you can take off your mask while talking.

SEC. DUQUE: Thank you, sir.

PRESIDENT DUTERTE: Na-sanitize na ‘to. Pero kung suwerte mo na talaga, wala na akong magawa para sa iyo.

SEC. DUQUE: Oho, magandang gabi po, Ginoong Pangulo; and Senator Bong Go, chair of the Senate Committee on Health and Demography; my fellow members of the Cabinet and the IATF; magandang gabi po sa atin pong mga kababayan.

At patungkol lang po doon sa sinabi po ni Secretary Galvez, doon sa issue po ng Confidentiality Disclosure Agreement or non-disclosure agreement, totoo po lahat ‘yung sinabi niya na siya po at ako in the specific — with the specific vaccine, ‘yung Pfizer, pati ako po nakapirma doon sa CDA at pinag-aralan ko po lahat ‘yon.

PRESIDENT DUTERTE: It does — it’s not the final cure-all contract?

SEC. DUQUE: Hindi po, sir, kasi actually it’s one of the three documents that Secretary Galvez signed. As the official representative of the government, he signs into the CDA with the various vaccine manufacturing companies.

At pangalawa po ay ‘yung tinatawag na term sheet agreement. Ito po ‘yung parang allocation, ilan po ang mga posibleng pupunta ang volume ng bakuna sa — kailan darating, ganoon po.

Iyong pangatlo pong dokumento ay ‘yung supply agreement po, Mr. President. Ito na po nakalagay magkano ‘yung presyo, ano ‘yung bibilhin, gaano kadami, ano po ‘yung mga detalye, nandiyan po nakalagay lahat. Pero while we — kami po ay nasasakupan nung Confidentiality Disclosure Agreement ay hindi po talaga kami puwedeng magsalita kung magkano ‘yung mga figures o ‘yung halaga, ‘yung mga data, ‘yung volume, ‘yon po.

So ‘yon lang po ang masasabi ko, talagang nagpupursigi po at nagpupunyagi ang inyo pong mga opisyal, Mr. President, na maging maayos po ang lahat ng ating negosasyon. At pagka ito po naman ay nag-umpisa na ‘yung bakunahan, na-roll out na po natin, ay ‘yan naman po lalabas din sa publiko, lahat-lahat po ng napag-usapan, which was initially covered under the provisions of the CDA at saka ‘yung mga iba pa pong mga dokumento.

So ang sa akin lang po, pagkatiwalaan naman po natin ang mga opisyal ng ating gobyerno dahil talaga naman pong ipinaglalaban ang interes ng mamamayan at interes po ng gobyerno sa ilalim po ng pamunuan ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte.

At siya — si Pangulo po mismo ang talaga naman nagkakampiyon ng tinatawag natin maayos na pamamahala or governance that is characterized as one with accountability, transparency at talaga pong ‘yan ang pinangangalagaan ng atin pong Pangulo at ng kanyang administrasyon.

So maniwala po kayo, magtiwala po kayo sa inyo pong gobyerno at ginagawa po natin ang lahat para maisulong ang interes po ng taong-bayan.

PRESIDENT DUTERTE: So… Mga kaibigan marami pa sana akong sabihin pero nakalimutan ko kasi. Ang haba kasi itong mga barangay captain na ano eh. Eh itong mga barangay captain sinabi ko na nga eh, alam ko kasi pera. That’s why I said — dito, dito ako nagsabi, “Huwag na huwag ninyong guluhin ‘yan.” O ngayon?

Alam mo ang masakit diyan? When they are finally dismissed, it will always carry, the — it will always carry the — the dismissal will always be accompanied by statement that you are no longer eligible for public office. Iyan ang masakit diyan. Hindi ka na puwedeng tumakbo maski water boy sa barangay mo. Iyan ang ano…

I told you before and I’m telling you again right now, huwag na huwag na nga kasi naghahabulan kami dito kung sino talaga ang maka-una na maka-amoy at mag-imbestiga at magdemanda.

But for those who are in the service of the people, in all good faith, kagaya ng mga sundalo nating namatay sa crash. To their families, I said, I share my grief again. [Ikinalulungkot] ko ho ang nangyari pero… Let’s just pray to God that… Maybe I can have a one-minute silence from everybody and let us pray for those who died in that helicopter crash.

At may they rest in peace. Sa pamilya, my message is — my message is hindi ko kayo pababayaan. We have a very good — something that would crop up like this, you will not be abandoned. Alalayan ko kayo.

Sa mga kababayan ko, I hope that you have learned something from us that’s useful for you to understand government.

Maraming salamat po. [applause]

— END —